You are on page 1of 20

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Ang Kaugnayan ng Konsiyensiya
sa Likas na Batas-Moral

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Modyul Ang Kaugayan ng Konsiyensiya
sa Likas na Batas-Moral
4

Ano man ang gagawin ay dapat makapitong isipin.


-Salawikaing Pilipino

Alamin

Maligayang pagdating sa isang panibagong yugto ng iyong pag-aaral tungo sa


Edukasyon sa Pagpapakatao. Sa linggong ito ay pag-aaralan mo ang tungkol sa
paggawa ng tamang desisyon na naaayon sa batas-moral o ang tama at maling
gawain.
Ang buong mundo ngayon ay nakarararanas ng krisis sa kalusugan, dala ng
sakit na COVID 19. Ito ay panahon upang tayong lahat ay magtulungan at gumawa
ng mga tamang desisyon nang malutas natin ang problemang ito. Sa panahong ito,
dapat ka ring gumawa ng mga desisyon na makatutulong sa iyong pamilya. Marahil
hindi mo ito napapansin pero halos lahat ng iyong ginagawa ay bunga ng iyong mga
desisyon o pasya araw-araw. Gayunpaman, sa iyong pagpili, may kailangan kang
pag-ukulan ng pansin sa kung alin ang tama at mali.
Paano nga ba nasasabing tama ang isang kilos samantalang mali ang isa?
Paano mo ito makikilala? Higit sa lahat, paano mo ito pipiliing gawin?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa konkretong
sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na
itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. (EsP7PS-IId-6.3)
b. Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang
magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos sa araw-araw. (EsP7PS-IId-6.4)

1
Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Suriin itong maigi at alamin ang
sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa dyornal notbuk.
1. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki
at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang
maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas
siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa
kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama o mali. Anong pamamaraan sa
paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd?
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang
konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama.
2. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa tao sa pag-iwas niya sa paggamit
ng tamang konsiyensiya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makagagawa ang tao ng mga maling desisyon
d. Makakamit ng tao ang kabanalan
3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng
lahat ng tao.
c. Mali, dahil hindi lahat ng tao alam ang tungkol sa tama o mali, mabuti o
masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at
kapaligiran ng tao.

2
4. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang
restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang
bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya
ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsiyensiya c. Maling konsiyensiya
b. Purong konsiyensiya d. Mabuting konsiyensiya
5. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan
lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang
pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa
pangungusap?
a. Obhektibo c. Eternal
b. Unibersal d. Immutable
6. Maaaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon na
ito ay kailangan
c. Tama, sapagkat maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring
maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng
konsiyensiya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.
7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
8. Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat
ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang Likas na
Batas-Moral ay
a. Obhektibo c. Eternal
b. Unibersal d. Immutable

3
9. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay
siyang ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na
dapat gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na
ginawa ay naisakatuparan nang maayos at tama o nagawa nang di
maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay
na dapat niyang ginawa subalit hindi niya nagawa o hindi niya dapat gawin
subalit ginawa pa rin.
10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa
mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat
ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang
ganitong negosyo at marami ang natutulungan. Ang sitwasyong ito ay
nagpapatunay na
a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa
benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala
kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay
nakatutulong sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng
gumagawa nito.
Hango sa: Edukasyon sa Pagpapakatao. -Ika Pitong Baitang. Kagamitan ng Mag-aaral. Unang
Edisyon 2013. Paunang Pagtataya pp- 122-123

11. Nalukot ng bunso mong kapatid ang mga pahinang ulat na ipapasa mo sa
iyong guro. Wala ka ng panahon upang ulitin ito. Ano ang gagawin mo?
a. Iiyak na lang ako sa guro habang kasama ko ang aking bunsong kapatid `
na magpaliwanag sa kanya.
b. Hindi na ako papasok at magpapasa ng ulat.
c. Sasabihin sa guro ang sitwasyong nangyari at gagawa na lang ulit.
d. Susuntukin ko ang aking bunsong kapatid.

4
12. Namamalimos sa kalsada ang isang kaklase mo kaya di siya nakapasok
sa inyong klase. Wala silang pambili ng gamot ng kanyang ina. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Sasamahan ko siyang mamalimos.
b. Sasabihin ko sa kanya na bawal mamalimos.
c. Pagtatawanan ko siya habang namamalimos.
d. Ipagbibigay alam ko sa aming guro ang kanyang kalagayan.
13. Nais mong ipahayag ang iyong saloobin tungkol sa naging tanong ng inyong
guro ngunit may nagsasalita pa. Ano ang gagawin mo?
a. Tatayo ako at sisingit sa pagsasalita.
b. Pauupuin ko na ang nagsasalita at ako naman ang magsasalita.
c. Hihintayin kong matapos ang nagsasalita at itataas ko ang aking kamay
upang mapansin at matawag ng guro.
d. Lalabas ako kung hindi tatawagin ng guro.
14. Naatasan ng inyong guro ang dalawa mong kamag-aral sa bawat grupo na
magtala ng makuhang puntos ng magkabilang panig sa larong volleyball.
Napansin mong labis-labis na ang puntos ng kalaban ninyo. Ano ang
gagawin mo?
a. Pupunta ako sa namumuno ng laro at sasabihin ko ang aking saloobin
nang mahinahon tungkol sa pagbibigay ng puntos.
b. Hihikayatin ko ang aking mga kasama na sumigaw ng madaya upang
makuha ang atensyon ng lahat.
c. Hihikayatin ko ang ibang mga kasapi na pumunta sa gitna ng court upang
ipakita ang pagkadismayado sa pagpupuntos sa magkabilang panig.
d. Sisigawan ko ang mga naglalaro na madaraya.
15. Si Mang Felipe ay nagtatrabaho bilang isang drayber ng delivery truck. Alam
niyang kulang ang pasahod ng kanilang amo at hindi ito sapat sa hirap na
kanilang dinaranas. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Hikayatin ang ibang mga kasamahan na magrally tungkol sa pasahod.
b. Hindi na dapat pumasok kahit walang paalam sa amo.
c. Kausapin nang maayos ang amo at ihayag ang mga hinaing tungkol sa
pasahod at kung hindi magkasundo ay magpaalam nang maayos
d. Ipaalam agad sa kinauukulang ahensya.

5
Balikan

Gawain 1: Anong Mayroon Siya na Wala Ako?

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng mga naaayon na mga kakayahan o


katangian ng tao, hayop at halaman. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na
nasa ibaba ng tsart. Gawin ito sa dyornal notbuk.

Mga Bagay na may Buhay


(Living Things) Mga Kakayahan/Katangian

Tao
Hayop
Halaman

Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa tatlo ang may pinakamaraming kakayahan na naitala mo? Bakit kaya?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Anong katangian o kakayahang mayroon sa tao na wala sa mga halaman at
hayop?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Ipaliwanag ang natatanging kakayahan ng tao at ang kahalagan ng tamang
paggamit nito.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tuklasin

Dahil sa kakayahan ng tao na angat sa iba pang nilikha, inaasahang


gagamitin niya ang mga ito na may pagpapahalaga at responsiblilidad.
Inaasahan din na gagawin at pipiliin niya ang tama sa isang sitwasyon nang sa
gano’on ay makadudulot ito ng kabutihan sa mga tao sa kanyang paligid.
Paano nga ba niya gagamitin ang kakayahan niyang mag-isip at kakayahan
niyang pumili? Tuklasin ito sa sumusunod na mga gawain.

6
Gawain 2: Isa-Isip ang Iniisip
Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon sa loob ng tsart sa ibaba.
Bilang isang mag-aaral na nagdadalaga at nagbibinata, ano ang iyong gagawin
sa sitwasyong ito?
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa angkop na kolum ng iyong dapat gawin at
pangangatuwiranan ang napiling pasya. Gawin ito sa dyornal notbuk.

Sitwasyon Ang Aking Gagawin Pangangatwiran


1. Inimbita ka ng iyong mga
kaibigan sa pamamagitan ng chat
na lumabas at pumunta sa
kabilang barangay upang maglaro
ng basketball sa kabila ng banta
ng sakit dulot ng CoViD-19 sa
halos lahat ng lugar sa bansa.
Kung ikaw ang nasa sitwasyon,
ano ang iyong gagawin?

Suriin Gawain 3: Tanong Ko Lang!


Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong sa ibaba. Sagutin ito ayon sa
iyong paniniwala. Isulat sa dyornal notbuk ang sagot.
1. Ano ang iyong mga napiling gawin mula sa una at pangalawang
sitwasyon?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Sang-ayon ka ba na ang iniisip ng tao ay dapat tugma sa kanyang
gagawin? Bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Kapag naisip mong hindi tama ang iyong ginagawa, binabago mo ba ito?
Bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

7
4. Bakit mahalagang pag-isipang mabuti ang ating ginagawa?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
MORALIDAD NG KILOS NG TAO AT ANG KAUGNAYAN NG
KONSIYENSIYA SA LIKAS NA BATAS-MORAL

Pagkatapos mong suriin ang mga sitwasyon sa mga naunang gawain ay nakabuo
ka ng mga desisyon o pasya ukol dito. Ang iyong pasya o desisyon ay produkto ng
pag-iisip sa bawat sitwasyong iyong kinakaharap at batay rin sa iyong kaalamang
nagdudulot sa madali at mahirap na pagpapasya. May mga sitwasyong madali
tayong makagagawa ng pasya, minsan nahihirapan din tayo. Kaya naman,
nangangailangan ito ng tamang pag-unawa at kaalaman sa bawat sitwasyon.
Tuklasin natin ang ilan sa mga salitang dapat malaman sa modyul na ito at ang mga
kahulugan.
A. Konsiyensiya
Noong tayo’y bata pa, isa sa mga itinuturo sa atin ng ating mga magulang o mga
nakatatanda ay ang konsepto ng mabuti at masama sa pamamagitan ng
konsiyensya o ang mabuting katauhan o loob sa atin na minsan tinatawag ito sa
wikang Ingles na good angel at ang masama naman ay ang bad angel.
Gayunpaman, ang mga ito ay katuruan lamang upang sa ganun ay magawa natin
ang mabuti at dapat.
Ang salitang konsiyensiya ay galing sa mga salitang Latin na cum na ang ibig
sabihin ay “with’ o mayroon at scientia na sa wikang Ingles ay science na
nangangahulugang knowledge o kaalaman. Samakatuwid, ang ibig sabihin ng
salitang konsiyensiya ay mayroong kaalaman o ‘with knowledge”. Ibig sabihin, ito ay
tumutukoy sa ating kaalaman o “awareness” sa lahat ng ating ginagawa.
Halimbawa nito ay ang pagbabahagi ng tulong sa
mga nangangailangan na tayo ay may konsensya o
kaalaman sa ating ginagawa. Ito ay nakakabit na sa
ating pagkatao upang sa gano’n ay magawa natin
ang nararapat hindi lang para sa atin kung hindi sa
ating kapwa tao.

8
Ayon kay Santo Tomas de Aquinas may mga paraan sa
paglalapat ng ating kaalaman sa ating mga ginagawa gamit
ang konsiyensiya.
Sa tulong ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may
bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Hindi mo man aminin
ang totoong nangyari pero alam ng iyong konsiyensiya ang
totoo at ito ay nasa kaloob-looban lamang.
Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao
kung may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi
niya nagawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa pa
rin. Ang konsiyensiya ay parang uusig sa iyo na dapat ay
sinabi o ginawa mo ang tama at ang hindi paggawa ng mali
na siyang karapat-dapat.
Gamit ang konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang
bagay na ginawa ay naisakatuparan nang maayos at tama
o di kaya’y nagawa nang di-maayos o mali. Ang
konsiyensiya ay parang bumabagabag o patuloy na
nagsasabi sa iyo na dapat ay may gawin ka upang maging
tama ang mali mong nagawa.
Ipinapakita ng tatlong paraan ayon kay Santo Tomas
de Aquino, na ang konsiyensiya ay nakakabit sa ating pagkatao na dapat na linangin
at pagyamaning mabuti. Ang konsiyensiya ang ating unang batayan sa paggawa ng
tama o paghuhusga sa mga maling gawain.
Saan nga ba natin binabatay ang ating konsiyensiya? Alamin muna natin ang
tungkol sa salitang Likas na Batas-Moral.
B. Likas na Batas-Moral

Ang Likas na Batas-Moral ay bigay sa atin ng Diyos


nang tayo ay likhain. Tinatawag itong likas dahil ito ay
natural at nakakabit sa ating pagkatao. Ang Diyos ay
nakikibahagi sa atin ng karunungan at kabutihan upang
mamuhay tayo nang may kalayaan patungo sa
kapayapaan. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao
ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.

9
Katangian ng Likas na Batas-Moral

a. Obhektibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan-


ang Diyos, mismo. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang
katotohanan ay hindi likha o imbensiyon ng tao. Hindi ito naapektuhan ng kahit na
anoman. Ang katotohanan ay lalabas pa rin, gustuhin man ng tao o hindi.
b. Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas-Moral ay para sa tao,
sinasaklaw nito ang lahat ng tao sa anumang lahi, kultura, pagkakataon at
saanmang lugar. Ito ay nakaukit sa kalikasan ng tao; kaya’t ito ay nauunawaan at
katanggap-tanggap sa lahat ng nilalang.
c. Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito
ay walang hanggan, katapusan at kamatayan sapagkat ito ay permanente.
Halintulad nito ang kalikasan ng tao kaya’t ang batas na kanyang sinasaklawan ay
permanente rin. Kaya naman ito ay laging totoo kailanman at saanman.
d. Di nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas-Moral dahil
hindi rin naman nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang
layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura,
ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad
ng iisang alituntunin para sa lahat.
Uri ng Konsiyensiya
1. Tama. Ang paghuhusga ng konsiyensiya ay nakabatay sa tamang dapat gawin at
husgahan ang mali na mali. Ang maling gawain kahit ano man ang resulta ay mali
pa rin at kailanma’y hindi magiging tama.
2. Mali. Ang paghuhusga ng konsiyensiya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa
mga maling prinsipyo o di kaya’y nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.
TANDAAN!

Malaya kang pumili o gumawa ng iyong sariling pagpapasya araw-araw. Ngunit


dapat isinasaalang-alang din ang ikabubuti ng iyong kapwa. Tandaan na ang iyong
konsiyensiya ay kaakibat ng iyong pagkatao na sana ay iyong gamitin sa tama at
piliing gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo at makadudulot ng maganda
sa iba. Nawa’y naging malinaw sa iyo kung gaano ka katangi-tangi bilang isang
nilalang na may kakayahang humusga sa tama at mali.

10
Pagyamani
n
Gawain 4: Maalaala mo kaya!
Panuto: Magbigay ng isang karanasan na may kinalaman sa iyong paggamit ng
konsiyensiya. Gamit ang mga gabay na mga guhit sa ibaba, isulat ang sagot sa
iyong dyornal notbuk.

Isulat sa loob ng kahon ang iyong karanasan kung ano ang


nangyari.

Sa loob ng speech balloon, isulat ang iyong pasya o ginawa sa


pangyayari.

Sa hugis puso ay isalaysay ang iyong natutunan sa


pangyayari at ang iyong napagtanto tungkol ditto.

Isaisip

Sa pamamagitan ng iyong konsiyensiya ay iyong nalalaman ang mabuti


at masama sa mga sitwasyon o karanasan na iyong haharapin sa buhay.
Mahalaga ito bilang nagdadalaga at nagbibinatang mag-aaral. Nawa’y ang
mga natutunang kaalaman ay magsilbing gabay sa paggawa ng mga pasya
sa hinaharap. Laging tandaan ang tungkol sa Likas na Batas-Moral na
itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.

Isagawa
Gawain 5: Gawin mo!
a
Naipaliwanag na ang kaugnayan ng konsiyensiya sa Likas na Batas-Moral mula
sa babasahin. Sa bahaging ito ng aralin, ilalapat ang mga natutunan mong konsepto
tungkol sa konsiyensiya sa pang-araw-araw na buhay.

11
Panuto:
• Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba.
• Suriin ito sa pamamagitan ng tamang paggamit ng konsiyensiya sa
sitwasyong ito.
• Isulat ito sa unang hanay o kolum.
• Kilalanin din ang pinagbatayan ng konsiyensiya sa paghusga nito.
• Isulat ito sa ikalawang hanay o kolum.
• Gabay mo ang naunang sitwasyon bilang halimbawa.
Halimbawa:
Sitwasyon: Naiwala mo ang perang ibinigay ng tatay mo na pambayad sa proyekto
ninyo. Natagalan bago ka nabigyang muli dahil nahirapan siyang kitain ang perang
iyon dahil inuna muna ang pangangailangan ninyo sa araw-araw. Mahigpit niyang
bilin na ibayad mo ito agad.

Batayan ng Paghuhusga
Paghuhusga ng Konsiyensiya
(Likas na Batas-Moral)

Sabihin sa Tatay ang nangyari. Kailangang pahalagahan ang


Tumulong na makagawa ng paraan katotohanan, kaya’t masama ang
upang makabayad sa proyekto. magsinungaling.

Sitwasyon:

Alam ni Amy ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase na nagkokopyahan sa


pasulit na hindi nahuhuli ng kanilang guro. Hindi nakapag-aral si Amy para sa
pagsusulit sa Matematika sa araw na ito, kaya’t naisip niyang gawin din ang
ginagawa ng kaniyang mga kaklase na mangopya.

Batayan ng Paghuhusga
Paghuhusga ng Konsiyensiya
(Likas na Batas-Moral)

Hango sa: Edukasyon sa Pagpapakatao. -Ika Pitong Baitang.


Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2013. Pagsasabuhat ng
mga Pagkatuto pp- 135-137

12
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag o tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa dyornal notbuk.
1. Oras ng recess, inilabas mo ang iyong baon, nang buksan mo nakita mong
walang kutsara at tinidor. Malayo ang kantina sa inyong silid-aralan. Ano ang
gagawin mo?
a. Maghuhugas ng kamay at magkakamay na lang.
b. Kukunin ang kutsara at tinidor ng kamag-aral.
c. Hindi nalang kakain.
d. Uuwi at hindi nalang papasok.
2. Pinagsaing ka ng kapatid mo. Nilagyan mo ng bigas ang saingan at hinugasan.
Nagmadali kang isalang ang kaldero dahil parating na ang iyong mga kalaro ng
Mobile Legends. Nakalimutan mong buksan ang kalan. Dumating ang iyong ina at
nakita niyang bigas pa rin ang iyong sinasaing. Ano ang gagawin mo?
a. Pagalitan ang kapatid dahil pinasaing ka.
b. Hindi aaminin sa magulang ang totoong nangyari.
c. Umalis sa bahay at sumama sa mga kalaro at bumalik na lang pagkahapunan.
d. Magsabi ng totoo sa magulang at humingi ng tawad.
3. Dala-dala mo ang proyektong ipapasa mo sa iyong guro. Sa hindi inaasahang
pangyayari, nabitawan mo ito at narumihan. Ano ang gagawin mo?
a. Sikretong kukunin ang gawa ng kamag-aral.
b. Uuwi ng bahay at iiyak.
c. Ipaliwanag sa guro ang nangyari upang makagawa ulit ng bago.
d. Hindi nalang pansinin ang guro.
4. Dahil sa kaka-facebook ni Carlos ay nagkaroon siya ng maraming kaibigan at
kakilala ngunit hindi na niya nagagawa ang mga gawaing bahay kung kaya’t
napagsasabihan siya ng magulang at kapatid. Ano ang implikasyon sa paggamit
ng facebook sa buhay ng tao?
a. Walang naidudulot na maganda ang paggamit ng facebook sa buhay ng tao.
b. Pawang kabutihan lamang ang naidudulot ng facebook sa buhay ng tao.
c. Napapagalitan ka lang ng mga kasama mo sa bahay kapag nag-facebook.
d. May mga mabuti at hindi mabuting dulot ang facebook sa buhay ng tao.

13
5. Araw ng Sabado at naglilinis ka sa bahay ninyo. Nilaro mo ang walis tambo at ito’y
nabali dahil tumama sa poste. Kabilin-bilinan pa ng nanay mo na ingatan ang mga
kagamitan sa bahay. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihing pinalo mo ang isang malaking daga kaya ito nabali.
b. Isisi sa bunsong kapatid ang nangyari.
c. Kukuha ng pera sa bulsa ni Tatay at bumili ng bagong walis tambo.
d. Sasabihin sa nanay ang totoong nangyari at humingi ng paumanhin.
6. Nag-iwan ng gawain ang inyong guro. Inihabilin kayo sa pangulo ng klase. Ano
ang gagawin mo?
a. Makipag-usap sa katabi.
b. Sisigawan ang pangulo ng klase upang ikaw ang maging lider.
c. Sundin ang pinapagawa ng guro.
d. Maglaro sa klase habang wala ang guro.
7. Nakita mong walang baon ang iyong kamag-aral at gutom na gutom ito. Ano ang
iyong gagawin?
a. Hayaan siyang tumingin sa iyo habang ikaw ay kumakain.
b. Hahatian mo siya ng iyong pagkain.
c. Sisigawan siya para lumayo sa iyo at hindi na tumingin.
d. Tatapunan ng pagkain.
8. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa tao sa pag-iwas niya sa paggamit ng
tamang konsiyensiya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makagagawa ang tao ng mga maling desisyon
d. Makakamit ng tao ang kabanalan
9. Niregaluhan ka ng iyong ina ng isang babasagin na regalo. Sa hindi inaasahang
pangyayari ay nabitawan mo ito. Ano ang gagawin mo?
a. Itanggi sa magulang ang totoong nangyari at humingi ng bagong regalo.
b. Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin.
c. Isisi sa ibang kapatid ang nangyari
d. Umiyak at magmakaawa sa magulang na bilhan ng regalo habang hindi
sinasabi ang totoong nangyari.

14
10. Napansin mo na sira ang timbangan ni Aling Linda. Kaya pala mukhang hindi
tama ang timbang ng nabiling isda. Ano ang gagawin mo?
a. Irereklamo ang ginagawang pandaraya ni Aling Linda sa inyong kapitan nang
maayos at mahinahon.
b. Ipamamalita sa ibang tao ang pandaraya ni Aling Linda para magtanda.
c. Susugurin si Aling Linda at pagsisigawan ito upang makahikayat ng atensyon
ng ibang mamimili.
d. Manahimik at walang gagawin tungkol dito.
11. Ano ang maidudulot ng paggamit ng tao sa maling konsiyensiya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Hindi na nakokonsiyensiya sa paggawa ng maling gawain.
d. Makakamit ng tao ang kabanalan
12. Sobra ang sukli na natanggap ni Jose nang bumili siya ng pagkain sa isang
karenderya. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang
bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya
ang ginamit ni Jose?
a. Tamang konsiyensiya
b. Purong konsiyensiya
c. Maling konsiyensiya
d. Mabuting konsiyensiya
13. Habang ikaw ay naglalakad at kumakain ng biskwit, wala kang nakikitang
basurahan upang itapon ang balat ng iyong pinagkainan. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Tumingin sa paligid, tingnan kung may nakatingin. Kung wala, itapon ito sa
tabi.
b. Pansamantalang ilagay muna sa bag at saka itapon kung may makitang
basurahan.
c. Itapon na lamang kung saan ang balat kahit may nakakita.
d. Magkunwaring ito ay nahulog nang kusa.

15
14. Nakapasok ang pusa sa inyong bahay at kinain ang inyong mga natirang
ulam sa mesa. Ano ang dapat gawin?
a. Pagpapaluin ang pusa kapag nahuli.
b. Sarhan ang maaaring daanan ng pusa at takpan nang mabuti ang mga
ulam na natira sa mesa.
c. Itapon ang pusa sa malayong lugar.
d. Walang gagawin sa pangyayari.
15. Piliin ang TAMANG paraan sa pagpapahayag nang malaya sa sariling kalooban
o damdamin.
a. Pagsasabi sa iba ng mga mapanirang balita tungkol sa pangyayari.
b. Pagpapahayag ng damdamin sa mahinahon, magalang na paraan at
may katotohanan.
c. Pagpapahayag ng mga hinaing sa pamahalaan sa social media.
d. Pagiimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng mga fake news sa social
media.

Karagdagang Gawain

Ang konsiyensiya ay nakabatay sa Batas-Moral at mahalaga upang makagawa


ng mabuting pagpapasiya kaya dapat linangin o paunlarin.
Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba kung papaano mo lilinangin o
pauunlarin ang iyong sarili sa mga sumusunod na gawain. Isulat ang iyong sagot sa
dyornal notbuk.
a. Mga gawaing pampaaralan
b. Mga gawaing pang-komunidad
Pahayag:
a. Mga gawaing pampaaralan
Pauunlarin ko ang aking sarili sa paggawa nang mabuti na naayon sa
tamang konsiyensiya sa mga gawaing pampaaralan sa pamamagitan ng
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

16
Pahayag:
b. Mga gawaing pang-komunidad
Pauunlarin ko ang aking sarili sa paggawa nang mabuti na naayon sa
tamang konsiyensiya sa mga gawaing pang-komunidad sa pamamagitan ng
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

17
Susi sa pagwawasto

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph
19

You might also like