You are on page 1of 3

WESTERN BICUTAN NATIONAL HIGH SCHOOL

E.P. Housing Phase 1, Western Bicutan, Taguig City


Pangalawang Mahabang Pagsusulit
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade 7

Pangalan:__________________________________Taon/Pangkat:____________________Petsa:____________Iskor:____________
I. Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng __________; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at
gumawa nang ayon sa katotohanang natuklasan.
a. katotohanan b. kaalaman c. kabutihan d. kamalayan
2. Ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasya, at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na __________.
a. katalinuhan b. kilos-loob c. konsensiya d. isip
3. Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na “cum” at “scientia” na ang ibig sabihin ay ___________.
a. with knowledge c. intellectual consciousness
b. intellectual ability d. without knowledge
4. Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Nakasalalay sa tao ang
pagsasaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ay kanyang piliing gawin. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito.
b. Mali, dahil mas nangangailangan ng pagsasanay ang isip sa pagpili ng tama o mali.
c. Tama, dahil ang isip at kilos loob ay kailangang linangin upang magawa ng tao ang kanyang nais gawin.
d. Mali, dahil ang kaganapan ng tao ay likas sa kanyang katauhan. Hindi na kailangan pang linangin ang kanyang isip at
kilos-loob dahil kusa naman itong lalabas.
5. Nahihirapan sa pagsusulit ang iyong kaibigan. Alam mong mahalaga sa kanya ang pagsusulit na ito dahil maaaring ulitin niya
ang asignatura kapag hindi niya ito naipasa. Sinenyasan ka niya para humingi ng tulong sa mga tamang kasagutan. Isa kang honor
student at huwaran sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Ano ang gagawin mo?
a. Papakopyahin ko siya dahil matalik kaming magkaibigan.
b. Hindi ko siya papakopyahin dahil baka mahuli ako ng aking guro.
c. Tutulungan ko siya dahil hindi kaya ng aking konsensya na siya ay bumagsak.
d. Hindi ko siya tutulungan sa pagsusulit dahil ang pagkopya ay paraan ng pagnanakaw ng kaalaman at ang pagpapakopya ay
pagkunsinte sa maling gawain.
6. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
b. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon silang pangangailangan tulad ng alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging malusog at makaramdam.
d. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos.
7. Habang ikaw ay naglalakad pauwi, nakita mong nasagasaan ng mabilis na sasakyan ang asong natutulog sa kalsada. Sa iyong
pagkagulat, ikaw ay napasigaw at iyong nakita na ang nagmamaneho ng sasakyan ay ang iyong ninong. Barangay tanod ang iyong
ama at mahigpit na ipinapatupad sa inyong lugar ang pagprotekta sa mga hayop. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan ko nalang ang nangyari dahil baka pagalitan ako ng aking ninong kapag ako ay nagsumbong.
b. Pupuntahan ko agad ang bahay ng aking ninong at ipapaalam ko ang kanyang pananagutan sa kanyang nasagasaan.
c. Ipapagbigay alam ko sa aking ama ang aking nakita. Ang aking ama nalang ang kakausap sa aking ninong tungkol sa
pananagutang kailangan niyang harapin.
d. Hihingi ako ng tulong upang gamutin ang aso.
8. Ang Likas na Batas Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay
nangangahulugan na ang Likas na Batas Moral ay:
a. walang hanggan b.unibersal c. obhektibo d. di nagbabago
9. Sobra ang sukli na natanggap ni Dether nang bumili siya ng paborito niyang pagkain sa kantina ng paaralan. Alam niyang gutom pa
siya at kulang pa ang kanyang kinain subalit isinauli parin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Dether?
a. purong konsensya b. mabuting konsensya c. tamang konsensya d. maling konsensya
10. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama. Ang pahayag na ito ay
nagsasaad na ang gamit at tunguhin ng kilos-loob ay __________.
a. paggamit ng konsensiya b. pag-unawa sa katotohanan c. paggawa ng kabutihan d. pagtuklas ng kaalaman
11. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
d. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama.
12. Alin sa mga sumusunod ang tamang konsepto ng kaugnayan sa kalikasan ng tao?
a. Ang halaman at hayop, gaya ng tao, ay may kakayahang masuri ang tama para sa kanya.
b. Ang kalikasang materyal ng tao ay pumipigil sa pagyabong ng ispiritwalidad dahil likas na masama ang katawan ng tao.
c. Pantay ang antas ng materyal at espiritwal na kalikasan.
d. Ang kalikasang materyal at espiritwal ng tao ay magkasanib at parehong mahalaga sa pagkaroon ng kaganapan.
13. Paano nalalaman ng konsiyensa ang tama at mali?
a. kaalaman sa Saligang Batas c. paggawa ng kabutihan
b. paggamit ng isip d. obhetibong pamantayan ng Likas na Batas Moral
14. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may
kakayahang makilala ang mabuti at masama. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang tao ay napapalibot sa mga batas na mahigpit na ipinapatupad at kailangang sundin.
b. Tama, dahil nakikibahagi ang tao sa karunungan at kabutihan ng Diyos kaya naman binigyan siya ng kalayaan upang
gumawa ng mabuti at iwasan ang masama.
c. Mali, dahil ang Likas na Batas Moral ang humahadlang sa kalayaan ng tao na gawin ang nais niyang gawin.
d. Mali, dahil nawawalan ng kalayaan ang tao dahil sa pagbigay ng Diyos ng batas na ito.
15. Kumukuha ka nang pangalawang markahang pagsusulit nang mag-vibrate ang iyong cellphone. Nais mo sanang sagutin ang
tawag ng iyong ina subalit ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa silid aralan. Ano ang iisipin at gagawin mo?
a. Ipapaalam ko sa aking guro ang natanggap kong tawag at sasagutin ko ito agad dahil baka ito’y importante.
b. Hahayaan ko nalang ang tawag, mag-aantay na lamang ako ng break time at saka ako gagamit ng cellphone.
c. Ipapaalam ko sa aking guro ang natanggap kong tawag at hihingi ako pahintulot upang sagutin ito dahil baka
ito’y importante.
d. Hindi ko sasagutin ang tawag dahil ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa silid aralan.
16. Nag-cutting classes ang siga mong kaklase at nakita mo siya sa inyong lugar noong ikaw ay papasok ng eskwelahan. Tinanong ka
ng iyong guro kung nasaan siya, ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko sasabihin sa aking guro ang aking nalalaman dahil ako’y natatakot.
b. Ipagtatapat ko sa aking guro ang aking nalalaman kahit na magalit ang aking kaklase. Gagawin ko ito dahil ito ang
nararapat.
c. Hindi ko ipagtatapat sa aking guro ang aking nalalaman dahil baka mapahamak ako kapag nalaman ng kaklase kong
nagsumbong ako.
d. Hindi ko muna sasabihin sa aking guro ang katotohanan. Gagawa nalamang ako ng liham at ipagtatapat ang aking
nalalaman subalit hindi ko ito lalagdaan para sa aking kaligtasan.
17. Saksi si Jenny sa pagkawala ng pitaka ni Andrea. Nakita niya ang kaniyang matalik na kaibigang si Betty na kinuha ito
sa bag noong sila ay abalang naglilinis ng silid aralan. Kinausap ni Jenny si Betty na ibalik ang pitaka ngunit ito ay nagdabog
at nagalit. Ipinagtapat ni Jenny kay Andrea ang kanyang nakita. Anong uri ng konsensya ang ginamit niya?
a. purong konsensya b. mabuting konsensya c. tamang konsensya d. maling konsensya
18. Ikaw ay palaging inaasar sa iyong klase. Isang araw, inimbita ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagpupulong ng isang
organisasyon sa labas ng inyong paaralan. Natuklasan mo na ito pala ay isang fraternity/sorority. Ano ang iisipin at gagawin mo?
a. Hindi ako sasali sa fraternity/sorority dahil takot ako sa pwedeng mangyari sa akin sa initiation.
b. Sasali ako sa fraternity/sorority para hindi na ako asarin at awayin sa klase.
c. Hindi ako sasali sa fraternity/sorority. Protektado naman ako ng Anti-Bullying Law kaya isusumbong ko nalang sa aking
guro/guidance counselor ang mga nang-aasar sa akin.
d. Sasali ako sa fraternity/sorority upang matakot sa akin ang aking mga kaklase at ako’y kanilang kaibiganin.
19. Ang kapangyarihan ng tao na mangatuwiran ay tinatawag na __________.
a. talento b. isip c. katalinuhan d. kilos-loob
20. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. Makakamit ng tao ang kabanalan c. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
b. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan d. Wala sa nabanggit
21. Nakita ni Kenneth ang isang libong piso sa ilalim ng upuan ng kanyang kaklase. Dahil siya lamang ang tao sa silid aralan at
kailangan niya ng pera pambili ng pangangailangan ng kaniyang pamilya kaya kinuha niya ito. Dumating si Alexis at hinahanap
ang nawawala niyang pera. Tinanong niya si Kenneth tungkol dito subalit sinabi nito na wala siyang nakita o napansing pera.
Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Kenneth?
a. masamang konsensya b. maling konsensya c. tamang konsensya d. mabuting konsensya
22. Mahaba ang pila sa LRT Edsa Station at mahuhuli ka na sa iyong pagpunta sa simbahan, nakita mo sa bahaging unahan ng pila
ang iyong kaibigan at niyaya ka niya na pumuwesto sa kanyang likuran upang makaabot sa pang 10:00 na misa. Ano ang iyong
iisipin at gagawin?
a. Sisingit ako sa pila para hindi ako mahuli sa misa.
b. Hindi ko tatanggapin ang alok nang aking kaibigan dahil marami ang magagalit sa akin.
c. Sisingit ako sa pila dahil ito ang gusto ng aking kaibigan.
d. Pipila ako ng tama dahil bawat pasahero ay pantay-pantay na naghihintay at pumipila. Hindi ako sisingit dahil
panlalamang ito sa aking kapwa.
23. Marami ang tao sa kantina at mahaba ang pila. Habang ikaw ay naghihintay, nakita mo ang iyong kapatid na pinulot ang
limandaang pisong nahulog sa bulsa ng iyong kaklase. Kinausap mo siya upang ibalik ito subalit hindi siya nakinig. Pagdating sa
bahay, nagulat ka dahil masarap ang inyong ulam at sinabi ng iyong ina na nakapulot ang iyong kapatid ng pera.
Ano ang gagawin mo?
a. Kakain ako ng marami dahil minsan lang naman maging masarap ang ulam namin.
b. Ipagtatapat ko sa aking ina ang aking nakita. Sasabihin ko na hindi isinauli ng aking kapatid sa aking kaklase ang napulot
niyang pera kaya’t nararapat naming itong ibalik.
c. Ipagsasawalang bahala ko nalang ito dahil napunta naman sa mabuti ang napulot na pera.
d. Sasabihin ko sa aking ina ang nangyari subalit wala akong gagawin upang maibalik ang pera ng aking kaklase.
24. Ang tao ay may tungkuling ________________________, ang isip at kilos-loob.
a. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap c. Sanayin, paunlarin, at gawing ganap
b.Kilalanin, sanayin, at gawing ganap d. Wala sa nabanggit
25. Gustong-gusto mong maging kaibigan ang kaaway ng iyong bestfriend dahil sa kabaitan na ipinapakita niya sa iyo. Kahit na alam
Mong wala kang kinalaman sa kanilang alitan, pinagsabihan ka ng iyong bestfriend na huwag kakausapin ang kanyang kaaway
dahil kung hindi pati ikaw ay madadamay. Kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan, ano ang gagawin mo?
a. Kakaibiganin ko parin ang kaaway ng aking bestfriend dahil hindi naman ako kasali sa kanilang away.
b. Pagsasabihan ko ang aking bestfriend na mali ang kanyang ginagawa ngunit susundin ko parin siya dahil ayaw kong masira
ang aming pagkakaibigan.
c. Pagsasabihan ko ang aking bestfriend na mali ang kanyang ginagawa. Makikipagkaibigan parin ako sa kanyang kaaway
dahil wala naman akong kinalaman sa kanilang alitan.
d. Hindi ko kakaibiganin ang kanyang kaaway dahil baka putulin niya ang aming pagkakaibigan.
26. Hinabilin sa iyo ng iyong ina ang pagbabantay sa iyong nakababatang kapatid dahil siya ay may mahalagang pupuntahan.
Sinabayan mo ng panonood ng paborito mong palabas ang pagbabantay sa iyong kapatid. Sa hindi inaasahang pangyayari, nadapa
ito at nagkaroon ng galos sa binti at bukol sa ulo. Dumating ang iyong ina at nakita ang sugat, tinanong ka niya kung ano ang
nangyari. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin kong malikot ang aking kapatid kaya ito nadapa at nagkasugat.
b. Ipapagtapat ko ang aking naging kasalanan. Sasabihin ko ang galos na natamo ngunit hindi ko babanggitin ang bukol sa ulo
dahil baka ako ay lalong mapagalitan.
c. Ipapagtapat ko ang aking kapabayaan. Hihingi ako ng tawad sa aking ginawa at sasabihin ko na hindi lamang galos ang
natamo ng aking kapatid, mayroon din siyang bukol sa ulo.
d. Sisisihin ko ang aking kapatid dahil hindi siya nag-iingat.
27. Si Annie ay lumaki sa pamilyang puno ng pagmamahal at pagpapahalaga. Mula pagkabata, hanggang sa paglaki ay masugid
Siyang pinapangaralan ng kanyang ama at ina sa paggawa ng mabuti at pag-iwas sa masama. May mga pagkakataon na
kailangan niyang maging matatag at labanan ang tukso. Dahil dito sumasangguni siya sa kanyang mga magulang at pagbabasa
ng Bibliya upang siya ay magabayan. Anong pamamaraan ng paglinang konsensya ang inilalapat ni Annie?
a. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa paggawa ng mabuti at masama.
b. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya.
c. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
d. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang
alituntunin.
28. Nahuli ng kanyang guro si Susie na nakikipagkwentuhan sa kanyang kaibigan sa oras ng klase. Nagawa niya lamang daw
makipagkwentuhan dahil nauna siyang kinausap nito. Nang kausapin ng guro ay palaging sinisisi ni Susie ang kaniyang
kaklase na ito daw ang may kasalanan at hindi siya. Ano ang nakaligtaan ni Susie sa pagkakataon na ito?
a. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
b. Ang kahihinatnan ng kilos ng isang tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito sa sarili.
c. Ang paggawa ng isang bagay ay dapat akuin ng kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
29. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at lipunan
b. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan ng dumadaloy mula rito
c. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
d. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
30. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang __________.
a. konsensiya b. kilos-loob c. isip d. dignidad

II. Iguhit sa patlang ang  kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at  naman kung mali.
__________31. Mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ang tama bilang mali.
__________32. Ang Likas na Batas Moral ay pangkalahatan dahil sinasaklaw nito ang iisang grupo ng tao.
__________33. Ang konsensya ay tumatayong testigo na nagpapatunay sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.
__________34. Ang kamay/katawan ng tao ang ginagamit upang maisakatuparan ang isang kilos o gawa.
__________35. Nakasalalay sa kilos-loob ang kalayaan ng tao, ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino.
__________36. Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa
ibang tao.
__________37. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao.
__________38. Obhetibo ang katangian ng Likas na Batas Moral kung ito’y nakabatay sa katotohanan na nagmula sa tao.
__________39. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kabutihan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong kabutihan.
__________40. Sa pamamagitan ng konsensya, nakagagawa ang tao ng mga pagpapasiya at nasusunod ang batas-moral sa
kaniyang buhay.

III. Punan ang mga hinihinging salita ayon sa 10 Commandments of God (10 Utos ng Diyos) Exodus 20:3-17.

41. You must not have any other __________ but me.
42. You must not make for yourself an __________ of any kind of image of anything in heavens or on the earth or in the sea. You must
not bow down to them or worship them, for I, the Lord your God, am a jealous God who will not tolerate your affection for any other
gods.
43. You must not __________ the name of the Lord your God.
44. Remember to observe the __________ day by keeping it holy.
45. __________ your father ang mother.
46. You must not __________.
47. You must not commit __________.
48. You must not __________.
49. You must not __________ falsely against your neighbor.
50. You must not covet your neighbor’s __________. You must not covet your neighbor’s wife, male or female servant, ox or donkey,
or anything that belongs to your neighbor.

Psalm 37:5 “Commit everything to the Lord. Trust him, and he will help you.”

You might also like