You are on page 1of 2

Joshua Allan Pagallaman

9-Savior

Ang Timawa

Kabanata Una

Ang Timawa,ito ay nilikha ng isang magaling na manunulat na si Agustin Caralde Fabian o AC


Fabian,sya ay ipinanganak ng ika-labin lima ng Agosto,1901 at nagtapos sa Unibersidad ng
Illinois.Ang Timawa ay isang nobela na ang kahulugan ng “Timawa” ay Pagiging alipin o pag
alipin sa mamayang pilpino.Ang gusting maipahayag satin ng nobela ay tayo ay magbukas
mata at tignan ang realdidad,dahil sa bawa’t Pilipino ay walang kamalay malay sa kanyang
pangayayare sa paligid,nangyayare ang mga bagay na hindi man lang alam ng isang Pilipino
katulad ng pag kakaroon ng diskriminasyon at pagkakaroon ng pag alipin o pagiging sunod-
sunuran lamang .

Sabado noonat mag iika-pito ng gabi kakatapos lang ni Andres sa kanyang paghuhugas sa
kusina ng dormitoryo ng mga babae ,sa isang unibersidad sa Amerika upang makapagtapos
ng pag aaral sa kolehiyo ng medisina ,si andres ay labing anim na taon ng mamatay at maulila
sya ng kanyang ama,at dahiludidera si Alice ay inusisa na rin nya si Andres tung kol sa buhay
nya kasama si Bill,dahil sa nagging buhay na hampas lupa.Si Andres naman ay tinanong ni
Alice kung ano yung mga naging trabaho nya sa kanyang pagtira sa Amerika ,ang kanyang
naging sagot, siya ay naging tagahugas ng pinggan sa San Francisco ,naging manggagawa sa
iba’t ibang bayan ng California,naging tagapitas ng mansanas sa Oregon at
Washington,Dalanghita sa Florida ,at sya ay umitim nung ito’y tagatanim ng kamatis,letsugas at
repolyo,Naging serbidor sa isang Restawran, naging utusan, Naglingkod sa Salmunan sa
malamig na parte ng amerika na sa Alaska ,at si Andres ay nagpatag rin ng bato sa daang-tren
ng Nevada at ito ay naging mga mahirap na trabahaho para kay Andres.Isa pang tanong
sakanya na“Alin sa mga karanasan mo ang bumago sa takbo ng iyong buhay”,Hindi kagad
nasagot ni Andres ang tanong ,at Ang kanyang sagot ay sapagkat ito ay naipangako na sa
kanyang ama.Naikwento ni Andres na isang magsasaka ang kanyang ama at tuwing
magkakaroon ng pista ng bayan ay nagtitipon ang mga magsasaka upang tumulong sa pag-
aayos sa malalaking bahay ng may ari sa pagpatay ng manok,baboy,kambing at baka para
ihanda sa mga bisita .Isang pista ay sinama ako ng aking ama na tumulong sa may ari ng lupa
ng pinagsasakahan nila at ng nagsabaysabay ng kumain ang mga tumulong subalit sila ay
minata at minura ng isang Donya at sinabing lubha kayong mga “TIMAWA”at hindi pa raw tapos
kumain ang mga bisita ay inuuna na raw nila ang kanilang mga bituka.Sinabi rin ng kanyang
ama na kung ayaw ni Andres na matulad sakanyang ama ay dapat itong mag-aral ng mabuti
.Sinabihan rin sya ng kanyang ama na kung sya ay magiging magsasaka rin at hindi sakanya
ang lupa ay ganoon rin ang mangyayare sakanya ,pero may tiwala ang kanyang ama na
makakamit rin ni andres ang kanyang mga pangarap .ang hangad ni andres ay maging isang
maggagamot.pinalalaki ang loob ni Alice sagot ni Andy, at sumagot si Bill na hating gabi na at
lubhang mapupuyat na si Alice Natapos ang usapan ng magkakaibigan at nagsuot nan g
amerikana si andres at inihatid si Alice sa kanyang tinutuluyan at ito’y nagpaalam ,at
naramdaman ni Andres ang halik ni Alice sa kanyang pisngi

Sa Pagtatapos ay na intindihan ko ang nobela kabanata una ng mabuti,medyo naguluhan


lamang sa ibang parte pero ito’y naunawaan kagad napapanahon ang mga impormasyon,ideya
at diwa dahil hanggang ngayon ay nararanasan parin natin ito,ito ay nasa sistema parin n gating
lipunan ang pagiging “Timawa”.Ang nobela ay angkop sa mga mambabasa na may malalim na
pag iisp sapagkat ika’y maguguluhan.Dito na nagtatapos ang aking buod at pagkakaintindi sa
nobelang “Ang Timawa”

Mga Sanggunian
www.facebook.com/notes/filipino-iv/timawakabanata-1ni-agustin-fabian
www.facebook.com/KenSsi.LOVETEAM/posts/answerang-timawaac-fabiani-layuninmaipakita-
ang-mga-natatanging-katangian-ng-mga

You might also like