You are on page 1of 1

Paunang Salita

Napakahalaga sa ating bilang isang nilalang na malaman ang ating pinag-uugatan


( roots) para mas lalo nating makilala at maintihan ang ating sarili at pagkatao.
Sa ikawalong baitang, Usapang pamilya naman tayo! Noong nagdaang taon ay naging
malalim ang pagtalakay tungkol sa sarili at dumaan ka sa mahabang proseso ng pagkilala at
pagpapaunlad ng iyong pagkatao. Inaasahan na sa pagkakataong ito ay handa ka nang
lumabas sa iyong sarili at ituon naman ang iyong panahon sa mga tao sa iyong paligid, ang
iyong kapwa. Sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang pinakamalapit mong
kapwa… ang iyong PAMILYA.
Ang paksa tungkol sa pamilya marahil ang pinakanakapupukaw ng interes na
pagusapan sa mas maramimg pagkakataon, masaya man ito o malungkot .Kagiliw-giliw
pagusapan ang tungkol sa pamilya. Bilang isang Pilipino, alam kong may malaking puwang sa
iyong isip at puso ang iyong pamilya. Ngunit sapat na nga kaya ang pagkakakilala at
pagunawa mo sa tunay na saysay ng pamilya sa iyong sarili at sa lipunan? Paano maiuugnay
ang pamilya bilang likas na institusyon sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa?Tutulungan ka
ng modyul na ito upang masagot mo ang mga tanong na ito. Lalo na ang pinakamahalagang
tanong: Bakit itinuturing na likas na institusyon ang isang pamilya?

Alamin
Sa modyul na ito inaasahang maipamalas ng mga mag-aaral ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa.

1.1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensya sa sarili (EsP8PBIa-1.1 )

1.2. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,pagtutulungan at pananampalataya sa isang


pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood (EsP8PBIa-1.2 )

1.3. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at


pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa (EsP8PBIb-1.3 )

1.4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at


pagtutulungan sa sariling pamilya (EsP8PBIb-1.4)

You might also like