You are on page 1of 3

QUEZON MEMORIAL ACADEMY

Progreso St., Poblacion West, Umingan, Pangasinan

GRADE 9
WEEK 4 (3RD QUARTER)
I. Layunin
A. Nasusuri ang konsepto at palantandaan ng implasyon
B. Natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng implasyon
C. Nahihinuha ang iba’t ibang epekto ng implasyon
II. Paksa
Aralin 4: Pag-unawa sa Implasyon
III. Nilalaman
ANO ANG IMPLASYON?
- Ito ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan. Isa rin itong economic indicator
upang maipakita ang kalagayan ng ekonomiya. Minsan ito’y ay nagpapakita ng pagbuti ng ekonomiya ngunit sa
maraming bansa ito ay isang problema na kailangan pagtuunan ng pansin.
MGA DAHILAN NG IMPLASYON
1. COST-PUSH INFLATION
-kapag itinutulak ng mga gastusin ng salik ng produksiyon ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo.
2. DEMAND PULL INFLATION
-kung ang presyo ay hinihila pataas dahil sa sobrang demand.
3. IMPORT INFLATION
-ang mataas na halaga ng produkto na inaangkat na kailangan sa produksiyon, tulad ng mga kagamitan at
makinarya.
4. STRUCTURAL INFLATION
-nagaganap kapag ang mga sektor ng ekonomiya ay nagkakaroon ng pagtutunggalian.
-hal. Trabahador vs. Negosyante
*MGA TAONG NAKIKINABANG PAG MAY IMPLASYON
○ Mga Mangungutang
○ Mga Speculators
○ Mga Taong Hindi Tiyak ang Kita
*MGA TAONG APEKTADO NG IMPLASYON
○ Mga Nag-iimpok
○ Mga Tao na May Tiyak na Kita
○ Mga Nagpapautang
MGA IBANG PANUKAT NG IMPLASYON
1. GNP Deflator / GNP Implicit Price Index
- ginagamit upang alamin ang halaga ng GNP batay sa nakalipas na taon
-ginagamit upang maisama sa pagkukuwenta ng GNP ang anumang pagbabago sa presyo
- may kinalaman sa average price index na ginagamit upang pababain ang current GNP sa constant
GNP
GNP at Current Prices
GNP at Constant Prices=
GNP Deflator
2. Wholesale Price Index at Retail Price Index
-sinusukat nito ang pagbabago ng mga intermediate goods, crude materials, at yaring produkto sa
bilihang wholesale at retail
○ Wholesale - maramihang pagbili ng mga produkto
○ Retail - tingian ang pagbili ng produkto
3. Consumer Price Index (CPI)
- panukat ng average na pagbabago ng presyo ng mga bilihin na pangkaraniwang kinokonsumo ng mga
mamimili.
- kapag tumataas ang CPI, mas kakaunti ang mabibili kapag hindi nadagdagan ang kita ng mga
mamamayan
ANG PAGKUHA NG CPI
TOTALWEIGHTED PRICE OF THE PRESENT YEAR
CPI= ∗100
TOTALWEIGHTED PRICE OF THE BASIS YEAR
ITEM 2011 2012
Bigas 700 750
Asukal 120 130
Mantika 200 220
Isda 175 190
Karne ng 250 300
Baboy
TOTAL 1,445.00 1,590
WEIGHTED
PRICE

1,590.00
CPI= ∗100
1445.00

CPI =110.03
INFLATION RATE
CPI present year −CPI previousyear
IR= ∗100
CPI previous year
*note: ipagpalagay na ang CPI noong nakaraang taon ay 100
110.03−100
IR= ∗100
100
10.03
IR= ∗100
100
IR= 0.1003 * 100
IR= 10.03%
*ibig sabihin, nagkaroon ng 10.03% na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa pagitan ng taong 2011 at 2012.
PURCHASING POWER
-kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili.
*note: ipagpalagay na ang CPI noong nakaraang taon ay 100
1
PP= ∗100
CPI ALL ITEMS
1
PP= ∗100
110.03
PP=¿ .009088 * 100
PP= .9088
*ibig sabihin, ang piso sa taong 2012 ay makabibili na lamang ng halagang .91 sentisimos batay sa presyo
noong taong 2011 dahil sa implasyon.
IV. Gawain.
Panuto: I-kompyut ang CPI, Inflation rate at Purchasing power sa taong 2020. Gamitin

ang table na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang. Ilagay ang iyong solution sa malinis na papel.

1. Ano ang CPI ng taong 2020? ITEM 2019 2020


Bagoong 600 500
2. Ibigay ang pormula para sa pagkuha ng PPP. Bigas 120 200
Asin 150 120
3. Ilan ang Inflation rate sa taong 2020?
Isda 250 200
Karne ng Manok 350 250
4. Itala ang Purchasing power sa taong 2020.
TOTAL 1,470.00 1,270
WEIGHTED
PRICE
V. Takdang Aralin

Panuto: Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa konsepto ng patakarang piskal. Ibigay kung paano ito
nakaaapekto sa ekonomiks.

You might also like