You are on page 1of 5

GRACE CHRISTIAN MISSION TECHNICAL SCHOOL

OLD BOSO-BOSO BRGY, SAN JOSE ANTIPOLO CITY

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
______________________________________________________________________________

PANGALAN: ___________________________________ ISKOR: _____________________


GRADE/SECTION: ______________________________ PETSA: _____________________

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang _____________ ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.


A. Tungkulin B. Konsensiya C. Sinseridad D. Karapatan
2.Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
A. pagsuot ng uniporme B. pagsuot ng Identification Card (ID)
C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras D. lahat ng mga nabanggit
3. Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang
supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama ba ang
naging pagtrato sa kanya?
A. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob.
B. Hindi, dahil may pambayad naman siya.
C. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas.
D. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya
kagaya ng iba pang mamamayan.
4. May nakita kang isang lalaking naka-kotse na pinapagalitan ang isang matandang drayber dahil sa
hindi pagpaparada nang tama sa kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda, naroon
sa tabi niya ang kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
B. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila.
C. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
D. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at pagsasabihan ko sila na tumigil na
5. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawang-gawa? Ito ay _________________.
A. bagay na pansarili lamang.
B. mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
c. mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang bawat tao
D. magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao.
6. Saan nakabatay ang Likas na Batas Moral?
A. Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino B. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao
C. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo D. Mula sa Diyos
7. Alin sa sumusunod ang hindi naaayon sa Likas na Batas Moral?
A. Pagkaltas ng buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon
B. Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar
C. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili
D. Paghihikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng Linggo
8. Sa paanong paraan natutuhan ang Likas na Batas Moral?
A. Ibinubulong ng anghel B. Itinuturo ng bawat magulang
C. Naiisip na lamang D. Sumisibol mula sa konsensiya
9. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil _______________.
A. Naaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon
B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam
C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang
10. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
A. Ito ay ayon sa mabuti B. Walang nasasaktan
C. Makapagbubuti sa tao D. Magdudulot ng kasiyahan
11.Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay katuturan
dito. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang sumusunod maliban sa ____________.
A. nabibigyang-dangal ang kanyang pagkatao.
B. nagagampanan niya ang kanyang tungkulin sa Diyos.
C. nakakayanan niyang suportahan ang kanyang mga pangangailangan.
D. napagyayaman ang pagiging makasarili.
12. Ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa mga palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa
ngunit unti-unti rin nitong nailalayo ang tao sa kanyang tunay na esensiya sa mundo. Alin sa sumusunod
ang nagpapatibay sa pahayag na ito?
A. pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakayahan B. pagkamit ng kaganapang pansarili
C. pagtulong sa kapuwa upang makamit ang kanyang kaganapan D. lahat ng nabanggit
13. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan
ng kanilang paggawa?
A. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong
disenyo
B. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa
yari ng mga damit ng mga banyaga
C. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa
D. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa
mga timpalak sa buong mundo.

14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nangangahulugan ng salitang paggawa?


A. Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw
B. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng likas na pagkukusa at pagkamalikhain
C. Isang pagkilos na hindi batay sa kaalaman
D. Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa ng may pananagutan
15. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod, maliban sa:
A. Suporta para sa pansariling pangangailangan B. Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba
C. Mataas na tiwala sa sarili D. Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
16. Ano ang tawag sa pagtulong ng isang tao sa isang partikular na gawain nang naayon sa kaniyang
tungkulin upang makamit ang kabutihang panlahat?
A.Pananagutan B.Bolunterismo
C.Paglilingkod D.Pakikilahok
17. Ano ang isa sa mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?
A.pagmamahal, malasakit at talento B.panahon, talento at kayamanan
C.talento, panahon at pagkakaisa D.kayamanan, talento at bayanihan
18. Tiyak na makakamit ng lipunan ang ______________ kung ang bawat isa ay magsasagawa ng
pakikilahok at bolunterismo?
A.pag-unlad B.pagkakaisa
C.pagmamahalan D.kabutihang panlahat
19.Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?
A.Upang maipakita ang pagmamahal sa kapuwa
B.Upang maibahagi ang sarili sa kapuwa at makamit ang kabutihang panlahat
C.Upang matugunan ang pangangailangan ng iba
D.Upang magampanan ang mga tungkulin
20. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bolunterismo?
A.Bayanihan (lipat-bahay) B.Wellness program ng barangay tulad ng libreng gupit
C.Pag-uugnayan ng iba’t ibang ahensiya D.Dental mission ng mga militar

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay TAMA o MALI.


_________21. Ang Batas Moral ang nagbibigay direksyon sa pantaong kilos upang makarating sa tamang
patutunguhan.
________22. Ang aborsyon ay walang karapatang mabuhay at walang kalayaan sa pangkatawang
panganib.
________23. Karapatan ng tao sa kanyang kapwa na hindi igalang ang nasa paligid nya.
________24. Lahat tayo ay pantay-pantay ng estado sa buhay walang mahirap at mayaman.
________25. Dahil ang tao ay binigyan ng Kalayaan, Malaya syang gumawa ng masama sa kapwa.
________26. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa.
________27. Ang teknolohiya ay ginawa bilang katuwang ng tao at hindi kapalit ng tao.
________28. Ang obheto ng paggawa ay ang mismong tao ang gumawa.
________ 29. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensya.
________30. Tungkulin ko na hindi igalang at pag tawanan ang ibang relihiyon sa paraan ng kanilang
pagsamba

PANUTO: Punan ng wastong sagot ang hinihingi ng bawat bilang.


31-34 magbigay ng uri ng Karapatang hindi maalis ayon kay SANTO TOMAS DE AQUINO.
35-38 Ibigay ang apat na katangian ng likas na batas Moral.
39-40 ibigay ang dalawang uri ng konsyensya
FILL IN THE BLANKS.
PANUTO: Isulat ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

MISSION

To educate and train the 21st century _________ holistically by implementing the K to 12
programs integrated with __________________ and technical _______________.

VISSION

That our students will be joyful matured ______________ who have acquired the 21st century
education, ___________________ and commitment to excellence for lifelong learning and
_______________________.
GOALS /OBJECTIVES:

1. To develop students as well- rounded citizens able to manage their _______________ lives globally in
their chosen professions.
2. To provide the highest quality education possible in ____________________ setting for academic
excellence.
3. To cultivate students with the ___________ character and necessary leadership skills for the progress
and productivity or their local communities.
4. to ___________ and innovate the students to lead their families and communities to work together
for progress in education, economic growth and moral values.

You might also like