You are on page 1of 2

1.

KARAPATAN SA MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN

Una ay ang karapatan sa mga pangunahing pangangailangan. May iba’t-ibang sangay


ng gobyerno na nakatalaga para mapunan ang mga pangangailangan na ito.

Nariyan ang Department of Agriculture, National Food Authority, Department of Social


Welfare and Development, Department of Health, Department of Education,
Government Service and Insurance System at marami pang iba.

2. KARAPATAN SA KALIGTASAN

Karapatan din ng mga mamimili na mabigyan ng katiyakang ligtas ang binibiling


produkto. May makikitang mga logo sa mga binebentang produkto na
nanganaghulugang dumaan ito sa tamang pagsusuri at masisiguradong ligtas itong
gamitin.

3. KARAPATAN SA PATALASTASAN

Pangatlo ay karapatan sa patalastasan o karapatang mapangalagaan ang mamimili


laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etika at iba pang
hindi wastong gawain. Maaaring ireklamo ang produkto o serbisyo kung hindi nito
nasunod ang ipinangako nito.

4. KARAPATANG PUMILI

Sumunod ang karapatag pumili. Malaya ang mga mamimili na pumili o magcanvas
muna ng iba’t-ibang produkto o paglilingkod na nais nila upang makita ang pagkakaiba-
iba sa kalidad at presyo ng produkto.

5. KARAPATANG DINGGIN

Karapatang dinggin. Ang mga consumer ay kailangang makatiyak sa kanilang


kapakanan patungkol sa paggawa at pagpapatupad ng ano mang patakaran ng
pamahalaan. Nagkakaroon ng mga public hearing upang dinggin ang mga opinyon at
mungkahi ng publiko.

6. KARAPATAN SA KABAYARAN SA KAPINSALAAN

Pang anim, may karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na


nagbuhat sa produkto na binili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o
masamang hangarin. Dapat na magkaroon ang isang mamimili ng walang bayad na
tulong sa pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol.

7. KARAPATAN SA PAGTUTURO TUNGKOL SA MATALINONG MAMIMILI


Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan ng mga
consumer upang makagawa ng hakbanging makakatulong sa mga desisyong
pangmamimili.

8. KARAPATAN SA ISANG MALINIS NA KAPALIGIRAN

At ang panghuli sa mga karapatan ay ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran upang


magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Kaakibat sa mga nasabing karapatang ito ay ang mga tungkulin ng mga mamimili na
maging matalino sa pagpili at pagsuri ng mga produkto at serbisyo. –Ulat ni Irish
Pangilinan

1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa


kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating
ginagamit.

2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak
sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala,
patuloy tayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.

3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga


ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-
lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal,
pambansa, o pandaigdig na komunidad.

4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating


kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin
ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan.

5. Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon


ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang

You might also like