You are on page 1of 6

Division of Cagayan de Oro

MAMBUAYA NATIONAL HIGH SCHOOL


Mambuaya, Cagayan de Oro City
2nd Grading Examination
Araling Panlipunan 7

Name __________________________ Grade & Section _______________ Date________

I.Multiple Choice
Panuto : Basahin at unawain ang bawat pangungusap at pillin ang titik ng tamang sagot.

1.Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?


A. Mag-isip C. Umunawa B.Magpasya D. Matimbang ang esensya ng mga bagay
2.Sa pamamagitan ng kilos-loo nahahanap ng tao ang _____.
A. Kaalaman B. Kabutihan C. Karunungan D. Katotohanan

3. Paano ba ang tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


A. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
B.Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng control sa sarili o disiplina
C. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mgataong nakaaalam at puno ng karanasan
D. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob

4. Alin sa mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:


A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-aalala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.

5.Bakit ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos?


A. dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
B. dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
C. dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa
kanyang tunay na tunguhin
D.dahil natatapos lang ito sa pagkamatay ng tao

6. Bakit ang kilos-loob ay bulag?


A. dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tnguhin
B. dahil nakilala nito ang gawang mabuti at masama
C. dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
D. dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
7. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit.
Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay
palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni
Rolando sa pagkakataon na ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim at lawak ng epekto nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahanng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
C.Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit

8. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?


A.Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
B. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
C. Makakamit ng tao ang tagumpay
D.Mapalalaganap ang kabutihan

9. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?


A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
B. Makakamit ng tao ang kabanalan
C.Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
D. Wala sa Nabanggit

10. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil hindi ganap ang tao
B. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga
ito.
C. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob.
D. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan

11. Ang tao ay biniyayahan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama, anong kakayahang ito?
A. Isip at Kilos –loob B. Dignidad C. Kalayaan D. Konsensiya

12.Anong katangian ng Likas na batas-moral na namamahala sa tao at nakabatay sa katotohanan?


A.Obhektibo B. Unibersal C. Walang hanggan D. Di nagbabago

13. Alin sa mga sumusunod na katangian ng Likas na batas-moral ang walang katapusan at walang
kamatayan dahil ito ay permanente?
A.Obhektibo B. Unibersal C. Walang hanggan D. Di nagbabago
14. Alin sa mga sumusunod na katangian ng Likas na batas-moral na hindi nagbabago ang pagkatao ng
tao? A.Obhektibo B. Unibersal C. Walang hanggan D. Di nagbabago

15. Bakit maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
A. dahil hindi ito kalikasan ng tao
B. dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
C. dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa
pagkilala ng tama.
D. dahil maihahalitulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na
pagsasanay.

16.Bakit hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya sa bawat tao?


A.dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao
B. dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
C. dahil nagkakaiba ang karanasan , kinalakihan , kultura at kapaligiran ng tao
D.dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama

17.Lumaki si Cardo sa isang pamilyang relihiyoso.Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip. Nakikita niya
ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tukso na gumawa ng masama.
Dahil ditto madalas siyang sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya
ng mga batayan sa pamimili ng tama.Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni
Cardo?
A. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-alinlangan at agam-agam.
B. Isabuhay ang mga moral na alituntunin upang magin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin.
C. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa pagkilala sa
mabuti at masama.
D. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya.

18.Bilang mag-aaral , paano ka tutugon sa sitwasyon kapag makatanggap ka ng sobrang sukli nang
bumili ka sa kantina at alam mong kulang na ang iyong pamasahe pauwi?
A. Isasauli ko ito sa tindera
B.Hayaan ko nalang parang walang nangyari.
C. Kukunin ko ito para may pamasahe na ako pauwi.
D.Wala sa nabanggit

19. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan? A. Batas moral B. Dignidad C. Isip D. Konsensya

20.Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang : A. dignidad B. Isip C. Kilos-loob D. Konsensya

21. Isang uri ng kalayaan na nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan, ito ay:
A. Kalayaang gumusto B. Kalayaang tumukoy C.Panlabas na kalayaan D. Panloob na kalayaan
22. Isang uri din ng kalayaan na nakaimpluwensya ng panlabas na mga salik ang kalayaan.
A. Kalayaang gumusto B. Kalayaang tumukoy C.Panlabas na kalayaan D. Panloob na kalayaan

23. Ang kalayaan magnais o hindi magnais.


A. Kalayaang gumusto B. Kalayaang tumukoy C.Panlabas na kalayaan D. Panloob na kalayaan

24.Kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin.


A. Kalayaang gumusto B. Kalayaang tumukoy C.Panlabas na kalayaan D. Panloob na kalayaan

25. Ano ang magiging epekto kapag tinanggihan mo ang alok ng kaibigan na sumama sa kanya para
magsugal?
A. Hindi masasayang ang pera ko
B.Hindi na niya ako yayaing magsugal sa susunod
C.Hindi ako malulong sa sugal
D.Lahat na nabanggit

26. Nangangahulugan ito na Malaya ang taong gamitin angn kanyang kilos-loob upang pumili ng
partikuar na bagay o kilos. A. Dignidad B. Kalayaan C.Kapangyarihan D. Konsensiya

27. Alin sa sumusunod na pangungusap na ito ang nangangahulugang, ang kalayaan ng tao ay hindi
lubos ?
A.Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral.
B. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais.
C. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
D. Lahat ng nabanggit.

28.Paano mo itutugon ang sitwasyong ito ,kapag nakakita ka ng pitaka sa silid-aralan na naglalaman ng
dalawang libong piso, I.D. ng may-ari na isa mong kaklase tapos maysakit ang tatay mo at kinakapos
kayo sa perang pambili ng gamot?
A. Ibibigay ko ito sa kaklase ko na nagmamay-ari nito.
B.Ituturo ko ito sa kasama ko para siya ang sasabihin na kumuha.
C. Hahayaan ko lang ito sa mesa total hindi naman ito sa akin.
D. Kukunin ko ito para may pambili kami ng gamot para sa tatay ko.

29. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
B. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
C. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
D.Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
30. Bakit ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti? A. dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na
taglay ang likas na kabutihan.
B.dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang
maaayon sa kabutihan.
C.dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao.
D.dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti
at masama.

31. Saan nagkakapantay ang mga tao?


A.Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
B. Sa pagdarating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
C. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdi

32. Ang ibig sabihin ng Latin na dignus ay______.


A. Bahala B. Karapatan C. Karapat – dapat D. Problema

33. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa


kaniyang kapwa. A.Dignidad B. Kalayaan C. Konsensiya D. Proteksyon

34. . Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na
tumatanda na.
B. Isang pilantropong lagging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng
kanyang tulong.
C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba.

35. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao.


A. Kapag siya ay nagging masamang tao.
B. Sa orras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao.
C. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
D.Wala sa nabanggit

36. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?


A. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasakit o makasama sa ibang
tao.
B. Magiging Malaya ang tao na ipakita ang kanyang ttoong sarili.
C. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
D. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.

37. Alin sa mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng pagkakataon.
D. Pakitunguhan anng kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

38. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?


A. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
B. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
C. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
D.Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.

39. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?


A. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talent at kakayahan na biyaya
ng Diyos sa iilang mga tao.
B. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi
para sa pag-unlad n gating pagkatao.
C. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang
ating mga pangangailangang material at ispiritwal.

40. Dapat tulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito
nagmumula. Ang pangngusap ay:
A. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan nng nga tao na mas mataas ang
katungkulan sa pamahalaan.
B. Mali dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
C. Tama dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng
lahat ng tao.
D. Tama, dahil itinadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantayng lahat ng tao sa
lipunan

Test II. Completion


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at pillin sa kahon ang titik ng tamang sagot.

A. Kabutihan B. Katotohanan C. Gumawa D. Umunawa E. Natatanging F. kaalaman G. Panloob na


Kalayaan H. mayroon kaalaman I. Mayroon J. Gawing ganap

1. Ang tao ay _____________nilalang . 2.Ang gamit ng isip ay _________. 3.Ang gamit ng kilos-loob ay
_________. 4. Ang tunguhin ng isip ay _________. 5. Ang tunguhin ng kilos loob ay ________. 6.Kaya
nararapat na sanayin, paunlarin at __________ ang isip at kilos-loob upang mabigyang halaga ang
kakayahang ito ng tao. 7 Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na cum na ang ibig sabihin ay
________. 8.At ang Latin na scientia naman ay _________. 9. Samakatuwid, ang salitang konsensiya ay
nangangahulugang ________. 10.Isang uri ng kalayaan na nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang
kalayaan, ito ay _________.

“Love is the glue, Forgiveness is the oil.”

You might also like