You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF BUTUAN CITY
ALVIOLA VILLAGE INTEGRATED SECONDARY SCHOOL – BAAN CAMPUS
BRGY. BAAN KM 3, BUTUAN CITY

SUMMATIVE EXAMINATION #2
ESP 7, QUARTER 2

 Panuto: Sanggahan/itiman/I-shade ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


Walang susulatan dito.

1. Nakapaloob dito ang mga bagay na likas sa tao, gaya ng paggalang, pagmamahalan at
maraming pang iba.
A. Likas na Batas-Moral C. Batas ng Lupa
B. Likas na Batas Lipunan D. Batas ng tao
2. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong
katotohanan – ang Diyos
A. Obhetibo C. walang hanggan o eternal
B. Pangkalahatan o Unibersal D. Di-nagbabago o immutable
3. Anong Likas na Batas Moral na sinasaklaw nito ang lahat ng tao at nakapangyayari ito sa
lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon?
A. Obhetibo C. walang hanggan o eternal
B. Pangkalahatan o Unibersal D. Di-nagbabago o immutable
4. Anong Likas na Batas Moral na hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man)?
A. Obhetibo C. walang hanggan o eternal
B. Pangkalahatan o Unibersal D. Di-nagbabago o immutable
5. Anong Likas na Batas Moral na ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas ay
sumasaklaw sa kanya ay permanente rin?
A. Obhetibo C. walang hanggan o eternal
B. Pangkalahatan o Unibersal D. Di-nagbabago o immutable
6. Ano ang ibinigay sa tao ng siya ay likhain ng Diyos?
A. Likas na Batas Moral C. batas ng tao
B. Pangkalahatan o Unibersal D. Di-nagbabago o immutable
7. Ang mga katangian ay sakop sa Likas na Batas-Moral maliban sa:
A. Paggalang sa kapwa C. Pagtulong sa mga gawain
B. Pagmamahalan D. Pag-iwas sa mga gawaing-bahay
8. Ang mga kahalagahan ng Likas na Batas-Moral maliban sa:.
A. Ito ay nagbibigay gabay sa mga tao upang pumunta sila sa tamang landas.
B. Ito ay epektibo sa kahit na sinong tao, anuman ang relihiyon o paniniwala.
C. Ito ay epektibo sa lahat ng tao, anuman ang lahi, bansa at kultura.
D. Ito ay gumagabay sa atin sa sandaling kinakailangan.
9. Alam ni Jasmine na magagalit ang kanyang magulang kapag hindi siya umuwi sa kanilang
bahay sa takdang oras pero hindi niya ito sinunod. Sumama siya sa kaniyang kaibigan na
manood ng sine. Tama ba ang ginawa ni Jasmine?
A. Tama, kasi mas masaya siya kapag kasama ang barkada.
B. Tama, dahil matagal na nilang gustong panoorin ang kanilang paboritong palabas.
C. Mali, dahil mag-aalala ang kanyang mga magulang sa kaniya.
D. Mali, dahil nilabag niya ang bilin ng kaniyang mga magulang at hindi na siya
pagkakatiwalaang muli.
10. Pinili ni Justine na magtrabaho sa gabi at mag-aaral sa umaga para makatulong sa kanyang
kapatid para makatapos at magkaroon ng trabaho nang matulungan din siya sa kanyang
pag-aaral. Kung ikaw si Justine, ito rin ba ang iyong gagawin?
A. Oo, dahil bilang magkakapatid, kami ay magtutulungan sa abot ng aming makakaya.
B. Oo, dahil siya ang nakatatandang kapatid kaya tama lang na siya ang mahuli sa pag-
aaral.
C. Hindi, dahil hindi ko obligasyon ang pagpapa-aral sa aking kapatid.
D. Hindi, dahil tanging mga magulang lang ang pwedeng magpa-aral sa mga anak.
11. Habang papunta ka sa paaralan, nakalimutan mong dalhin ang proyekto sa Agham.
Mahigpit ang bilin ng guro na dadalhin ito dahil gagamitin sa inyong gawain. Ano ang
gagawin mo?
A. Uuwi at kukunin ang proyekto kahit na mahuli sa klase.
B. Uuwi at hindi na papasok sa paaralan dahil nahuli na sa klase.
C. Hindi na uuwi at puntahan ang kaibigan para maglaro.
D. Hindi uuwi at mamasyal sa mga pasyalan.
12. Bilang isang mabuting mag-aaral, sinusunod ko ang utos at payo ng aking mga magulang.
Pinagbutihan ang pag-aaral at iniiwasan ang nakakasama sa akin. Ang mga katangiang
nabanggit ay nasa akin na lahat dahil:
A. bata pa lang ako ay alam ko na ang tama.
B. bata pa lang ako tinuturuan na ako ng aking mga magulang.
C. alam ko kung ano ang mabuti at masama.
D. lahat ng nabanggit.
13. Ang paggawa ng kabutihan ay nararapat lamang dahil ito ay nagpapakita ng mabuting asal
maliban sa isa:
A. Pagmamano sa mga nakatatanda C. Pagtulong sa mga gawaing bahay
B. Pag-alis sa bahay na hindi nagpapaalam D. Paghingi ng paumanhin kong
nagkakasala
14. Ang mga dapat gawin para makaiwas sa sakit maliban sa isa:
A. Ugaliing maghugas ng kamay bago at matapos kumain.
B. Lutuing mabuti ang karne bago kainin.
C. Maligo at mag-ehersisyo araw-araw.
D. Maglinis ng bahay paminsan-minsan.
15.Likas sa tao na gumawa nang mabuti at umiwas sa masama. Ito ay tama dahil nakikibahagi
tayo sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Ito ay tumutukoy sa:
A. Likas na Batas-Moral C. Batas ng Lupa
B. Likas na Batas Lipunan D. Batas ng tao
16.Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas
na Batas-Moral ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Obhektibo C. Eternal
B. Unibersal D. Immutable
17.Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsyensiya?
A. Mapalalaganap ang kabutihan.
B. Makakamit ng tao ang tagumpay.
C. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan.
D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan.
18.Ang mga sumusunod ay katangian ng konsyensiya maliban sa:
A. Sa pamamagitan ng konsyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o
hindi ginawa.
B. Sa pamamagitan ng konsyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at
masamang dapat iwasan.
C. Sa pamamagitan ng konsyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay
naisakatuparan nang maayos at tama o nagawa nang di maayos o mali.
D. Sa pamamagitan ng konsyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat niyang
ginawa subalit hindi niya nagawa o hindi niya dapat gawin subalit ginawa pa rin.
19.Hindi pare-pareho ang dikta ng konsyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil hindi lahat ng tao ay alam ang tungkol sa tama o mali, mabuti o masama.
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
20.Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa tao sa pag-iwas niya sa paggamit ng tamang
konsyensiya?
A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
C. Makagagawa ang tao ng mga maling desisyon.
D. Makakamit ng tao ang kabanalan.
21.Ano ang maidudulot ng paggamit ng tao sa maling konsyensiya?
A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
C. Hindi na nakokonsyensiya sa paggawa ng maling gawain.
D. Makakamit ng tao ang kabanalan.
22.Piliin ang TAMANG paraan sa pagpapahayag nang malaya sa sariling kalooban o damdamin.
A. Pagsasabi sa iba ng mga mapanirang balita tungkol sa pangyayari.
B. Pagpapahayag ng damdamin sa mahinahon, magalang na paraan at may katotohanan.
C. Pagpapahayag ng mga hinaing sa pamahalaan sa social media.
D. Pag-iimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng mga fake news sa social media.
23.Maaaring maging manhid ang konsyensiya ng tao. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsyensiya ng tao sa pagkakataon na ito ay
kailangan.
C. Tama, sapagkat maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid
dahil sa patuloy na pagsasanay.
D. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsyensiya magiging
manhid na ito sa pagkilala ng tama.
24.Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip,
nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa
tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming
mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama o mali.
Anong pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd?
A. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya.
B. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan.
C. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin.
D. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsyensiya sa
pagkilala sa mabuti at masama.
25.Dala-dala mo ang proyektong ipapasa mo sa iyong guro. Sa hindi inaasahang pangyayari,
nabitawan mo ito at narumihan. Ano ang gagawin mo?
A. Sikretong kukunin ang gawa ng kamag-aral.
B. Uuwi ng bahay at iiyak.
C. Ipaliwanag sa guro ang nangyari upang makagawa ulit ng bago.
D. Hindi nalang pansinin ang guro.
26. Oras ng recess, inilabas mo ang iyong baon, nang buksan mo nakita mong walang kutsara
at tinidor. Malayo ang kantina sa inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
A. Maghuhugas ng kamay at magkakamay na lang.
B. Kukunin ang kutsara at tinidor ng kamag-aral.
C. Hindi nalang kakain.
D. Uuwi at hindi nalang papasok.
27. Pinagsaing ka ng kapatid mo. Nilagyan mo ng bigas ang saingan at hinugasan. Nagmadali
kang isalang ang kaldero dahil parating na ang iyong mga kalaro ng mobile legends.
Nakalimutan mong buksan ang kalan. Dumating ang iyong ina at nakita niyang bigas pa rin
ang iyong sinasaing. Ano ang gagawin mo?
A. Pagalitan ang kapatid dahil pinasaing ka.
B. Hindi aaminin sa magulang ang totoong nangyari.
C. Umalis sa bahay at sumama sa mga kalaro at bumalik na lang pagkahapunan.
D. Magsabi ng totoo sa magulang at humingi ng tawad.
28.Araw ng Sabado at naglilinis ka sa bahay ninyo. Nilaro mo ang walis tambo at ito’y nabali
dahil tumama sa poste. Kabilin-bilinan pa ng nanay mo na ingatan ang mga kagamitan sa
bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihing pinalo mo ang isang malaking daga kaya ito nabali.
B. Isisi sa bunsong kapatid ang nangyari.
C. Kukuha ng pera sa bulsa ni Tatay at bumili ng bagong walis tambo.
D. Sasabihin sa nanay ang totoong nangyari at humingi ng paumanhin.
29.Niregaluhan ka ng iyong ama ng babasagin na regalo. Sa hindi inaasahang pangyayari ay
nabitawan mo ito. Ano ang gagawin mo?
A. Itanggi sa magulang ang totoong nangyari at humingi ng bagong regalo.
B. Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin.
C. Isisi sa ibang kapatid ang nangyari.
D. Umiyak at magmakaawa sa magulang na bilhan ng regalo habang hindi sinasabi ang
totoong nangyari.
30.Habang ikaw ay naglalakad at kumakain ng ice cream on stick, wala kang nakikitang
basurahan upang itapon ang balat ng iyong pinagkainan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tumingin sa paligid, tingnan kung may nakatingin. Kung wala, itapon ito sa tabi.
B. Pansamantalang ilagay muna sa bag at saka itapon kung may makitang basurahan.
C. Itapon na lamang kung saan ang balat kahit may nakakita.
D. Magkunwaring ito ay nahulog nang kusa.

You might also like