You are on page 1of 2

Modyul 11: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa

Mabuti Ka Ba sa Iyong Kapwa?


Kabutihan
- Ang una ay hango sa salitang –ugat na “buti” na nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan, at kabaitan.
Kagandahang –loob
- Ay hango sa dalawang payak na salita “ganda” at “loob”.
- Ang loob ay tumutukoy sa inner self o real self.
Inner self
- Ay ang kakanyahan ng tao.
- Nandito ang tunay na kahalagahan o silbi ng tao.
Kaligayahan, Kabutihan, o Kagandahang-loob ayon sa Etika ni Aristoteles
Aristoteles
- isang Griyegong pilosopo ang naisaad na kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob.
- Siya ay magaaral ni Platon at guro ni Alexander the Great.
- Ang kaniyang pilosopiya ay nagkaroon ng pangmatagalang impluwensya sa pag-unlad ng lahat ng “Western
philosophy”.
- Siya rin ang sumulat ng Etika Nikomakiya
- Ayon sa kanya, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang kaligayahan.
Pero saan ba natin matatagpuan ang kaligayahan?
- Ang kaligayahan ay maaaring nasa kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay.
- Ito ay nasa karangalan na maibibigay ng ibang tao. At ang kaligayahan ay maaaring nasa birtud na moral.
Kaligayahan
- Maaring nasa kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay.
- Ito ay pangmatagalan, may kasarinlan, aktibo at panghabang-buhay.
Ang tao ay magiging lubos ang pagpapakatao kung siya ay makikipagkapwa-tao.
Kaligayahan, Kagandahang-Loob/Kabutihan at Pagkatao ng Tao

Kaligayahan
Pakikipagkapwa

Kabutihan/
Kagandahang loob

Loob(inner self)

Dayagram 1. Ugnayan ng Loob, Kabutihan o Kagandahang-Loob, Pakikipagkapwa at Kaligayahan


Ipinakikita rito ang ugnayan ng loob o inner self ng tao, ang paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob sa
pakikipagkapwa at kaligayahan.

Ang kabutihan o kagandahang-loob ng indibidwal ay tunay na nag-uugat sa kaniyang pagkatao.


Likas sa tao ang pagiging maganda o mabuti dahil may paniniwala na ang lahat ng nilikha ng Diyos ay kaaya-aya,
maayos at may angking kabutihan. Kaya naman ang tao ay ginawa bilang tagapangasiwa ng mga nilalang dito sa
sanlibutan.
Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquino ay indibidwal na maaaring tumindig sa sarili niya dahil sa
kaniyang kamalayan at kalayaan. Ang tao dahil siya ay persona ay origihal ang kabutihan at ang paggawa ng mabuti ay
pagpakapersona o pagpapakatao (Dy, 2012 ).

Ang Kabutihan o Kagandahang-loob bilang Ekspresyon ng Magandang Buhay


1. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos na manlilikha. Ang kagandahang-loob o kabutihan ay likas na kaloob ng
Diyos sa tao. Kaya naman ang tao ay pinagkalooban ng ispiritwal at materyal na kabutihan.
2. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay ang pinag-uugatan ng mabuti at magandang pag-iisip, damdamin, at gawa ng
tao habang namumuhay ito nang matiwasay.
3. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay hindi magiging ganap kung hindi ito maipamamalas sa iba. Ito ay nararapat
na magmula sa kalooban at maibahagi sa kapwa para sa kabutihang panlahat.
4. Ang kabutihan o kagandahang-loob at mabuting buhay ay nakasalalay sa antas ng kamalayan o pang-unawa kung
ano nga ba talaga ang mabuti. (Alejo,1990 )

Ang Kabutihan o Kagandahang-Loob sa Kapwa


Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay na mabuti sa kapwa. Ang kagandahang-loob ay hindi patungkol
sa sarili lamang. Sa halip, ito ay patungo sa kabutihang panlahat. Ang tunay na paggawa ng kabutihan o kagandahang-
loob ay nangangailangan ng pagsasakripisyo. Dumarating sa punto na kailangang kalimutan mo ang sarili alang-alang
sa ikabubuti ng iba.

Kadalasan ang paggawa ng kabutihan ay nagkakaroon ng limitasyon. Nanaisin na lamang natin gumawa o
magpakabuti sa mga taong alam nating masusuklian ang ating ginawa. Sa pagkakataong ito, masusubok ang ating
pagpapakatao: kung likas tayong may kabutihan o kagandahang-loob.

Hangganan ng Kabutihan o Kagandahang-Loob


Ang magiging daan ng isang indibidwal para hindi niya sukuan ang paggawa ng mabuti ay ang kaniyang
“transcendent self”.
Transcendence
- ay nangangahulugang “going beyond”.
Ang isang tao ay may kakayahang malampasan ang anumang pagsubok o tukso na darating dahil may talino at lakas
na nagmumula sa kaniyang kalooban.

Ang paggawa ng kabutihan o kagandahang – loob at ang tinatawag na unconditional love ay mga hamon na
nagbibigay – daan upang maisabuhay din natin ang pagiging mapagbigay sa sarili o maisakripisyo ang sarili para sa
isang higit na pinahahalagahan.
Sa Bibliya, napatunayan ang kagandahang-loob sa katauhan ni Hesus ng kaniyang pakitunguhan nang mabuti
sina Maria Magdalena, Zakeyo, at Pedro. Si Pedro, sa kabila ng kaniyang munting pananampalataya, ay nagawa pang
ipagkatiwala sa kaniya ang Simbahan. Sa iba pang pangyayari, matutunghayan natin na ang paggawa ng mabuti o
pagpapakita ng kagandahang-loob ay nagmumula sa pagkatao ng tao na nag-aangkin ng “unconditional love”.

Isang Testimonya ng Kagandahang-loob


Ang kabutihan o kagandahang-loob Niya ay naguugat sa pagmamahal. Ang Diyos ay nagtataglay nang walang
kapantay na pagmamahal. Ipinakita rin Niya ang kagandahang-loob sa mga taong makasalanan at itinakwil ng lipunan.
At sa makabagong panahon, may mga tao pa rin na nagsusumikap na maipamalas ang kagandahang-loob sa kapwa.

Likas sa ating mga nilalang ang kabutihan/kagandahang-loob dahil ito ay nakaugat sa pagkatao at kalooban
natin na may kakayahang magmahal.

You might also like