You are on page 1of 17

0

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Siyam na Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 4: Ang Karapatang Pantao sa Panahon ng Pandemya at
Ang Pananagutan Bilang Tao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan n anaghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabassatelebisiyon, pelikula, atbp.) naginamitsaaklatnaito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa pag gamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga taga pag lathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


AssistantRegional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Name of Writers: Jean Camano


Name Editors: Kaithlen P. Astive
Leah Lynn A. Hidalgo
Ellen B.Saulon
Name Reviewers: Lourdes S. Sevilla
Gerumi S. Seňar
Name Illustrator: Julio B. Granpio
Name Layout Artist: Julio B. Granpio

0
Panimula
Ang kaayusan ng lipunan ay makakamit lamang kung binibigyang
halaga ang dignidad ng bawat tao sa lipunan gaya na lamang ng
pagkilala sa kanyang karapatan at mga pananagutan. Sa panahong ito
ng pandemya, napangangalagaan ba ang karapatang pantao? Paano
matitiyak ng mamamayan at pamahalaan na napapangalagaan ang
karapatan ng bawat isa kasabay ng pagganap sa mga tungkuling
kaakibat nito? Tuklasin at alamin mo sa modyul na ito ang mga
kasagutan sa mga gabay na tanong.

Layunin
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa.

Paunang Pagtataya/Pagtuklas ng Dating Kaalaman

A. Panuto: Lagyan ng tsek(√) ang kolumn na K kung ang sitwasyon ay tumutukoy


sa Karapatan at ang kolumn naman ng T kung ito ay tumutukoy sa Tungkulin.

Mga Sitwasyon K T
1. Isilang na malusog at ligtas sa anumang panganib.
2.Suportahan ang pamilya sa sapat at
masustansiyang pagkain.
3.Pangalagaan ang kalusugan at sarili sa mga
panganib ng katawan at kaluluwa
4.Pangalagaan at palaguin ang mga ari-arian upang
mapaunlad ang sarili at makatulong sa kapwa
5. Malayang makapaglaro at makapunta saan mang
lugar na nais puntahan

1
B. Panuto: Lagyan ng tsek(√) ang kolumn na S kung sumasang-ayon ka na
kumikilala ang sitwasyon sa karapatang pantao at ang kolumn naman ng HS
kung hindi sumasang-ayon sa karapatang pantao.

Mga Sitwasyon S HS
6. Pamamalo ng pulis sa isang residenteng lumabag
sa Enhanced Community Quarantine (ECQ)
7. Patas na pamamahagi ng SAP sa mga
nangangailangang mamamayan.
8. Limang binatilyong nahuling lumabag sa ECQ
ikinulong sa kulungan ng aso.
9. Pagpapahubad ng isang barangay kagawad sa
isang quarantine violator na nahuli at pagpopost pa ng
mga larawan ng nasabing pangyayari sa social media.
10. Pagpapanood ng videos sa tunay na epekto ng
Covid-19 sa mga residenteng nahuli sa paglabag sa
ECQ upang lalong maintindihan ng mga mamamayan
ang kahalagahan ng health safety protocols na umiiral,
tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing,
quarantine, at iba pa.

Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa


Kailangan ang kamalayan sa mga nangyayari sa ating bansa
upang mahinuha natin ang tamang impormasyon at angkop na hakbang
na maari nating isagawa upang mapangalaagaan ang ating mga
karapatan at magampanan ang ating mga tungkulin sa pagkamit ng
kabutihang panlahat lalo na ngayong panahon ng pandemya (Covid-19).

Panuto: Panoorin ang video sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=_JWG6_2vGmc (kung meron internet)
Karapatang-pantao ng mga residente respetuhin kahit may COVID-19
lockdown’ | TV Patrol. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na tanong
sa iyong kwaderno.

Sagutin ang mga tanong:


1. Batay sa iyong napanood na video ano ang mga karapatang pantaong
nilabag sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ)?
2. Sa iyong palagay, lumabag nga ba ang mga awtoridad sa karapatang
pantao ng mga mamamayan kung tinutupad lamang nila ang kanilang
tungkulin?

2
Sagutin ang mga tanong:
3. Ayon sa Commission on Human Rights (CHR) bakit mahalagang isaalang-
alang pa rin ng mga awtoridad ang karapatang pantao ng mga mamamayan
sa kabila ng pagtupad nila ng kanilang tungkulin ngayong panahon ng
pandemya?
4. Sa palagay mo, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang
mapangalaagan ang kanilang karapatang pantao?
5. Para sa iyo, ano ang dapat isaalang-alang ng mga awtoridad upang
mapangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan kasabay
ng pagtupad ng kanilang mga tungkulin?

Pagpapalalim
Para sa mas malalim at malinaw na pag-unawa sa paksa narito ang
mga mungkahing gawain para sa mabilis na pagkatuto:
Una: Maaring panoorin ang video na;
Ang Karapatan at Tungkulin:
https://www.youtube.com/watch?v=WfBaRZYRtVk ----Andrei Joshtin Garcera

Ikalawa: Basahin at unawain ang mahahalagang konspetong nasa ibaba na


hinango sa Grade 9 Modyul ng Edukasyon sa Pagpapakatao pahina 85-91.

Ang Karapatang Pantao sa Panahon ng Pandemya at Ang Pananagutan bilang


Tao

Ang karapatan ay ang kapangyarihang


moral na gawin, hawakan, pakinabangan at
angkinin ang mga bagay na kailangan ng
tao sa kaniyang estado sa buhay. Moral ito
dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang
kaniyang kapuwa na ibigay sa kanya nang
sapilitan o puwersahin ang mga bagay na
kailangan niya sa buhay. Kaakibat sa
karapatan ng isang tao ang obligasyon ng
kaniyang kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag
ang karapatang ito, magkakaroon siya ng
damdamin ng pagsisisi.
3
Ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o
hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain.
Moral ang obligasyong ito dahil ito ay
nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao.
Kailangang tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay
nararapat at nakabubuti. Kasama ito sa pagiging
moral ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng
tungkulin dahil ang moral ang siyang
nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan (Dy,
2013). Ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga
tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan
na may malaking epekto sa sarili at sa mga
ugnayan.

Anim na Uri ng Karapatang Halimbawa ng Tungkuling kaakibat ng


Hindi Maaalis (Inalienable) Paglabag sa mga karapatang pantao
Ayon Kay Santo Tomas de Karapatang Pantao
Aquino (Quito, 1989)

1. Karapatan sa buhay Ang aborsyon ang isa sa May tungkulin ang tao na
pinakamabigat na pangalagaan ang
Ito ang pinakamataas sa
halimbawa ng paglabag kaniyang kalusugan at
antas ng mga karapatan
sa kasagraduhan ng ang kaniyang sarili sa mga
dahil kung wala ito, hindi
buhay. Ang bawat panganib ng katawan at
mapakikinabangan ng tao
sanggol sa sinapupunan kaluluwa.
ang ibang karapatan.
ng bawat ina ay may
Dapat itong mangibabaw Gaya halimbawa ngayong
karapatang isilang at
sa ibang karapatan kung panahon ng pandemya
matamasa ang lahat ng
sakaling ito ay malagay sa (Covid-19), pinapayuhan
karapatang likas sa
panganib. ang lahat na magsuot lagi
kaniya bilang tao.
ng face mask, PPE’s at
Sa panahong ito naman sumunod lagi sa social
ng pandemya sa ating distancing protocol upang
bansa, mayroong mga maiwasan ang
paglabag sa karapatang paglaganap ng sakit at
pantao tayong mapangalagaan ang
napapanood sa mga buhay.
telebisyon gaya na

4
lamang ng pagtangging
tanggapin sa ilang
May tungkulin ang tao na
ospital ang mga may
paunlarin ang kanyang
karamdaman, ang
mga talento at kakayahan.
pananamantala ng ilan
Mag-aral upang umangat
na kumita ng malaki
ang karera at maitaas ang
kaya itinatago ng mga ito
antas ng pamumuhay.
ang mga alcohol,
Paglinang ng mga birtud
disinfectant products,
upang malampasan ang
gamot, pagkain at iba
mga pansariling kahinaan.
pang mga
pangangailangan
medikal na kailangan ng
tao upang
makapagbenta sa mas
mataas na presyo. Ang
mga gawaing ito ay
nagpapakita ng pagsikil
sa karapatan ng tao
upang mabuhay.

Anim na Uri ng Karapatang Halimbawa ng Tungkuling kaakibat ng


Hindi Maaalis (Inalienable) Paglabag sa karapatang pantao
Ayon Kay Santo Tomas de Karapatang Pantao
Aquino (Quito, 1989)

2. Karapatan sa Ang pagsira o pag- May tungkulin ang tao na


pribadong ari-arian angkin sa gamit o ari- pangalagaan at palaguin
arian ng iba ng walang ang anumang ari-arian
Hindi maaalis sa tao ang
pahintulot ay isang niya at gamitin ito upang
karapatang ito dahil
halimbawa ng paglabag tulungan ang kapuwa at
kailangan niya ang mga ari-
sa karapatang ito. paunlarin ang
arian upang mabuhay nang
pamayanan. Kaya nga sa
maayos at makapagtrabaho Ang paggamit din ng ari-
panahon ng sakuna,
ng produktibo at nakikibahagi arian upang manikil o
kalamidad o pandemya
sa lipunan. manamantala sa
(Covid-19) may mga
kahinaan ng iba ay
taong may mabubuting
tuwiran ding
puso at nakakariwasa sa
pagpapamalas ng
buhay ang tumutulong sa
paglabag sa karapatang
mga nangangailangan sa
ito.
pamamagitan ng
pagbabahagi ng pagkain,

5
damit, gamot, alcohol at
mga PPE’s.

3. Karapatang Ang fixed marriage o May kaakibat na tungkulin


magpakasal sapilitang kasal ay na suportahan ang
halimbawa ng paglabag pamilya at gabayan ang
May karapatan ang tao na
bumuo ng pamilya sa sa karapatang ito. mga anak upang maging
pamamagitan ng kasal. mabuting tao ang mga ito.
Noong panahon ng ECQ
Pinag-iingat sa pag-aasawa Kasama rito ang pagiging
dahil sa pandemya
ang mga may mabuting halimbawa sa
(Covid-19) may ilang
nakahahawang sakit o may mga anak, pag-iwas sa
kasalan ang ipinagbawal
sakit sa isip, kahit taglay pa eskandalo na maging
ng pamahalaan na
rin nila ang karapatang sanhi ng pagsira ng
isagawa bagamat labag
magpakasal. pangalan ng pamilya, at
ito sa karapatang ikasal
pagsasabuhay ng mga
sinasaalang-alang
birtud bilang isang
naman ng gobyerno ang
pamilya.
karapatan sa buhay na
siyang
pinakapangunahing at
pinakamataas na
karapatang dapat
matamasa ng bawat
indibidwal.

Anim na Uri ng Karapatang Halimbawa ng Tungkuling kaakibat ng


Hindi Maaalis (Inalienable) Paglabag sa karapatang pantao
Ayon Kay Santo Tomas de Karapatang Pantao
Aquino (Quito, 1989)

4. Karapatang pumunta Ang pagkulong o May tungkulin na igalang


sa ibang lugar pagpigil sa isang tao na ang mga pribadong
makalabas o pumunta boundary. Kaakibat ng
Kasama sa karapatang ito
sa lugar na nais niyang karapatang ito ang
ang karapatang lumipat o
puntahan ay tuwirang tungkulin na kilalanin ang
tumira sa ibang lugar na may
paglabag sa karapatang limitasyon ng sariling
oportunidad tulad ng trabaho
ito. Gaya halimbawa sa kalayaan at pribadong
o komportableng buhay o
mga kababayan nating espasyo ng kapuwa.
ligtas sa anumang panganib.
OFW na nakakaranas
Sa panahong ito ng
ng kalupitan sa kamay
pandemya bagama’t may
ng kanilang mga amo na
kalayaan tayong pumunta
ikinukulong, sinasaktan
sa lugar na nais natin
at pinagbabawalang
nilapatan ito ng

6
umuwi sa kanilang pamahalaan ng ilang mga
pamilya. restriksyon o limitasyon
upang maligtas tayong
Sa panahon ng ECQ sa
lahat sa pagkakaroon ng
ating bansa dahil sa
sakit na dulot ng Covid-19.
pandemya (Covid-19)
Ang pagkilala sa halaga
pansamantala ding inalis
ng buhay at kaligtasan ng
sa atin ang kalayaang
bawat indibidwal sa
pumunta sa mga lugar
lipunan ang
na nais nating puntahan
pinakamahalagang
upang makapamasyal,
tungkuling dapat nating
ang ilan nating
isaalang-alang sa
kababayan ay hindi rin
panahong ito ng
pinayagang makauwi sa
pandemya.
kanilang mga pamilya sa
mga probinsya sapagkat
ipinagbabawal ang
paglabas ng mga
tahanan. Muli bagamat
labag ito sa karapatang
pumunta sa ibang lugar
moral pa ring maituturing
ito sapagkat
sinasaalang-alang
lamang ng gobyerno ang
karapatan sa buhay na
siyang
pinakapangunahing at
pinakamataas na
karapatang dapat
matamasa ng bawat
indibidwal.

5. Karapatang Ang pagpilit/pagobliga May tungkulin na igalang


sumamba o ipahayag ang sa isang indibidwal na ang relihiyon o paraan ng
pananampalataya maging kasapi ng isang pagsamba ng iba. Kahit
institusyong magkakaiba ang relihiyon,
May karapatan ang bawat tao
panrelihiyon o ang may pagkakapareho rin
na piliin ang relihiyon na
pagbabawal sa isang tao ang mga ito- ang
makatutulong sa kaniya
na ipahayag ang pagsamba sa isang
upang mapaunlad ang
kaniyang nilalang na higit na
kaniyang pagkatao at
pananampalataya ay makapangyarihan sa tao.
pakikipag ugnayan sa Diyos
tuwirang paglabag sa Kasama sa tungkuling ito
at kapuwa. Hindi maaaring
karapatang ito. ang paggalang sa paraan
gawing obligasyon ang

7
pagkakaroon o paglipat sa Ngayong panahon ng ng pag-alala sa mga patay
isang partikular na relihiyon pandemya bagamat at ninuno.
upang matanggap sa trabaho nilimitahan ang mga
o maging opisyal sa panrelihiyong pagtitipon
pamahalaan. hindi naman ito
ipinagbabawal at hindi
rin ito maituturing na
paglabag sa karapatang
pantao sapagkat
isinasaalang-alang
lamang ng pamahalaan
ang kaligtasan at buhay
ng bawat tao sa lipunan

6. Karapatang magtrabaho May iba’t-ibang May tungkulin ang bawat


o maghanapbuhay. halimbawa ng paglabag isa na magpunyagi sa
sa karapatang ito gaya trabaho o hanapbuhay at
May obligasyon ang lipunan
o pamahalaan na magbigay na lamang ng magpakita ng kahusayan
ng trabaho o disenteng diskriminasyon dahil sa sa anumang gawain.
hanapbuhay sa mga anyo o katayuan sa Mahalaga ang katapatan
mamamayan upang buhay, paggamit ng ng mga empleyado sa
mapakinabangan nila ang kapangyarihan o kanilang trabaho. Kasama
karapatang mabuhay. impluwensiya bilang na rin dito ang pagiging
batayan upang produktibo ng
matanggap sa trabaho, manggagawa sa oras ng
ang hindi sapat na trabaho.
pagpapasahod o
pagbibigay ng tamang
benepisyo sa mga
manggagawa.
Sa panahong ito ng
pandemya merong mga May tungkulin ang
kababayan natin ang pamahalaan na tiyaking
nawalan ng magkakaroon ng maayos
hanapbuhay gaya ng na pagkakakitaan ang
mga jeepney drivers, mga mamamayan nito
mga piloto at iba pang upang makapamuhay ng
mga pribadong maayos sa lipunan lalo na
manggagawa sa mga sa panahong ito ng
pribado at maliliit na pandemya.
kompanya ang mga ito
ay maituturing na
paglabag kung hindi
mabibigyan ng tulong at

8
pagkakataon ang mga
manggagawa na
makapagtrabaho o
kumita para matugunan
ang kanilang mga
pangangailangang
kailangan nila para
mabuhay.

Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa encyclical na


“Kapayapaan sa Katotohanan” Pacem in Terris:
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon
ng maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan,
edukasyon,pagkalingang pangkalusugan,tulong sa walang trabaho, at
tulong sa pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa
konsensya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
(migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o
proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga
paglabag sa mga karapatang ito

9
Kaakibat sa karapatan ng
Ang mga karapatang kinilala ni isang tao ang obligasyon ng
Santo Tomas de Aquino at ng kaniyang kapuwa na igalang
Pacem in Terris ay ito at ang kaniyang obligasyon
masasalamin sa Pandaigdig na na tuparin ang kaniyang
Pagpapahayag ng mga tungkulin. Mahalaga sa bawat
Karapatan ng Tao (Universal isa, lalo na sa yugtong ito ng
Declaration of Human Rights). kabataan, ang pagsasaloob
Ibinatay ang mga karapatang ng mensaheng ito.
kinilala ng Pandaigdiga na Matutugunan mo ang tawag
Pagpapahayag sa dignidad ng sa pagbuo ng iyong pagkatao
tao, patas at hindi maaalis na sa lipunan kung igagalang mo
karapatan ng bawat kasapi ng at ng kalipunan ang mga
sangkatauhan bilang karapatan ng iyong kapuwa at
pundasyon ng kalayaan, kung tutuparin mo nang
katarungan at kapayapaan sa mapanagutan ang iyong mga
buong mundo. tungkulin.
Pagsasapuso

2 Natutuhan sa modyul

Panuto: Bilang patunay ng iyong pagkatuto sa aralin punan ng angkop na sagot ang
tsart sa ibaba:

Mga Karapatan Mga Paglabag sa Mga tungkuling


(“Kapayapaan sa Katotohanan”Pacem in Bawat Karapatan dapat gampanan
Terris) upang maiwasan
ang paglabag sa
mga karapatan
1.Karapatang mabuhay at kalayaan Hal. Aborsyon
sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang
pangangailangan upang magkaroon
ng maayos na pamumuhay (pagkain,
damit, tahanan,
edukasyon,pagkalingang

10
pangkalusugan,tulong sa walang
trabaho, at tulong sa pagtanda)
3. Karapatan sa malayang
pagpapahayag ng opinyon at
impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng
relihiyon at pagsunod sa konsensya
5. Karapatan sa pagpili ng
propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat
sa ibang lugar upang manirahan
(migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok
sa mga pampublikong gawain o
proyekto
8. Karapatan sa patas na
proteksiyon ng batas laban sa mga
paglabag sa mga karapatang ito

Panuto:Sumulat ng isang pagninilay, gamiting gabay ang


3 pangungusap na nasa ibaba. Ilahad ang iyong mga
natuklasang kaalaman mula sa aralin sa iyong dyornal.

Ang aking natuklasan mula


sa aralin ay………. Simbahan

___________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

11
Pagsasabuhay

Bilang mag-aaral at isa sa mahalagang bahagi ng lipunan,paano mo maipamamalas


ang iyong pagkundena o hindi pagsang-ayon sa mga paglabag sa mga karapatang
pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, lipunan/bansa na iyong
nasaksihan, napanood o nabasa? Gamiting gabay ang tsart sa ibaba.

Tungkulin o Hakbang na
Mga sitwasyong nagpapakita ng isasagawa upang ituwid
Aspekto
paglabag sa karapatang pantao ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag
sa karapatang pantao

1. Pamilya

2. Paaralan

3. Baranggay/Pamayanan

4. Lipunan/Bansa

12
Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa
mga mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin:
1. Ano ang karapatan? Bakit ito kapangyarihang moral?
2. Ano ang tungkulin? Bakit ito obligasyong moral?
3. Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao na
nagaganap sa kasalukuyan at magbigay ng posibleng solusyon dito batay sa
iyong sariling opinyon o ideya.
4. Bakit mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng karapatan at tungkulin ng
tao sa lipunan at sa pagkatao ng tao? Pangatwiran.

13
Susi sa pagwawasto:

Para sa Paunang Pagtataya:


A. B.
1. K 6.HS
2. T 7. S
3. T 8. HS
4. T 9. HS
5. K 10. S

14
Mga Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa Mag-aaral,Kagawaran ng


Edukasyon, Unang Edisyon, 2015, ISBN: 978-971-9601-75-3

Para sa mga cliparts/images/slidepresentations/videos/articles ang mga


sumusunod na links ang pinagkunan ng kagamitan:
▪ https://unsplash.com/photos/DX3_dXuHVl8
▪ http://cliparts.co/clipart/15271
▪ http://cliparts.co/clipart/68342
▪ http://cliparts.co/clipart/42996
▪ http://cliparts.co/clipart/96162
▪ http://cliparts.co/clipart/239075
▪ http://cliparts.co/clipart/16768
▪ http://cliparts.co/clipart/7819
▪ http://cliparts.co/clipart/856584
▪ http://cliparts.co/clipart/6623
▪ https://pixabay.com/vectors/cartoon-chalkboard-education-female-
1297710/
▪ https://pixabay.com/vectors/cartoon-chalkboard-education-female-
1297708/
▪ https://pixabay.com/illustrations/school-education-kids-people-3159205/
▪ https://pixabay.com/illustrations/remembering-recall-remember-memory-
3169605/
▪ https://pixabay.com/vectors/school-book-girl-people-read-148615/
▪ https://unsplash.com/photos/ycTvvg1mPU4
▪ https://www.youtube.com/watch?v=WfBaRZYRtVk - Andrei Joshtin Garcera
▪ https://www.youtube.com/watch?v=_JWG6_2vGmc
Karapatang-pantao ng mga residente respetuhin kahit may COVID-19
lockdown’ | TV Patrol.
▪ http://chr.gov.ph/category/press-statement/
▪ http://clipart-library.com/clipart/1452689.htm

15

You might also like