You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 1
LA UNION SCHOOLS DIVISION
Sto. Rosario National High School
San Juan 2514, La Union

Office of the Araling Panlipunan and


Name of Teacher Maria
Edukasyon saEdralyne U. Nebrija
Pagpapakatao Department
Subject Taught Eduaksyon Sa Pagpapakatao 8
Time/Date September 7, 2022
7:30 - 8:30- 8:30 - 9:30
I. Pinakamahalagang Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa
Kasanayang Pagkatuto/ pagpapatatag ng pagmamahalan at
MELC pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PB-Ib-
1.4)

a. Mga Tiyak na Layunin a. Natutukoy ang mga angkop na kilos tungo sa


pagpapatatag ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya;
b. Nasusuri kung bakit ang pamilya ay natural na
institusyon ng pagmamahalan at
pagtutulungan na nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapuwa;
c. Nakagagawa ng dalawang saknong ng tula na
nagpapatunay kung paano nagkaroon ng
makabuluhang pakikipagkapuwa ang
pamilyang Pilipino.

II. Nilalaman
a. Paksa Natural na Institusyon ng Pagmamahalan at
Pagtutulungan
b. Sanggunian EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Unang Markahan - Modyul 2: Ang
Pamilya Bilang Natural na Institusyon
Unang Edisyon, 2021

c. Kagamitan Powerpoint Presentation


Module
Television
Blackboard
Chalk
d. Pagpapahalaga Pagmamahalan, Pagtutulungan at
Pananampalataya
III. Pamamaraan
a. Pagbabalik-Aral Pamilya, isang simpleng salita ngunit nagdudulot
ng napakaraming emosyon tuwing nasasambit ito.
Kadalasang kinagigiliwang pag-usapan ng iba at
mayroon din namang tumutulo agad ang mga luha.
Bilang isang Pilipino, mayroong malaking puwang
sa iyong isipan at puso ang iyong pamilya kaya
naman kilala tayo sa buong mundo sa pagiging
malapit dito.
b. Pagganyak “Mahalin ang iyong pamilya dahil ang
pamilya ay kayamanan na nagmamahal
at handang tumulong sa iyo.” -
Anonymous

c. Gawain Gawain 2: ANGKOP BA AKO?


Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod ay angkop
na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan
at pagtutulungan sa sariling pamilya. Isulat ang
AK kung angkop ang kilos at HAK kung hindi
angkop ang kilos na isinasaad ng sumusunod na
sitwasyon. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang
papel.
_____1. Sa ating bansa, hinahayaan ang ina o
amang tumatanda na maiwan sa nursing
home.
_____2. Ang pamilya, dumaan man sa maraming
mga pagbabago bunga ng modernisasyon,
ay mananatiling natural na institusyon ng
lipunan.
_____3. Ang pagtutulungan ay natural ding
dumadaloy sa pamilya sapagkat
kaligayahan ng bawat kasapi na makitang
mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
_____4. Kailangang palaging nakahandang
tumulong ang mga miyembro ng isang
pamilya sa oras ng pangangailangan ng
bawat isa.
_____5. Mahalagang hindi mabago kasabay ng
panahon ang pag-iral ng isang pamilya.

d. Pagsusuri Ano ang mga angkop at hindi angkop na kilos sa


sa pagpapatatag ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya
e. Pagnilayan at Unawain Maituturing na labis na kabutihan ang hindi
talikuran ang isang kasapi ng pamilya sa oras ng
pangangailangan. Ngunit mahalagang tandan na
ang pagtulong ay may hangganan. Kailangang
matiyak na hindi ito nagdudulot ng labis na
pagiging palaasa. Kailangan ding matulungan ang
isang anak na tumayo sa kaniyang sariling paa sa
takdang panahon.
f. Pagbubuod Ang pamilya, dumaan man sa maraming mga
pagbabago bunga ng modernisasyon, ay
mananatiling natural na institusyon ng lipunan.
Mahalagang hindi mabago kasabay ng panahon
ang pag-iral ng isang pamilya. Kabataan, kailangan
mo nang kumilos para sa pagtataguyod at
pagmamahal ng sarili mong pamilya.
IV. Ebalwasyon Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o
sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang
ang isulat sa sagutang papel.
1. Nagmamadali si Ellen na umalis ng bahay
dahil ipinatawag siya ng boss tungkol sa
negosyo at nakita niyang umiiyak ang sanggol
na kapatid at tila nagugutom. Sa halip na
ipagtimpala ng gatas ay nagmamadali siyang
umalis ng bahay. Angkop ba ang kilos na
ipinakita ni Ellen? A. Oo, sapagkat ipinatawag
siya ng boss.
B. Hindi, dahil iniwan niya ang kapatid na
gutom.
C. Oo, dahil mas importante ang trabaho
kaysa pamilya
D. Hindi, sapagkat dapat inuuna ang
kapakanan ng pamilya bago ang trabaho
dahil makapaghihintay naman ito.

2. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita


ng pagpapahalaga sa mabuting nagawa ng
isang miyembro ng pamilya?
A. pag-aaksaya ng oras at panahon
B. magliliwaliw sa mga gustong lugar
C. pagtangkilik ng mga mabubuting kilos
D. pagsantabi ng tagumpay ng miyembro ng
pamilya

3. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng


pamilyang may matatag na pagmamahalan at
pagtutulungan?
A. Ang pamilyang Santos ay maramot sa
kapuwa.
B. Ang pamilyang Dantes ay tinatawanan
ang mga problemang kinakaharap.
C. Ang pamilyang Monteclaro ay
nagbabangayan sa tuwing may mabigat
na gawain.
D. Ang pamilyang Alonzo ay binibigyan ng
gamot at inaalagaan ang miyembro ng
pamilya sa tuwing may nagkakasakit.
4. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapatatag sa
pagtutulungan ng pamilya?
A. Sinasarili ni Janet ang problema sa
pamilya kaya nakaranas ito ng depresyon.
B. Tila walang narinig si Henry sa mga
pangaral na ibinibigay ng ina kaya
napariwara ang buhay nito.
C. Nakasanayan na ni Arting ang
pagsinungaling sa kaniyang magulang at
napagtanto niyang hindi ito mabuti.
D. Sama-samang gumagawa ng mga gawaing
bahay ang pamilyang Nobleza kayat
napabibilis ang pagtapos dito.
5. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng
angkop na kilos sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
A. Si Bernardo ay pamilyadong tao. Bumili
siya ng pagkain para sa kaniyang sarili
lamang kaya lubos itong ikinagalit ng
kaniyang asawa.
B. Si Pablo ay naglaan ng sapat na oras at
panahon upang maipasyal ang pamilya sa
plaza nang mapag-usapan ang mga
problemang nararanasan.
C. Ang pamilyang Remorosa ay sama-
samang kumakain sa hapagkainan.
Pagkatapos kumain ng lahat ay
hinuhugasang mag-isa ni Jeasel ang
pinagkainan.
D. Ang pamilyang Pecundo ay walang
pakialam sa isa’t isa. Parati na lamang
nag-aaway ang mag-asawa. Ang mga
anak naman nito ay nalulong na sa online
games.

V. Takdang Aralin Ano ang mga pwede mong gawin upang


maipamalas mo ang pagmamahal mo sa iyong
pamilya?
VI. Repleksyon _____Natapos ang aralin/gawain at maaari nang
magpatuloy sa mga susunod na aralin.
_____Hindi natapos ang aralin/gawain dahil sa
kakulangan sa oras.
_____Hindi natapos ang aralin dahil sa integrasyon
ng mga napapanahong pangyayari
.____Hindi natapos ang aralin dahil napakaraming
ideya ang gusting ibahagi ng mga mag-aaral
patungkol sa paksang pinag-aaralan.
_____Hindi natapos ang aralin dahil sa
pagkaantala/pagsuspindi sa mga klase dulot ng
mga gawaing pang-eskwela.mga sakuna/pagliban
ng gurong nagtuturo.
Nos. of learners
Nos. of absent
Nos. of learners within
mastery level
Nos. of learners needing
remediation

Prepared by: MARIA EDRALYNE U. NEBRIJA Checked by: JOSEPH M. PADUA, PhD
Teacher I Head Teacher III

Noted by: MARIBEL C. REYES, EdD


Principal IV

You might also like