You are on page 1of 14

0

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Siyam na Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 9: Tao Bilang Manggagawa

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan n anaghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabassatelebisiyon, pelikula, atbp.) naginamitsaaklatnaito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa pag gamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga taga pag lathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
Development Team of the Module

Name of Writers: Darrell Lomeda


Name Editors: Kaithlen P. Astive
Leah Lynn A. Hidalgo
Ellen B.Saulon
Name Reviewers: Lourdes S. Sevilla
Gerumi S. Seňar
Name Illustrator: Julio B. Granpio
Name Layout Artist: Julio B. Granpio

0
Panimula
Sa Paggawa, ang tao ay nakikisangkot sa
mga pangyayari at pagbabago sa lipunan sa
pamamagitan ng kanyang mga gawa. Ito ay
natural na pamamaraan sa pagpaunlad ng
lipunan at pagpapaunlad sa kanyang sarili.
Anuman ang maging bunga ng kanyang
paggawa ay may kontribusyon sa pag-unlad
o pagkasira ng kanyang lipunang
kinabibilangan. Sa modyul na ito, matutunan
https://reader021.docslide.net/reader021/ht mo ang kahalagahan ng paggawa at mabuting
ml5/20170802/563db7c1550346aa9a8daa6e/
bg1.png
maidudulot nito sa tao.

Layunin

Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng


dignidad ng tao at paglilingkod

Paunang Pagtataya/Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa inyong kuwaderno

1. Ang pinakamahalagang dahilan sa paggawa ay ang ____________________


A. Natatamong personal na kaligayahan mula sa paggawa
B. Material na benepisyo ng paggawa
C. Pakikisama sa mga kasamahan sa paggawa
D. Ang pag- unlad ng sarili, kapuwa at lipunan dahil sa paggawa

2. Sinasabing may pag-unlad ang tao sa paggawa kapag___________________


A. Naipapakita at naikukumpara niya nag kanyang talent sa iba
B. Nagagamit niya ang kanyang kakayahan, talento at kaalaman
C. Naipagmamalaki niya ang kanyang kakayaha, talent at kaalaman sa
ibang tao
D. Napapalago niya ang kakayahan at kaalaman ng ibang tao.

1
3. Alin ang hindi naglalarawan ng paggawa?
A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
B. Isang Gawain na palagiang ginagawa ng may pakikipagtulungan sa
kaniyang kapuwa.
C. Paggawa ng may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa
D. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at
pagkamalikhain

4. Ano ang dapat tamang maging layunin ng isang tao sa paggawa?


A. Hindi tumitigil sa paggawa
B. Hindi iniisip ang benepisyo ng kaniyang ginagawa
C. Hindi nagkakaroon ng negatibong pananaw sa paggawa

5. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag
ang tama?
A. Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan
B. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangunahing pangangailangan kung
wala siyang pera.
C. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa
D. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangnangaiangan ng
kapuwa bago ang sarili

6. Ang pagiging produktibo ng tao sa paggawa sa larangan ng agham at


teknolohiya ay nagkakaroon ng anong epekto?
A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang
pagkamalikhain
B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito
nahawakan ng tao.
C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming
produkto
D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

7. Ano ang ibig sabihin ng obheto sa paggawa?


A. Kalipunan ng mga gawain, resourcces, instrumento at teknolohiya na
ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
B. Mag taong gagamit ng mga produktong nilikha
C. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
D. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.

8. Ano ang pagkakahulugan ng kasabihang ito: “Ang paggawa ay para sa tao at


hindi ang tao sa paggawa”?
A. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang
paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kanyang
kaganapan.

2
B. Hindi kailangan ang tao upang mapagyaman ang paggawa bagkus
kailangan siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na
kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
C. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa
ngunit hindi dapat na iasa lamang niya ang kanyang pag-iral sa mga
produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapuwa.
D. Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mag nilikha bunga ng
paggawa king kaya ibubuhos niya ang lahat ng kaniyang pagod at
pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

9. Ano ang kahulugan na ang paggawa ay isang moral na obligasyon sa kapuwa


sa pamilya, sa lipunang kinabibilangan at sa bansa?
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kanyang paggawa
B. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa
kaniyang kapuwa
C. Kailanangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na nag layunin ay
makatulong at magsilbi sa kapuwa
D. Lahat ng nabanggit.

10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na paggawa


maliban sa isa:
A. Si Ryan Jay ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanyang
komunidad dahil sa kanyang pulidong trabaho. Hindi lamang sya
umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng
mungkahi sa mga ito kung paano mas mapapatibay at mapapaganda
ang pagkakagawa ng isang bahay.
B. Si Andoy ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay nilalaan sa
lob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
C. Si Alvin ay isang batang nagpunta sa mga bahay upang kumolekta ng
mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibinibigay ng
kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil
gusto niyang makapagtapos.
D. Mula pagkabata, si Andrie ay napilitang tumira sa isang pabrika bilang
trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito
dahil mayroon siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit,
si Andrie ay magtatrabaho rito ng ilang taon.

Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan,


Pag- unawa
Ang bawat pamilya sa buong mundo ay dumaraan
sa mga pagbabagong nagaganap dulot ng sakit na
COVID-19. Maraming mga magulang ang dumaranas ng
stress at nahihirapang magbalanse ng kanilang trabaho,
pag-aalaga o pagaasikaso sa mga anak. https://i.ytimg.com/vi/hxSXF5fhT
A/maxresdefault.jpg

3
Panuto: Ang bawat tao ay may sariling pananaw sa paggawa. Ang mga
larawan sa ibaba ay nagpapakita ng karaniwang gawain sa tahanan.
Lagyan ng ekis ( ) ang mga larawan na ayaw mong gawin at isulat
sa ilalim nito ang dahilan kung bakit ayaw mong gawin ang mga ito.
Gawin ito sa iyong kwaderno.

4
Pagpapalalim
Ang Tao Bilang Manggagawa

Ano ang Paggawa?


 Ito ay isang aktibidad ng tao at resulta ng pagkilos ng tao na may layuning
makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
 Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute
for Development Education,1991)
 Ang paggawa ay nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at
pagkamalikhain.
 Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa araw-araw.
 Isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan
 Isang aktibidad ng tao na maaaring mano- mano o nasa larangan ng ideya

Nang nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang wangis,


ipinagkatiwala Niya ang pangangalaga at pamamahala sa lahat ng
Kaniyang mga nilikha. Inilaan siya upang gumawa ng mga katangi-
tanging gawain. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay, tanging ang tao
lamang ang inatasan mga gawaing ginagamitan ng kaniyang talino.
Ayon sa panulat ni St. John Paul II na Laborem Excrens, ang
paggawa ay anumang gawain - pangkaisipan man ito o manwal,
anuman ang kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao, nararapat
para sa tao bilang anak ng Diyos.
Sa simula pa lamang ng paglikha sa tao, inilaan na siya upang gumawa ng mga
katangi-tanging gawain

MAHAHALAGANG LAYUNIN NG PAGGAWA

Ang tao ay gumagawa upang kitain niya ang salapi na kanyang kailangan upang
matugunan ang kanyang mga pangunahing pangangailangan.

Kailangang isaisip at isapuso na hindi tayo dapat magpaalipin sa paggawa. Ang Diyos
at hindi paggawa ang pinagmulan at ang patutunguhan ng buhay.

• Makapag-ambag sa patuloy na pag- angat at pagbabago ng agham at


teknolohiya.

Mahalagang taglayin ng tao ang malalim na pagnanais na maibahagi ang


kanyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan. Mahalagang pagyamanin ang
agham at teknolohiya ngunit kailangang masiguro na hindi gagamitin ang mga ito
upang mawalan ng silbi ang tao. Ginawa sila bilang katuwang at hindi kapalit ng tao

5
• Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.

Mahalagang maunawaan na ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto


at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan natin para sa pag- angat ng kultura at
moralidad ng lipunang ating kinabibilangan.

• May kakayahan rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga
nangangailangan.

Ang paggawa ay isang moral na obligasyon. Kailangan ng tao na gumawa


upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at
pagyamanin o paunlarin ang sangkatauhan.

• Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao.

Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang


nagbibigay ng katuturan dito. Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa
paggawa ay hinid dapat nawawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.

MGA NAKAKAMIT NG TAO SA PAGGAWA

 Nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan.


 Napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain.
 Napatataas ang tiwala sa kaniyang sarili.
 Nabibigyang-dangal ang kaniyang pagkatao.
 Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang kaniyang
kapwa at ang mapaglingkuran ang mga ito.

6
SUBHETO at OBHETO NG PAGGAWA

Ang obheto ng paggawa ay ang


kalipunan ng mga gawain, resources,
instrumento at teknolohiya na ginagamit
ng tao upang makalikha ng mga
produkto.

Ang subheto ng paggawa ay ang


mismong tao. Ang paggawa ay para sa
tao at hindi ang tao para sa paggawa.

Pagsasapuso

1 Natutuhan sa modyul

Bumuo ng maikling tula para sa ating mga Frontliners na siyang nagpapakita ng tunay na diwa
ng Paggawa sa panahon ng pandemya Covid19. Ang tula ay may pamagat at bubuuhin ng
tatlo hanggang limang saknong (3-5 stanza) at ang bawat saknong ay may apat na taludtod.
Ang gawa ay kailangan original at isulat sa espasyo sa ibaba.

7
Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa ng modyul

ang mga
2sumusunod
Ilahad ang kadahilanan kung bakit marangal at maipagmamalaki
na gawain:

1. Pagtitinda o paglalako
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Paghahakot ng basura
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Pagiging katulong
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Pagiging street cleaner/janitor


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pagsasabuhay
“PANANAW SA PAGGAWA: NAGBAGO BA?”

Lahat ng tao -- lalaki o babae, bata o


matanda, malakas o sakitin, mayaman o
mahirap, sa siyudad o nayon ay kailangan
magtrabaho. Hindi ang “Puwede na ‘yan”, o
pasado na kahit pangit ang trabaho. Naroon
din ang “Bahala na”, o kawalan ng pahalaga
kung tama o mali ang ginawa. Meron ding
“Akala ko kasi e”. Sa bahaging ito, dugtungan
ang mga sumusunod na pangungusap upang
https://vincerapisura.com/wp/wp-
maihayag ang pagbabagong ito. content/uploads/2018/05/lousy-worker.png

8
Noon ang paggawa para sa akin ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Subalit mula ngayon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Dati kung gumagawa ako ay


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ngunit ngayon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ang produkto/kinalabasan ng aking gawa noon ay


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Ngayon ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagtataya
_________1. Ang paggawa ay isang bagay na matatakasan sa araw-araw.
_________2. Ang paggawa ay resulta ng pagkilos nga tao na may layuning
makatugon sa sariling pangangailangan.
_________3. Ang tao ay para sa paggawa at HINDI ang paggawa ay para sa tao.
_________4. Ang pangunahing layunin ng paggawa ay pagkita ng salapi.

9
_________5. Ang subheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources,
instrumento, at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
_________6. Ang obheto ng paggawa ay ang mismong tao.
_________7. Ang paggawa ay para sa kapwa at kasama ng kapwa
_________8. Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan,
ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
_________9. Ang paggawa ang daan tungo sa pagbuo ng tao ng kanyang
pagkakakilanlan at kakanyahan
_________10. Tao lang ang may kakayahan sa paggawa

10
Susi sa Pagwawasto

PAUNANG PAGTATAYA
1. D
2. B
3. B
4. C
5. C
6. C
7. A
8. A
9. D
10. D

PAGATATAYA

1. M
2. M
3. M
4. M
5. M
6. M
7. T
8. T
9. T
10. T

11
Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul Para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015, Department


of Education
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-7

Sa mga larawan:

https://www.eurekastreet.com.au/uploads/image/18/56293.jpg
https://i2.wp.com/www.newwaysministry.org/wp-content/uploads/2017/09/dignity-of-work.gif?ssl=1
https://previews.123rf.com/images/junpinzon/junpinzon1809/junpinzon180900040/109026795-bunch-
of-coins-on-a-table.jpg
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRD68MFLd2wFSlVsdzdNLnIiCcW-qV_-
KGGNw&usqp=CAU
https://image.slidesharecdn.com/espmodyul7grade9-171004090338/95/esp-modyul-7-grade-9-9-
638.jpg?cb=1507108697
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcT_42bfMh3MwpBWUgcq7J9fYNMwUMwFprfaTg&usqp=
CAU
https://cdn.magzter.com/1353655760/1519620480/articles/5a9429d89248e/crp_The-Creation-Of-
Work-Sustenance.jpg
https://study.com/cimages/videopreview/videopreview-full/subsistence-farming-definition-and-
examples_140498.jpg
https://reader021.docslide.net/reader021/html5/20170802/563db7c1550346aa9a8daa6e/bg1.png
https://www.raiplayradio.it/cropgd/400x400/dl/img/2020/04/01/1585740733195_radio%201%20raccolt
e%20-%20giovanni%20paolo%20II%202048x2048.png
https://media.philstar.com/photos/2019/03/11/gen16-workers-construction2019-01-2621-42-37_2019-
03-11_11-48-35.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-
u9dajr84Kec/T8C1boO253I/AAAAAAAABFo/yWy2m5o8i5I/s1600/factory+workers.jpg
https://www.careercast.com/sites/default/files/headline-workplace-creativity.png
https://images.hrtechnologist.com/images/uploads/content_images/creativity_in_the_workplace_5d03
5521dcee6.jpg
https://i.pinimg.com/originals/53/bc/b6/53bcb6c37e154dff3d15dfeda78e6ccd.jpg
https://cdna.artstation.com/p/assets/images/images/013/641/090/large/pepper-hernandez-
manggagawa2.jpg?1540526979
https://tl.suote-sewing.com/upload/148/image/20180828/20180828142139_0886.jpg
https://i.ytimg.com/vi/HiZdIpwh_CA/maxresdefault.jpg
https://live.staticflickr.com/8469/8137399395_8047206e18_n.jpg
https://i.ytimg.com/vi/WxyE1twpEig/hqdefault.jpg
https://s2.dmcdn.net/v/RhDnp1Tsy-u_Zc6l_/x1080
https://cdn.tgdd.vn/Files/2015/03/24/624544/mot-vai-tuyet-chieu-ui-do-khong-phai-ai-cung-biet.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-
UWZWEJidv_k/Xsfh_0S5ISI/AAAAAAAAjow/CnrpqeiF19cnc9KuGaizsRq5AsSbDhDpACK4BGAsYHg
/d/1.jpg
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTk5vvMKkUVQrcaUEcHgtR0r5I2iqxshzzS1w&usqp=CA
U
https://live.staticflickr.com/5004/5367459712_8f1befe83c_b.jpg
https://byahengkangkongkamote.files.wordpress.com/2014/07/image1.jpg
https://i.ytimg.com/vi/hx-SXF5fhTA/maxresdefault.jpg

12

You might also like