You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region v
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON

GAWAING PAGKATUTO SA ESP 7


KWARTER 2 – LINGGO 4

Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral

I. PANIMULANG KONSEPTO

Narinig mo na ba ang mga katagang “Malinis ang konsensya ko” o kaya naman “Hindi
maaatim ng aking konsensya”. Ano nga ba ang konsensya?

Ang salitang konsensya ay mula sa salitang Latin na “cum”, ibig sabihin ay “with” o
mayroon, at ang “scientia” ay nangangahulugang “knowledge” o kaalaman. Samakatuwid, ang ibig
sabihin ng konsensya ay “with knowledge” o mayroong kaalaman. Ang bagay na ito ay ibinigay sa
tao upang magkaroon siya ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ipinapahiwatig nito
ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay, sapagkat naipakikita nito ang paglalapat ng
kaalaman sa pamamagitan ng kilos na ginawa.

Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa pamamagitan ng mga sumusunod


na paraan, ayon kay Santo Tomas de Aquino: Una, nakikilala ng tao na may bagay na siyang
ginawa o hindi ginawa. Ikalawa, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y
isinagawa subalit ginawa. At ang ikatlo, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa
nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali. Ipinapakita dito na ang konsensya ay
nakakabit sa isip ng tao, kaya’t ito ay kakayahan ng isip na maghusga ng mabuti at masama.

Ano naman ang Likas na Batas Moral?

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang
nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao
ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may
kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang kilos-loob dahil ang patungo
sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan. Likas sa tao na dapat gawin ang
mabuti at iwasan ang masama.

Mga katangian ng Likas na Batas Moral:

a. Obhetibo - ang batas na namamahala sa tao na nakabatay sakatotohanan. Ito ay nagmula


sa mismong katotohanan- ang Diyos.

b. Pangkalahatan (Unibersal)- ito ay batas para sa lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat
ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.

c. Walang Hanggan (Eternal) - ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at
walang kamatayan dahil ito ay permanente.

d. Di-Nagbabago (Immutable)- ang batas na ito hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man).

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Ayon kay Lipio, binibigyan ng batas moral ang pamumuhay ng tao. sinusunod niya ang batas
moral upang magawa ang mabuti, magkaroon ng paggalang sa kapwa at makipagtulungan sa
mga taong binigyan ng kapangyarihang pangalagaan ang kapakanan ng lahat. Ang konsensya ay
maaaring uriin bilang tama at mali ayon sa Likas na Batas Moral (Esteban, 1990)

Uri ng Konsensya:

1. TAMA- ang paghuhusga ng konsensya at tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na


kakailanganin sa paglalapat ng obhektibong pamantayan ay naisasakatuparan ng walang
pagkakamali. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali
ang mali (Agapay).

2. MALI – ang paghuhusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga maling
prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon kay Agapay, mali ang
konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ang tama bilang mali.

Itinuturing ang konsensya bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
Ang tao mismo ang naghuhusga ng mabuti o masama sa kanyang gagawin gamit ang kanyang
konsensya.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Nahihinuha na nalalaman kaagad ng tao ang mabuti at masama sa konkretong
sitwasyon batay sa sinasabi ng konsensya. Ito ang Likas na Batas Moral na itinanim ng
Diyos sa isip at puso ng tao. (ESP7PS-IId-6.3)

Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang


magkaroon ng angkop na pagpapasya at kilos araw-araw. (ESP7PS-IId-6.4)

III. MGA GAWAIN


GAWAIN I: TAMA O MALI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama
at
M kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______1. Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad.
______2. Ang konsensiya ay likas sa tao upang maghusga sa mabuti o masama na maaaring
gawin.
______3. Ang tao ang nanghuhusga ng mabuti o masama na kanyang ginawa gamit ang kanyang
damdamin.
______4. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain.
______5. Nawawala ang dangal ng konsensya kapag ipinagwawalang bahala ng tao ang
katotohanan at kabutihan.
______6. Ang moralidad ay likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama
______7. Ang kamangmangan ay likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
______8. Ang konsensiya ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating
sariling katwiran.
______9. Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao at ito ang gumagabay sa kilos nito.
______10. Nagiging tama ang konsensya kung ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali at
kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo.

GAWAIN 2:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Humuhusga kung paano ilalapat ang pangkalahatang kaalaman na ito sa partikular na
sitwasyon na ating kinakaharap at gumagabay sa atin na magpasiya kung ano ang mabuting
kinakailangang gawin at masamang kinakailangang iwasan.
A. Kamangmangan C. Konsensya
B. Pagninilay D. Pagsusulit
2. Isa sa mga kilos ng isip na nag-uutos o nanghuhusga sa mabuting dapat gawin o sa masamang
dapat iwasan.
A. Kamangmangan C. Pananagutan
B. Pagsusulit D. Konsensya
3. Ang likas na batas moral ay hindi imbensiyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ang
pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas
moral ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Obhektibo C. Walang Hanggan
B. Unibersal D. Di nagbabago
4. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
A. Mapalalaganap ang kabutihan C. Maabot ng tao ang kanyang Kaganapan
B. Makakamit ng tao ang tagumpay D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
5. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam
niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli parin niya ang
sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
A. Tamang konsensya C. Maling Konsensya
B. Purong konsensya D. Mabuting konsensya

GAWAIN 3:
Panuto: Basahin at bilugan ang tamang sagot sa mga pahayag.
1. Lumaki si John Llyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip,
nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa
tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mga
mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti.
Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya.
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin.
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa
pagkilala sa mabuti at masama.
2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
c. Makakamit ng tao ang kabanalan.
d. Wala sa nabanggit
3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayang nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti man o
masama. d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran
ng tao.
4. Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam
niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang
sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya
b. Maling konsensya
c. Purong konsensya
d. Mabuting konsensya
5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na
batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo b. Walang hanggan c. Unibersal d. Di nagbabago

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS


V. SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN I:
1. T 2. T 3. M 4. T 5. T
6. M 7. M 8. T 9. T 10. M

GAWAIN 2:
1. C 2. D 3. A 4. C 5. A

GAWAIN 3:
1. D 2. A 3. D 4. A 5. A

VI. REPLEKSIYON

Ang natutunan ko sa araling ito ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
VII. SANGGUNIAN: EsP 7 Modyul para sa Mag-aaral pp. 136 – 147

INIHANDA NI:

SALVE B. ALCANTARA
T-III PILAR NCHS
Sinuri nina: (Quality Assurance Team)

SALVE B. ALCANTARA JONATHAN A. BERMEJO


T-III/PILAR NCHS T-I/SALVACION NHS

You might also like