You are on page 1of 10

KABANATA 11: ANG MGA MAKAPANGYARIHAN

MGA TAUHAN AT GINAMPANAN:

Padre Bernardo Salvi - batang pransiskanong pumalit kay Padre Damaso


at may lihim na pagtingin kay Maria Clara

Ang mga Kura - isa rin sa mga makapangyarihan sa bayan ng San diego.
Maihahalintulad sila sa Santo Papa na nasa Vatican.

Ang Alperes - pumapangalawa sa Kura sa pinakamakapangyarihan sa San


Diego. Nagkaasawa ng isang Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig
maglagay ng kolorete sa mukha. Maihahalintulad siya sa Hari ng Italya ang
namumuno sa Kirinal.

Kapitan o goberadorcilio - bagamat pinuno ng bayan, siya ang


makapangyarihan. Bagamat masalapi siya ibinibilang na makapangyarihan.

Alkalde mayor - inuutos lang sa kanya ang mga dapat gawin ng tunay na
naghahari sa San Diego. nagbayad lamang siya ng dos para makuha ang
posisyon.

Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo. Bagamat pinakamayaman sa


buong lalawigan, hindi siya kinikilala na makapangyarihan.

Naunawaan sa kabanata 11:

Wag maging madamot sa kong anong meron ka,kung mayaman ka ay mag


bahagi ka sa iba.Mahirap ka man ay lagi mong tandaan na wag maging
madamot,kung ano ang ibinigay ng dios sa atin ay ibahagi din natin sa
iba.Kung marunong kang tumanggap ay dapat marunong karing
magbigay.

ARAL:

Panatilihin ang kababaan ng loob. ibahagi mo sa iba ang bagay na kung


anong mayroon ka ,materyal man o hindi.
Kabanata 12:ang mga patay

Mga tauhan at ginampanan:

Ang datihang Supulterero – katulong sa paghuhukay ng bagong


supulterero ang natatawa lang sa kanyang kasama dahil halatang takot at
nangdidiri sa kanyang ginagawa ang kanyang kasama, siya ang nag kwento sa
kanyang kasama na dati ay naghukay sila ng bangkay nab ago pa inutos ng
isang matabang pari.

Ang bagong Supulterero- ang nagrereklamo sa kanyang ginagawa,


sapagkat nandidiri siya padura dura siya sa pangdidiri inaaya niya na lumipat
sila ng hinuhukay dahil ayon sa kanya ay hindi siya makakatagal doon
sapagkat, siya rin ang nagsabing titigil na siya sa paghuhukay itinapon ang
kanyang pala at patalong umahon sa hukay nabasag daw ata niya ang
bungong hinuhukay niya baka daw hindi siya makatulog, takut na takot ito at
panay ang pangunguros.

Isang matandang lalaki -Siya ang pandak na matandang lalaki na


naghahanap naman ng bungo ng kanyang asawa.

Naunawaan sa kabanata 12:

Kaugalian ng mga Pilipino ang ilibing kung sino man sa


kanilang pamilya o kaanak ang namatay.

Aral:

Isa mga kaugaliang pinagyayaman ng mga Pilipino ay ang


paggalang sa kanilang mga yumao, sa kabanatang ito ang ikinaiba o
ikinatangi ng tao sa animal . Ang mga animal ay hindi naglilibing ng
kanilang mga yumao. Itinuturing din na kasalanan ang di
paggalang sa bangkay.
Kabanata 13: mga unang banta ng unos

Mga tauhan at ginagampanan:

Crisostomo Ibarra-Nagtungo sa sementeryo upang dalawin ang


labi ng kanyang ama na si Don Crisostomo Ibarra

Padre Salvi- Napagbintangan ni Ibarra na nagpahukay sa labi ni


Don Crisostomo Ibarra at dalahin sa libingan ng Instik.

Padre Damaso-Isa sa matapang na pare na nagpahukay sa labi ni


Don Crisostomo Ibarra. Siya ay kung tawagin ay Padre Garote

Utusan-kasama ni Ibarra pumuntang sementeryo upang dalawin


ang ama.

Sepulturero-Napagtanungan ni Ibarra tungkol sa pwesto ng


libingan ng ama ni Ibarra

Naunawaan sa kabanata 13:

Wag magpadalos-dalos,at wag magbintang kung walang


matibay na ebedinsya.

Aral:

Huwag magbintang sa kapwa kung hindi kapa nakatitiyak na siya


ang may sala.
Kabanata 14 : SI TACIO

MGA TAUHAN AT GINAGAMPANAN:


Don Anastacio o Tasyo-Dati siyang estudyante noon ng pilosopiya ngunit napahinto sa kanyang pag-
aaral dahil sa pagsunod sa kanyang may edad na ina, ang pagtigil niyang iyon sa pag-aaral ay hindi
nangangahulugan na wala silang salapi o hindi siya magaling, Natatakot lamang ang kanyang ina noon na
baka sa ka -aaral ng kanyang anak ay malimutan na nito ang diyos kaya naman pinapili siya ng kanyang ina
magpapari siya o titigal sa pag-aaral mas pinili ni Pilosopo Tasyo ang huwag mag-aral at pinakasalan ang
kanyang babaeng pinaka mamahal , ngunit sa di inaasahan ay magkasunod na pumanaw ang kanyang asawa
at ang kanyang ina, nang mag-isa na sa buhay ay nilibang na si Tasyo sa pagbabasa upang hindi niya maalala
ang pangungulila sa nangyari sa kanyang buhay.

Ang Alkalde-Ang nakasalubong ni Tasyo at napag usapan nila ang tungkol sa bagyo, tinatong din niya
kung bakit gusto ni Pilosopo Tasyo na umulan kung liligo daw ba ito sabay tingin sa maruming kasuotan ng
matanda.

Ang dalawang batang lalaki na magkapatid-Ang dalawang batang magkapatid na tinutukoy


dito na nakita ni Pilosopo Tasyo sa simbahan na sinabihan niya na kung sasabay na pag-uwi sapagkat pinag
luto sila ng kanilang ina ng hapunang pang kura ay walang iba kundi sina Basilio at Crispin.

Ang magtretrenta-anyos na kaibigang nangangastila-Ang natanaw ni Tasyo sa bintana na


nagbabasa ng isang aklat at tinanong kung ano ang aklat na binabasa nito, Tumugon naman ang isa na iyon
daw ang aklat na kailanagn basahin ng lahat sapagkat ito ay may pamagat na “ Tinitiis ng mga banal na
kaluluwa sa Purgatoryo”

Don Filipo Lino-Ang Bise alkalde ng bayan. Ang nagsabi kay tasyo na dumating na ang binatang anak ni
Don Rafael at hinahanap daw nito ang labi ng ama, tinanong pa nito kung nakita daw ba ni Tasyo ang binata.

Donya Teodora Vina-Ang asawa ni Don Filipo Lino ang nagtanong kay Pilosopo tasyo kung nagpa misa
daw ba siya para sa pumanaw niyang asawa.

NAUNAWAAN sa kabanata 14:

Dapat marunong tayong umunawa sa mga taong may lalim na


kaisipan.hindi porket hindi natin sila maintindihan ay kukutyain at hindi
na natin sila tatanggapin.

Aral:

Hindi dahil hindi natin maintindihan ang isang tao ay hindi na dapat natin sila
tatanggapin. Kinukutya natin ang mga taong malalim mag-isip o inihihiya ang mga taong
intelektwal dahil hindi natin sila maunawaan ng lubos. Mali ito. Hindi ito dapat
nangyayari sa lipunan.
kabanata 15; mga sakristan

mga tauhan at mga ginagampanan;


Si Crispin- ang nakababatang kapatid ni Basilio na isa ring sakristan. Sa kanyang batang edad ay
natuto siyang maghanap – buhay upang makatulong sa kanyang ina na kumita ng pera.
Naakusahan siyang nagnakaw ng dalawang onsa kaya naman pinarusahan siya ng sakristan mayor.
Hinila siya pababa ng hagdan patungo sa isang bahagi ng simbahan na madilim kung saan siya
pinagpapalo.

Si Basilio- ang panganay sa magkapatid na sakristan. Nagkamali siya ng pagpapatunog sa


kampana kaya naman lalong nagalit ang sakristan mayor at pinigilan siyang umuwi hanggang ika –
sampu ng gabi. Sa labis na takot ay tumakas ito ng pagbuntunan ng sakristan mayor ang kanyang
kapatid na si Crispin. Sa labis na awa sa kapatid ay napatangis na rin ito at tulala na umalis ng
simbahan baon ang mga pag - iyak ng nakababatang kapatid.

Si Pilosopo Tasyo o Don Anastacio -ay anak ng isang mayaman ngunit sa labis na
katalinuhan ay madalas na tawaging wala sa katinuan o pilosopo ng mga tao sa paligid niya. Siya
ang hingian ng payo ng mga taong nais makarinig ng malalalim na paliwanag ukol sa kanilang mga
suliranin.

Si Sisa- ang ina ng dalawang batang sakristan na naghanda ng masarap na hapunan para sa mga
ito. Sapagkat hindi siya pinalad na magkaroon ng responsableng asawa kaya naman maagang
tumanda ang itsura nito dala ng labis na pagtatrabaho. Masipag at matiising babae si Sisa kaya
naman isa si Pilosopo Tasyo sa mga humahanga sa kanyang pagiging mapagmahal na ina at asawa.

Ang sakristan -mayor ang nagbigay ng parusa sa dalawang batang sakristan kaya napuno ng
pasa ang katawan ni Crispin samantalang si Basilio naman ay umuwing humahangos.

Si Pedro- ang pabayang asawa ni Sisa at ama ng dalawang batang sakristan. Kilala siya bilang
mabisyo, mahilig sa sabong, at mahilig sa alak.

Naunawaan sa kabanata 15:

Huwag tayong manakit sa ating kapwa nato lalo na sa mga


kabataan,dapat tayo ang unang umunawa sa kanila at gabayan sila
patungo sa tamang landas.

Aral;

Huwag tayong mananakit lalo na sa mga kabataan, dapat sila ay ating ginagabayan kung meron
man silang nagawang mali ay sabihan natin sila ng maayos, huwag natin silang agad saktan
sapagkat bilang nakatatanda dapat natin silang gabayan sa lahat ng oras dahil mga bata pa sila.
Kabanata 16: si sisa

Mga tauhan at ginampanan:

Sisa-Siya ang ulirang ina nina Basilio at Crispin. Siya ay isang mabuting ina sa kanyang mga
anak. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking iresponsible sa buhay. Suya ay isang martir na
asawa na di kayang ipaglaban ang mga anak sa harap ng asawa at walang kalaban-laban sa
pagmamalupit ng asawa. Sa kabanata 16, siya ay isang butihing inang naghanda ng mga
paboritong pagkain ng mga anak habang hinihintay ang pag-uwi ng mga ito sa trabaho
bilang sakristan.

Pedro-Siya ang batugang ama nina Basilio at Crispin na asawa ni Sisa. Siya ay isang
lalaking sugarol at walang paki-alam sa kanyang pamilya. Umuuwi lamang siyang kumain
at guluhin ang pamumuhay ng kanyang pamilya. Isa siyang lalaking tamad at iresponsible
sa kanyang pamilya.

Crispin-Siya ang bunsong kapatid ni Basilio na anak ni Sisa. Kasama siya ni Basilio bilang
sakristan. Siya ay pinagbintangang may ninakawa kaya't hindi siya pinauwi sa kabanata
habang ang ina ay nag-aalala.

Basilio-Siya ang panganay na anak ni Sisa na kapatid ni Crispin. Isa siyang sakristan
katulad ni Crispin. Humahangos siyang umuwi sa Kabanata 16 upang ipamalita sa kanyang
ina ang nangyari kay Crispin sa kumbento.

Pilosopo Tasyo-Siya ay isang taong galing sa mayamang angkan. Siya ang nagbigay ng
mga pagkain na ihahanda ni Sisa para sa mga anak na sa huli ay kinain ng asawang si Pedro.

Naunawaan sa kabanata 16:

Tama nga ang sinasabi ng iba na walang lihm na hini nabubunyag,mas


maganda kung magsasabi tayo ng totoo dahil may kasabihan nga na THE
TRUTH WILL SET YOU FREE.

ARAL:
Ang pagsisinungaling ay maaaring magdulot ng kapahamakan.Sa planong
pagsisinungaling ni Crispin sa sana ay nangyari na lamang ang mga hindi naman niya
ginawa, ito ay narinig ng sakristan mayor at inakalang totoo ang kanyang mga sinabi at
doon ay nagsimula ang pagpapahirap na pisikal sa kanya. Mas mabuti kung ang mga
sasabihin natin ay pawang katotohanan at kabutihan lamang upang hindi tayo malagay sa
kapahamakan.

KABANATA 17: SI BASILIO


MGA TAUHAN AT GINAGAMPANAN :
Basilio-Ang nakatatandang kapatid ni Crispin na tumakas mula sa kumbento ngunit nag
lihim sa ina ng buong pangyayari sa sinapit nilang magkapatid sa kumbento.Ayon sa kanya
kaya siya nagka sugat sa noo ay dahil nadaplisan siya ng bala ng habulin at barilin siya ng
mga sundalo, nakiusap din siya sa kanyang ina na ipaglihim sa mga kapit bahay na hinabol
siya ng mga sundalo bagkus ay sabihin nalang na nahulog siya sa puno kaya siya
nagkasugat sa noo.

Sisa-Ang ina nina Crispin at Basilio Ang labis na nag-aalala kay Basilio ng dumating ito ng
bahay na may sugat sa noo, ang nalulungkot dahil hindi kasama sa mga pangarap ng
kanyang anak na si Basilio ang kanyang asawa.Hindi rin siya makatulog ng gabing iyon
dahil sa labis na pag-aalala

Crispin-Ang nakababatang kapatid ni Basilio na naiwan sa Kumbento ang


pinagbintangang magnanakaw, ang nakita sa panaginip ni basilio na pinahihirapan ng Kura
at sacristan mayor.

Pablo-Ang nagkasakit ng malubha dahil sa matagal na paloat hambalos na ipinarusa sa


kanya sa kulungan

Mga sundalo-Ang humabol umano kay Basilio at nagpaputok sa kaniya kaya siya ay
nagkasugat sa noo dahil nadaplisan siya ng bala dito.

Naunawaan sa kabanata 17:

Dapat nating mahalin ang ating magulang bago mahuli ang lahat,mag
sikap para makapag tapos at masuklian ang hirap n gating mga
magulang.

Aral:
Sa murang isip ni Basilio nangarap na siya na siya na ang bubuhay sa kanyang ina at
kapatid na si Crispin sa pamamagitan ng pamamasukan bilang pastol daw sa mga at
kalabaw ni Crisostomo Ibarra.Pag aaralin nya si Crispin at pagtatapusin nya ito biang
isang doctor, Ipinakikita dito ang pagiging matatag ng isang bata sa kabila ng kanilang
paghihirap na nararanasan hindi siya nawawalan ng pag-asa sa buhay.isang batang labis
ang pagmamahal sa ina at kapatid,isang batang kahit siya ang magtiis at magdusa ay
gagawin nya alang alang sa kanyang pamilya.

Kabanata 18: mga kaluluwang naghihirap


Mga tauhan at ginagampanan:
Padre Salvi - ang kasalukyang kura ng San Diego, mailap at malungkot na
pari

Sisa - ina nina Crispin at Basilio, asawa ni Pedro. Sa dulong parte ng kabanata
ay pumunta sa simbahan nagdala ng mga gulay at nagtanong kung nandoon
ang kanyang anak na si Crispin, umiiyak siyang umuwi ng malamang wala
doon ang kanyang anak.

Kusinera - malupit na pinagsalitaan si Sisa batay sa paraan nito ng


pagpapalaki sa mga anak at sinabing tumakas sa kumbento si Crispin.

Pedro, Rufa, Sipa at Hermana Juana - mga miyembro ng


kompraternidad na pinagtalunan ang Indulgencia Plenaria

Naunawaan sa kabanata 18:

Maraming Pilipino ang relihiyoso marami ring hindi pero para


sa akin magkaiba man ang relihiyon ay iisa naman an gating
panginoon at yun ay ang nasa itaas.

Aral:

Sa kabanatang ito ay makikita ang mga paniniwalang pang relihiyon nating


mga Pilipino , Isang kamangmangan ang naniniwala sa indulgencia iyan ang
nais iparating ng awtor sa atin ang mga sapagkat ito raw ang siyang tanging
kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatory. Para sa aking sariling
pananaw hindi ang mga pagababayad sa dasal ang makakaligtas sa ating mga
kaluluwa, tayo ay huhusgahan n gating panginoon sa ating mga gawa noong
tayo ay nabubuhay pa, kaya nga habang tayo ay nandito sa mundong ibabaw
gumawa tayo ng mga kabutihan sa ating kapuwa matuto tayo na mamuhay ng
simple at may takot sa ating panginoon upang pag dumating ang paghuhusga
sa atin ng panginoon ay hindi tayo matatakot humarap sa kanya, pagkat alam
natin sa ating sarili na tayo ay mabuting nilalang dito sa ibabaw ng lupa.

Kabanata 19: mga suliranin ng isang guro

Mga tauhan at ginagampanan:


Ang binatang guro- ay ang gurong nakasaksi ng pagtapon ng bangkay ni Don Rafael sa
lawa. Isa siya sa mga natulungan ng ama ni Ibarra kaya naman nais niyang mabigyan ng
katarungan ang nangyari dito.

Si Crisostomo -Ibarra ay ang binatang nagmula sa Europa na anak ni Don Rafael at nais
na matuklasan ang buong pangyayari sa pagkamatay ng ama. Siya ay nag - aral sa ibang
bansa sa utos na rin ng ama at kapagdaka ay nagbalik upang ipaghiganti ang pagkasawi
nito.

Si Don Rafael- Ibarra ay ang ama ni Crisostomo Ibarra na ang labi ay ipinatapon sa lawa
matapos na ito ay bawian ng buhay sa loob ng piitan. Nabilanggo siya makaraang siya ay
mapag bintangan na pumatay sa isang batang kolektor ng buwis.

Si Maestro Ciruela- ay ang guro na hindi marunong bumasa ngunit nagtayo ng


paaralan at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga mag - aaral.

Si Tinyente Guevarra -ay ang sundalong kastila na nagsiwalat ng katotohanan kay


Crisostomo Ibarra ukol sa pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra. Siya rin ang
nagturokay Ibarra ng lugar kung saan inilibing ang kanyang ama at nagsalaysay ng lahat
ng pighati na naranasan ng huli sa kamay ng mga guwardiya sibil.

Si Padre Damaso- na tinawag ng mga sepulturero na Padre Garrote ay ang nag - utos sa
mga sepulturero na hukayin at ilipat ang bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga Intsik.

Naunawaan sa kabanata 19:

May mga batang tamad mag-aral o tamad pumasok,may ibang


pumapasok pero hindi naman nakikinig sa guro,kung ikay isang magulang
ay hindi mo dapat na hayaan nalang ang anak mo na ganyan kundi
konsentihihn mo sya na mag-aral upang maabot nya ang kanyang
pangarap sa buhay.

Aral:

Kapag ang isang bata ay hindi natuto sa kanyang aralin ay huwag ipalagay na sanhi ito ng
kawalan ng kakayahan kundi itoy sanhi ng kawalan ng pagsisikap na matutunan ito, ang
isang bata na mayroong mabait na guro at mapang unawang guro ay nagsisikap sa pag-
aaral upang matuto.

Kabanata 20: isang pagpupulong sa tribunal

Mga tauhan at ginagampanan:


Ang partido Conservador- ay binubuo ng mga matatanda .

Liberal- ay kinabibilangan ng mga kabataan.

Kapitan Basilio- Lider ng partido liberal

Don Filipo- Lider ng partido konserbador,mayaman na nakalaban ni Don


Rafael

Kapitan Valentin-tinutulan ang iminungkahi ng Tenyente Mayor

Gobernadorsilyo-Kaaway ni Don Rafael

Naunawaan sa kabanata 20:

Kung may celebrasyon man na magaganap sa inyong


bahay o pag nay pista ay hindi naman required na
magarbo talaga ang pagsalubong sa mga bisita o di
kaya kaialngan magmukhang sosyal ang venue para
sa kanila. Hindi rin required na gumastos ng Malaki
para marami ang maihanda,ayos nayong makaka-kain
lahat ng bisita.

Aral;
Hindi kailangan na sobrang garbo ng pagsalubong sa isang kapistahan ng
bayan, umisip ng mga paraan na masaya ngunit hindi naman maglulustay ng
malaking halaga na halos ay maubos ang kaban ng abyan tandaan na mas
maraming dapat unang pagtuunan ng pansin ang isang bayan, dapat unahin
kung ano ang mas makabubuti sa pamahalaan at sa mga tao, di kaylangan na
gumasta sa mga mamahaling paputok at mga pagtatanghal mas importate
ang salapi ay ilaan sa mas kapakipakinabang.

You might also like