You are on page 1of 3

LINGGUHANG GAWAING PAGKATUTO

FILIPINO 9
Ikatlong Markahan _______ Linggo

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

KasanayangPagkatuto at Koda
Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng
tanka at haiku. (F9WG-IIa-b-47)

Layunin:(Ikalimang araw)
Nasusuri ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga pahayag batay sa pagggamit ng
hinto at intonasyon.

Panimula/SusingKonsepto

Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na


naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalsatasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag
o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, antala o hinto sa
pagbibigkas at pagsasalita.

 Antala/Hinto- bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang


mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit(,) dalawang
guhit (//), o gitling (-).

Mga Halimbawa:

a. Hindi/ ako si Joshua.


(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay it ng kahulugan na ang
nagsasaslita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya'y napagkamalan lamang na si
Arvyl.)

b. HIndi ako, si Joshua.


( Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring
napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa
kundi si Joshua.)

c. Hindi ako si Joshua.


( Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Joshua)

Mga Gawaing Pagkatuto

Gawain 5. Tukuyin Mo!

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Tukuyin kung anong pagkakaiba ng


kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.

1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.


2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.

3. Hindi siya ang kaibigan ko.

Pangwakas/Reflection(Pagninilay)
1. Paano naiiba ang tanka at Haiku sa iba pang uri ng tula?

2. Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula?

Sanggunian
Ambat, Vilma C. et. al. 2014. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig
City: Republika ng Korea, Prinpia Co., Ltd.,.

Susi sa Pagwawasto:
Gawain 3:Konotasyon at Denotasyong Kahulugan
DENOTASYON KONOTASYON

umaalulong Isang malakas at Nalulungkot


mahabang tunog
Nakakatakot

damo Ang damo ay ang ligaw na Mabilis kumalat


halaman na tumutubo kung saan
Matibay
man mayroong lupang mapapag-
ugatan. Marijuana

alipato Ang alipato ay ang tinatawag Bihira ng marinig ang


na “baga” na kung saan ang salitang alipato sa panahon
kahoy ay natapos ng mag-apoy ngayon, higit na ginagamit ang
at narating na ang pinakamainit salitang “baga” sa halip nito.
na estado nito. Ang baga ay nangangahulugan
ng matinding galit na kinikimkim
sa loob.  

kabibe Ang Kabibe naman ang tawag sa Ang kabibe naman ay ang


lamang dagat na mayroong ginagamit upang ilarawan ang
matigas na takip na nagbibigay taong walang tigil ang bibig.
proteksyon dito. Dahil ito as ugali ng hayop na
pagbukas at pagsara ng
mga “shell” nito gaya ng taong
madaldal.  

ligaya Ang ligaya ay tumutukoy sa Halos pareho naman ang


masayang pakiramdam ng konotasyon at denotasyon ng
pagiging kumpleto sa buhay at salitang ligaya, ipinapakita nito
dahil dito ay wala ng hinahanap ang kasiyahan. Ngunit sa
pa.  konotasyon ay may bahagyang
pahiwatig ng pansariling
kasiyahan “parang naka-
jackpot”. Maari itong mula sa
pinansyal, sekswal at iba pang
dahilan.  

paglalakbay paglalakbay ay ang pagpunta sa Ang paglalakbay ay ang


ibang lugar, ito ay karaniwang pansariling “journey” ng isang
malayo sa pinagmulan ng tao, ipinapahiwatig nito ang
tinutukoy na nagsasagawa ng kanyang pinagdadaanan at
paglalakbay.   pagdadaanan sa buhay

You might also like