You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Seksyon: Wisdom/Fortitude

Duration: Quarter 1 – Week 3- Unang Araw Inclusive Date/s: October, 3 & 4, 2023
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na
institusyon ng lipunan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.
C. Kasanayan sa Pagkatuto 1.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya EsP8PBIb-1.4
II. NILALAMAN Ang Pamilya Bilang Natural Na Institusyon Ng Lipunan
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 SLM 4-Episode 4, Unang
Pang-mag-aaral
Markahan
3. Karagdagang kagamitan Handout, Mga Larawan at iba pa
mula sa portal ng Learning
Process
B. Iba pang Kagamitang Panturo Pisara at chalk
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda sa Klase
2. Panalangin
3. Attendance
B. Pagganyak (Motibasyon) Ang Pamilyang Sama-sama
Tula ni May Jane Delloro

Ang sarap pakinggan ng salitang pamilya


Sama-sama ang mga anak, si Mama at Papa
Sa pagsubok man o sa saya
Sila ang kayamanang tunay talaga

Pamilya mo ang sandigan mo


Sa pagbuo ng mga pangarap mo
Sila palagi ang number one fan mo
Lumagapak ka man, sila pa rin ang mag-aalalay sayo

Aakayin ka ulit para lumaban


Sa mga pangarap mo hindi ka nila iiwanan
‘Di sila mapapagod na sabihing, “Kaya mo!”
Mapagod ka man, sila ay nandiyan pa rin para sayo

Ang pamilyang sama-sama


Walang iwanan sa hirap at ginhawa
Nananatiling matatag sa gitna ng mga problema
Dahil sa pagtutulungan at pagmamahal sa isa’t isa
C. Paglalahad Pangunahing Konsepto

May kasabihan na nagsasabing “Kapag matatag ang pamilya, matatag din


ang isang bansa.” Totoo ito sapagkat kung matatag ang pamilya, matatag din ang
bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
Matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa.
Tumutulong silang humubog ng mga taong nagiging katulad natin. Kung
kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin,
mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya. Tumutulong silang
humubog ng mga taong magiging duyan ng magandang lipunan.
May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang
kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang
pagmamahal, katuwaan, kaligayahan at iba pang magagandang bagay. Ito ay
isang kahong mabubuksan kung kailan mo gusto.
Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin pamilya sa isang kahon na
walang laman. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang
ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay. Ang
ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya. Kailangang
sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito.
Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang
magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa.
Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.
Ang pamilya ay parang ding isang lubid. May manipis na lubid. Meron
ding lubid na makapal. Anuman ang hitsura ng isang lubid, ito ay yari sa
maraming hibla na hinabi nang sama-sama. Ang bawat miyembro ng pamilya ay
kumakatawan sa isang hibla. Kapag nagmamahalan at nagtutulungan ang bawat
miyembro, nagiging matatag ang pamilya. Kung maputol ang isang hibla ng
lubid, magiging marupok ito. Katulad din ng isang pamilya, kung ang isang
miyembro ay mahina, posibleng masira ang buong pamilya.

Ano ang kailangan sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa


pamilya?

Upang mapanatili ang katatagan ng pagmamahalan at pagtutulungan ng isang


pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian o mga angkop na
kilos:
1. May pananagutan sa isa’t isa.
2. Pagtutulungan sa mga gawaing bahay
3. May mabuting komunikasyon
4. May mga panahong nagkakasama-sama o family bonding
5. Pag-aagapay sa anumang pagsubok at problema

D. Paglinang ng Aralin Gawain 1: PAGSASADULA


1. Activity (Paggawa) Panuto: Magsadula ng isang pangyayari na nagpapakita ng paraan ng
pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.

PAMANTAYAN SA PAGSASADULA
Nilalaman – 40%
Pagkamalikhain – 40%
Pagtutulungan sa Pangkat – 20%
100%
2. Analysis (Pag-analisa) (Sa puntong ito magkakaroon ng malayang talakayan sa loob ng klase.)
a. Ano ang paraan ng pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya ang ipinakita ninyu sa pagsasadula na inyong ginawa?
Ipaliwanag.
3. Application Gawain 2:
(Paglalapat Panuto: Isa-isahin sa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. Gamitin ang graphic
organizer sa ibaba.

4. Abstraction  Ano-ano nga ang mga mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
(Paglalahat) pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya?
 Bakit mahalagang patatagin ang pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling
pamilya?
IV. Pagtataya Panuto: Magbigay ng limang (5) mga angkop na kilos upang mapapatatag ang
pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya.
Panuto: Magsaliksik ng mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na
nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog
V. Kasunduan
ng pananampalataya at isulat ito sa iyong kwaderno para sa susunod na
talakayan.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

GWEN A. SALABSAB LUCITA C. APALE


Teacher I Master Teacher 1

You might also like