You are on page 1of 1

Modyul 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA

Ang salitang kabutihan o kagandahang-loob ay magkasingkahulugan. Ang una ay hango sa salitang-ugat na buti na
nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan, at kabaitan. Ang kagandahang-loob naman ay hango sa dalawang payak na
salita na ganda at loob. Ang loob ay tumutukoy sa “inner self o real self”. Ang “inner or real self” na tinatawag ay ang
kakanyahan ng tao. Dito sa “inner self” na ito naroon ang tunay na kahalagahan o silbi ng isang tao.

Binigyang-lalim ni Aristoteles, isang Griyegong pilosopo ang naisaad na kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob. Siya
ay magaaral ni Platon at guro ni Alexander the Great. Ang kaniyang pilosopiya ay nagkaroon ng pangmatagalang
impluwensya sa pag-unlad ng lahat ng “Western philosophy”.

Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang kaligayahan. Ang kaligayahan ay maaaring nasa
kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay. Ito ay nasa karangalan na maibibigay ng ibang tao.

Ang Kabutihan o Kagandahang-loob bilang Ekspresyon ng Magandang Buhay

Ang kagandahang-loob sa kapwa ay isang ekspresyon ng kagandahan ng buhay. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay
maipaliliwanag sa iba’t ibang pagkaunawa:

1. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos na manlilikha. Ang kagandahang-loob o kabutihan ay likas na kaloob ng Diyos sa
tao. Kaya naman ang tao ay pinagkalooban ng ispiritwal at materyal na kabutihan.
2. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay ang pinag-uugatan ng mabuti at magandang pag-iisip, damdamin, at gawa ng
tao habang namumuhay ito nang matiwasay.
3. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay hindi magiging ganap kung hindi ito maipamamalas sa iba. Ito ay nararapat na
magmula sa kalooban at maibahagi sa kapwa para sa kabutihang panlahat.
4. Ang kabutihan o kagandahang-loob at mabuting buhay ay nakasalalay sa antas ng kamalayan o pang-unawa kung ano
nga ba talaga ang mabuti. (Alejo,1990 )

Ang Kabutihan o Kagandahang-Loob sa Kapwa


Kadalasan ang paggawa ng kabutihan ay nagkakaroon ng limitasyon. Nanaisin na lamang natin gumawa o magpakabuti sa
mga taong alam nating masusuklian ang ating ginawa. Sa pagkakataong ito, masusubok ang ating pagpapakatao: kung
likas tayong may kabutihan o kagandahang-loob.

Hangganan ng Kabutihan o Kagandahang-Loob

Isang natatanging ugali at birtud ang magpakita ng kagandahang-loob sa kabila ng sakit na naramdaman. Dahil likas ang
kagandahang-loob sa isang nilalang, walang hanggan ang paggawa nito sa kapwa. Ang magiging daan ng isang indibidwal
para hindi niya sukuan ang paggawa ng mabuti ay ang kaniyang “transcendent self”. Sa Pilosopiya, ang transcendence ay
nangangahulugang “going beyond”. Ang isang tao ay may kakayahang malampasan ang anumang pagsubok o tukso na
darating dahil may talino at lakas na nagmumula sa kaniyang kalooban. Sa Bibliya, napatunayan ang kagandahang-loob
sa katauhan ni Hesus ng kaniyang pakitunguhan nang mabuti sina Maria Magdalena, Zakeyo, at Pedro. Si Pedro, sa kabila
ng kaniyang munting pananampalataya, ay nagawa pang ipagkatiwala sa kaniya ang Simbahan. Sa iba pang pangyayari,
matutunghayan natin na ang paggawa ng mabuti o pagpapakita ng kagandahang-loob ay nagmumula sa pagkatao ng tao
na nag-aangkin ng “unconditional love”.
Ang paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob at ang tinatawag na “unconditional love” ay mga hamon na nagbibigay-
daan upang maisabuhay din natin ang pagiging mapagbigay ng sarili o maisakripisyo ang sarili para sa isang higit na
pinapahalagahan.Ang Diyos ay nagtataglay nang walang kapantay na pagmamahal. Ipinakita rin Niya ang kagandahang-
loob sa mga taong makasalanan at itinakwil ng lipunan. At sa makabagong panahon, may mga tao pa rin na
nagsusumikap na maipamalas ang kagandahang-loob sa kapwa.

You might also like