You are on page 1of 8

Mahalagang bahagi ng ating pang-

araw-araw na pakikipagtalastasan ang


pagpapahayag ng sariling pananaw o
opinyon. Kailangang matutuhan mo kung
gayon ang mabisang paraan ng
pagsasagawa nito. Mababasa sa ibaba ang
ilang mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng sariling pananaw.
Ang masasabi ko ay
Ang pagkakaalam ko ay
Ang paniniwala ko ay
Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita
Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil
Kung ako ang tatanungin
Para sa akin
Sa aking palagay
Sa tingin ko ay
Tutol ako sa sinabi mo dahil
Maaari po bang magbigay ng aking
mungkahi?
Maaari po bang magdagdag sa sinabi
ninyo?
Mahusay ang sinabi mo at ako man ay
Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon
sa aking pananaw subalit
Ilang paalalang dapat isaalang-alang sa pagbibigay
ng sariling opinyon
Ilahad ang pananaw sa maayos at malumanay na
paraan kahit pa hindi sinasang-ayunan ang
pananaw ng iba.
Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap
Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o
pumanig sa iyong pananaw o paninindigan kung
may matibay siyang dahilan para maniwala sa
kasalungat ng iyong pananaw.
Mas matibay at makakukumbinsi sa iba
kung ang pananaw o paninindigang
iyong ipinaglalaban ay nakabase sa
katotohanan ng datos.
Gumamit ng mga pahayag na simple
para madaling maintindihan ng mga
tagapakinig ang iyong opinion o
pananaw.
Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa
pagbibigay ng sariling pananaw (F10WG-Ic-d-59)
Maraming Pilipino ang nangingibang-bansa
upang doon maghanapbuhay. May mga
kabutihang naidudulot ang ganitong kalakaran
subalit maraming suliranin din ang maaaring
ibunga nito sa pamilya at sa lipunan. Maglahad ng
iyong sariling pananaw kaugnay ng isyung ito
gamit ang mga pahayag sa ibaba.
1. Sa aking palagay _______________
2. Para sa akin, ang pag-alis sa bansa para
magtrabaho ay _______________
3. Kung ako ang tatanungin ______________
4. Ayon sa nabasa/napanood/narinig ko ay
_______________
5. Hindi ako sumasang-ayon sa _______________

You might also like