You are on page 1of 16

NOLI ME TANGERE

QUIZ
I. TALASALITAAN:
A.PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA SALITA:
Panuto: Ayusin ang ginulong titik upang mabuo
ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Isang langkay ng mga binata at dalaga ang
makikitang naglalakad patungo sa gubat ng mga
Ibarra. RPOUG
2. Kaaya-ayang tanawin ang buong paligid ng
bayan mula sa itaas ng simboryo ng simbahan.

TUKKOT
3. Pinigil ng mga ina na huwag mag-ingay ang
kanilang mga anak upang hindi makabulahaw.
BROTISAKAMO

4. Madilim pa nang sila’y lumakad kaya kailangan


ng huwepe upang makita ang daraanan.
ALN GAN WAP
5. Ayon kay pari Salvi ay wala nang balakid
sapagkat hindi na ekskomulgado si Ibarra.
B LAA G S A
MARAMIHANG PAGPIPILI: Basahing mabuti ang
mga pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot
sa mga pamimilian.
6. Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak noong
a.Hulyo 19, 1861 b. Hunyo 19, 1861
c. Disyembre 30, 1861 d. Hunyo 19, 1681

7. Ang pamagat na Noli Me Tangere ni Rizal ay


salitang ____________.
b.Griyego b. Latin c. Kastila d. Pranses
8. Ayon kay Pari Damaso, dapat ipagbawal ng
pamahalaan ang pangingibang-bansa ng
kabataang Pilipino sapagkat ito ay sanhi ng
a. paglaki ng kanilang ulo.
b. pagbagsak ng kanilang korporasyon.
c. pagdami ng erehe at pilibustero.
d. walang saysay na paglulustay ng
salapi.
9. Sinasabing kasundo ni Kap Tiyago ang
pamahalaan sapagkat siya’y
a. nakikiisa sa mga proyekto ng
pamahalaan.
b. malakas magregalo sa mga
maykapangyarihan.
c. sumusunod sa lahat ng mga batas.
d. nagbabayad ng mga pahayagang
pumupuri sa pamahalaan.
10. Ang pagsasabi ni Pari Damaso na
mangmang at pabaya ang mga indiyo ay

nangangahulugan ng
a. lubos na pagkakilala ng mga pari sa
mga indiyo.
b. kawalan ng paggalang sa may handa.
c. walang takot sa pagsasabi ng
katotohanan.
11. Ang ginawang pagpapakilala ni Ibarra sa
sarili sa kaginoohan ay
a. pagpasok sa kanilang bayan ng isang
kanluraning kaugalian.
b. pagsasagawa ng kanyang natutuhan.
c. pagtatakip sa kanyang pagkapahiya.
d. pangangailangan ng sitwasyon.
12. Pumunta sa ibang bansa si Ibarra upang
a. magliwaliw. c. maglakbay.
b. magpakadalubhasa d. lalong magpayaman.
13. Si Crisostomo Ibarra ay sagisag ng kabataang
a. masigla’t malusog c. may ambisyon sa buhay
b. may pagmamalasakit d. maunlad ang pag-iisip

14. Siya ang pinakamayaman sa San Diego o


pinagkakautangan ng loob ng lahat ngunit
tinalikdan nang nasa kagipitan.
a. Tenyente Guevarra b. Don Rafael Ibarra
c. Kap. Tiyago d. Alperes
15. Ang pagkabaliw ni Sisa ay
paghahalintulad sa
a.kahinatnan ng isang taong may
talunang loob.
b.kahinaang-loob ng tao.
c.pagkahabag ng langit sa kanya.
d.Lunas sa matinding pighati.
16. Ang pagbibigay ni Maria Clara ng
relikaryong ginto bilang limos sa
ketongin ay nagpapahiwatig ng
a.lalong mahalaga ang pagtulong sa maysakit
kaysa sa bagay na material.
b.walang pagpapahalaga sa handog ng
kanyang ama.
c.labis-labis ang alahas ng dalaga.
d.ang isang maysakit na nilayuan ng madla ay
karapat-dapat sa pagkalinga sa kapuwa.
17. Ang karanasan ni Pari Salvi, ang
makinig nang lihim sa usapan ng iba
ay patunay na
a. walang maririnig na mabuti tungkol
sa sarili.
b.maraming lihim ang malalaman.
c. litaw na litaw ang katotohanan.
d. ibaon man ang kasamaan, ito’y
umaalingasaw.
18. Ayon kay Pilosopo Tasyo, ang
pagsasaya ay
a.di nangangahulugan ng paggawa ng
mga kabaliwan.
b.pagtakas sa katotohanan.
c.mabisang lunas ng kapighatian.
d.Nakapagbubuklod sa tao sa isang
layunin.
19. Sinabi ni Elias kay Ibarra, “Kailangang
kayo’y mabuhay.” Ito’y
nangangahulugang si Ibarra ay
a.may magandang hangarin sa buhay.
b.may sisingilin sa bayan at sa
pamahalaan.
c.walang tagapagmana sa kanyang
maiiwang kayamanan.
d. kailangan ng bayan at ng mga
mamamayan.
20. Pinagbawalan ni Kap. Tiyago si
Maria Clara na makipagkita kay Ibarra.
Ito’y nangangahulugan na
a.panghihimasok sa suliranin ng puso ng
anak.
b.Pag-alis ng magulang ng karapatan ng
anak.
c.Pagmamalasakit ng magulang sa anak.
d.Pakikialam kung sino ang nararapat
pakasalan/ibigin ng anak.
Bilang isang kabataan, paano
mo maisasabuhay ang mga
katangian ni Elias? Kakayanin mo
rin bang magsakripisyo para sa
iyong minamahal o para sa ating
bayan? Sa paanong paraan?

You might also like