You are on page 1of 4

LAGUNA COLLEGE

San Pablo City


ELEMENTARY DEPARTMENT
Ikatlong Lagumang Pagsusulit
ESP 5

PANGALAN: ________________________________ MARKA: _______________


BAITANG: __________________________ PETSA: ________________

I. Tukuyin kung sinong bayani ang inilalarawan sa bawat bilang.


1. Ama ng Himagsikang Pilipino __________________________________
2. Utak ng Katipunan __________________________________
3. Ina ng Katipunan __________________________________
4. Dakilang Lumpo __________________________________
5. Unang Bayani ng Pilipinas __________________________________

II. Punan ng tamang salita ang bawat patlang ayon sa pagpapakahulugan na ibinigay ng guro sa
pagmamalasakit at pagsasakripisyo sa bansa (care and sacrifice for one’s country).

Ang pagtulong at paghahangad ng ikabubuti ng bayan ay pagpapakita ng __________________.


Tulad ng mg bayaning sina Andres Bonifacio, Jose Rizal, Gregorio del Pilar, Melchora Aquino, Gabriella
Silang, at marami pang iba, ang _____________________ para sa bayan ay isang dakilang gawain
para sa _____________.

III. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa napag-aralan sa buhay ng mga bayani gaya ni
Melchora Aquino.
1. Ano ang tawag kay Melchora Aquino noong katandaan niya?

2. Paano nakatulong si Melchora Aquino sa mga katipunero?

3. Ano ang nangyari kay Melchora Aquino nang malaman ng mga Kastila na tinutulungan niya ang mga
Katipunero?

4. Kailan nakabalik si Melchora Aquino sa Pilipinas?

5. Paano kinilala ng ating bansa ang kabayanihan ni Melchora Aquino?


IV. Magbigay ng pitong (7) halimbawa ng pananagutan ng bawat mamamayan, bata man o matanda sa
ating lipunan.
a. ____________________________________________________________
b. ____________________________________________________________
c. ____________________________________________________________
d. ____________________________________________________________
e. ____________________________________________________________
f. ____________________________________________________________
g. ____________________________________________________________

V. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


______ 1. Alin ang hindi angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan?
A. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
B. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
C. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
D. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.

______ 2. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?


A. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang tao ng lipunang kinabibilangan.
B. Biyaya ng Diyos ang pangkalooban ang tao ng kanyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang
kanyang mga kakayahan.
C. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kanyang bayang
sinilangan.
D. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kanyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kanyang
mga kakayahan.

______ 3. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay
ang pagmamahal sa bayan?
A. Katotohanan at pananampalataya B. katarungan at pagkakaisa
C. Paggalang at pagmamahal D. Katahimikan at kapayapaan

______ 4. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapwa?


A. Nagtataguyod ng mga reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.
B. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.
C. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan at magdamayan.
D. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.
______ 5. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan
gayundin sa pagka-Pilipino natin?
A. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
B. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
C. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
D. Nakakaapekto sa mabuting pakikipagkapwa.

______ 6. Ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga
paraan ng pagpapasya at mga hangarin na kanilang pinaghahambingan sa paglipag ng panahon.
A. Kultura B. Paniniwala C. Pamahiin D. Tradisyon

______ 7. Sa prinsipyong ito, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang
magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.
A. Prinsipyo ng Pagtutulungan B. Prinsipyo ng Sudsidiarity
C. Prinsipyo ng Pagkakaisa D. Prinsipyo ng Pagmamahalan

______ 8. Dahil sa COVID19, ang mga frontliners ay mga halimbawa ng mga bagong bayani sa
kasalukuyang panahon na nagpapatunay na sa pamamagitan ng paggawa, naipapamalas nila ang
_______________.
A. pagmamahal sa bayan B. tunay na pagkatao
C. pagmamahal sa kapwa D. magandang hangarin sa buhay

______ 9. Itunuturing na bagong bayani ng kasalukuyang panahon laban sa COVID 19.


A. nag-alay ng lakas, talino, kahusayan para sa may sakit
B. nakapaglingkod sa bayan para mapatupad ang ECQ
C. lahat ng nabanggit
D. may malasakit, pantay na pagtingin, at laging naka agapay para sa taong bayan

______ 10. Ito ay tumutukoy sa obligasyong moral ng tao na gawin sa lipunan.


A. Konsensiya B. Batas C. Tungkulin D. Karapatan

______ 11. Ang taong labas sa iyong sarili. At ang mga taong nakapaligid sa atin na handang umalalay
at tumulong sa oras ng pangangailangan, ay tinatawag na _______
A. kapwa B. pakikipagkapwa C. kaaway D. kaibigan

______ 12. Anong pagpapahalaga ang taglay mo kung ikaw ay naglilingkod nang walang hinihintay na
kapalit at handang ibahagi ang sarili mo sa iba?
A. pakikiisa at pakikinig B. pagkalinga at pagbibigay
C. pagmamalasakit at pagmamahal D. katarungan at paggalang
______ 13. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin
ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
A. Konsensiya B. Batas C. Tungkulin D. Karapatan

______ 14. Isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay
pagbibigay sa sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
A. Pakikilahok B. Bolunterismo C. Paggalang sa batas D. Paggalang sa indibidwal

______ 15. Kadalasan tuwing may kalamidad o sakuna, likas sa ating mga Pilipino ang mag-alay ng
ating panahon, sarili at yaman para sa iba. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita natin?
A. Pagmamalasakit B. Pagmamahal sa kapwa C. Kasipagan D. Kabayanihan

______ 16. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay _________________________.


A. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad
B. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
C. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
D. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.

______ 17. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod


maliban sa:
A. pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan. B. pagmamalasakit sa may kapansanan.
C. pagtulong at pakikiramay sa kapwa. D. kakayahan ng isang taong umunawa.

______ 18. Alin sa mga sumusunod ang dalawang birtud na magpapatatag ng pakikipagkapwa?
A. komunikasyon at pagtutulungan B. kayabangan at inggit
C. katarungan at pagmamahal D. paggalang at pakikiisa

______ 19. Alin ang hindi katangian ng isang bayani?


A. Tapat at makasarili
B. May lakas ng loob at katapangan
C. Mapagmahal sa kalayaan at matiiisin

______ 20. Bakit dapat mahalin at ikarangal ang iyong lungsod o bayan?
A. Upang maipakita ang pagiging maka-Diyos B. Upang maipakita na magaling umawit
C. Upang maipakita ang pagiging makabayan

You might also like