Professional Documents
Culture Documents
Region 02
CASA DEL NIÑO MONTESSORI SCHOOL OF ILAGAN
Guinatan, City of Ilagan, Isabela
FILIPINO 9
Panitikan ng Timog-Silangang Asya:
Kaban ng Karanasan, Durungawan ng Lipunan
S.Y. 2020-2021
(Modyul sa Unang Linggo)
PANIMUL
“Ang tagumpay ng isang tao ay magiging ganap lamang kung matututo siyang
A buksan ang kanyang puso upang dumamay sa mga kaawa-awa’t nangangailangan.”
Ang pagkukuwento ay bahagi na ng kultura nating mga Pilipino. Isa itong gawaing
nagpapatibay ng ugnayan natin sa pamilya, sa mga kaibiga, at sa mga katrabaho. Isa itong
paraan upang ibahagi ng isang tao ang sarili niya sa iba, isang daan upang lalo siyang
makilala. Sa maraming pagkakataon, may aral tayong napupulot sa naririnig na mga
kuwento.
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang isang maikling kuwento na nagpapakita ng
SAKLAW magkaibang antas ng mga tao sa lipunan, ang pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa
NG akda, at ang pagpapayaman sa kasanayang panggramatika.
ARALIN
SIMULAN NATIN
Sa araw-araw na dati mong pagpasok sa paaralan, naranasan mo na bang makakita ng isang pulubing palaboy-
laboy sa lansangan? Anong naramdaman mo sa iyong nakita?
Ano sa tingin mo ang mga posibleng sanhi ng ganitong mga sitwasyon sa ating lipunan?
|ZhamM|
Bilang kabataan, ano ang maaari mong maging adbokasiya upang matuldukan ang kahirapan sa ating bansa?
YAMANG PANITIK
Paningin
Bahagi rin ng maikling kuwento ang paningin na tumutukoy sa anggulo kung saan isinasalaysay ang akda.
mayroon itong pangunahing pananaw kung saan ang salaysay ay mula sa paningin ng pangunahing tauhan o isa sa
mga karakter na may interaksiyon sa kaniya. Kapag ang salaysay naman ay nagmula sa isang paninging batid ang
lahat ng pangyayari maging ang damdamin at kaisipan ng mga karakter, tinatawag itong omniscient.
Tema
Ang tema ng akda ay tumutukoy sa sentral na ideya na inihahayag ng awtor sa paamagitan ng kaniyang
akda. Kadalasan ay sinasalamin ng pamagat ng maikling kuwento ang tema nito.
Paglalahad ng Banghay
Ang may-akda ay maaaring gumamit ng iba’t ibang teknik sa paglalahad ng banghay. Maaaring pagbabalik-
tanaw o flashbacking, pagpapahiwatig sa hinaharap o foreshadowing, pagdaloy ng mga ideya at kamalayan ng
tauhan o stream of consciousness, at media res na tumutukoy sa daloy ng naratibong nagsisimula sa gitna o wakas ng
kuwento.
Makikita sa dayagram na ang banghay ng isang maikling kuwento ay nagsisimula sa (1) eksposisyon o
panimulang pangyayari sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga tauhan at tagpuan, at ang pagbubukas ng suliranin.
|ZhamM|
Sinusundan ito ng (2) saglit na kasiglahan o papataas na pangyayari na nagpapakita ng pagtatagpo ng mga sangkot na
tauhan na maging ang pagpapahiwatig ng tunggalian sa pagitan ng mga ito. Ang (3) kasukdulan ang pinakamadulang
bahagi ng kuwento na maglalahad ng isang mahalagang pagbabago o pangyayari sa tauhan. Patungo sa wakas ng kuwento
ang (4) paglalahad ng kakalasan o pababang pangyayari at (5) resolusyon o wakas na magpapaliwanag sa kinahinatnan
ng mga tauhan at mga pangyayari.
ALAM MO BA?
Ang Jakarta ay tinatawag ding “The Big Durian,” hango mula sa prutas na durian
na kilala sa hindi kaaya-ayang amoy subalit masarap na lasa. Tinawag itong “The Big
Durian” dahil itinuturing na katumbas ito sa Indonesia ng lungsod ng New York na
tinatawag na “The Big Apple.”
Halos 28 milyong tao ang nagpaparoo’t parito sa mga lansangan ng Jakarta kaya naman
halos sampung milyong sasakyan ang nagagamit dito ara-araw. At dahil sa kawalan ng
rapid transit system, malaki ang problema ng lungsod sa transportasyon at sa traffic. Dito
sesetro ang mga pangyayari sa babasahin mong bahagi ng akdang “Takipsilim sa
Dyakarta” mula sa Senjadi Jakarta na isinulat ni Mochtar Lubis at isinalin sa Filipino ni
Aurora Batnag.
Sa harap ng restawran, maraming nakaparadang kotse sa bangketa. Nang dapithapong iyo, punong-puno ang
restawran. Dumating ang isang Cadillac na pulang-pula ang kulay, naghahanap ng mapaparadahan ngunit okupado ang
paradahan sa bangketa, kaya sa wakas, pumarada ito na ang dalawang gulong sa kaliwa ay nakasampa sa aspaltong gilid
ng kalsada.
|ZhamM|
Si Raden Kaslan ang nagmamaneho, kasa ang asawa, si Fatma. Kung pagmamasdan ang Cadillac, ang magarang
damit ni Fatma, ang kanyang kulay-gintong step-in, ang buhok na kaaayos lang sa parlor, makikita ang yaman at luho ng
dalawa. Pati na rin ang pagkakangiti ni Fatma kay Raden Kaslan.
Naupo sila sa hardin sa harap ng restawran, sa isang mesang nakahiwalay sa karamihan, at nang makaupo ay nag-
usap tungkol sa mga mamahalin at maluluhong bagay.
Umorder ng pagkain si Raden Kaslan at ni hindi muna tumingin sa presyong nakalista sa menu sa tapat ng
pangalan ng mga pagkain at inumin; pagkaraan, binalikan nito ang usapan tungkol sa mamahalin at maluhong ideya, na
tinugon ni Fatma ng maluhong ngiti.
Isang lumang kalesa at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap ng restawran, sakay ang natutulog na
kutsero, si Pak Idjo. Maraming taon nang nasanay ang kabayo sa paghila ng kalesa sa malaking siyudad, kahit tulog ang
kutsero, na madalas mangyari kung mainit ang sikat ng araw, at sa araw na ito ay wala pang pasahero si Pak Idjo buong
maghapon, hanggang sa makatulog na siya sa gutom at patuloy pa rin na hinihila ng kabayo ang kalesa. Kusa ring
humihinto ang kabayo kung may pumaparang pasahero, at magigising ang kutsero sa biglang paghinto. O kaya kapag
pinapatigil ng pulis-trapiko ang mga sasakyan, titigil din ang matandang kabayo, na nakadikit halos ang busal sa gilid ng
katabing kotse o trak.
Sa ganitong paraan hinila ng kabayo ang kalesang namamasyal sa lansangan sa maaliwalas na dapithapong iyon.
Mula sa bakod ng bahay sa kabilang kalye na malapit s restawran, isang malaking asong nanghahabol ng pusa ang
biglang tumalon habang malakas na tumatahol. Nagulat ang kabayo, umalma sa aso’t pusa, at biglang nadapa. Tumama sa
pulang Cadillac ang kaliwang poste ng kalesa at ang dulo ng poste na gawa sa pinaitim na tanso ay sumira sa chromium at
pintura, samantalang ang nakausling bakal sa bubungan ng kalesa ay tumama sa bintana kaya nabasag ang salamin.
Naalimpungatan ang natutulog na si Pak Idjo. Bumaba siya at tinulungang tumayo ang matandang kabayo, at
pagkaraa’y tumayo na lamang doon, nakatanga habang hinihimas ang tuhod at ulo ng kabayo.
Nagulat sa ingan ng banggaan ang mga kumakain at nag-iinuman at nagtatawanan sa restawran. Biglang tumayo
si Raden Kaslan at sumugod sa kalye. Galit na galit siya nang makita ang nasirang chromium at pintura ng kanyang kotse
at ang nabasag na salamin.
“Hoy, Tanga! Wala ka bang mata? Tingnan mo, winasak mo ang kotse ko, aaminin mo o hindi? Bayaran mo
ito!” sigaw ni Raden Kaslan nag alit na galit.
Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay walang iniwan sa isang
taong inaatake ng malaria. Ang totoo’y may sakit nga siyang talaga. Parang nakasabit na lamang ang tagpi-tagpi at
maruming damit na napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kanyang namumula at
nagluluhang mata.
Magsasalita sana siya, pero hindi lumabas sa kanyang nangangatog na mga labi ang boses niyang naginginig sa
takot at pagdurusa. Aptuloy lamang ang mga kamay niya sa paghimas sa ulo ng kabayo.
Galit nag alit na pinagmasdan siya ni Raden Kaslan bago ito nagbaling ng tingin kay Fatma, na mamahalin at
marangya ang ayos, saka tumingin uli sa nawasak na kotse, at lalo pang tumindi ang kanyang galit.
“Ipapupulis kita! Idedemanda kita! Babayaran mong lahat ang nawasak na ito. Tingnan mo!” at padarag na
itinuro ang chromium sa pinto ng kotse “at ito” sabay turo sa bahaging nabakbak ang pintura “at ito pa” at sinipa ang
isang pirasong basag na salamin. “Babayaran mong lahat ito, di kukulangin sa isa, dalawang libong rupiah,” inangilan ni
Raden Kaslan si Pak Idjo, na halos himatayin nang marinig ang isa-dalawang libong rupiah, pero saglit lamang at
nagkaboses din ito. Paiyak itong nagsabi: “Alam ko pong ako ang may kasalanan, Tuan, pero patayin niyo na lang ako!”
patuloy ang kamay sa paghimas sa ulo ng kanyang matandang kabayo.
Dinilaan ng kabayo ang kamay ni Pak Idjo, parang humihingi ng tawad sa kanyang pagkakasala. Nang marinig
ang sinabi ni Pak Idjo. Lalong nagalit si Raden Kaslan. Tumalikod itong walang kibo saka bumalik sa restawran at doon
tumelepono sa pulis-trapiko.
Maraming nag-uusyoso sa kalye; patuloy si Pak Idjo sa paghimas sa ulo ng kabayo, at nang bumalik si Raden
Kaslan at sinabing “Huwag kang tatakas. Tumawag ako ng pulis,” siya, kasama ang kabayo, ay libong beses na namatay
at humarap na sa lahat ng apoy sa impyerno, hanggang sa dumating ang mga pulis at sakay ng kanilang umaangil na
motorsiklo, tulad ng tunog ng mga baril na pumapatay.
Nang sandaling iyo, nagbalik sa isip ng matanda ang kanyang nayon, ang tunog ng baril at lumulusob na mga
tulisan na siyang dahilan kung bakit napilitan silang tumakas at magkanlong sa siyudad.
Samantala, bumalik na sa kani-kanilang mga mesa ang mga parokyano ng restawran, at itinuloy nila ang kainan,
inuman, at tawanan. Pang-araw-araw lamang na pangyayari ang banggaan. Pagdating ng mga pulis, bahala na ang mga
itong mag-ayos ng gulo.
|ZhamM|
Sinalubong ni Raden Kaslan ang mga pulis, nagpakilala siya sabay turo sa kutsero, at nagsabing, “Siya, siya ang
may kasalanan. Sa gilid nakaparada ang kotse ko, at ang kalahati ay nasa bangketa na, pero binangga pa rin niya.”
Daang ulit nang nakapag-ayos ng bangganan ang bata pang pulis, pang-araw-araw na lamang sa kanya ang
ganitong pangyayari, na madali namang ayusin. Maliwanag naman kung sino ang may kasalanan.
Nang marinig ito, biglang nagsalita si Pak Idjo, sabay iyak, “Patayin niyo na lang ako, Tuan,” sabi nitong
nakayuko sa harap ng pulis at magkasalikop ang mga kamay. “Mahirap lang ako, wala akong ibabayad.”
Lalong nanginig si Pak Idjo. Sinabi niya, “Pero nagugutom ako, Tuan, at ang aking asawa at ang mga anak ay
nagugutom, Tuan. Kahapon pa kami hindi kumakain, Tuan.”
Saglit na nawalan ng kibo si Raden Kaslan, bago sumigaw, “Sinungaling! Ano’ng sakit mo?”
Umiiyak at naginginig na binuksan ni Pak Idjo ang kanyang damit at ipinakita ang kanyang likod.
“Hayan, Tuan, tingnan n’yo” At itinuro niya ang mga pigsa na sinlalaki ng kamao, mapupula at namamaga;
pagkaraan, itinaas niya ang kanyang sarong at ipinakita ang isang malaking pigsa sa hita. Mapula at namamaga ang buong
hit – nakakakilabot tingnan.
Parang naubos ang lahat ng lakas ng matanda pagkaraan nito. Nanginginig ang bawat himaymau ng kanyang
katawan, nangangatog ang kanyang mga ngipin, at patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng pulis sa kanya, kay Raden Kaslan, at kay Fatma, na mukhang napakarangya.
Binalingan ni Raden Kaslan ang pulis, itinaas ang isang kamay at nagsalitang parang mawawalan ng bait.
“Ano’ng gagawin mo sa ganitong kaso, Inspekto? Sino’ng magbabayad sa akin? Sino’ng may kasalanan?”
“Sino’ng may kasalanan?” ulat niya.
Patuloy na nanginginig at giniginaw sa Pak Idjo. Patuloy niyang hinihimas-himas ang ulo ng kanyang matanda at
payat na kabayo, at habang hinihintay ang sagot sa tanong ni Raden Kaslan, parang pahaba nang pahaba ang anino ng
kutsero at ng kanyang kabayo sa papalubog na araw, at ang kutsero at ang kabayo ay namatay at muling nabuhay nang
daan-daang beses.
Muling minura ni Raden Kaslan si Pak Idjo hanggang sa maisip niya saw akas na imposible talagang mabayaran
siya ng matanda at pobreng kutserong ito.
“Hayaan n’yo na nga,” sabi ni Raden Kaslan sa pulis. “Tena.” Inakbayan niya si Fatma pabalik sa restawran.
Tuluyan nang nasira ang kasiyahan niya nang gabing iyon.
“Ang buwisit na ‘yon,” bulong ni Raden Kaslan. “Bagong-bago ang kotse. Kabibili lang.”
1. SAGUTIN NATIN
Panuto: Upang lubusang maunawaan ang kwentong binasa ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang kalagayan sa buhay ng mag-asawang Raden at Fatma? Ano-anong bagay ang magpapatunay rito?
|ZhamM|
3. Masasabi bang kasalanan ni Pak Idjo ang pangangalesa nang tulog? Makatwiran baa ng dahilang nagtulak sa
kanya upang gawin ito? Ipaliwanag.
4. May katwiran ba si Raden na magalit na nang gayon na lamang kay Pak Idjo? Kung ikaw si Raden, ano ang
gagawin mo sa parehong sitwasyonng nabangga ang kotse mo ng isang taong may sakit at walang-wala?
5. Kung ikaw ang pinuno ng pamahalaan, ano ang gagawin mo upang ang mga taong tulad ni Pak Idjo ay
makapaghanapbuhay nang angkop sa kanilang kakayahan?
6. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa moa ng akda? bakit ganito ang naramdaman mo?
7. Mapapatawad mo rin baa ng isang taong nakasira ng isang mahalaga at mamahalin mong gamit o ari-arian? Bakit
mahalaga ang pagpapatawad?
2. BUOIN NATIN
Panuto: Ayusin ang mga pangyayari sa akda ayon sa tamang pagkakasunod-sunod sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1 hanggang 10 sa mga patlang.
Bumaba mula sa sasakyan ang mag-asawang kakikitaan ng yaman at luho o marangyang pamumuhay.
Samantala, isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap
ng restawran sakay ang natutulog na kutsero.
Luhaang nagpaliwanag si Pak Idjo sa pulis na wala talaga siyang ibabayad sa ansirang sasakyan kaya’t sa
huli’y nagdesisyon si Raden na hayaan na ito at pumasok na lang muli sa restawran nang galit na galit pa
rin.
Lumabas mula sa restawran ang may-ari ng Cadillac na si Raden Kaslan at galit na sinigawan ang takot
na takot na si Pak Idjo.
Nagpatawag ng pulis si Raden Kaslan upang ituro at mapapanagot sa pagkasira ng kanyang kotse si Pak
Idjo.
Nagulat ang kabayo at umalma dahil sa naghahabulang aso’t pusa kaya’t bigla itong nadapa.
Natutulog ang kutsero habang tumatakbo ang kanyang kalesa dahil sa init ng panahon at dahil na rin sa
gutom at sakit na kanyang nararamdaman.
Pumarada ang pulang-pula at bagong-bagong Cadillac sa harap ng restawrang maraming nakaparadang
kotse.
Tumama sa pulang Cadillac ang kalesa at sumira sa ilang bahagi nito.
Umorder ng pagkain ang dalawa nang hindi man lang tumitingin sa mga presyo ng pagkain.
1. Naupo sa hardin sa harap ng restawran ang mag-asawang Raden Kaslan at si Fatma. Kung pagmamasdan ang
Cadillac, ang magarang damit ni Fatma, ang kanyang kulay gintong step-in, ang buhok na kaaayos lang sa parlor,
makikita ang yaman at luho ng dalawa.
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa
|ZhamM|
2. Sa pagdating ng mga pulis na ipinatawag ni Raden Kaslan, nagbalik sa isip ni Pak Idjo ang kanyang nayon, ang
tunog ng baril at ang lumulusob na mga tulisan na siyang dahilan kung bakit napilitan silang tumakas at
magkanlong sa siyudad.
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa
3. Nanginig sa takot si Pak Idjo nang marinig ang galit nag alit na boses ni Raden Kaslan at makita ang pagdating ng
mga pulis. Sinabi niya, “Pero angugutom ako, Tuan, at ang aking aswa at mga anak ay nagugutom, tuan. Kahapon
pa kami hindi kumakain, Tuan.”
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa
IHANAY MO
Panuto: Muling balikan ang mga inayos mong pangyayari sa akda sa Gawain 2: Buoin Natin. Suriin at isulat sa
kahon kung saang bahagi ng banghay maaaring ihanay ang mga pangyayari.
Eksposisyon o
Panimulang Pangyayari
Saglit na Kasiglahan o
Papataas na Pangyayari
Kasukdulan
Kakalasan o Pababang
Pangyayari
Resolusyon o Wakas
Isulat mo sa Journal
Sa maraming pagkakatao, tayo ay nagbibigay ng mga pagkakasunod-sunod ng mga bagay, pangyayari, panuto, at
iba pa. Mahalaga kung gayon na alam natin ang mga salita, kataga, o pahayag na nagpapakita ng wastong pagkakasunod-
sunod para magamit natin ayon sa pangangailangan.
Kapa gang pinagsusunod-sunod ay mga pangngalan, gumamit ng mga pang-uring pamilang na panunuran o
ordinal. Ang mga bilang na ito ay makapagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga tao, bagay, hayaop, lugar, at
gawain.
Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si Mario, at pangatlo si Ana
Kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay tulad ng sa pagluluto,
paglalaba, pagkukumpuni, o iyong mga tinatawag na tekstong prosidyural, makatutulong ang paggamit ng mga
sumusunod:
Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, panghuli at iba pa.
Paggamit ng mga salitang hakbang + pang-uring pamilang o ang salitang step + pang-uring
pamilang.
Halimbawa: Hakbang 1, Hakbang 2, Hakbang 3
Step 1, Step 2, Step 3
Kapag naman pangyayari sa kwento ang pinagsusunod-sunod, madalas ay hindi na ginagamitan ng mga salitang
nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o time-sequence. Narito ang mga salitang maaaring gamitin.
GAMIT MGA HALIMBAWANG SALITA
Sa pagpapakilala ng naunang pangyayari sa simula, noon, dati, una, bago, ito, mula noon
HASAAN SA WIKA
Panuto: Ang mga anak ni pak Idjo ay maaari ring makatulong sa magulang sa pamamagitan ng
paggawa ng mga gawaing-bahay tulad ng paglalaba. Ituro sa kanila ang atamang hakbang sa paglalaba.
Dugtungan ang mga parirala sa ibaba para mailahad moa ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paglalaba
gamit ang kamay. Tiyaking gumamit ng mga salitang hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o transitional
devices.
Bilang karagdagang gawain, sagutin ang Hasaan sa Wika sa pahina 18-19 ng iyong
batayang aklat sa Filipino – Wow Filipino! 9.
Isulat mo sa Journal
BINABATI KITA!
|ZhamM|
Talasanggunian:
Dayag, Alma M., et. Al. (2015). Pinagyamang Pluma 9 Aklat 1. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon
Ave., Quezon City.
Saul, Aileen Joy., et. Al. (2020). Wow Filipino 9. Vibal Group Inc. 1253 G. Araneta Avenue Corner Ma. Clara
Street, Sto. Domingo, Quezon City.
(para sa mga imahe) google.com
|ZhamM|