You are on page 1of 2

Tawagan Norte National High School

Unang Markahan
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade 8
PANGALAN:____________________________________________ PANGKAT: ________________ Score:___________

PAGPIPILI:
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin at BILUGAN ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. An gating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at
pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan b. pamilya c. pamahalaan d. barangay
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (Law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan
sa nasabing batas?
a. ISang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa
pamilya
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahill nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang
mga anak.
4. “Kapag metatag ang pamilya metatag din ang isang bansa.”Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
b. Ang pamilyaang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag metatag ang pamilya, metatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natutuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya.
a. Pinagsama ng kasal ang magulang
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. Pagtanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
d. Mga patakaran sa pamilya
7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo.
Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dpat mong tularan?
a. Buo at metatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang
buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ng mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa .
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamiya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
10. Äng mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa ambuting pakikipagkapwa tao.”Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang
isasabuhay?
a. Higit na magiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagpakapwa tao
b. Nakakatulong ito sa kaniyang suliranin s abuhay upang masolusyonan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamiya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
11. Ang karapatan para sa _______ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan
12. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay ______.
a. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na nagmahal.
b. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
c. Susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
d. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang MALIBAN sa:
a. Pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na gingabayan ng prinsipyong moral
b. Pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na
malampasan.
c. Pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos , sa kanilang konsiyensya, at sa lahat ng mga taong ibinibigay sa kanila ng Diyos upang
paglingkuran at alagaan
Tawagan Norte National High School
Unang Markahan
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade 8
d. Malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga
pagganap at hindi pagganpa sa mga ito.
14. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
a. Si Leonardo at Rose na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.
b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay
para sa kanilang hinaharap.
c. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain,
pangangailangan at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.
d. Sina Anita at Melnard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibanga bansa upang matugunan ang mga
pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.
15. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mag bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila
ay turuan.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
16. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagpakumbaba.
b. Upang masanay sila na amging masaya at kuntento sa mga munting biyaya.
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan.
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano mayroon siya.
17. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga MALIBAN sa:
a. Pagtanggap b. pagmamahal c. katarungan d. pagtitimpi
18. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya MALIBAN sa:
a. pagtitiwala
b. pagtataglay ng katarungan
c. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
19. Ang sumusunod ay mga parran upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga Gawain ispritwal MALIBA sa:
a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. Maglaan ng tiyak na panahon upang making at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. Ituon ang pansin sa ganap nap ag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
20. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya.
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan.
d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa haomn at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan.
21. An ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuring na pinakamaliit at
pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya d. barangay
22. Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na _____.
a. Pamayanan ng mga tao
b. Institusyon ng lipunan
c. Pag-asa ng bayan
d. Paaralan ng pagmamahalan
23. Ito ang gumagabay sa ugnayan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya.
a. Malayang pagbibigay
b. Walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love)
c. Pagmamahal ng magulang (paternal love)
d. Ang sampung utos ng Diyos
24. Ano nga ba ang pamilya, ayon kay Pierangelo Alejo?
a. Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pangunahing institusyon sa lipunan na
nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae
b. Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan, ipakita at ipadama ang pagmamahal.
c. Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at pagmamahal.
d. Ang pamilya ay nabuo sa pagmamahalan ng lalaki at babae.
25. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
b. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam kung anu-ano ang
karapatan at tungkulin nito.
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.

Prepared by:
Lorenda Pacobilangnan - Juanico

You might also like