You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Week 1 (3rd Quarter)

I. Paksa: PASASALAMAT SA GINAWANG KABUTIHAN NG KAPWA

II. Layunin:
Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag unawa:
 Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at ang mga
paraan ng pagpapakita ng pasasalamat;
 Nasusuri and mga halimbawa o sitwsyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito;
 Naipapaliwanag ang batayang konsepto ng aralin; at
 Naisasagawa ang mga ngkop na kilos ng pasasalamat

III. Nilalaman

Ano ang Pasasalamat?


 Sa salitang ingles ay GRATITUDE.
 Nagmula sa salitang latin na gratus(nakakalugod), gratia(pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang
bayad).
 Isang gawi o kilos na kinakailangan ng patuloy na pag sasagawa hanggang ito ay maging birtud.
 Pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihang loob. Pagkakaroonng masigla at
magiliw na pakiramdam sa taong gumawa ng kabutihan.

Mungkahi ni Susan Jeffers (may akdang Practicing Daily Gratitude)


 “Simulan ang kasanayansa pag sasabi ng pasasalamat kahit sampung beses sa bawat araw.”

Ayon kay Aesop,”Gratitude is the sign of noble souls”

May 3 Antas ng Pasasalamat (Ayon kaySanto Tomas de Aquino)

1.Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa


2.Pagpapasalamat
3.Pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya

Ang Pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.


 Naipapakita ang Utang-na-loob
 Nangyayayari ang utang-na-loob sa panahong ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapwa
 Pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa lalo na sa oras ng matinding pangangailangan.

IV. Gawain:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isang buong papel:

1. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagpapakita mo ng pasasalamat sa bawat taong pinasalamatan


mo?
2. Ano kaya ang magiging epekto kung hindi ipapakita ang pasasalamat?
3. Ikaw, paano mo ipapakita ang iyong pasasalamat sa ibang tao? Magbigay ng halimbawa.
4. Para sa iyo, ano ang pasasalamat?

V. Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang iyong natuklasan tungkol sa pasasalamat?
2. Ano-ano ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat?
3. Bakit mahalaga ang pasasalamat? Ano ang nagagawa nito sa atin at sa ating kapwa?

Performance Check 1
Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magbigay ng isang talumpati ng pasasalamat,
sino-sino ang gusto mong pasalamatan? Sa isang papel, bumuo ng isang talumpati na naglalaman ng
mga taong gusto mong pasalamatan. Isulat din kung papaano sila nagging parte ng iyong buhay at
nakatulong upang ikaw ay mabuhay ng maayos.

VI. Sanggunian:

Edakasyon sa pagpapakatao. Modyul para sa Mag-aaral

You might also like