You are on page 1of 3

Hailena Mari DC.

Gole Cruz
GAWAIN BLG. 1: SI BALAGTAS (March 16)
Panuto: Magbigay ng limang pang-uri (salitang naglalarawan) ukol kay Francisco
Baltazar Balagtas.
Para sa akin, si Balagtas ay:
1. Magaling na manunulat
2. Mapagkumbaba
3. Hindi sumusuko
4. Malikhain
5. Mapagmahal
GabaynaKatanungan:
PaanomonakilalasiBalagtas?
BakitiyanangmgapaglalarawangnapilimoukolkayBalagtas?
GAWAIN BLG. 2: ANG TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS (March 16)
Panuto: Basahin ang tektong nasa ibaba na pumapatungkol sa buhay ni Francisco
Balagtas, pagkatapos ay sagutin ang mga nakahandang katanungan.
Mga Gabay na Katanungan:
1. Kailan at saan ipinanganak ang tinaguriang Prinsipeng Makatang Tagalog?
-Si Francisco Balagtas ay tubong Bulacan. Ipinanganak siya noong ika-2 ng Abril
1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan, ngayon ay tinatawag na Balagtas bilang
pagpaparangal sa kanya.

2. Ano ang nagtulak kay Balagtas na pagbutihin pa ang kanyang kakayahan sa pagsulat
ng tula?
-Si Magdalena Ana Ramos, ang unang babaeng bumihag sa kanya, ang naging dahilan
upang pagbutihin pa niya ang kanyang kakayahan sa pagsulat. Nang siya ay nakagawa
na ng tula para sa kaarawan ng babae, ay hindi niya ito natuloy sa kadahilanang hindi
siya tinulungan sa pag-aayos ng tulang ito ng isang makata, si Jose dela Cruz dahil
hindi niya naibigay ang hinihiling nitong sisiw. Hindi naglaon at namayagpag sa
larangan ng panulaan si Balagtas.
3. Ibigay an tatlong babaeng inibig ni Balagtas.
-Ang tatlong babaeng inibig ni Balagtas ay sina Magdalena Ana Ramos, si “Selya” o
Maria Asuncion Rivera, at si Juana Tiambeng.

4. Ano ang pinaniniwalaanng marami na dahilan ng pagsulat ni Balagtas sa Florante at


Laura?
-Nang siya ay umiibig kay Selya, ay nagkaroon siya ng katunggali na si “Nanong” o
Mariano Kapule. Siya ay inilagay sa bilangguan ni Nanong upang hindi na makahadlang
si Balagtas sa kanyang panunuyo kay Selya. Hindi naglaon ay nabalitaan ni Balagtas na
nagpakasal na pala sina Selya at Noong. Pinaniniwalaang dahil sa kabiguang ito ay
naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang Florante at Laura.

5. Paano na bilanggo si Balagtas sa ikalawang pagkakataon?


-Siya ay bumalik sa bilangguan dahil sa paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang
babaeng utusan ni Alferez Lucas. Bagama’t lumaban siya sa kaso at sadyang naubos
ang kanyang kayamanan sa pag-apela, pinagdusahan pa rin niya ang paratang na iyon
sa kulungan.

6. Sa anong uri ng pamilya nagmula si Balagtas? Paano siya nakapag-aral sa kabila ng


kanilang kalagayan sa buhay?
-Nagmula sa mahirap na pamilya si Balagtas. Siya ay nakapag-aral lamang noong siya
ay nanilbihan kay Donya Trinidad dahil siya ang nagpaaral sa kanya. Siya ay pinag-aral
sa Colegio de San Jose pati na rin sa San Juan De Letran.

7. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang nararamdaman mo para kay Balagtas na
nag-iwan ng isang panitikang patuloy na binabasa at nagbibigay hindi lamang ng
kasiyahan sa pagbasa kundi magagandang aral din?
-Bagama’t ako ay nalulungkot dahil siya ay namayapa nang hindi pa maayos ang
sitwasyon sa buhay, ako pa rin ay nakararamdaman ng kaligayahan para sa kanya dahil
ang mga estudyanteng kagaya ko ay pinag-aaralan siya sa paaralan. Bagama’t wala na
siya dito, ang kanyang pangalan ay patuloy na kinikilala sa kanyang obrang Florante at
Laura.
8. Ano- anong makabuluhan at kapaki- pakinabang na mga aral ang napulot mo sa
buhay ng Prinsipeng Makatang Tagalog? Sa paanong paraan maaaring maging kapaki-
pakinabang sa isang kabataang tulad mo ang mga aral na ito?
-Ang mga aral na napulot ko sa buhay ni Balagtas ay: matutong maging malikhain sa
kabila ng mga pagsubok, huwag sumuko, at mag-aral nang mabuti. Bilang isang
kabataang tulad ko, ang mga aral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sapagkat
magagamit ko ito sa aking buhay. Sa lahat ng aking mga hamon sa buhay, aalalahanin
ko palagi ang naging mga sakripisyo ni Balagtas upang maabot niya ang kaniyang mga
parangal sa buhay; hindi ako pwedeng sumuko dahil alam kong pagsisisihin ko iyon sa
huli kaya’t ako’y patuloy na lalaban kahit na matinik ang daang aking lalakarin; huli, ako
ay mag-aaral nang mabuti dahil gaya ni Balagtas, ito ang aking magiging sandata sa
mga hamon ko sa buhay.

GAWAIN 3: REFLECTION( March 16)

Panuto: Ibigay mong muli ang iyong paglalarawan kay Balagtas pagkatapos mong
basahin at sagutan ang teksto. Sinong tao ang iyong naaalala sa kanya?

ANG TAONG KAUGNAY NG KATANGIAN


SI BALAGTAS NI BALAGTAS:
Ma’am Sheila Poquiz
Sila ay parehong:
Ang taong maiuugnay ko kay Balagtas ay ang aming guro na si ma’am Sheila Poquiz.
Gaya ni Balagtas, si ma’am Sheila ay isang makata dahil ginagamit niya ang kanyang
puso at isipan sa tuwing siya ay nagsusulat. Siya ay mapagkumbaba dahil sa kabila
ng napakarami niyang parangal, ay hindi niya ito pinagmamayabang gaya ni
Balagtas. Siya ay malikhain dahil kahit ano mang ginagawa niya ay nagiging maganda
at makatarungan ito sa kabila ng mahirap na proseso; siya ay mapagmahal hindi
lamang sa mga tao ngunit minamahal niya ang lahat ng kanyang mga ginagawa dahil
ito ay ibinabahagi niya sa Diyos; at huli, hindi siya sumusuko sa buhay gaya ni
Balagtas.

You might also like