You are on page 1of 5

School: CAMILING CENTRAL ELEMENTARY Grade Level: III

GRADES 1 to 12 Teacher: MYRELYN E. IBARRA Learning Area: HGP


DAILY LESSON LOG Teaching Dates and Time: SEPT 26-30, 2022 (WEEK 6) Quarter: 1ST QUARTER

FRIDAY/BIYERNES
I OBJECTIVES
A. Content Standard Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng sariling pamilya
B. Performance Naipapakita ang pagpapahalaga sa pamilya.
Standard
C. Learning Natutukoy ang kahalagahan ng sarili bilang miyembro ng pamilya at ng komunidad.
Competency/s:
II CONTENT Natutukoy ang iba’t ibang istruktura ng pamilya.
Koda: HGPS-lf-15
1. mailalarawan ang katangian ng iba’t-ibang istruktura ng pamilya; at
2. matutukoy ang mga paraan ng pagpapahalaga sa pamilya.

III. LEARNING
RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide HGP 3 LAS week 6 (Division of Tarlac Province Project REGALO)
Pages
2. Learner’s Materials
pages
3. Text book pages
4. Additional Materials ESP 3 Book
from Learning
Resources
B. Other Learning PPT, Laptop, TV
Resources
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous Kantahin “ Miyembrong Pamilya”
lesson or presenting the
new lesson Amang daliri (2x)
Nasaan ka?
Ako’y narito (2x)
Ako’y narito (2x)
Kumusta ka?
Palitan ang salitang Amang sa
(inang, kuyang , manang, bunsong)
B. Establishing a Magtanong sa mga bata patungkol sa miyembro ng pamilya?
purpose for the lesson Sino sino ang mga miyembrong bumubuo sa kanilang pamilya?
Paghambingin ang dalawang larawan ng pamilya.
Magpakita ng mga larawan ng bawat kasapi ng pamilya.

C. Presenting Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ito ang nagpapasigla ng pamayanan lalo na kung ang bawat kasapi nito ay tumutupad sa tungkuling iniatas sa
Examples/instances of kanila.
new lesson Napakaraming uri ng pamilya dito sa ating bansa ngunit mayroong dalawa na pinakakilala. Ito ang nuclear family, binubuo ng magulang at mga anak lamang at extended
family na kung saan maaaring kasama ang mga lolo,lola,tita at tito. Ayon sa pag-aaral ng World Family Map noong 2015, ang nuclear na uri ng pamilya talaga ang
mayroon sa buong Asya. Sa pag-aaral naman ng Philippine Statistics Authority (PSA), dito sa Pilipinas ay may humigit kumulang 2.2 million na extended family.
Bukod dito ay mayroon ding tinatawag na maliit na pamilya na binubuo ng tatay, nanay, at isang anak. Malaking pamilya naman ang tawag sa pamilyang binubuo ng
tatay, nanay at dalawa o higit pang mga anak.
Gayunpaman, bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya, makabubuti na ang iyong mga ginagawa ay dapat ikinasisiya ng iyong mga magulang. Magsisilbi
itong inspirasyon upang lalo pa nilang mapaganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak tulad mo. Dahil dito mahalagang sinusunod mo ang mga alituntunin at
patakarang pinagkasunduan sa tahanan lalo sa disiplina at sa iyong pag-aaral.

D. Discussing new Panuto: Pagmasdan ang mga larawan ng iba’t ibang uri ng pamilya at sagutin ang mga tanong tnugkol dito.
concepts and practicing
new skills #1

1. Anong uri ng pamilya ang nasa unang larawan?


2. Paano mo masasabing malaking pamilya ang nasa pangalawang larawan?
3. Ano ang pagkakaiba ng pangatlo at pang-apat na larawan?
4. Anong uri ng pamilya ang katulad ng sa iyo? Bakit?
5.Para sa iyo, anong uri ng pamilya ang pinakagusto mo? Bakit?

E. Discussing new A.1 Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek ( √ ) sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya; ekis ( X ) naman kung
concepts and practicing hindi.
new skills #2 __________1. Ang aking pamilya ay masayang magkakasama.
__________2. Hindi ko sinusunod ang sinasabi ng tito at tita ko.
__________3. Masiglang-masigla akong ibahagi ang aking talento sa loob ng aming tahanan.
__________4. Pinagtatawanan ko kung may pagkakamali ang aking lolo at lola sa kanilang mga ginagawa sa bahay.
__________5. Magalang at tahimik ako sa bahay upang hindi magising ang natutulog kong pamangkin sa loob ng kanilang kuwarto.

F. Developing mastery Basahin ang sumusunod na pangungusap. Kilalanin ang iba’t ibang istruktura ng pamilya. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong mga sagot sa patlang.
(Leads to Formative
Assessment) nuclear family extended family maliit na pamilya
malaking pamilyapamilya masayang pamilya

_____________________1. Ito ay pamilyang binubuo ng tatay, nanay, at isang anak lamang.


_____________________2. Ito ay pangunahing yunit ng lipunan at nagpapasigla ng pamayanan.
_____________________3. Ang pamilyang ito ay binubuo ng mga magulang at dalawa o higit pang mga anak.
_____________________4. Ayon sa PSA ito ang pamilyang pinakakilala sa ating bansa dahil maraming pamilya ang tulad nito.
_____________________5. Ito naman ay pamilyang binubuo lamang ng tatay, nanay at mga anak lamang sa loob ng isang tahanan o bahay.

G. Finding Practical Panuto:


applications of concepts Gumupit ng mga larawan ng iyong pamilya at idikit ito sa puno. Sumulat ng 2-3 pangungusap na paglalarawan tungkol sa iyong pamilya. Gawin ito sa loob ng kahon.
and skills LAS p. 6

H. Making Sino sino ang mga bumubuo sa isang pamilya?


generalizations and Ano ang tungkulin ng bawat miyembro?
abstractions about the Ipaliwanag kung paano maipakikita ang pagpapahalaga sa bawat miyembro ng iyong pamilya.
lesson
I. Evaluating Learning Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang maaari mong tuparin na gawain sa loob ng tahanan?


A. Mag-ingay kapag may natutulog
B. Maghugas ng mga pinagkainan sa kusina
C. Hayaan ang mga kasapi ng pamilya ang gumawa ng trabaho sa bahay

2. Nakita mong nahihirapan ang iyong tita sa pag timpla ng gatas ng kanyang anak. Ano ang maaari mong gawin?
A. Ako na ang magtitimpla ng gatas
B. Hindi ko bibigyan ng pansin ang tita ko
C. Iaabot ko ang mga kailangan ng tita ko
3. May reunion ang inyong pamilya sa bahay ng lolo at lola mo. Ano ang magandang pag-uugali ang iyong ipakikita sa inyong mga kamag-anak?
A. Uupo lamang ako nang tahimik sa tabi
B. Babatiin ko sila ng magandang araw at aalis na
C. Magmamano ako sa kanila at kakamustahin ko sila

4. Dahil marami kayong nakatira sa bahay ay hindi mo alam kung kanino mo naibigay ang sukli ng iyong tatay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Iisa-isahin ko ang mga kasama ko sa bahay na tanungin tungkol sa sukli
B. Sasabihin ko kay tatay na pakitanong na lamang sa mga kasama sa bahay kung nakakanino ang sukli
C. Hintayin ko na lamang na ibigay ang sukli sa tatay ng taong napagbigyan ko nito, dahil hindi ko na maalala kung kanino ko ito iniwan.

5. Bilang kasapi ng pamilya, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at paggalang sa mga kasama mo sa tahanan?
A. Tumulong sa mga gawaing bahay sa abot ng makakaya
B. Maging marahan sa paggawa sa mga pagkakataon na naroon lamang ang mga magulang
C. Magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at iba pa upang hindi malaki ang babayaran ng nanay

J. Additional activities Panuto: Sagutan ang mga pangungusap sa ibaba sa pamamagitan ng iyong mga patunay.
for application or
remediation 1. Masaya ka ba sa iyong pamilya?
Patunay: ______________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Maaasahan ka ba ng iyong pamilya sa lahat ng oras?
Patunay: ______________________________________________________
_______________________________________________________
3. Ikaw ba ay sumusunod sa mga utos ng mga nakatatandang kasapi ng pamilya?
Patunay: ______________________________________________________
________________________________________________________________
4. Ipinapasa mo ba ang mga tungkulin na ibinigay sa iyo sa inyong tahanan?
Patunay: ______________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Ikaw ba ay mayroong pagpapahalaga sa bawat miyembro ng inyong pamilya?
Patunay: ______________________________________________________
________________________________________________________________
LAS p. 9

V. REMARKS
VI. REFLECTION

A. No. of learners who


earned 80% on the
formative assessment
B. No. of Learners who
require additional
activities for
remediation
C. Did the remedial
lessons work? No. of
learners who have
caught up with the
lesson.
D. No. of learners who
continue to require
remediation
E. Which of my teaching
strategies worked well?
Why did these work?
F. What difficulties did I
encounter which my
principal or supervisor
can help me solve?
G. What innovation or
localized materials did I
use/discover which I
wish to share with other
teachers?

You might also like