You are on page 1of 7

School: TAYSAN RESETTLEMENT INTEGRATED SCHOOL

Teacher: MARIANE TYCHE O. LORENZANA


DAILY LESSON Subject Area:
LOG
Quarter FIRST Quarter
Date :
Time and Section:
I.LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural
na institusyon ng lipunan.

B.Pamantayan Sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa


pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.

1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na


C.Mga Kasanayan Sa Pagkatuto. kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili. EsP8PB-Ia-
Isulat And Code Ng Bawat 1.1
Kasanayan 2. Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng bawat kasapi ng pamilya sa
loob ng tahanan at sa lipunang kinabibilangan nito.
3. Nakabubuo ng iba’t ibang pakahulugan tungkol sa pamilya gamit ang
iba’t ibang malikhaing pamamaraan.
II. NILALAMAN Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon

A. Sangunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 2-9
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p.1-18
Pang-Mang-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga Larawan mula sa internet https://www.google.com.ph/search?
q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isc
h&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHS-
bB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=clip
art+wedding&imgdii=DC3tkxJsEmjguM:&imgrc=IW9BIqGVtPF0KM:
https://www.google.com.ph/search?
q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isc
h&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHS-
bB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=clipart+family&imgrc=7q2wVgTF1RKOLM:
Mga pangkulay at makukulay na papel Panturong Biswal: LCD projector,
laptop, ESP 8 Modyul para sa Mag-aaral
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at 1. Gamit ang flash cards ipabasa ang mga konsepto sa ibaba. Tumawag
pagsisimula ng bagong aralin. ng ilang mag-aaral na
magpapaliwanag ukol dito. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Hilig Pamilya Pagpapasiya
Talento Sekswalidad Pagpapahalaga sa pag-aaral
2. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin.
(Gawin sa loob ng 5minuto) (Reflective Approach)
Paunang Pagtataya
Panuto: Isulat sa notbuk ang titik lamang ng mga sagot sa sumusunod na
pagsusulit.
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa
mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing
yunit ng lipunan?
a. Paaralan
b. Pamilya
c. Pamahalaan
d. Barangay
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa
sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pamamagitan ng dalawang taong
nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at
pagpapahalaga sa kapwa.
3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay
(law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa
nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang
pangangailangan ng kaniyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating
ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang
mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda
kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang
ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa
loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang
bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin
ang lipunan.
5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya.
Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng
pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin
ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-loob at maayos na
pakikitungo sa kapwa.
d. Kapwa wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang
tahanan na gagabay sa mga bata.
6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa
paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
d. Mga patakaran sa pamilya
7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-
sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano
ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya
ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang
buhay (social life)
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan napag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo
ng pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo
sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ngating
buhay.
9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan
ng buong pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot
ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita
ang suporta ng bawat isa.
10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting
pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang
kanyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang
pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan
ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging
mabuti sa
pakikipagkapwa tao.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isag tao na maayos ang
pamilyang kinabibilangan.
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin 1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na
at pagganyak kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili.
2. Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng bawat kasapi ng pamilya sa
loob ng tahanan at sa lipunang kinabibilangan nito.
3. Nakabubuo ng iba’t ibang pakahulugan tungkol sa pamilya gamit ang
iba’t ibang malikhaing pamamaraan.
B. Tingnan at suriin ang bawat larawan. Magbigay ng isang salitang
mahihinuha mula sa mga larawan sa ibaba. (Gawin sa loob ng 3 minuto)
(Integrative/Constructivist Approach

Ipamahagi sa mga mag-aaral ang kopya ng tula at ipabasa ng sabayan.


Pasagutan angkatanungan sa ibaba. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa (Reflective approach)
sa bagong aralin Ang Aking Pamilya
ni: Julie Ann F. Rosario
Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.
Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,
Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.
Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga
Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kuwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila
Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.
Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.
Salamat sa inyo, aking ama’t ina.
Sa walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.
1. Anong mga katangian ng isang pamilya ang isinasabuhay sa tula?
2. Ano-ano ang mga gampanin ng mga magulang ang isinasabuhay sa
tula? Ano-ano ang mga
gampanin ng mga anak?
Hatiin ang klase sa apat na grupo at isagawa ang gawaing “Ang Aking
Pananaw tungkol sa Pamilya”.
Sundin ang sumusunod na gawain sa paglalarawan ng inyong pamilya.
D.Pagtalakay ng bagong konsepto at Gamitin ang rubric sa susunod na pahina sa paglalarawan ng pananaw o
paglalahad ng bagong kasanayan #1 pakahulugan ng pamilya. Bigyan ng apat (4) na minuto ang bawat
pangkat sa pagbabahagi sa klase ng kanilang gawain. Matapos ang
gawain, tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutan ang katanungan sa
ibaba. (Gawin sa loob ng 20 minuto) (Collaborative Approach)
Pangkat I:Gumuhit ng larawan o di kaya’y gumupit ng mga larawang
maaaring magamit sa paglalarawan ng
inyong pamilya.
Pangkat II:Pumili ng isang Tagalog o Ingles na awiting naglalarawan sa
inyong pamilya. Ipaliwanag ang kaugnayan nito
Pangkat III:Sumulat ng dalawang saknong na tulang naglalarawan sa
inyong pamilya.
Pangkat IV:Lumikha ng isang maikling dula ng paglalarawan ng inyong
pamilya.
1. Anong isang salita ang maaari mong gamiting paglalarawan sa
pamilya? Bakit mo napili ang
salitang ito?
2. Anong karanasan sa pamilya ang nagbunsod sa iyo upang magkaroon
ng ganitong pananaw
tungkol sa pamilya?

Isagawa ang gawaing “Ang Gampanin ng bawat Kasapi ng Pamilya”. Isa-


isahin ang mga naiambag
E. Pagtalakay ng bagong konsepto ng mga kasapi ng iyong sariling pamilya para sa sarili, sa mga kasapi ng
at paglalahad ng bagong kasanayan pamilya at sa pamayanan. Sundin ang sumusunod na hakbang sa
#2 pagsasagawa ng gawain. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Integrative
approach)
1. Gumuhit sa notbuk ng isang bahay na nagpapakita ng mahahalagang
bahagi nito.
2. Gamitin ang istruktura ng bahay at ang ilang kagamitang naririto upang
ilarawan mo ang bawat
kasapi ng iyong pamilya at ang mahahalagang kontribusyon nila sa iyo,
sa iba pang kasapi ng pamilya o sa buong pamilya.
d. Anong mga katangian ang taglay mo ngayon ang namana mo sa iyong
pamilya?

Sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa


notbuk. (Gawin sa loob ng 2minuto) (Reflective Approach)
F.Paglinang sa kabihasahan 1. Ano ang iyong nahinuha sa nakaraang gawain tungkol sa iyong
(Tungo sa Formative Assessment) pamilya?
2. Anong isang salita ang maglalarawan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang magampanan ng bawat miyembro ng iyong pamilya
ang kanilang kontribusyon o gampanin?

G.PAglalapat sa aralin sa pang-


araw-araw na buhay

H. Panglalahat sa aralin Ang pamilya ay binubuo ng isang lipunan na magkakasama at pinamamahalaan ng ama’t
ina na siya ring gumagabay sa mga anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga
bahaging ginagampanan na makatutulong upang mapalago at mapanatiling matatag ang
kanilang samahan.
I. Pagtataya ng Aralin Kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap hinggil sa iyong pananaw sa
pamilya. Isulat ito sa
isang papel. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Constructivist Approach)
1. Ang aking pananaw tungkol sa pamilya ay
________________________________________.
2. Maihahalintulad ko ang aking pamilya sa __________________ sapagkat
_______________.
3. Ang gampanin o tungkulin ng pamilya ay
_____________________________________.
4. Mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang tungkulin
sapagkat
5. Mas mapapatibay ang samahan ng pamilya kung
__________________________________
J.Karagdangang Gawain para sa Magtala sa iyong notbuk ng 5-10 karanasan sa pamilya na nagkaroon ng
takdang aralin at remediation positibong impluwensiya sa iyong sarili.

V. Mga Tala
VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilan ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy
sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?Paano ito
nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking naranasang
solusyunan sa ulong ng aking punong
guro at superbisor?
G.Anong Kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Prepared by: Checked by: Noted:

JULIE ANN A. PAJE JOSEPH M. ANTONES ELVIRA TUSI-BELEN


ESP Teacher ESP Coordinator School Principal II

You might also like