You are on page 1of 31

Pagkilala sa Ginawang

Kabutihan ng Kapwa
By: Ma’am Maris T. Palonpon
Layunin:
1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-
loob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.

2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng


pasasalamat o kawalan nito.
Gawain 1
1. Ang salitang pasasalamat o gratitude sa Ingles ay nagmula sa sumusunod
na mga salitang Latin, maliban sa __________.

a. gratia
b. gratis
c. grato
d. gratus
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong antas ng
pasasalamat ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pagpapasalamat
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
c. Pamamalita sa kabutihang ginawa ng kapwa
d. Pagbabayad sa kabutihang ginawa ng kapwa na bukal sa loob
3. Ang utang-na-loob ay maaaring magamit sa maling paraan o pang-aabuso.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa maling paraan o
pangaabusong ito?
a. Pag-asa na kakalat ang ginawang kabutihan
b. Paghihintay ng kapalit sa tulong na ibinigay
c. Pagtanggap ng regalo mula sa taong tinulungan
d. Kandidatong umaasa sa boto mula sa taong natulungan
4. Ang pagiging mapagpasalamat ay tumutulong sa paghubog ng aspetong
_____ at _____ ng tao.
a. emosyonal at ispiritwal
b. moral at ispiritwal
c. pisikal at emosyonal
d. pisikal at moral
5. Ang pagkilala sa ginawang kabutihan ng kapwa upang ikaw ay
magtagumpay ay pagpapakita ng ugaling
a. mabait
b. mabuti
c. magalang
d. mapagpakumbaba
6. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng
pasasalamat, maliban sa _______.
a. Pagkakaroon ng ritwal ng pasasalamat.
b. Pagpapakalat sa nagawang kabutihan ng kapwa
c. Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan
d. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang walang hinihintay na
kapalit
7. Ang taong mapagpasalamat ay nananatiling positibo ang pananaw dahil
______.
a. lagi siyang nananalangin
b. nagtitiwala siya sa Diyos.
c. bahagi na ito ng kanyang pagkatao.
d. naniniwala siya na may naghihintay na magandang bukas.
8. Isa sa mga paraan ng mga Pilipino sa pagbibigay ng pasasalamat ay ang
pagkakaroon ng mga pagdiriwang gaya ng mga sumusunod, maliban sa
_____ .
a. Ati-Atihan
b. Dinagyang
c. Kanduli
d. Pasko
9. Ang kawalan ng pasasalamat ay _________.
a. sintomas ng katamaran
b. nakakapagpababa sa pagkatao
c. pagiging mayabang
d. masamang ugali
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa paraan ng pagbabalik o
pagpapakita ng pasasalamat sa taong nagpakita sa iyo ng kabutihang-loob?
a. Pagtulong sa ibang tao
b. Pagsambit ng pasasalamat
c. Pagbibigay ng munting regalo
d. Pamamalita sa kabutihang nagawa ng kapwa
Gawain 2
Panuto: Ayusin ang mga salita upang makabuo ng isang linya ng kanta at
sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Ano ang pasasalamat?
Sa salitang ingles ay GRATITUDE.
Nagmula sa salitang latin na
gratus(nakakalugod)
gratia(pagtatangi o kabutihan) at
gratis(libre o walang bayad)
Isang gawi o kilos na kinakailangan ng patuloy na pag
sasagawa hanggang ito ay maging birtud.
Pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng
kabutihang loob.
Pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam sa taong
gumawa ng kabutihan
Mungkahi ni Susan Jeffers(may akdang Practicing Daily
Gratitude)
“Simulan ang kasanayan sa pag sasabi ng pasasalamat kahit
sampung beses sa bawat araw.”

Ayon kay Aesop, “Gratitude is the sign of noble souls”


May 3 Antas ng Pasasalamat
(Ayon kay Santo Tomas de Aquino)
1.Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa

2.Pagpapasalamat

3.Pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng


makakaya
Ang Pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga
Pilipino

Naipapakita ang Utang-na-loob


Nangyayayari ang utang-na-loob sa panahong ginawan ka ng kabutihan
ng iyong kapwa
Pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa lalo na sa oras ng
matinding pangangailangan
Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat

1. Magkaroon ng ritwal ng pasasalamat. Maaaring


gawin sa pamamagitan ng ritwal. Maaaring
maglaan ng ilang saglit upang isipin ang mga tao o
mga bagay na pinasasalamatan mo. Isipin din ang
Diyos na patuloy na nagbibigay sa iyo ng buhay.
2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita
ng kabutihan o higit na nangangailangan ng iyong
pasasalamat. Ito ay maaaring simpleng liham na
nagpapahayag ng malalim na pasasalamat. Nakatutulong din
ito sa pagpapalalim ng magandang samahan at iba ang
pakiramdam na naihahatid ng liham kumpara sa text
message, email o Facebook.
3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan. Ito ay
pagpapakita ng pagpapahalaga sa magandang nagawa nila sa iyo gaya ng
pagyakap sa magulang bilang pasasalamat sa pag-aalagang ginagawa nila sa
iyo.
4. Magpasalamat sa bawat araw. Sa bawat araw ng iyong paggising,
mahalagang alisin sa isipan ang mga negatibong kaisipan bagkus isaisip ang
kagandahan at layunin ng buhay. Harapin ang bawat araw sa pamamagitan
ng pag-iisip sa mga biyayang natatanggap na siyang makatutulong sa
pagpapasigla sa iyo upang harapin ang bawat araw.
5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong
pakiramdam. Marami tayong naririnig o nababasang quotations na
nagpapabago sa ating kamalayan o nagpapaganda ng ating
pakiramdam. Maaari natin itong kolektahin sa isang aklat upang
madalas na mabasa o maalala. Halimbawa: “Ang Panginoon ang aking
pastol, di ako kukulangin sa anuman. Pinahihimlay niya ako sa
luntiang pastulan, inaakay ako sa payapang batisan.” (Salmo 23:1-2)
6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay may birtud ng pasasalamat ay magagawa mo ang mga
simpleng bagay gaya ng pagbubukas ng pinto para sa iba at pagtulong sa
pagbubuhat ng mabibigat na dalahin. Ang mga gawaing ito ay nagpapakita
ng katuparan sa sarili na ikaw ay mahalagang bahagi ng iyong pamilya,
komunidad, bansa at planeta.
7. Magbigay ng munti o simpleng regalo. Ang pagbibigay ng simpleng
regalo ay isang paraan ng pagpapakita ng iyong pag-alala sa kabutihang
ginawa sa iyo ng iyong kapwa. Ang mahalaga ay bukal sa puso ang
pagbibigay nito.
Ingratitude
ang kawalan ng pasasalamat
isang masamang ugali na
nakapagpapababa sa pagkatao.
3 Antas ng Kawalan ng Pasasalamat:
1. Ang hindi pagbabalik ng kabutihang-loob sa kapwa sa abot ng
makakaya
2. Pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa
3. Ang hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa
kapwa – ang pagkalimot ay patunay ng hindi pagpapahalaga sa taong
nagsakripisyo upang sa simpleng paraan na inialay niya ay maging
maganda ang iyong buhay.
Paglalapat
Sumulat ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan ikaw ay
nakatanggap o ginawan ng kabutihan ng iyong kapwa. Isulat din ang paraan
kung paano mo pinasalamatan ang tao o mga taong ito.
Paalala: Kung hindi mo pa nagawang ibalik ang pasasalamat ay isulat kung
paano mo nais ibalik ang pasasalamat sa kanya.
Pagtataya
Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na mga pangungusap.
1. Ang utang-na-loob ay utang na dapat bayaran.
2. Ang magandang panahon ay marapat na ipagpasalamat.
3. Ang pagbibigay ng pabor sa taong nakatulong sa iyo ay pagpapakita ng wastong pagbabalik
ng utang na loob.
4. Ang pagpapasalamat sa mga taong nakatulong sa iyo ay paraan ngpagkilala na hindi ka
nagtagumpay ng dahil lang sa sariling kakayahan.
5. Ang pasasalamat sa kabutihan o biyayang natanggap ay maaaring ibaliksa taong iba sa
tumulong sa iyo.
Takdang Aralin
Panoorin ang video ng “Unsung Hero” na isang commercial sa bansang
Thailand sa https://www.youtube.com/watch?v=GdYJr03eJjE at isulat ang
napulot na aral mula sa nasabing video na naglalaman ng 3-5 pangungusap.

You might also like