You are on page 1of 3

BAGACAY NATIONAL HIGH SCHOOL

Bagacay, Gubat, Sorsogon


Pangalawang Markahang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapahalaga 7
S. Y. 2019-2020

Pangalan: ____________________________Seksyon: ___________________ Petsa: __________ Iskor:____ /30


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:


A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa.
2. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. Mag-isip B. Umunuwa C. Magpasya D. Magtimbang ng esensya ng mga bagay
3. Analohiya: Isip: kapangyarihang umunuwa; kilos-loob: ____________________
A. Kapangyarihang magnilay C. Kapangyarihang sumangguni
B. Kapangyarihang pumili D. Kapangyarihang kumilos o gumawa
4. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang _____________________.
A. Kabutihan B. Kaalaman C. Katotohanan D. Karunungan
5. Ang tao ay may tungkuling _____________, ______________ at ______________ ang isip at kilos-loob.
A. sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. gawing ganap, sanayin at paunlarin
C. kilalanin, gawing ganap at sanayin
D. paunlarin, gawing ganap at sanayin
6. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan nang pagpapalakas ng kontrol sa sarili
B. Sa pamamagitan nang tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan nang pag-iisip
D. Sa pamamagitan nang pagsangguni sa mga taong nakaaalam
7. Ang salitang _____________ ay nagmula sa salitang Latin na “cum” at “scientia” na ang ibig sabihin ay
“with knowledge” o may kaalaman.
A. Dignidad B. Moral C. Konsensiya D. Kalayaan
8. Hinuhusgahan ng konsensya ang mali bilang tama o batay sa maling prinsipyo. Anong uri ito ng
konsensiya?
A. Tama B. Mali C. Puro D. Obhektibo
9. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi at kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas moral ay:
A. Obhektibo C. Pangkalahatan (Unibersal)
B. Walang hanggan (Eternal) D. Di nagbabago (Immutable)
10. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensiya?
A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
C. Makakamit ng tao ang kaganapan
D. Lahat nang nabanggit
11. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang
kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera.
Anong uri ng konsensiya ang ginamit ni Melody?
A. Tamang konsensiya C. Maling konsensiya
B. Purong konsensiya D. Mabuting Konsensiya

1
12. Ang likas na batas moral ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang
katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Anong katangian ito ng likas na batas moral?
A. Obhektibo C. Pangkalahatan (Unibersal)
B. Walang hanggan (Eternal) D. Di nagbabago (Immutable)
13. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.
A. Konsensiya B. Moral C. Likas na Batas Moral D. Batas ng Tao
14. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong
katotohanan, ang Diyos. Anong katangian ito ng likas na batas moral?
A. Obhektibo C. Pangkalahatan (Unibersal)
B. Walang hanggan (Eternal) D. Di nagbabago (Immutable)
15. Hindi nagbabago ang Likas na Batas-Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of
man). Anong katangian ito ng likas na batas moral?
A. Obhektibo C. Pangkalahatan (Unibersal)
B. Walang hanggan (Eternal) D. Di nagbabago (Immutable)
16. Anong salita ang tumutukoy sa kakayahan ng tao na gawin ang nararapat upang makamit ang
pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao?
A. Dignidad B. Moral C. Konsensiya D. Kalayaan
17. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin. Dahil dito,
ano ang palaging kakambal ng kalayaan?
A. Kabutihan B. Aral C. Pananagutan D. Wala sa nabanggit
18. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya
B. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
C. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
D. Paninisi sa kapwa kapag hindi naging maganda ang naging bunga ng pagpapasya o kilos na ginawa
19. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa _____________.
A. Konsensiya B. Dignidad C. Dikta ng ibang tao D. Likas na Batas Moral
20. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang kabutihan.
B. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa
nang naaayon sa kabutihan.
C. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang
mabuti at masama.
D. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mga bagay na naaayon sa paghuhusga ng
tao.
21. Ang pang-akademikong kalayaan, halimbawa, ay ang kalayaang pumili ng paaralang papasukan at
kursong kukunin sa kolehiyo. Anong uri ito ng kalayaan?
A. Panloob na Kalayaan C. Panlabas na Kalayaan
B. Kalayaang Tumukoy D. Wala sa nabanggit

Para sa aytem 22-24, tukuyin kung A. May Kalayaan o B. Walang Kalayaan ang mga sumusunod na
gawain.
____ 22. Pag-aaral ng leksyon
____ 23. Maagang pakikipagrelasyon
____ 24. Bayanihan
____ 25. Paggawa ng gawaing bahay

26. Ang salitang “dignidad” ay nangangahulugan ng?


A. Kaaya-aya B. Karapatan C. Karapat-dapat D. Kalayaan
27. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig

2
28. Alin sa mga sumusunod ang nakasaad sa “Gintong Aral” o “Golden Rule”?
A. Mahalin ang iyong kapwa C. Huwag sisihin ang kapwa
B. Igalang ang iyong kapwa D. Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin saiyo
29. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na
tumatanda na
B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng
kanyang tulong
C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
D. Isang taong walang pandama at pag-unawa sa damdamin ng iba
30. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito
nagmumula. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng
tao sa lipunan.
B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad
ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katunayan ng mga tao na mas mataas ang
katungkulan sa pamahalaan.

You might also like