You are on page 1of 21

Pagpapasalamat,

Mahalagang Sangkap
Sa Pakikipagkapwa
(Module 1&2)
Layunin:
a. nakikilala ang mga biyayang
natatanggap mula sa kabutihang-
loob ng kapwa at ang mga paraan
ng pagpapakita ng pasasalamat;
b. nasusuri ang mga halimbawa o
sitwasyon na nagpapakita ng
pasasalamat o kawalan nito;
c. naisasagawa ang mga
pamamaraan ng
pagpapasalamat bilang
mahalagang sangkap sa
pakikipagkapwa; at
d. napahahalagahan ang
pagiging mapagpakumbaba
Paano mo naipakikita ang pagpapahalaga sa
mga taong nagpakita sa iyo ng kabutihang loob?
Ano ang kahalagahan ng pagiging
mapagpasasalamat?
Ang pagiging mapagpasalamat ay isang
pagpapahalaga na nakalilinang ng mabuting
pagkatao.
Ang Kwento ng Buhay ni Mang Roldan
Pasasalamat sa Kabutihang-loob ng
Kapwa
• Ang pagpapasalamat ay gawi ng isang taong
mapagpasalamat bilang pagpapahalaga sa taong
nagpakita ng kabutihang-loob. Ito ay gratitude sa
salitang Ingles, na nagmula sa Latin na gratus
(nakalulugod), gratia (kabutihan) at gratis (libre o
walang bayad).
Mga Pilosopong nagmungkahi sa pagkakaroon ng
pusong mapagpasalamat:
1. Susan Jeffers (Practicing Daily Gratitude). “Simulan
ang kasanayan sa pagsasabi ng pasasalamat kahit
sampung beses sa isang araw.”
2. Aesop “Gratitude is the sign of noble souls.”
3. Santo Tomas de Aquino – may may tatlong antas ng
pasasalamat: pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa,
pagpapasalamat at pagbabayad sa kabutihan na ginawa
ng kapwa sa abot ng makakaya.
Iba’t Ibang Paraan Ng Pagpapasalamat
● Sa mga Muslim –Shariff Kabunsuan. Ipinagdiriwang
ito sa pamamagitan ng Kanduli, isang handaan ng
pasasalamat sa kabutihan ng Muslim sa kanyang
kapwa.
● Sa Visayas – Ati-atihan at Dinagyang, pagkilala sa
kabutihan ng Sto. Nino lalo na sa kagutuman at
tagtuyot.
● Sinadya sa Halaran, - pagpaparangal sa Birhen ng
Immaculate Concepcion sa mga biyayang
natatanggap ng Probinsya ng Capiz at Siyudad ng
Roxas
● Sa Luzon – Pahiyas na pasasalamat kay San Isidro
Labrador para sa magandang ani.
● Bacao – para kay San Jose dahil sa magandang ani
ng mais
KABUTIHANG NAIDUDULOT NG
PAGPAPASALAMAT
•Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda
ng taong puno ng biyaya.
•Ang taong mapagpasalamat ay
marunong ding tumingin sa positibong
bahagi ng buhay.
•Nagiging daan upang maging malakas at
magkaroon ng pag-asa sa buhay at
malampasan ang anomang pagsubok.
•Laging kinikilala ng mga taong
nagpapasalamat ang Diyos na nagbibigay
ng lahat ng pagpapala at tagumpay na
nakamit.
Ang pagpapasalamat ay isang moral na
obligasyon. Ang sinomang nagbibigay ay
nararapat lamang na pasalamatan.
Entitlement Mentality. Ito ay isang paniniwala o
pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay
karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang
pansin. Makikita rin sa mga kabataan ang
entitilement mentality sa pagiging agresibo nila na
makuha ang kanilang gusto sa panahon o oras na
gustuhin nila.
Ang pagiging mapagpasalamat ay isang
magandang birtud na dapat taglayin ng isang
tao. Kung iyong maipamamalas ang pagiging
isang mapagpasalamat, magiging madali para
sa iyo ang makipagkapwa at matututo ka na
maging mapagpakumbabang nilalang.
Paglalahat:
1. Ano ang kahalagahan ng pagiging
mapagpasasalamat?
2. Ayon kay Susan Jeffers magkakaroon ng pusong
mapag pasalamat kung?
3. Ang _______ ay nangangahulgang “Gratitude is the
sign of noble souls.”
4. Ibigay ang tatlong antas ng pagpapasalamat.
5. Ibigay ang kabutihang naidudulot ng pagiging
pagpapasalamat.
Gawain 5: Thank you Note ko!
Panuto: Gumawa ng isang malikhaing “Thank you note” na pwedeng ibigay sa mga
taong nais mong bigyan ng pasasalamat. Maaari mo itong lakipan ng munting mensahe ng
iyong pasasalamat sa kanya
Tips ng Pasasalamat
Magbigay ng ibang paraan sa pagpapakita ng pasasalamat na
hindi nabanggit sa babasahin
1. _____________________________________________
2. _____________________________________________
3. _____________________________________________
4. _____________________________________________
5. _____________________________________________
Gratitude Jar
• Mga kinakailangan kagamitan:
• a. Lumang bote
• b. Makukulay na papel na may sukat na “2x2”
• c. Mga palamuti tulad ng mga lumang butones, beads, ribbon
o glitters
• d. Pandikit
• Pamamaraan:
• 1. Bigyan ng disenyo ang lumang bote ng naayon sa iyong kagustuhan.
Maaaring talian ng ribbon o dikitan ng mga lumang butones, beads o
glitters.
• 2. Bawat araw ay mag-isip ka ng tatlong bagay o tao na iyong
ipinagpapasalamat. Maaaring ito ay simpleng bagay tulad ng
pasalubong ng iyong nanay o kaya ay pagmamahal na tinatanggap
mula sa kasapi ng pamilya. Isulat ang mga ito sa makulay na papel at
isilid sa ginawang gratitude jar. Gawin ito araw-araw hanggang sa
mapuno mo ang iyong gratitude jar.
3. Magpasa ng apat na halimbawa nang iyong ginawang mensahe sa
iyong gratitude jar at idikit ang mga ito sa isang bond paper. Sa
katagalan, mapapansin mong marami kang rason upang magpasalamat.
Makakatulong ito upang pahalagahan at matutong makuntento sa mga
bagay na mayroon ka.

You might also like