You are on page 1of 10

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO SA

FILIPINO -9
ARALIN 1 : KAUGNAYAN NG PARABULA SA KASALUKUYANG BUHAY
Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan”

(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang
mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag- ikasiyam ng umaga at
nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, ‘ Pumunta din kayo at magtrabaho
sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-
ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng
hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “ Bakit tatayu-
tayo lang kayo dito sa buong maghapon?” Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya’t sinabi
niya, ‘ Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.’ Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng
ubasan sa kanyang katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang
sa unang nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.”
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng
tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang
gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng
araw, bakit naman pinagparepareho ninyo ang aming upa? Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila,
“Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at
umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?” “Wala ba akong
karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?”
Ayon nga kay Hesus, “ Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1 : Sagutin ang mga tanong sa isang malinis na papel.
1, Sa iyong palagay, saan nais ihambing ni Hesus ang bawat isa?

2. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa dalawang uri ng manggagawa
sa ubasan? Pangatuwiranan.
3. Bakit ubasan ang tagpuan sa parabula?
4. Kung isa ka sa manggagawang maghapon nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw
ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho din
ng isang oras lamang nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit?
1
5. Kung isa ka naman sa mga manggagawa na tumanggap ng parehong upa kahit kulang ang oras
mo sa paggawa ano ang mararamdaman mo?
Tatanggapin mo ba ang ibinigay sa iyong upa? Pangatuwiranan.
6, Kung iyong ihahambing ang pangyayaring ito sa iyong pansariling buhay na nararanasan, ano
ang iyong masasabi kung ikaw na masipag at tumutulong sa gawaing bahay ay may kapantay na
baong natatanggap mula sa iyong magulang, kapareho lamang ng sa iyong kapatid na tatamad
tamad? Pangatwiranan ang sagot
7 . Suriin ang pahayag ng isang pangkat ng mga manggagawa sa parabula;‘Isang oras lamang
gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa
nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?’ Saiyong
pagsusuri, anong mabuting asal ang nawawala sa pangkat ng mga
manggagawang maysabi nito? Pangatuwiranan
8. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinabi ni Hesus na, “Ang nahuhuli
ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”
9. Anong uri ng teksto ang binasang akda? Ipaliwanag.

Gawain sa Pagkatuto bilang 2 :


Balikan ang parabulang binasa (Ang Talinghaga Tungkol sa may-ari ng Ubasan). Punan ang talahanayan sa
ibaba. Kopyahin at ilagay ang sagot sa sagutang papel.

SANGKAP NG PARABILA
Mga Tauhan
Mga Tagpuan
Problema o Sitwasyon
Mensahe o Aral

Gawain sa Pagkatuto bilang 3 :


Ibigay ang hinihinging kahulugan ng mga salitang hango sa parabula batay sa diagram

2
ARALIN 2 : Elehiya mula sa Bhutan

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1 : Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang Elihiya?
2. Ano ang tema ng binasang tula?

3
3. Paano ipinadama ng may akda ang labis niyang pagdadalamhati sa tula?
4. Ibigay ang nais ipahiwatig ng bawat saknong ng binasang akda?
5. Bakit mahalaga sa sumulat ng tula ang mga alaalang iniwan ng kaniyang kapatid? Ganito rin ba ang
pagtuturing mo sa mahal mo sa buhay?
6. Anong mga simbolo o sagisag ang ginamit sa akda?
7. Kung ikaw ang may-akda paano mo ipadarama ang pagmamahal mo sa isang tao?
8. Paano mo magagamit sa iyong buhay ang mga aral at mensaheng hatid ng elehiya?
9. Paano naiiba ang elehiya sa iba pang uri ng tula?

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2 :

Aralin 3: PANG-URI SA ANTAS NG KASIDHIAN NITO


GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1 : Lagyan mo ng bilang 1 hanggang 3 ang sumusunod na
mga salita batay sa sidhi ng kahulugan nito. Ang 3 para sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi, at 1 sa di-
masidhi. Kopyahin at sagutan sa malinis na papel.

Gawain sa Pagkatuto #2
Hanapin sa “ Elihiya sa Kamatayan ni Kuya ang mga pang-uring ginamit sa pagpapasidhi ng
damdamin at antasin ito batay sa sidhi ng kahulugan

Aralin 4: TUNGGALIAN NG MGA TAUHAN SA MAIKLING KUWENTO


Gawain sa Pagkatuto #1
– Pumili ng isang maikling kuwentong nabasa, Tukuyin ang pahayag na nagsasaad ng Tunggalian
laban sa Tao at Tunggalian labas sa sarili. Ptunayan/Pangatwiranan ito.

4
MGA PAHAYAG PATUNAY
PAMAGAT NG
TAO LABAN SA TAO
KUWENTONG
NABASA TAO LABAN SA
SARILI

Gawain sa Pagkatuto bilang 2: - Magbigay ng limang pangyayari sa nabasang maikling


kuwento ang maaring nangyayari sa kasalukuyan. Sundin ang talahanayan sa ibaba.

ARALIN 5 : PANG-UGNAY NA HUDYAT NG PAGKAKASUNOD


Gawain sa Pagkatuto bilang 1 :
Panuto : Isulat sa sagutang papel ang sa ginamit na mga panandang ginamit sa pagluluto ng lugaw

Una, magpakulo ng 9 na tasang tubig sa isang malaking kaldero o kaserola.


Sunod na idagdag ang 2 tasang bigas at asin sa kumukulong tubig saka halu-haluin nang madalas upang hindi
dumikit ang kanin sa ilalim ng kaldero. Hayaang kumulo ng 45 minuto sa katamtaman o
mahinang apoy. Pagkalipas ng 45 minuto ay ihalo sa lugaw ang itinabing pinagpakuluan ng manok. Lakasan ang
apoy upang kumulong muli. Pagkatapos mailagay ang sabaw ng manok ay isunod ang pinagpira-
pirasong manok at sibuyas saka timplahan ng patis ayon sa panlasa. At sa huli, kapag ihahain na ay maaaring
timplahan ito ng pamintang durog o lagyan ng hiniwang sibuyas na mura at kalamansi.

Gawain sa pagkatuto bilang 2 :


PANUTO : Piliin sa loob ng panaklong ang wastong pang-ugnay o pananda na gagamitin sa patlang upang mabuo
ang talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Kaya naman, Tunay, Unang-una) __________ na kahanga-hanga ang isang taong nakagawa ng mabuti sa
kaniyang kapwa (2. . dahil, kung, upang) __________ hindi siya makasarili sa kaniyang buhay. (3. Mas,
Ngunit, Para) _________ maraming tao ang natutuwa sa kaniyang kabutihan. (4. Kung, Samakatuwid, Tila)
__________ isa siyang idolong nais tularan ng marami. (5. Sapagkat, Subalit, Upang) __________
ating harapin ang katotohanang ilang tao lamang ang maaaring makagawa ng ganitong kabayanihan.

Gawain sa pagkatuto bilang 3:


Panuto : Masdan ang larawan sa ibaba. Bumuo ng maikling salaysay o kuwento tungkol dito gamit ang
sumusunod na pang-ugnay o pananda.
5
1. Noong una ________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Habang ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Dahil sa __________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Makalipas ang ilang sandali _______________________________________________


___________________________________________________________________________

5. Sa bandang huli __________________________________________________________

Aralin 6: PAGIGING MAKATOTOHANAN/DI-


MAKATOTOHANAN NG ISANG AKDA.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 – Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na salita

makatotohanan di-makatotohanan

Gawain sa Pagkatuto bilang 2 : Isa-isahin ang mga makatotohanan at di-makatotohanang


pahayag ang makikita sa Epiko ng Bernardo Carpio. Patunayan ang mga sagot. Sundin ang
talahanayan sa ibaba

MAKATOTOHANAN PATUNAY DI- PATUNAY


MAKATOTOHANAN

6
Aralin 7: PANG-ABAY NA PAMANAHON, PANLUNAN AT PAMARAAN,
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1 :
PANUTO : Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
___________________ 1. Sina Renan at Chloe ay nag-eehersisyo araw-araw.
___________________ 2. Madalas ko silang nasasalubong sa parke.
___________________ 3. Si Phillip ay isa sa mga naunang nagwagi sa paligsahan noong isang taon.
___________________ 4. Tatawagan ko sila sa Biyernes kung matutuloy kami sa pamamasyal.
___________________ 5. Sabay kaming kumain ng almusal paminsan-minsan.
___________________ 6. Taon-taon ay sumasali kami sa RSPC.
___________________ 7. Si Anton ay nagtapos sa kolehiyo kamakailan lamang.
___________________ 8. Noong unang panahon, may alpabetong nilikha ang ating mga ninuno.
___________________ 9. Oras-oras niya akong tinatawagan sa opisina.
___________________ 10.Laging nakaabang sa gate ang asong alaga ni Sara.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2 :


Panuto: Tukuyin kung ang pang-abay na may salungguhit ay pang- abay na pamaraan, pamanahon, o
panlunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.


2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay

7
Aralin 8: Epiko mula sa India
Panitikan: Rama at Sita
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1 ; PAGLINANG SA TALASALITAAN

8
9
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:
Panuto: Sagutin ang hinihingi ng bawat bilang sa iyong sagutang papel.
1. Ibigay ang mga katangian ng mga tauhan sa epikong binasa. Paano sila nagkakaiba?
MGA TAUHAN MGA KATANGIAN

2. Sino ang itinuturing na bayani sa epikong “Rama at Sita? Ano ang nakitang
katangian niya?
3. Isa-isahin ang mga pangyayaring nagpakita ng kababalaghan.
4. Isa-isahin ang mga pangyayaring nagpakita ng kabayanihan ng tauhan.
5. Paano pinatunayan nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan?
6. Makatotohanan ba ang kanilang ginawa upang patunayan ang kanilang pagmamahalan?
7. Ipaliwanag at bigyang-patotoo ang pilosopiya ng India na: “Pinagpapala ng Diyos ang maganda,
matalino at kumikilos nang naaayon sa lipunan.
8. Bakit ayaw labanan ni Maritsa ang magkapatid na Rama? Ang paglaban ba ay hindi naaayon sa
pilosopiya ng India?
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3: Gamit ang Venn Diagram paghambingin ang epiko ni Rama at
Sita ng India sa Alamat ni Bernardo Carpio ng Montalban

RAMA ALAMAT NI
PAGKAK
AT BERNARDO
APAREH CARPIO
SITA
O 10

You might also like