You are on page 1of 5

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET

Edukasyon sa Pagpakatao Grade 9, Quarter II, Week 4

LIKAS NA BATAS MORAL: ANG GABAY NATIN

Name: ___________________________________________ Section: ____________________

Most Essential Learning Competency (MELC)


A. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral
(Natural Law), gumagaratiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa
dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga
upang makamit ang kabutihang panlahat
B. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa
pagtugon nito sa kabutihang panlahat
Learning Objective:

-A. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral


(Natural Law), gumagaratiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon
sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga
upang makamit ang kabutihang panlahat. (EsP9TT-IId-6.3)
-B. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa
pagtugon nito sa kabutihang panlahat. (EsP9TT-IId-6.4)

- Time Allotment: Isang Linggo

Key Concepts

- Pagpapahalaga sa Aking Daigdig (Batayang Aklat) IV. 2000. pp. 60-67.*

Exercises / Activities

A. Unang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

1. Bakit kailangan ng mga batas?


a. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
b. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
c. Upang parusahan ang mga nagkakamali.
d. Lahat ng nabanggit.
2. Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
a. mamamayan
b. pamahalaan
c. pulis
d. Lahat ng nabanggit.

3.Alin sa mga sumusunod ang hindi umaayon sa dignidad ng tao?


a. Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mga
kakailanganin sa klase.
b. Ang pagpatay sa mga nahuling gumagamit na ipinagbabawal na droga
c. Ang pagbigay ng pera sa namamalimos sa kalye.
d. Wala sa nabanggit.

Author:WILLIAM E. FELISILDA
School/Station:DONA ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Division:AGUSAN DEL NORTE
email address:felisilda.william2008@gmail.com
4. Ang mga sumusunod ay mga panukalang nasa tamang katwiran maliban sa:
a. “Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala
b. “Kung ano ang inutang ito rin ang kabayaran.”
c. “Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”
d. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
5. Anu ang tamang pagtugon upang makamit ang kabutihang panlahat?
a. Pagtrato sa tao bilang kapwa.
b. Pagsunod sa batas.
c. Paggalang sa sarili.
d. Lahat ng nabanggit.

Gawain 1. PUNAN MO AT TUKLASIN!


1. Magtala ng pinakamaraming batas na kayang itala
2. Itala ang batas na sinasang-ayunan mo sa Bahay at Paaralan sa Hanay A.
3. Itala ang batas na sinasang-ayunan mo sa Bahay at Paaralan sa Hanay B.
A. May Pagsang-ayon B. May Pagtutol

Gawain 2. ALAMIN

Ano ang Likas na Batas Moral?

Ang Likas na Batas Moral ay natatangi sa tao dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may
kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at
iwasan ang masama.

FIRST DO NO HARM
- Prinsipyo ng mga doctor na laging may pagnanais na makapagpagaling at
iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente.
-Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sakabutihan.
- Sto. Tomas de Aquino
- Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip
kundi sa larangan din ng pakiramdam. -
- Max Scheler
-Ninanasa ng tao ang mabuti at hindi ang masama. Walang sinuman ang
magnanais na mapasama siya. Kahit tinatamad akong mag-aral, alam kong mabuti ang
mag-aral. Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko dapat
gawin dahil alam kong masama it
Katotohanan: Naaakit tayo sa mabuti

Nararamdaman ko ang mabuti.


Nararamdaman ko ang tama kahit na
kung minsan ay parang sinasabi ng Ang MABUTI ang laging
isip ko na mali ito. At sa kilos ng PAKAY at LAYON ng tao. Ang
pakiramdam ko kung ano ang dapat isip at puso ang gabay para
kilatisin kung ano talaga ang
kong gawin, napapanatag ako at
mabuti.
natatahimik kapag sinunod ko ang
tinig na ito.

Author:WILLIAM E. FELISILDA
School/Station:DONA ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Division:AGUSAN DEL NORTE
email address:felisilda.william2008@gmail.com
Likas na Batas Moral
- Ang likas na pagnanais ng tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
- Every human being has moral sense or the motivation deriving logically from
ethical/moral principles that govern his thoughts and actions.
- Tulad din sa likas na batas moral, preskripsyon ang mabuti, ang tama ay ang
angkop sa tao.

Layunin ng Likas na Batas Moral


-ang ikabubuti ng lahat ng tao sa kanyang pagpapakatao. “Hindi ako uunlad sa
pagkatao kung para sa sariling kabutihan lamang ang pagkilos ko. “

Apat na Elemento ng Batas ayon kay Santo Tomas:


-Pagsusukat ng kilos (Ito ay pagbabawal, pag-uutos at pagpapahintulot.)
-Pinag-isipan (Ito ay makatwiran.)
-Pinapalaganap (Ito ay pinaalam sa kinauukulan at may awtoridad o may
pwersa na ipatupad.)
-Para sa kabutihang panlahat (Ito ang layunin ng batas.)
Mga Katangian ng Likas na Batas Moral:
- Obhektibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito
ay nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha;
kaya hindi ito imbensyon ng tao. tao o hindi.
- Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao,
sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat
ng lugar at sa lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao at kahit kailan.
- Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito
ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente.
Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay
permanente rin.
- Di-nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil
hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo
ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral
ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa
lahat.
Universal Declaration of Human Rights at iba pang mga batas
- Mahalagang ingatan ang dangal ng tao
- Ang pag-unlad ng bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na
mga Karapatan
- Mga mekanismo at pamamaraan upang isa kongkreto ang pangkalahatang
pagpapahalaga sa tao
- ANG LAHAT NG BATAS AY PARA SA TAO, hindi ang kabaligtaran nito.Ang likas na
batas moral ay hindi instruction manual. Hindi ito malinaw na utos kung ano ang
gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. GABAY lamang ito upang makita ang
halaga ng tao.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng MABUTI sa TAMA?
2. Ano ang ipinag-uutos ng Likas na Batas Moral? Ipaliwanag.-

Rubric

Author:WILLIAM E. FELISILDA
School/Station:DONA ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Division:AGUSAN DEL NORTE
email address:felisilda.william2008@gmail.com
5 3 2 1

Nilalaman Kompleto at Tugma ang mga Kulang ang mga Hindi angkop ang
tugma ang mga ideya ideya mga ideya
ideya

Wasong Tama ang Tama ang Tama ang bantas Maraming mali sa
baybay at pagkakabaybayat pagkakabaybay ngunit mayilang pagkakabaybay at
bantas paggamit ng mga ngunit may ilang mali sa paggamit ng
bantas bantas na mali pagkakabaybay bantas

Kabuuan 10

Gawain 3. Palaisipang Hanayan!

2. 4.
1

2.

3.

1.

5.
3.

4.

Pahalang Pababa
1. Ang kapangyarihang pumili, 1. Ang batas na ito ay walang hanggan
2. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon 2. Ito ay natatangi sa tao dahil ang pagtungo sa
3. Isang katangian ng kaisipan kabutihan ay may kamalayan at kalayaan
4. Ito ay may kapangyarihang maghusga. 3. Anumang ninanais na makuha o maratíng
4. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay
sa katotohanan
5. Ang paggawa ng mga bagay ng tama at naayon
para sa sarili at para sa kabutihan ng lahat

Pagtataya: Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.


1. Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sa kabutihan ayon kay
_________.
2. Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pagiisip
kundi sa larangan din ng pakiramdam ayon kay _______.
3.Ang ______ ang laging PAKAY at LAYON ng tao.
4. Ang likas na pagnanais ng tao nagawin ang mabuti at iwasan ang masama.
5. Mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang pangkalahatang
pagpapahalaga sa tao.

Author:WILLIAM E. FELISILDA
School/Station:DONA ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Division:AGUSAN DEL NORTE
email address:felisilda.william2008@gmail.com
References for learners:
1. Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 ,
2. DepEd
2. Pagpapahalaga sa Aking Daigdig (Batayang Aklat) IV. 2000. pp. 60-67.*
3. Modyul 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL by Jo Marie Nel
C.Garcia Retrieved 06 May 2017
4. Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 9 pahina 3-9
Answer Key
A. Unang Pagtataya
Pagtataya 1. Sto. Tomas de
1.b Aquino
2.d 2. Max Scheler
3.b 3. Mabuti
4.a 4. Likas na Batas
5.d Moral
5. Universal

Author:WILLIAM E. FELISILDA
School/Station:DONA ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Division:AGUSAN DEL NORTE
email address:felisilda.william2008@gmail.com

You might also like