Noon nasa ika-pitong taon ng Edukasyon sa Pagapapakatao pa kayo naging malalim
ang pagtatalakay tungkol sa sarili at dumaan ka sa mahabang proseso sa pagkilala at pagpapaunlad ng iyong pagkatao. Sa pagkakataong ito, inaasahan na handa ka nang lumabas sa sarili at ituon naman ang iyong panahon sa mga tao sa iyong paligid, ang iyong kapwa. Sa pagkakataong ito, pag- usapan naman natin ang pinakamaliit pero pinakamalapit mong kapwa… ang iyong Pamilya. Anong karanasan at impluwensiya ang naibigay sa iyo ng iyong pamilya na may malaking papel sa iyong pagkatao ngayon? Ano ang pananaw mo tungkol sa pamilya?
Sa leksyon na ito inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaaalaman ,
kakayahan at pag-unawa. 1.1 Natutukoy ang mga Gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa sarili. (EsP8PBIa-1.1 ) 1.2 Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood (EsP8PBIa-1.2 ) 2. Nakagawa ng malikhaing paglalarawan ng sariling pananaw ng pamilya. 3. Nakapagtala ng mga gampanin ng sariling pamilya. Tuklasin Gawain 1 Modyul 1: Paglalarawan ng pansariling pakahulugan sa pamilya