You are on page 1of 24

8

Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 5:
Ang Maikling Kuwento

ii
Subject Area – Baitang Walo
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cristina T. Insular at Jefelyn Villa
Editor: Delia E. Duhina, Glenda D. Bustamante, Lea A. Lanuevo at Ivy Vonn E. Dohina
Tagasuri: James P. Casa, Vivian H. Fontanilla at Leila Flor F. Tolog
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Filipino
Ismael M. Ambalgan – CID Chief
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada – EPS, ADM
Josevic F. Hurtada – EPS, Filipino
Inilimbag sa Pilipinas – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

iii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag aaral sa kanilang pag aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
- -

ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at


malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga
magaaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag aaral na ingatan ang SLM na ito
-

upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o


mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

iv
Alamin

Kumusta na? Sa nakaraang aralin ay tinalakay natin


ang tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na gamit ang
simbolismo/pahiwatig sa pagsulat ng tula o maikling kuwento. Ang
simbolismo/pahiwatig ay nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,
bagay, pangyayari at mga salita na kapag binanggit sa isang akdang
pampanitikan tulad halimbawa ng tula o maikling kuwento ay nag-iiwan ng
iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa. Ngunit ang pagpapakahulugan
ng mambabasa ay kailangang hindi malayo sa tunay na intensyon ng makata
sa kanyang tula o kuwento.
Sa pamamagitan ng simbolismo/pahiwatig, napag-iisip ang mambabasa.
Nagagamit niya ang kanyang malikhaing pag-iisip upang bigyang kahulugan
ang mga pahayag o paglalarawan sa kuwento.
Bilang pahapyaw na pagtalakay, ating pag-aralan ang isang anyo ng
panitikang maikling kwento o katha na isang uri ng panitikan na bunga ng
isang maikling guni-guni ng may-akda.
Para maintindihan mo pa kung ano ang maikling kuwento, pag-aralan
mo ang modyul na ito. Kasama sa pag-aaralan mo ang pag-uugnay ng mga
kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan at daigdig. Higit sa lahat,
inaasahan kang makasusulat ng wakas ng isang maikling kuwento.
Halina at sabay-sabay tayong mabighani sa daigdig ng maikling kuwento!

Mga Layunin
1. Nakabubuo ng sariling palagay tungkol sa isyung
panlipunan
2. Nakasusulat ng wakas ng maikling kuwento gamit ang
kaantasan ng pang-uri
3. Nasusuri ang mga elemento ng maikling kuwento

Kasanayang Pampagkatuto
1. Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan,
at daigdig. (F8PB-IIg-h-27)
2. Naisusulat ang wakas ng isang maikling kuwento. (F8PU-IIg-h-28)
Subukin
Sa pagsasanay na ito ay susukatin natin ang iyong kaalaman sa sumusunod na
paksang tatalakayin.
I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Ito ay isang masining na anyo ng panitikang naglalaman ng isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o
ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
a. dula b. tula c. maikling kuwento d. sanaysay
2.Elemento ng maikling kuwentong nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa at kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
a. panimula b. saglit na kasiglahan c. suliranin d. kasukdulan
3. Elemento ng maikling kuwentong naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa suliranin.
a. panimula b. saglit ng kasiglahan c. suliranin d. kasukdulan
4. Elemento ng maikling kuwentong nakakamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
a. tagpuan b. saglit ng kasiglahan c. suliranin d. kasukdulan
5. Ito ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.
a. suliranin b. saglit na kasiglahan c. paksang diwa d. banghay
6. Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente.
Kasama rin dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
a. tagpuan b. saglit na kasiglahan c. paksang diwa d. banghay
7. Ito ay kabuuan ng isang kwento. Ang kawil ng mga pangyayari ay batay sa
pagkakatulad nito mula umpisa hanggang sa kasukdulan sa bahaging ito
nilulutas ang tunggalian ng mga tauhan sa kuwento.
a. tagpuan b. saglit ng kasiglahan c. paksang diwa d. banghay
8. Ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. paksang diwa d. banghay
9. Ito ay pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
a. tagpuan b. tauhan c. paksang diwa d. banghay
10. Bahagi ng maikling kuwentong binibigyan ng pagkakataon ang mga
mambabasa na tapusin ang kuwento at magkaroon ng pagkakataon na gamitin
ang kanyang pag-iisip.
a. tagpuan b. tauhan c. wakas d. banghay
11. Ito ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang
saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
a. gitna b. panimula c. wakas d. banghay
12. Ito ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat
ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.
a. gitna b. panimula c. wakas d. suliranin
Ito ay naglalarawan ng anyo, kulay, hugis, amoy, bilang, at iba pang katangian ng
pangngalan at panghalip.
a. pang-uri b. pandiwa c. pang-abay d. pang-ugnay
14.Kaantasan ng pang-uring naglalarawan ng katangian ng dalawang pangngalan
at panghalip.
a. lantay b. pasukdol c. pahambing d. panuring
15. Kaantasan ng pang-uring naglalarawan ng namumukod o nangingibabaw na
katangian ng pangngalan at panghalip.
a. pahambing b. pasukdol c. panuring d. lantay

Aralin
Ang Maikling Kuwento
5

Balikan
Para sa pagpapatuloy ng ating aralin, magbabalik-aral tayo tungkol sa
simbolismo/pahiwatig.
Gawain I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong
sagutang papel.
1.Ano ang ibig sabihin ng simbolismo/pahiwatig?
2. Masasabi mo bang mahalagang sangkap ng maikling kuwento ang
paggamit ng mga simbolismo/pahiwatig?
3. Paano ito nakatutulong upang maging masining ang isang kuwento?

Tuklasin
Gawain I. Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa Maikling Kuwento
Gawain II. Sagutin sa inyong sagutang papel ang mga tanong na
nakasulat sa loob ng mga kahon.

1. Ano ang iyong nalalaman tungkol sa maikling kuwento?


_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________ _________________

2. Nakabasa ka na ba ng isang maikling kuwento? Anong kakintalan o


impresyong naiwan sa inyong isipan matapos mabasa ang kuwento?
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Nasubukan mo na bang sumulat ng maikling kuwento? Paano ka magsulat


ng maikling kuwento?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Mula sa iyong paunang sagot tungkol sa maikling kuwento, mapapalalim


ang iyong pag-unawa ukol dito habang sinasagutan mo ang mga inihandang
gawain at malilinang ang iyong kakayahan sa pagsusuri at pagsusulat nito.

Basahin ang maikling kuwentong Tata Selo.

Tata Selo
Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo,
ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si
Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Nagigitgitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y
naghahangad makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May
nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang
may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang
siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may
bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid
ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa
nagkakagulong tao.
"Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo," umiiling na wika ng kanyang
kahangga, talagang hindi ko ho mapaniwalaan."
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong
putok sa noo. Sa kanyang harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng
mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na
tumatama sa mga ito, walang humiihip na hangin at sa kanilang ulunan ay
nakalutang ang nasasalisad na alikabok.
"Bakit niya babawin ang saka?" tanong ng Tata Selo. "Dinaya ko na ba
siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama
lang niya ako. Hindi ba't kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw
kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?"
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin
siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang
tinitingnan.
"Hindi mo na sana tinaga ang Kabesa," anang binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong
bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked.Mataas ito, maputi
nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
"Binabawi po niya ang aking saka," sumbong ni Tata Selo. "Saan pa po
ako pupunta kung wala na akong saka?"
Kumumpas ang binatang mayaman. "Hindi katwiran iyan para tagain
mo ng kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin,
mapapaalis ka niya anumang oras. "
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
"Ako po'y hindi ninyo nauunawaan, "nakatingala at nagpipilit ngumiting
wika niya/ Sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos.
"alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang
magkasakit ang aking asawa, naimbargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko
pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi nagbibigay ng kahit isang
pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masasaka man
lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina. 'kung maaari po sana, "Besa,
wika ko po, 'kung maaari po sana, huwag naman ninyo akong paalisin. Kaya
ko pa pong mag-saka, "Besa. Totoo pong ako'y matanda na, ngunit ako pa
nama'y malakas pa. Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod,
tingnan po n'yong putok sa aking noo, tingnan po 'nyo,"
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa'y tinalikuran
si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
"Pa'no po ba'ng nangyari, Tata Selo?
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang
isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito
ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas
ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga
bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
"Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag ni Tata Selo.
"Doon ba sa may sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika'y iba na raw
ang magsasaka. Nang makiusap ako'y tinungkod ako. Ay! tinungkod ako,
amang. Nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako
pupunta?
"Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo."
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya
ang bata.
"Patay po ba?"
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas.
Napadukmo siya sa balikat.
"Pa'no po niyan si Saling?" muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang
maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina.
Katulong ito kina kabesang tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata
Selo "Pa'no po niyan si Saling?"
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa
nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito,
kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa abut-abot ang
busina ng dyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo'y
di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa istaked.
"Patay po ba? Saan po ang taga?"
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng
maykatabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang
pagkakaingay.
nanulak ang malaking lalaking hepe.
"Saan po tinamaan?"
"Sa bibig." Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot niya
at mariing ihinagod hanggang sa kanang punong tainga. "Lagas ang ngipin."
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan,
nagtulakan. Nanghataw ng ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na
ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang
pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
"Mabibilanggo ka niyan, Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo.
Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni
Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.
"Pa'no nga ba'ng nangyari? "Kunot at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
"Binawi po niya ang aking saka, Presidente, " wika ni Tata Selo. "Ayaw
ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla
lamang po at naembargo-"
"Alam ko na iyan, "kumukumpas at umiiling na putol ng nabubugnot na
alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may
nakasungaw ng luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na
mata.
"Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,"wika ni Tata Selo "Kaya ko
pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman
ako, Presidente, malakas pa po."
"Saan mo tinaga ang kabesa?"
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako
ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po
naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po'y talagang
malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako
at nang ako po'y lumapit, sinabi niyang makakaalis na ako sa aking saka
sapagkat iba na ang magsasaka.
"Bakit po naman, Besa? tanong k po. Ang wika'y umalis na lang daw po
ako. 'Bakit po naman, Besa? Tanong ko po uli, 'malakas pa po naman ako, a'
Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po'y ... Ay!
tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod."
"Tinaga mo na no'n, " anag nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin -- may mga
eskribiyente pang nakapasok doon -- ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si
Tata Seloo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming
kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang
may putik, maalikabok at luyang paa.
"Ang iyong anak, na kina kabesa raw? usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
"Tinatanong ka anang hepe.
Lumunok si Tata Selo
"Umuwi na po si Saling, Presidente."
"Kailan?"
Kamakalawa po ng umaga.
"Di ba't kinakatulong siya ro'n?"
Tatlong buwan na po."
"Bakit siya umuwi?"
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko
siya.
"May sakit po siya."
Nang sumapit ang alas-dose - inihudyat iyon ng sunud-sunod na
pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo - ay
umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang
hepe at dalawang pulis.
"Napatay mo pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe. Lumapit
ito kay Tata Selo na nakayuko at di pa natitinag sa upuan.
"Binabawi po niya ang aking saka." katwiran ni Tata Selo. Sinapok ng
hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo.
"Tinungkod po niya ako ng tinugkod, " nakatingala, umiiyak at
kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura.
Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa unipormeng kaki ng hepe.
"Tinungkod po niya ako ng tinungkod ... Ay! tinungkod po niya ako ng
tinungkod ng tinungkod ..."
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
"Si kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e," sinasabi ng isa nang si
Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan
ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo
nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang
alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo'y dapat nang nag-uuulan. Kung
may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel
sa itaas.
"Dadalhin ka siguro sa kabisera, Selo, "anang bagong paligo at bagong
bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. "Don ka siguro ikukulong."
Wala ni papag sa looob ng istaked at sa maruming sementadong lapag
nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya'y may natutuyong tamak-tamak na
tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang
kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel
matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang
kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng maitim na kape at isang losang kanin.
Nilalangaw iyon.
"Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde. Nagsindi
ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
"Patayin na rin ninyo ako, Presidente."Paos at bahagya nang narinig si
Tata Selo."Napatay ko po ang kabesa, Patayin na rin ninyo ako."
Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo
ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan niya kung may
alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling
ito.
May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa
kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may
kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating
at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-poblacion. Hanggang noon, bawa't
isa nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing
kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila
kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal.
Ang araw katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong
alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama,
mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito'y ipinatawag sa kanyang
tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis
ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatin siya ng dalawang pulis.
Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakas
si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
"Hindi ka na sana naparito Saling," wika ni Tata Selo na
napaluhod." May sakit ka, Saling, may sakit ka!"
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang
walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang
nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang mukha. Pinalipatlipat niya
ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
"Umuwi ka na, Saling " hiling ni Tata Selo. Bayaan mo na ... bayaan mo
na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi..."
Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa
istaked. Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.
"Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid. " Binalutan ng basang sako,
hindi nga halata."
"Ang anak, dumating daw?
"Naki-mayor."
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo.
napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya'y maiupo. Ngunit nang marinig
niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na
ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa'y
ilang sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos
siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas,
bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang
nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya.
"Tata Selo ... Tata Selo ..."
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang
tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya.
"Nando'n amang si Saling sa Presidente, "wika ni Tata Selo. "Yayain mo
nang umuwi, umuwi na kayo." Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag.
Ang bata'y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa'y takot at bantulot ng
sumunod...
Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit
pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding na steel
matting, ngunit si Tata Selo'y wala roon. Nasa init siya. Nakakapit sa rehas sa
dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at
tila lagi nang nag-aaninaw na mata'y tumatama ang mapulang sikat ng araw.
Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kanina.
Sinabi ng batang na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit
hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo'y hindi pagbawi ng saka ang
sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat
ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuha na sa kanila...
(Infantado, Remedios. 2018. Baybayin Paglalayag sa Wika at Pantikan 8.
Quezon City: Rex Book Store, Inc.)

Gawain III. Pag-unawa sa Maikling Kuwento.


1. Mula sa kuwentong Tata Selo, buuin ang balangkas sa tulong ng
graphic organizer sa ibaba.
Nasukat na natin ang iyong kaalaman tungkol sa binasa, palalimin pa
natin ang kaalaman mo tungkol sa maikling kuwento. Kaya huwag lamang
huminto sa bahaging ito at ipagpatuloy pa ang paglalakbay sa ating modyul.

Suriin
Ang Maikling Kuwento

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na


naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong
Tagalog.
Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling
kwento. Maaaring hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding
ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng
kaalaman.
Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal
na naganap o maaaring maganap.”
Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento
at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Tagpuan
Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento.
3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan
sa kuwento.
4. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot
sa suliranin.
5. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
• Tao laban sa tao
• Tao laban sa sarili
• Tao laban sa lipunan
• Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
6. Kasukdulan
Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
7. Kakalasan- Ito ang tulay sa wakas ng kuwento.
8. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
9. Paksang Diwa- Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kuwento.
10. Kaisipan- Ito naman ang mensahe ng kuwento.
11. Banghay- Ito ay ang mga pangyayari sa kuwento.
(Pinoy Collection n.d.) https://pinoycollection.com/maikling-kwento/

Ngayon ay naunawaan mo na ang maikling kuwento at ang iba’t ibang


elemento at bahagi nito.

Mga Halimbawa:
A. Elemento ng kuwento gamit ang story map.
B. Isyung Panlipunan
Epekto sa Sarili:
Lubhang nakakaawa ang hirap dahil sa
pagmamalupit na dinananas ng mag-amang Tata
Selo mula sa kabesa, sa hepe at maging sa
alakalde. Halos nahubaran na sila ng anumang
dignidad ng pagiging tao.

Isyung Panlipunan:
Sumasalamin sa mga
tunay na nangyayari sa Epekto sa Bansa:
lipunan, masasalamin Hindi lamang sa kuwento nangyayari ang pagmamalupit
ang aktwal na ng nasa kapangyarihan. Maraming uri ng
pangyayari sa lipunan, pagmamalupit o human rights violations. Isa na rito ay
ang pang-aapi sa mga ang kawalan ng hustisya, pagsikil sa karapatang pantao
mahihirap at pagturing ng mga mahihirap at pagkawala ng due process sa
dito namababang uri pagpapatupad ng batas.

Epekto sa Daigdig:
Napakaraming nilalang sa mundo ang hindi
masyadong nabiyayaan ng materyal na bagay na
nagiging sanhi kung bakit sila ay laging inaapi,
ninanakawan ng karapantang mabuhay nang
matahimik at mapayapa.

Naisagawa mo ba nang wasto at maayos ang gawain? Mahusay!


Ngayon, sa iyong palagay, nakatulong ba ng pag-aaral mo ng maikling
kuwento upang maging mapanuri at magkaroon ng kritikal na pag-iisip?

Ngayon ay tatalakayin natin ang pang-uri at kaantasan nito.


Pang-uri at Kaantasan Nito
Salitang panlarawan ang pang-uri. Naglalarawan ito ng anyo, kulay,
hugis, amoy, bilang, at iba pang katangian ng pangngalan at panghalip.
May tatlong kaantasan ang pang-uri:

1. Lantay- Naglalarawan ito ng pangngalan at panghalip.

Halimbawa:
a. Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa
bakuran
Pang-uring Lantay Pangngalang inilalarawan ng
munisipyo.

b. Kupas ang gris niyang suot.


Pang-uring Pangngalang
Lantay inilalarawan
2. Pahambing- Naglalarawan ito ng katangian ng dalawang pangngalan at
panghalip. Ginagampanan ito ng mga salita o katagang tulad ng ga, sing-
/kasing-, magsing-/magkasing-, higit…kaysa, lalo…kaysa,
digaano…kaysa, di-hamak…kaysa.

Halimbawa:

a. Kakaunti ang mga taong dumating sa munisipyo ngayon kaysa


Pang-uring Pangngalang
Pahambing Inilalarawan

kahapon.
b. Magkasinglungkot sila nang magkita sa tanggapan ng alkalde.
Pang-uring Pahambing Pangngalang Inilalarawan

3. Pasukdol- Naglalarawan ito ng namumukod o nangingibabaw na katangian


ng pangngalan at panghalip na wala nang hihigit pa sa lahat ng
pinaghahambingan. Maaaring gamitin ang mga panlapi at salitang tulad
ng pinaka-, napaka-, ubod ng…, hari ng…, o kaya ay pag-uulit ng mga
salitang naglalarawan.

Halimbawa:

a. Magulong- magulo ang mga taong nakikisuyo sa munisipyo.


Pang-uring Pasukdol Pangngalang Inilalarawan

b. Ubod ng yaman ang Kabesa sa kanilang bayan kaya kumampi sa


Pang-uring Pangngalang Inilalarawan
Pasukdol kanya ang hepe.
Infantado, Remedios. 2018. Baybayin Paglalayag sa Wika
at Pantikan 8. Quezon City: Rex Book Store, Inc.

Pagyamanin
Ngayon, nais mo bang subukan ang pagsulat ng wakas ng isang maikling
kuwento? Gamit ang mga natutuhan sa pag-aaral ng maikling kuwento—mga
elemento at bahagi, narito ang iyong magiging gawain.

Gawain I. Likha Na!


Sa pagbuo ng wakas gamitin ang mga kaantasan ng pang-uri sa
paglalarawan batay sa totoong buhay o sa iyong napanood. Salungguhitan ang
mga pang-uring ginamit sa pagwawakas. Gawin mo ito sa inyong sagutang
papel.
Isaisip
Ngayon ay susukatin natin ang pagkatuto sa mga konsepto at kaalamang
tinalakay.
Punan ng wastong salita ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
sagot sa iyong sagotang papel.

Ang __________ ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman


ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. __________ nakasalalay dito ang
kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa
mga tauhan ng kwento. Ang__________ ay problemang haharapin o
kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento. __________ naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
__________ay ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga
kasalungat na maaaring kapwa tauhan.
Ang__________ tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigayturing
sa mga pangngalan at panghalip. ______________ kaantasan ng panguring
naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip.
__________ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip. At ang _______________ay naglalarawan ito ng namumukod o
nangingibabaw na katangian ng pangngalan at panghalip na wala nang hihigit
pa sa lahat ng pinaghahambing

Isagawa
Basahin ang kuwento at suriin batay sa elemento nito gamit ang story
map. Punan ang graphic organizer na nasa ibaba ayon sa hinihingi nito. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Saranggola
Ni Efren Abueg
Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kuwentong ito. May
isang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang
guryon. “Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng
saranggola,” wika ng ama. “Hindi ako marunong, Tatay,” anang batang lalaki.
“Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.
Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang
anak. “Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama. “Anak, pag-
aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo
ang taas at tagal ng lipad ng guryon!”
Nainis ang bata sa kanyang ama. “Kinakantiyawan ako sa bukid, Tatay,”
anang bata. “Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa
bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!” Nagtawa ang ama at tinapik na
naman sa balikat ang anak. Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas
na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan.
Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon
na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali
ang mga tadyang, wasak-wasak.
Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali
niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita
nilang nakasampid sa isang balag.
“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon ‘yan,
nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad
ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang
tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak,
laging nawawasak.”
Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging
katorse anyos siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa
eskwela, pagsama-sama sa mga kaibigan.

“Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung


masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta
nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi,” pagunita ng kanyang ama.
“Kawawa nga ako, Tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari ng
istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko…
parang anak ng pobre.” “Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto
ka sa mga gamit sa eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa
mga pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Hindi natututuhan ang
pagtitipid.”
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng
hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa
mga kabarkada at madalas, pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong
sa machine shop kung araw na walang klase. “Pinahihirapan talaga ako ng
Tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa ina.
“Kaisaisa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin… parang ampon!”
“Hindi totoo ang sinabi mo, anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa
paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.”
“Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?”
“Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama.
Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang
kanyang ina.
Nang labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha
sila ng commerce. “Mabuti ‘yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad,”
mungkahi ng isa sa limang magkakaibigan. Pumayag siya. Ngunit nang
kausapin niya ang ama, tumutol ito. “Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig
ang commerce. Palagay ko mechanical engineering ang bagay sa iyo. Tanungin
mo ang iyong ina.”
Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina. “Hindi sa
kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko…. engineering nga
ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang magmamana niyon
kundi ikaw?”
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang
barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lungsod at ngayon binata na siya,
hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.
“Ayoko nang mag-aral, Inay,” sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito
sa dormitoryo. “Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit
ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?”
Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban. “Magtiwala ka sa amin,
anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong
hinaharap.”
“Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”
“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at
magtagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.” “Bakit
kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipamamana ninyo sa akin ni Itay
ang ating kabuhayan?”
“Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung
hindi mo alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?”
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang
makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.
Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase,
ngunit sa pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang
dalawampu.
“Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa
paghahanapbuhay,” sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya
bilang mechanical engineer.
Namangha siya. “Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop
pagkatapos ko ng pag-aaral,” nawika niya sa ama.
“Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka
ibig ko, magpundar ka ng sariling negosyo.” “Bakit pa, Itay? Mayroon na
tayong negosyo.” “Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong mga paa.”
Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng
tirahan sa mga magulang. “Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama.
Gayunman, ibig kong isaisip mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang
inaalala.”
Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya nanininwala sa sinabi ng
kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama. Nagtayo
siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang
pinagsadya ng kanyang ama. “Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng
machine shop? Magkukumpetensiya pa tayo rito.”
“Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay?” Natigilan ang kanyang ama.
Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan.
“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!”
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit
na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil
higit na malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga
tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan
niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang
kanyang ginagamit. “Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka
sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang
maghanap ng puhunan sa sarili mong pagsisikap.”
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga
magulang. Dumabog siya sa harap ng ama. “Ano kayong klaseng ama? Bakit
ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan
ako?”
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi
madali ang mabuhay sa mundo, anak.” “Hindi ba kaya may mga magulang ay
para gumaan ang buhay ng mga anak?” “Ang ikagagaan ng buhay ng mga
anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito.”
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man
lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho
hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso
at nakabili ng maliit na machine shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng
tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng
tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang
may edad nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati
may pasalubong sa tatlong apong lalaki.
“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw
dahil sa hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina. “Kinalimutan ko na, Inay, na
nagakaroon ako ng ama!” Umiyak ang kanyang ina.
“Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!” nawika nito bago umalis.
Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon
ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong
kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang
machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa
at tatlong anak sa bahay.
“Nasaan sila?” usig niya sa katulong.
“Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong
ama!” “Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?” Tumango ang
tinanong na katulong.
“May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang
inyong matanda.” May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya
sa galit. Ngunit sa pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa
kanyang isip ang masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang
pagpapalipad nila ng saranggola. “Wala sa laki ng saranggola ang
pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay, tiyaga at ingat iyan!”
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng
kanyang ama.
Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan.
“Patay na siya!” bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang
hinanakit. Nilapitan niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang
marahan, kasamang nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang
laman.
“Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo.” Anas ng
kanyang ina. “Wa-walang hinanakit?”
“Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi
niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito,
parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao.
Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang pagpapalipad nila ng
saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas.
Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag na ama.
Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kuwentong iyan. Kuwento
‘yan namin ng inyong namatay na lolo. Kuwento naming dalawa.
Ailine G.Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary Grace G.
del Rosario, at Alma M. Dayag. 2014. Pinagyamang
Pluma 8. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Tayahin
I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Ito ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.
a. suliranin b. saglit na kasiglahan c. paksang diwa d. banghay
2. Elemento ng maikling kuwentong nakakamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
a. tagpuan b. saglit na kasiglahan c. suliranin d. kasukdulan
3. Elemento ng maikling kuwento na naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
a. panimula b. saglit na kasiglahan c. suliranin d. kasukdulan
4. Elemento ng maikling kuwentong nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa at kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
a. panimula b. saglit na kasiglahan c. suliranin d. kasukdulan
5. Ito ay isang masining na anyo ng panitikang naglalaman ng isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa
o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.
a. dula b. tula c. maikling kuwento d. sanaysay
6. Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente.
Kasama rin dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
a. tagpuan b. saglit na kasiglahan c. paksang diwa d. banghay
7. Ito ay kabuuan ng isang kwento. Ang kawil ng mga pangyayari ay batay sa
pagkakatulad nito mula umpisa hanggang sa kasukdulan sa bahaging ito
nilulutas ang tunggalian ng mga tauhan sa kuwento.
a. tagpuan b. saglit na kasiglahan c. paksang diwa d. banghay
8. Ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. paksang diwa d. banghay
9. Ito ay pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
a. tagpuan b. tauhan c. paksang diwa d. banghay
10. Bahagi ng maikling kuwentong dito binibigyan ng pagkakataon ang mga
mambabasa na tapusin ang kuwento at magkaroon ng pagkakataong
gamitin ang kanyang pag-iisip.
a. tagpuan b. tauhan c. wakas d. banghay
11. Ito ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang
saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
a. gitna b. panimula c. wakas d. banghay
12. Ito ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa
paglalapat ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.
a. gitna b. panimula c. wakas d. suliranin
13. Kaantasan ng pang-uring naglalarawan ng namumukod o nangingibabaw
na katangian ng pangngalan at panghalip.
a. pahambing b. pasukdol c. panuring d. lantay
14. Kaantasan ng pang-uring naglalarawan ng katangian ng dalawang
pangngalan at panghalip.
a. lantay b. pasukdol c. pahambing d. panuring
15. Ito ay naglalarawan ng anyo, kulay, hugis, amoy, bilang, at iba pang
katangian ng pangngalan at panghalip.
a. pang-uri b. pandiwa c. pang-abay d. pang-ugnay

Karagdagang Gawain
Gawain: Paghambingin ang kabataan noon at ngayon gamit ang
talahanayan sa ibaba.

Noon Ngayon
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Ailine G.Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary Grace G. del Rosario, at Alma M.


Dayag. 2014. Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

Infantado, Remedios. 2018. Baybayin Paglalayag sa Wika at Pantikan 8.


Quezon City: Rex Book Store, Inc.
(Pinoy Collection n.d.) https://pinoycollection.com/maikling-kwento/
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal.
Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong
na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampubikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay
Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento
at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like