You are on page 1of 12

Click icon to add picture

MGA PAHAYAG SA
PAGBIBIGAY NG
SARILING PANANAW
Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan ang
pagpapahayag ng sariling pananaw o
opinyon. Kailangang matutuhan mo kung
gayon ang mabisang paraan ng
pagsasagawa nito.
Narito ang ilang mga Pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng sariling pananaw:
Ang masasabi ko ay …
Ang pagkakaalam ko ay …
Ang paniniwala ko ay …
Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita

Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil …
Narito ang ilang mga Pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng sariling pananaw:
Kung ako ang tatanungin …
Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
Mahusay ang sinabi mo at ako man ay …
Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon sa
aking pananaw subalit …
Narito ang ilang mga Pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng sariling pananaw:
Para sa akin …
Sa aking palagay …
Sa tingin ko ay …
Tutol ako sa sinabi mo dahil …
Narito naman ang ilang paalalang dapat isaalang-alang
sa pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon:
Ilahad ang pananaw sa maayos at
malumanay na paraan kahit hindi sinasang-
ayunan ang pananaw ng iba. Iwasang magtaas
ng boses o maging sarkastiko at makasakit sa
damdamin ng kapwa. Laging tatandaan ang
isang kasabihang Ingles na nagsasabing “You
can disagree without being disagreeable.”
Narito naman ang ilang paalalang dapat isaalang-alang
sa pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon:
Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap.
Ipakita mo pa rin ang interes at paggalang
kahit hindi kayo pareho ng pananaw o
opinyong pinaniniwalaan. Maiiwasan din ang
pagiging mapanghusga kung makikinig muna
tayo sa panig ng bawat isa.
Narito naman ang ilang paalalang dapat isaalang-alang
sa pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon:
Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o
pumanig sa iyong pananaw o paninindigan
kung may matibay siyang dahilan para
maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw.
Narito naman ang ilang paalalang dapat isaalang-alang
sa pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon:
Mas magiging matibay at makakukumbinsi sa iba
kung ang pananaw o paninindigang iyong
ipinaglalaban ay nakabase sa katotohanan o kaya’y
sinusuportahan ng datos. Makabubuti ang pagiging
palabasa at pag-alam sa mga isyu upang
magkaroon ng higit na laman ang iyong
ipahahayag at hindi basta nakabase lang sa
personal mong nararamdaman o iniisip.
Narito naman ang ilang paalalang dapat isaalang-alang
sa pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon:
Gumamit ng mga pahayag na simple para
madaling maintindihan ng mga tagapakinig
ang iyong opinyon o pananaw. Kung sakaling
magpapahayag ka sa isang pormal na
okasyon, gumamit ka rin ng pormal na
pananalita at huwag mong kalilimutang
gumamit ng katagang po at opo.
PERFORMANCE TASK #2
BY GROUP
Pumili ng isang isyu sa kasalukuyan at gawan ito ng iskrip
gamit ang mga “Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling
Pananaw”
Ipresenta ito sa pamamagitang ng “Talkshow”, hindi
bababa ng 5 minuto at hindi susubra ng 10 minuto.
Deadline: ika-1 ng Oktobre, 2021
Ipost ito sa facebook
pamantayan
Malinaw na usapan ----------------- 10 puntos
Kaangkupang ng mga salita ------------- 10 puntos
Pagkamalikhain -------------------- 10 puntos
Orihinalidad ------------------------- 10 puntos
May nabuong impormasyon ------------- 10 putos
Kabuuan ----------------------------- 50 puntos

You might also like