You are on page 1of 15

Pamilya:

Ugat ng
Pakikipagkapwa
Bakit
mahalaga
ang Pamilya?
Ang pamilya ang pangunahin at pinakamahalagang
bahagi ng lipunan. Binubuo ito ng ama, ina, at mga
anak. Isa sa mga kahanga-hangang katangian ng mga
Pilipino ay ang pagpapahalagang ibinibigay sa pamilya.
Sa pamilya natin unang natututunan ang tungkol sa
pag-ibig, pagpapahalaga, mga virtue, at
pakikipagkapuwa.
Sa pamilya rin natin unang natututunan ang
pagkakaroon ng maganda at positibong pananaw sa
buhay at tamang pakikipag-ugnayan.
ARALIN 1:
Ang Aking Pamilya,
Pahahalagahan Ko
Napakasarap sa pakiramdam na may mga taong
kaumakalinga at nagmamalasakit sa iyo.

Nagkakaroon ng halaga at magandang kulay ang


buhay kung ang mga tao sa paligid ay iyong
kapalagayang-loob o kahingahan ng sama ng
loob. Ganito ang pakiramdam sa loob ng isang
pamilya.
Bawat miyembro ng pamilya ay ginagawa
ng buong sigla at katapatan ang lahat niyang
tungkulin at responsibilidad dahil alam niyang
ang ibang miyembro ng pamilya ay gagawa rin
ng buong sigla at katapatan. Ang bawat
miyembro ay totoong magpapahalaga sa
pamliya. Marahil masasabi mong wala nang higit
pang maituturing na kayamanan kung hindi ang
pagmamahalan sa loob ng isang tahanan.
Siyasatin
●  
A. Alin sa sumusunod ang madalas mong ginagawa sa bahay upang ang iyong
pamilya ay magkaroon ng magandang samahan? Lagyan ng tsek ( ) sa patlang.
____ 1. sa tamang oras
____ 2. inaayos ang pinaghigaan
____ 3. magahapong naglalaro sa computer
____ 4. nagdarasal kasama ang pamilya
____ 5. gumigisng nang tanghali
____ 6. nakikipag-usap madalas sa magulang at buong pamilya
____ 7. tumutulong sa gawaing bahay
____ 8. gumugugol ng mahabang oras sa mga social networking site.
­____ 9. humihingi ng tulong sa pamilya kung kinakailangan lalo sa pag-aaral o
problema sa kaibigan.
____ 10. sumasama sa pamilya sa pagsisimba
____ 11. humihingi ng tawad kung nakasakit ng damdamin ng
sinuman sa kapamilya
____ 12. tinutulungan ang nakababatang kapatid sa pag-aaral
____ 13. inaabot ng hatinggabi sa panonood ng telebisyon
____ 14. nagpapalam kapag aalis sa bahay
____ 15. hindi sumasama sa mga kapamilya kapag kumakain
____ 16. nakikinig sa mga payo ng magulang
____ 17. inuunawa ang magulang at kapatid
____ 18. binabale-wala ang mga nakatatanda
____ 19. ibinabahagi sa pamilya ang mga naganap sa paaralan o
barkada
____ 20. Nag-iingay habang ntutulog ang ilang kapamilya
B. Balikan ang nilagyan mo ng
tsek ( ) sa Pagsasanay A.

Paano at bakit maaaring


makabuo ng isang masaya at
mapayapang samahan sa pamilya
  ang mga ito?
C. Isipin ang iyong mga nagawa para sa pamilya: sa magulang, mga kapatid,
mga kamag-anak (lolo, lola, tiyo, tiya, pinsan) at kasambahay (kung mayroon
man). Isulat ang mga ito sa ikalawang hanay at sa katabing hanay ay isulat
ang epekto ng inyong ginawa para sa kapamiilya.

Kapamilya Ginawa Epekto


Halimbawa:    
Bunsong kapatid Tinulungan sa takdang-aralin Nagkalapit kaming magkapatid
   
1.  
2.  
3.  
4.
5.
D. Bilang miyembro ng pamilya, maraming nagmamahal sa iyo at gumagawa ng
kabutihan para sa iyo. Isipin ang magagandang ginawa sa iyo ng mga kasapi ng
iyong pamilya. Isulat ang naging epekto nito sa buhay mo.

Kapamilya Kabutihang Nagawa Epekto


Halimbawa: Nagbibigay ng oras na pakinggan  Nadama ko ang tunay na
Kuya ak0 sa aking problema pagmamahal at pagmamalasakit
  niya sa akin
 
1.
2.
3.
Tuklasin
Nagiging masaya at makahulugan ang buhay, kung
nakakabuklod-buklod ang pamilya. Ang pagkakabuklod-buklod
ng pamilya ay tumutukoy sa pagtutulungan sa lahat ng gawain,
pagkukusa sa pagtulong, at pagbabahaginan ng saya at lungkot.
Sa pagkakabukold ng pamilya, nagiging magaan ang
anumang mabigat na gawain, naiibsan ang bigat ng dinadalang
suliranin, ata walamg takot na hinaharap ng isang tao ang
kinabukasan sapagkat batid niyang hindi siya nag-iisa. Siya ay
may pamilyang inaasahan. Ang pagkakabuklod-buklod ng
pamilya ay nabubuo dahil sa pagmamahal at paggalang sa
karapatan ng bawat kasapi nito.
Pagtibayin
Batay sa pagsasanay C at D sa Siyasatin, napatunayan mo ang
inyong halaga sa pamilya at ang halaga nila sa iyo.

Mahalaga ang pamilya. Ang kaligayahan mo ay


kaligayahan nila at sa kalungkutan ay karamay mo sila.
Ngunit kadalasan, higit pa nating pinahahalagahan ang
kaibigan o barkada kaysa pamilya. Totoong kailangan
natin ang kaibigan ngunit hindi sa paraang higit natin
silang binibigyan ng oars o panahon.
Walang perpektong pamilya,. Bawat pamilya ay may
kalakasan at kahianaan. May mga pagkakataon na
nagkakasundo. Minsan naman ay nagkakasakitan ng loob
subalit madali rin namang nagkakapatawaran.
Tignan ang larawang-guhit sa ibaba. Ikaw ang
nasa gitna. Isulat nag sunod-sunod sa iyong paligid ang
mga miyembro ng pamilya na may pinakamalaking
impluwensiya sa paghubog ng iong pagkatao. Isulat ang
katangiang hinahangaan sa kanila.

Nanay Tatay
AKO
(matiisin) (matatag)
CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including
icons by Flaticon, and infographics & images by Freepik.

You might also like