You are on page 1of 6

CAYETANO ARELLANO HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

UNANG ARAW PETSA: Ika-29 ng Agosto hanggang


ika-2 ng Setyembre 2022
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
 Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensya sa sarili.
 Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang
pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya
II. NILALAMAN
Paksa: Modyul 1: Pamilya Bilang Natural na Institusyon
Kagamitan: Laptop/Smartphone at Batayang aklat/modyul ng ika-walong baitang,
Chalk, Kagamitang Biswal at iba pa.
Sanggunian: Batayang Aklat/Modyul sa EsP8 Modyul 1 pp.1-9
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng silid
3. Pagtala ng Liban
4. Pagbabalik-aral

B. Pagganyak: Pagsusuri ng larawan:


Suriin ang larawan ng pamilya sa ibaba.

Para sayo, ano ang kahulugan ng pamilya?

1|Page
C. PAGLALAHAD NG GAWAIN: Gumawa ng concept map sa kuwaderno gamit ang
mga impormasyong hinihingi. Ilagay ang mga kaisipan na nakapaloob sa salitang
pamilya.
Gabay sa Paggawa ng Concept Map:
1. Mga salitang may kinalaman sa pamilya
2. Katawagan sa mga kasapi ng pamilya
3. Tungkulin at gawain ng bawat kasapi
4. Mga damdaming umiirial sa bawat isa
5. Iba pang pangangailangan ng pamilya

PAMILYA

D. Pagsusuri (Malayang Talakayan)


Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya?
2. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa pamilya?
3. Bilang mag-aaral, sa paanong paraan mo maibabahagi sa ibang kabataan
ang kahalagahan ng pamilya?
E. Paghahalaw

• Bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging ginagampanan. Madalas nga


lamang ay hindi na nabibigyang-pansin sa isang pamilya ang kontribusyon
ng bawat isa, maliit man ito o malaki. Sa pagkakataong ito ay maglalaan
ka ng panahon upang isa-isahin ang mga naiambag ng mga kasapi ng
iyong sariling pamilya para sa iyong sarili, para sa mga kapwa kasapi ng
pamilya, para sa buong pamilya, at maging para sa pamayanan

2|Page
IV. Aplikasyon/Pagninilay:
Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang Tama kung ang nakasaad ay tumutukoy sa
wastong konsepto tungkol sa pamilya. Isulat naman ang Mali kung hindi. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
_____1. Ang pamilya ay bahagi ng lipunan.
_____2. Ang pamilya ay matatawag na pamayanan ng mga tao kung walang
pagmamahal.
_____3. Ang pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan ang nagpapatibay sa
isang pamilya.
_____4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
_____5. Ang bawat pamilya ay walang panlipunan at pampolitikal na gampanin.

V. Takdang Aralin:
Para sa maayos na talakayan sa susunod na pagkikita;
Isulat at suriin ang tula na "Sa Pamilya ko, Happy Ako" at sagutan ang mga sumusunod sa
kwaderno:

1.Ano ang iyong naging damdamin mula sa tulang nabasa?


2.Sa paanong paraan makikita ang pagiging masayang pamilya?

3|Page
4|Page
PAMILYA

5|Page
6|Page

You might also like