You are on page 1of 2

ST.

PETER’S COLLEGE OF MISAMIS ORIENTAL, INC


15 de Septiembre St., Barangay 2, Balingasag, Misamis Oriental
S.Y 2023-2024

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

LESSON PLAN IN ESP - 8

August 22-24, 2023


GRADE 8 - AMIABLE
TIME: MT(7:45-8:15AM), TTH(7:45-8:15AM)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan, katangian at layunin ng pamilya sa pagpapaunlad
ng pakikipagkapwa.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan
sa sariling pamilya.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan
o napanood. EsP8PBIa-1.2

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisasagawa ang mga sumusunod:
A. Natutukoy ang kahulugan ng Pagmamahalan at Pag tutulungan
B. Nisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya.
C. Nakapagbigay ng sariling saloobin ukol sa kahalaghan pagmamahalan at pagtutulungan
II. NILALAMAN
Paksa: Ang pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan
Sanggunian: Unang Markahan – Mudyol 1: Ang Pamilya Bilang Natural na institusyon sa Lipunan
Kagamitan: Pisara, Marker, laptop

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
Panalangin
Pag ayos ng silid aralan
Pagbibigay ng alituntunin sa klase
B. PAGLINANG NG GAWAIN
 PAGGANYAK (Motivation)
Sino ba dito ang tumutulong sa magulang sa gawaing bahay?
Anong mga gawaing bahay ang ginagawa niyo habang kayu ay nasa inyung bahay?
Kapag ba walang klase at tumutulong pa rin ba kayu ng gawing bahay tuwing umuuwi kayu
galling eskwela?
Bakit sa palagay niyo ay kailangan niyong gumawa ng mga gawaing bahay?
Sino dito ang pweding mag bahagi ng kanilang routine pag uwi sa bahay galling eskwela?
 PAGTALAKAY
-Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong din sa
pagpapaunlad ng sarili sa bawat kasapi dahil sa kanilang piling nahubog ang ating mga
pagpapahalaga na atin ding naipamalas.
- Ang Pamilya ay isang damdamin na hindi lamang naipapakita sa pagbibigay ng mga materyal na
bagay kung hind imaging sa pagpapahalaga.
- Hindi lamang mararamdaman at makikita ang pagmamahal sa loob ng tahanan maaari ring
maramdaman ito sa Panginoon at kapwa.
- Mga Kilos na nagpapakita ng pagmamahal.
a. pagbibigayan sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at panahong makapiling ang pamilya.
b. Pagpapakumbaba sa tuwing nakagagawa ng kamalian at matutung humingi ng kapatawaran.
c. Pagpapakita ng respeto sa mga magulang at nakakatandang kapatid.
d. Pagpapahalaga sa mabuting nagawa ng pamilya tulad ng: “ipinagmamalaki kita” at “mahusay
ang iyong ginawa”.
- Kaakibat ng pagmamahalan ay pagpapakita ng supporta sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa na
hindi naghihintay ng anumang kapalit. Ito ang nagiging dahilan sa pagpapatatag ng pagtutulangan sa
pamilya.
a. Pagkakaisa sa mga gawaing bahay
b. Pagtulong sa kapatid na maunawaan ang aralin
c. Pagsasakripisyo ng pangsariling kagustuhan para sa ikabubuti ng pamilya
d. Pagpapakita ng suporta sa mga anak na nag-aaral paggamit sa mithiiing magpapaunlad ng pamilya
 PAGLALAHAT
Ano ang Ginigawa ng pamilya sa bawat larawan?

 PAGLALAPAT (Aplikasyon)
Suriin ang mga kasabihan at ilihad ang iyong pananaw kung ano kahinatnan sa pagpapairal
ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananmpalataya sa isang pamilya. Isulat ang sagot sa
isang buong papel.
1. “Hindi mo malalaman ang tunay na diwa ng pag-ibig kung hindi mo ito nakikita sa iyong
pamilya”
2. “Ang pamilyang nagkakaisa ay palaging masaya”
3. “Anuman ang tibay ng piling abaka, wala ring lakas kapag nagkakaisa”
4. “Ang magulang ay hindi makatitiis sa anak, nakatitiis ang anak sa magulang”
5. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”

IV – PAGATATAYA
Sa isang buong papel, sagutan ang tanong.
1. Paano mo mailalarawan ang iyong sarili sa luob ng iyong tahanan?
2. Gumawa ng saring Pamagat.

Prepared by: Chender Shazney J. Dadang, LPT Checked by: Karen M. Senados, LPT
English Teacher JHS Academic Coordinator

Approved by: Bruno I. Valenzuela, LPT


OIC-JHS Principal

You might also like