You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 7

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Pagbabagong Nagaganap sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Panimula (Susing Konsepto)


Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata maraming mga pagbabagong nagaganap sa iyo. Ang lahat
ng ito ay mahalaga para sa iyong patuloy na pag-unlad bilang tao. Sa huli, ang lahat ng mga
pagbabagong ito ay makatutulong upang magampanan mo nang maayos o epektibo ang iyong mga
tungkulin sa lipunan.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan
sa aspetong:
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga
kasing edad
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga
ito
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga /nagbibinata (EsP7PS-Ia-1.1)

Panuto
Magtala ng tatlong positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya
sa bawat titik sa ibaba. Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay
nagpapakita ng mga kategoryang ito. Idikit ito sa kahon katapat ng bawat kategorya. Sundin ang
pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang kategorya.

Gawain 1

A. Pakikipag-ugnayan sa mga kasingedad


1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa
mga kapwa babae/lalaki.
2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga
malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang
opinyon
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na
kasarian; nagkakaroon ng crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag-away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga
kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa
paaralan.

Ngayon, ikaw naman:

B. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan


1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________

C. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa


1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.


D. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________

E. Paglalapat ng tamang pamamahala sa mga pag-


babagong nagaganap sa katawan
1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________

Pangwakas
1. Bakit mahalagang malinang ang mga positibong pagbabagong nagaganap sa iyong sarili bilang
isang nagdadalaga/nagbibinata?

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapahalaga 7
Kagamitan ng Mag-aaral

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

You might also like