You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A (CALABARZON)
Division of Rizal

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________


Pangkat: _______________________________________

Written Work No. 1


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Quarter 2 Week 1 : Pagkakaroon ng Magandang Ugnayan Sa Kapwa

A. Identipikasyon :
Panuto : Tukuyin kung sino ang mga taong itinuturing na kapwa sa mga sumusunod
na sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

_________ 1. Maagang gumigising si Aling Perla upang ipaghanda ng makakain ang


kanyang mag-anak. Siya din ang nag-aasikaso ng mga pangangailangan ng kaniyang
limang anak simula sa pag-aayos ng kanilang damit na isusuot hanggang sa pagkain na
kanilang babaunin papuntang eskwelahan. Anong uri ng kapwa ang maituturing kay Aling
Perla?
a. Anak B. Ina C. Guro D. Ate

_________ 2. Tunay ngang huwaran ng simbahan sa Bayan ng Teresa si Jayvee. Bukod pa


sa magandang aral na kaniyang naibabahagi sa kapwa ay handa siyang maglaan ng oras
upang magdasal at magbasa ng Bibliya para pagtibayin ang kanyang pananampalataya.
Mahilig din siyang magbahagi ng kuwento sa mga kabataan na nawalan ng magandang
direksyon sa buhay. Anong uri ng kapwa ang maari mong ituring kay Jayvee?
a. Pari B. Pulis C. Doktor D. Kapitan

_________ 3. Limang taon nang naninilbihan sa Teresa Municipal Health Center si


Marvin. Inaalagaan niya ang mga nagkakasakit na pasyente lalo na ang mga bata na
kinakailangan ng sapat na gamutan sa sakit na kanser. Kahanga-hanga rin ang kanyang
ipinapakitang pagmamalasakit sa kapwa health worker dahil sa kanyang positibong
pananaw sa buhay. Anong uri ng kapwa maituturing si Marvin?
A.Karpintero B. Pulis C. Doktor D. Sundalo

_________ 4. Sina Jester at Avgil ay matagal nang magkababata sa Barangay May-Iba.


Madalas man silang pinagkukumparahan sa kanilang angking talino at talento sa loob ng
kanilang paaralan ay hindi nila ito gaano pinag-aawayan. Mabuti ang kanilang pakikitungo sa
isa’t isa lalo na sa kanilang kapwa kamag-aral na lalo pang nagpakita ng magandang
samahan. Anong uri ng pakikipagkapwa ang kanilang turingan?
a. Kapatid B. Kaaway C. Kapitbahay D. Kaibigan

B. Tama o Mali
Panuto : Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na mga pahayag sa ibaba.
Lagyan ng tsek (✓) sa patlang kung ang mga nakasaad na pahayag ay tama at ekis (X)
naman kung mali.

__________ 5. Ang kapwa ay ang mga tao na nasa iyong paligid na maaaring
makatulong sa pagbuo ng iyong pagkatao.
__________ 6. Makapagpapatatag sa ugnayan o pakikipagkapwa ang mga
birtud na pagmamahal at katarungan.
__________ 7. Hindi makakatulong sa pakikipagkapwa ang maayos na
komunikasyon o dayalogo.
__________ 8. Bawat isa ay may karapatan na makilahok sa isang samahan o
organisasyon.
__________ 9. Nilooban ng Diyos na ikaw ay nag-iisa sa mundo kaya ito naging
layunin sa pagkakabuo ng dalawang kasarian, ang lalaki at babae.

C. Punan Ang Mga Salita


Panuto : Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng pagpili
ng mga salitang naaangkop sa patlang. Pumili lamang ng tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa patlang.

Ang Aspetong 10. _________________ ay tumutukoy sa kanyang pakikitungo sa


ibang tao, sa kapwa at sa kanyang lipunan habang pinapalawak ng kanyang sariling
pananaw at kaisipan ang nakapaloob sa Aspetong 11. ________________. Ang kakayahan
naman sa pakikipag-ugnayan ng isang tao sa pagbuo ng makatao at makatarungang lipunan
ay ang mga katangian na nakapaloob sa Aspetong 12. __________________ habang ang
Aspetong 13. _____________________ naman ay ang kaalaman at kakayahan ng isang
inindibidwal na matugunan ang mga pangangailangan ng sarili at ng kanyang kapwa.

Panlipunan Pangkabuhayan Intelektwal Politikal

D. Sanaysay (14-15)
Panuto : Sagutin lamang ang katanungan na nasa ibaba. Siguraduhin na sundan ang rubrik upang
maging basehan ng maayos na pagpapaliwanag sa katanungan na nasa ibaba.

Sa apat na Aspeto ng Pakikipagkapwa na nakapaloob sa mga patlang, alin ang nais mong
ipakita sa iyong kapwa malapit sa inyong komunidad kahit nasa gitna man ng pandemya at
ano ang iyong magagawa bilang isang mamamayan?

Sagot :
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________ _____________________________
____________________________________________________________________________
Mga Krayteria : 3 2 1

Naipakita at naisaayos ang mga Ang sanaysay ay Ang sanaysay ay naisagawa Ang sanaysay ay hindi
sumusunod : naisagawa ng mahusay sa ng may kakulangan ng naisagawa ng buo ang
1. Kalayaan sa pagpili ng pagpili ng aspeto ng pagpapaliwanag sa pagpili pagpapaliwanag sa pagpili
Aspeto ng pakikipagkapwa, malinaw ng aspeto ng ng aspeto ng
Pakikipagkapwa na nais na paglalahad ng mga pakikipagkapwa, hindi gaano pakikipagkapwa, walang
niyang gampanan sa hakbang na kanyang akma ang kanyang ugnayan sa kanyang
kanilang komunidad. maipapakita sa kanyang paglalahad ng mga hakbang paglalahad ang mga
2. Paglalahad ng mga kinabibilangang komunidad na upang maipapakita ito sa hakbang na upang
hakbang na kanyang at magandang kanyang kinabibilangang maipapakita ito sa kanyang
maipapakita sa kanyang pagpapaliwanag ng komunidad at malayo ang kinabibilangang komunidad
kinabibilangang kanyang magagawa bilang pagpapaliwanag ng kanyang at walang malinaw na
komunidad. isang mabuting magagawa bilang isang pagpapaliwanag ng
3. Pagpapaliwanag ng mamamayan. mabuting mamamayan. kanyang magagawa bilang
kanyang magagawa isang mabuting
bilang isang mabuting mamamayan.
mamamayan.

You might also like