You are on page 1of 7

1.

Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi


nagtatapos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi
tuluyang nagpapahinga
d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto
na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
2. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan
sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na
pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging
sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano
ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng
epekto nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan
ng kapwa na akuin ang pagkakamali.
c. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng
kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit
3. Ang sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip c. magpasya
b. umunawa d. magtimbang ng esensiya ng mga bagay
5. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob :
a. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang
nadarama
6. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay ,
maging malusog at makaramdam.

103
d. Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan
upang lumaki, kumilos at dumami.
7. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang .
a. kabutihan b. kaalaman
c. katotohanan d. karunungan
8. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at
pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan

9. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:


a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
10. Ang tao ay may tungkuling , ang isip at kilos-
loob.
a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
c. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
d. Wala sa nabanggit

1. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki


at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan
niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito,
madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na
magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong
pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-
agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang
konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti at masama.
2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling
konsiyensiya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makakamit ng tao ang kabanalan
d. Wala sa nabanggit
3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
122
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod
ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti
o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at
kapaligiran ng tao.
4. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa
isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa
kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng
konsiyensiya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsiyensiya c. Maling konsiyensiya
b. Purong konsiyensiya d. Mabuting konsiyensiya
5. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan
lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang
pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa
pangungusap?
a. Obhektibo c. walang hanggan
b. Unibersal d. di nagbabago

122
6. Maaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao sa pagkakataon
na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging
manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta
ng konsiyensiya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.
7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
8. Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat
ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas
na batas na moral ay:
a. Obhektibo c. walang hanggan
b. Unibersal d. di nagbabago
9. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay
siyang ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na
dapat gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na
ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di maayos o
mali.
d. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may
bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi
niya dapat isagawa subalit ginawa.
10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong
sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos
lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na
ang negosyong ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyong na ito ay
nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay
sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababale-wala
kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay
nakatutulong sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami
ng gumagawa nito.

142
1. Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng
kalayaan maliban sa:
a. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang
mapalawak ang kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang
malaking bagay ang magagawa nito upang maiahon niya ang kanyang
pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang kanyang
mga kakayahan.
b. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling
dito. Inihanda niya ang kanyang sarili sa magiging reaksiyon ng kanyang
mga kapatid sa kanyang ginawa. Dahil dito siya na mismo ang gumawa
ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa ito ay
nangangahulugan na siya ay mapapahiya at masasaktan.
c. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa
kanyang mga magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya araw-
araw sa paaralan ngunit sa halip nagpupunta ito sa computer shop
kasama ang mga barkada. Dahi alam niyang labis na mapagagalitan
ang kanyang kapatid hindi niya ito sinabi sa kanyang magulang dahil
ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan.
d. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwalian na nagaganap sa
loob ng kanilang kompanya. Saksi siya sa pandarayang ginagawa ng
kanyang matalik na kaibigan sa report ng kinita ng kompanya. Sa kabila
ng pakiusap nito na manahimik na lamang siya ay sinabi pa rin niya ito
sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanyang
kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman.
2. Ang sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan
maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas-moral
d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
3. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na
itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan
upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng
isip.
b. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng
partikular na bagay o kilos.

142
c. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kaniyang
pagiging mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan
d. Lahat ng nabanggit
4. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang .
a. Isip b. dignidad c. Kilos-loob d. Konsiyensiya
5. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang
pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-
ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan
pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at
ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang .
a. Karapatang pantao c. Panloob na kalayaan
b. Dignidad bilang tao d. Panlabas na kalayaan
6. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na
sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang
gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak
na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais
ng magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang
landas.
d. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring
magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit dito sila natututo ng
mahalagang aral.
7. ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap
ay:
a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang
ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa
paghuhusga ng tao
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung
malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama
8. Ano ang nagbibigay hugis o direksiyon sa kalayaan?
a. Isip b. konsiyensiya c. batas-moral d. dignidad
9. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay
nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay
kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na
batas-moral

143
c. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay
lamang sa kanyang nais
d. Lahat ng nabanggit
10. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang
anumang kanyang naisin. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao
subalit hindi niya magawa ang mga ito
c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan
d. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay sapagkat
mayroon siyang isip at kilos-loob

You might also like