You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 12
Sangay ng Lungsod ng Cotabato
Aleosan National High School
S.Y 2022-2023
PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan:____________________________________Pangkat at Baitang:____________Iskor:_______

A.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at bilogan ang titik nito.
1. Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay ____________.
A. Obligasyong Moral B. Likas na Batas Moral C. Karapatang Moral D. Moralidad
2. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
A. pagsuot ng uniporme C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
B. pagsuot ng Identification Card (ID) D. lahat ng mga nabanggit
3. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

• Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain


• Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
• Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud

A. Karapatan sa buhay C. Karapatang pumunta sa ibang lugar


B. Karapatang magpakasal D. Karapatang maghanapbuhay
4. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umaangat ang karera at maitaas
ang antas ng pamumuhay?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang maghanap buhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
5. Ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa ___________.
A. Terorismo C. Pagpatay sa sanggol
B. Iligal na pagmimina D. Diskriminasyong pangkasarian
6. Ang _____________ ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.
A. Karapatan B. Konsensiya C. Sinseridad D. Tungkulin
7. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
A. pagsuot ng uniporme C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
B. pagsuot ng Identification Card (ID) D. lahat ng mga nabanggit
8. Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga
kriminal o nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mo ba na ibalik ang ganitong klaseng parusa?
A. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
B. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.
C. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.
D. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang may
karapatang bawiin ito ayon sa Kanyang kalooban.
9. Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang
supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama ba ang naging
pagtrato sa kanya?
A. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob.
B. Hindi, dahil may pambayad naman siya.
C. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas.
D. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya kagaya ng
iba pang mamamayan.
10. Ang mga sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa ___________.
A. Terorismo B. Pagbabayad ng utang C. Pagpatay sa sanggol D. Diskriminasyong pangkasarian
11. Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan?
A. Sa paggawa ng moral na kilos. C. Dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na kilos.
B. Dahil tao lang ang may isip. D. Dahil tao lang ang marunong kumilos.
12. Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao?
A. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tinedyer
B. Mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero
C. Isang Linggo ng hindi makapagtinda sa palengke dahil sa pandemya.
D. Pinagtatrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang makatulong sa mga magulang
13. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang
maayos at makapagtrabaho ng produktibo. Ito ay karapatan sa _______.
A. pribadong ari-arian B. mag-impok sa bangko C. bumili ng mga ari-arian D. umangkin ng ari-arian
14. Kapag nilabag ang karapatang pantao magkakaroon ng _____________.
A. pag-iisip ng pagsisisi C. damdamin ng pagsisisi
B. pananagutan D. pagmumuni
15.Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na may
kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw
at gutom na. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming grupo habang naghihintay siya ng may mabakante.
C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may
kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya
nakakahanap ng lugar sa kainan.
16. Saan nagmula ang Likas na Batas Moral?
A. Galing sa Diyos. C. Nilikha ni Santo Tomas de Aquino.
B. Inimbento ng mga pilosopo. D. Pagkauunawaan ng mga tao.
17. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ano ang ibig ipakahulugan nito?
A. Ito ay angkop sa pangangailangan at kakayahan C. Ito ay walang pasubali
B. Ito ay ayon sariling tantiya D. Ito ay tama sa lahat ng pagkakataon
18. Ano ang pinakadahilan kung bakit nilikha ang mga batas?
A. Upang ingatan ang interes ng nakararami C. Upang mapigilan ang mga masasamang tao
B. Upang itaguyod ang karapatang pantao D. Upang maprotektahan ang mga mayayaman
19. Paano natutunan ang likas na batas moral?
A. Binubulong ng anghel C. Basta alam mo lang
B. Iinuturo ng magulang D. Sinisigaw ng konsensya
20. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa isa.
A. Ito ay sukatan ng kilos. C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat.
B. Ito ay nauunawaan ng kaisipan. D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng
tao.
21. Ano ang nagiging gabay ng tao sa pagpili ng mabuti?
A. Ang isip at puso C. Mga batas
B. Ang kamay at paa D. Mga payo
22. Anong batas ang batayan ng lahat ng batas na binuo ng tao?
A. First Do No Harm C. Aklat ni Santo Tomas De Aquino
B. Likas na Batas Moral D. Sampung utos ng Diyos
23. Ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili
niyang kalikasan. Anong batas ito?
A. Maging Makatao C. Ordinansa
B. Mga naisulat ni Santo Tomas De Aquino D. Republic Act
24. Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Dapat pumayag sa lahat ng gustuhin ng tao. C. Likas sa tao ang hindi naghahangad ng masama.
B. Likas sa tao ang maging makatao. D. Walang taong isinilang na masama.
25. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman
kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na
masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na kultura.
D.Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.
26. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man).
Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang
tinutukoy sa pangungusap?
A. Di nagbabago C. Unibersal
B. Obhektibo D. Walang hanggan
27. Ang likas na Batas Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang
katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa
pangungusap?
A. Di nagbabago C. Unibersal
B. Obhektibo D. Walang hanggan
28. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin. Ito ay
totoo kahit saan at kahit kailan. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang nagsasaad nito?
A. Di nagbabago C. Unibersal
B. Obhektibo D. Walang hanggan
29. Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Anong katangian ng Likas
na Batas Moral ang nagsasaad nito?
A. Di nagbabago C. Unibersal
B. Obhektibo D. Walang hanggan
30. Sino ang naging tuon ng batas?
A. Mambabatas C. Mamamayan
B. Mahihirap D. Mayayaman
31. Bakit kailangang sundin ang batas?
a. Upang hindi maparusahan kung magkamali c. Upang magkaroon ng lider at tagasunod
b. Upang madisiplina ang taong nagkasala d. Upang maisulong ang karapatang pantao
32. Ano ang nagbibigay sa tao ng kakayahang gumawa ng mabuti o masama?
a. Kalayaan c. Karunungan
b. Kapangyarihan d. Likas na Batas Moral
33. Bakit hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang Likas na
Batas Moral?
A. Dahil kaya itong ituro ng magulang sa mga bata. C. Dahil may kapangyarihang taglay ang tao na umalam.
B. Dahil may instructional manual na pwedeng basahin. D. Dahil nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal.
34. Ano ang layunin ng paggawa?
A. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng
mga produkto
B. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
C. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
D. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
35. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao gawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?
A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.
B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
36. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang
paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
B. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang
mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
C. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya
ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa.
D. Kapwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang
lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
37. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
D. Sa katotohanan na ang gumawa ng produkto ay tao
38. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?
A. Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
C. Hindi nararapat na pera ang maging layunin ng paggawa.
D. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.
39. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
A. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
B. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
C. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot.
D. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.
40. Ano ang obheto ng paggawa?
A. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
B. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
C. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng
mga produkto
D. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
41. Ano ang positibong naidudulot ng teknolohiya sa paggawa?
A. Nagiging tamad ang tao
B. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa paggawa
C. Nagbabago na ang tunay na kahulugan ng paggawa
D. Naiaasa na ang lahat ng gawain sa teknolohiya
42. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
A. Nagtatrabaho si Alex para sa sarili niya lamang
B. Hindi nakalilimot si Anna na tumulong sa mga nangangailangan
C. Tumutulong is Ben sa kanyang tatay sa pagsasaka
D. Hindi nakalilimot si Rex na tulungan ang nakababatang kapatid at mga pinsan sa kanilang mga proyekto.
43. Sa Anong dahilan makikita ang tunay na halaga ng tao?
A. Sa dami ng salapi C. Sa pagkamit ng kaganapan bilang tao
B. Sa dami ng pag-aari o yaman D. Sa dami ng kaibigan
44. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?
A. Bolunterismo C. Pakikilahok
B. Dignidad D. Pananagutan
45. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
A. Pananagutan C. Dignidad
B. Tungkulin D. Karapatan
46. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
A. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
B. Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili.
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
47. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
A. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat
B. Isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito
C. Maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa
D. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa
48. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sapakikilahok?
A. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
B. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
C. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat
D. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
49. Alin sa mga antas ng pakikilahok na kung saan kinakailangan mong makinig sa opinyon o ideya ng iba na
maaaring makatulong sa isang proyekto ogawain?
A. Konsultasyon C. Impormasyon
B. Pagsuporta D. Sama-samang pagpapasiya
50. Anong antas ng pakikilahok na hindi lamang dapat gawin ng isang tao at kinakailangang isaalang-alang
ang kabutihang maidudulot hindi lamang sa sarili kundi sa mas nakararami?
A. Impormasyon C. Pagsuporta
B. Sama-samang pagpapasiya D. Konsultasyon
51. Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay
pagbibigay sa sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
A. Pakikilahok C. Bolunterismo
B. Paggalang sa Batas D. Paggalang sa indibidwal na tao
52. Ang bolunterismo ay maihalintulad sa sumusunod maliban sa?
A. Bayanihan C. Bahaginan
B. Konsensiya D. Kawanggawa
53. Hindi nakalahok si Vince sa Brigada Eskwela ng kanilang paaralan dahil inalagaan niya ang kanyang
nanay na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan
ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Vince?
A. Impormasyon C. Sama-samang Pagkilos
B. Konsultasyon D. Pagsuporta
54. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagkakaisa C. Pag-unlad
B. Kabutihang Panlahat D. Naitataguyod ang Pananagutan
55. Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
A. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Liza ang mga batang hindi nakakapag-aral sa kanilang lugar
upang matutong bumasa at sumulat.
B. Si Derek ay pumupunta sa ospital upang magbigay ng pagkain para sa mga frontliners na masigasig na
tumutulong sa mga taong apektado ng COVID-19.
C. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Albert na bumoto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno.
D. Sumali si Shienna sa paglilinis ng paligid sa kanilang baranggay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong
mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.
56. Ano-ano ang mga dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagmamahal, Malasakit at Talento c. Talento, Panahon at Pagkakaisa
B. Panahon, Talento at Kayamanan d. Kayamanan, Talento at Bayanihan
57. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan.
Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
B. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo.
C. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan
ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon.
D. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
58. Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan?
A. Oo, dahil lahat tayo ay may kakayahang tumulong.
B. Oo, dahil sa pakikibahagi nito makamit natin ang layunin na makatulong para sa ikabubuti at ika-uunlad ng
nakararami.
C. Hindi, dahil pagsasayang lang ito ng panahon.
D. Hindi, dahil mas marami pang makabuluhang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.
59. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga sapagkat:
A. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
B. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
C. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
D. Lahat ng nabanggit.
60. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hangga’t kaya mo at
mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
A. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
B. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibong kasapi nito at ginagawa niya ito bilang pampalipas
oras.
C. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
D. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroon silang hinihintay na kapalit.
61. Alin sa tatlong T’s na kapag ito ay ginamit makatutulong hindi lamang sa iba kundi pati na rin sa iyo upang
higit kang magkaroon ng tiwala sa iyong sariliI
A. Panahon C. Talento
B. Kayamanan D. Pagmamahal
62. Sino ang nagsabi na, “Ang kabataan ang durungawan kung saan ang hinaharap ay nagdaraan”?
A. Dr. Manuel Dy, Jr. C. Bishop Emeritus Teodoro Bacani
B. Pope Francis D. Dr. Jose Rizal
63. Wika ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa isang panayam sa Radio Veritas para sa kabataan, na huwag
lamang makuntento sa mga araw-araw na karaniwang gawain, iyong hindi nababahala at pinababayaan
lamang tumakbo ang mundo, bagkus kinakailangan na ang kabataan ay “manggulo”. Ano ang ibig sabihin
nito?
A. Nasa kabataan makikita ang kinabukasan.
B. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
C. Gawin mo ang iyong makakaya, dahil ang itinanim mo ngayon, aanihin mo sa pagdating ng panahon.
D. Magsikap na humanap ng pamamaraan at maging kasangkapan para sa ikauunlad ng buhay at lipunan.

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.
Isulat ang Tama kung ito ay nagsasabi ng katotohanan at Mali naman kung hindi.

________64. Ang Subheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain , resources, at teknolohiya upang
makalikha ang tao ng mga produkto

________65. Nilikha ang teknolohiya upang wala ng gawin ang tao.

________66. Nakapagdudulot ng malaking pagbabago ang teknolohiya sa sibilisasyon.

________67. Ang teknolohiya ang pangunahing rason kaya nagiging tamad ang tao.

________68. Karamay ng tao ang teknolohiya sa paggawa.

________69. Mas kinakailangang manaig ang obheto kaysa sa subheto ng paggawa.

________70. Ang bunga ng paggawa ng tao ay nagdudulot ng kaguluhan kadalasan.

________71. Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsusumikapang hubugin ang
pagkatao tungo sa kabutihan

________72. Ang tao ay nagtatrabaho para sa sarili niya lamang na kapakanan

________73.Mas mabuting hindi na makisalamuha sa iba pang tao para iwas sa mga gulo.

C. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na aytem.

74-76. Ano-ano ang kabutihang naidudulot ng bolunterismo?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_________________________________________.

77-80. Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan? Pangatwiranan.


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_________________________________________________.

You might also like