You are on page 1of 8

“Madaling maging tao, mahirap magpakatao”

“Madaling maging tao”- pagka-ano ng tao


“Mahirap magpakatao”- sumasagot sa pagka-sino ng tao
-tao ay may konsensiya, Kalayaan at dignidad

Tatlong Yugto ng Pagka-sino ng tao


 Indibidwal- pagiging hiwalay niya sa ibang tao
- buhay bilang nilalang na hindi tapos (unfinished)
 Persona- proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.
- may halaga ang tao sa kaniyang sarili mismo.
 Personalidad- pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan
- matibay na pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa kaniyang
sarili.
- HINDI siya naiiimpluwensyahan ng pananw ng nakararami dahil
sa kaniyang matibay na paninindigan

---Tatlong katangian ng tao bilang person---


May kamalayan sa sarili
- magnilay o gawing obheto ng kaniyang isip ang kaniyang sarili.
- Alam niya na alam niya o alam niya na hindi niya alam
May Kakayahang kumuha ng Buod o Esensiya ng mga Umiiral
- Kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga particular na umiiral.
- kakayahang siyang bumuo ng konklusiyon
Umiiral na Nagamamahal
-pinakamahalagang katangian ng tao bilang persona.
-kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalang magmahal.

Ens amans- salitang latin na


- kahulugan ay umiiral na nagmamahal

o Kasabihang “Love is blind”. Sabi ni Blaise Pascal, “May sariling katwiran ang pagmamahal na hindi
maunawaan ng mismong katwiran.”

Cris “Kesz” Valdez


- Tumanggap siya ng International Children’s Peace Prize noong 2012
- ideya uapng makatulong sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng mga kabataan sa buong mundo.
- “Championing Community Children”
- “Gifts of Hope”

Roger Salvador
-magsasaka na taga Jones, Isabela
- Tinuruan din niya ang kapwa magsasaka ng iba’t ibang istratehiya   at makabagong teknolohiya sa
agrikultura.
- “Most Outstanding Corn Farmer”
- “Most Outstanding Isabelino”
- Kinilala siya bilang Farmer-Scientist ng mani sa Cagayan Valley Agriculture Resources Research and
Development (CVARRD).

Joey Velasco
- larangan ng sining,
-Paghanga ang kaniyang mga painting, sa buong mundo dahil sa espiritwal na paraan ng pagpapahayag ng mga
ito ng kawalan ng katarungan sa lipunan.

- “Hapag ng Pag-asa”= bersiyon ng Huling Hapunan, ay naglalarawan kay Hesus na kasama ang mga
batang lansangan, sa halip na mga Apostoles.

Mother Teresa ng Calcutta


- Isang madre na nagpakita ng napakalalim na antas ng pagmamalasakit sa mga mahihirap.
- Ginamit kaalaman sa panggagamot at kakayahan sa pagtuturo upang tugunan ang pangangailangang pisikal
at espiritwal ng mga mahihirap.

 Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag Obra Maestra
 Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama.

Ipinanganak ang taong HINDI  TAPOS, nilikha naman s’yang  kawangis ng Diyos na may isip at kilos-
loob upang TUKLASIN ang kaniyang pagkatao sa pamamagitan  ng PAGMAMAHAL at
PAGLILINGKOD SA KAPWA.

Santo Tomas  de Aquino


-ang tao ay binubuo ng ispiritwal at materyal na kalikasan.

DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO

1. pangkaalamang pakultad (knowing faculty) 


- panlabas at panloob na pandama 

 Panlabas na Pandama - paningin, pandinig, pandama, pang-amoy, at panlasa, nagkakaroon ang


tao ng direktang ugnayan sa reyalidad.
- reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.

 Panloob na Pandam

a. Kamalayan  – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag- uunawa

b. Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.

c. Imahinasyon  – kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito

d. Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran
2. Pagkagustong pakultad (appetitive faculty) 
- sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob

Ayon naman kay Esteban

kalikasan ng tao-materyal(katawan) ispiritwal(kaluluwa)(rasyonal)

tatlong kakayahan na nagkakapareho sa hayop at sa tao


 Robert Edward Brenan

Pandama- pumupukaw sa kaalaman


Pagkagusto (appetite)- pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon, at ang pagkilos 
Paggalaw (locomotion) kakayahang makagalaw

 KAKAYAHAN NG HAYOP
-kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil sa may matalas siyang pakultad o kakayahan upang kilalanin ang
bagay na nakikita/tunog/amoy sa kaniyang paligid
- kumilos para pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili.

KAKAYAHAN NG TAO
-bukod sa pandama, ito rin ay may isip hindi lamang upang makaalam kundi upang makaunawa, maghusga at
mangatwiran
- may isip at kilos-loob ang tao 

 ang kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at inihahatid sa isip upang
magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan.
- De Torre (1980)

ISIP (Intellect)
- kapangyarihang maghisga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa
- Kakayahang mag-isip at magbuod.
 Dr Manuel Dy. – kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang
nauunawaan.

SELF-TRANSCENDENCE- kakayahang lumayo o humiwlay sa sarili at gawing obheto ng kamalayan ang


sarili tungo sa pagsasaibayo.

isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao.

Kung ang pandamang epektibo, ay may isip na epektibo

KILOS-LOOB
Santo Tomas- bilang isang makatuwirang pagkagusto (rational appentency) naaakit sa mabuti at lumalayo
sa masama. 

-may kakayahan gumawa ng kilos


-makatwirang pagkagusto umaasa ito sa isip 
-binibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ng kilos-loob

pinanganak man ang taong hindi TAPOS, nilikha naman siyang kawangis ng Diyos na may
isip at kilos-loob

upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng pagmamahal
at paglilingkod sa kaniyang kapuwa

KONSENSYA

ingles - CONSCIENCE

CLARK, 1997- Munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya s agita ng isang
moral

“ito ay mabuti,  "ito ang kinakailangan mong gawin,  ito ang nararapat”,  o kaya naman “ito ay masama,
hindi mo ito nararapat na gawin.”

Santo Tomas de Aquino (Clarke, 1997)- konsensya ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang
paghuhusga ng ating sariling katwiran

DALAWANG ELEMENTO NG KONSENSYA


-Lipio

PAGNINILAY
- upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama
PAKIRAMDAM
- obligasyong gawin ang mabuti.

DALAWANG MAHAHALAGANG BAHAGI NG KONSENSIYA


-Lipio

PAGHATOL MORAL- ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos


OBLIGASYONG MORAL- gawin ang mabuti at iwasan ang masama

MGA URI NG KAMANGMANGAN

1. KAMANGMANGANG MADARAIG- kung mayroong gagawa ang isang tao upang malampasan
ito, sa pamamaraang pagsisikap o pag-aaral

2. KAMANGMANGANG DI-MADARAIG- kung walang pamamaraan na magagawa ang isang tao


upang ito'y malampasan. Hindi masisisi ang tao sa kaniyang kamangmangan
APAT NA YUGTO NG KONSENSYA
1. Unang yugto: Alamin at naisin ang mabuti.
2. Ikalawang yugto: Ang Pagkilatis sa Partikular na Kabutihan sa isang Sitwasyon
3. Ikatlong yugto: Paghatol Para sa Mabuting Pasiya at Kilos.
4. Ikaapat na yugto: Pagsusuri ng Sarili o Pagninilay

BATAS MORAL- likas na Batas Moral ay ang teorya na nagsasabing taglay ng bawat isa sa atin ang
kaalaman ng tama at mali.

DALAWANG PRINSIPYO NG LIKAS BATAS MORAL

1. Ang unang prinsipyo ng likas na batas moral

 Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.

 Mula sa pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kanyang isip, kaya nga kahit hindi ganap na hubugin,
kayang kilalanin ng tao ang mabuti at masama.

2. Ang mga pangalawang prinsipyo ng likas na batas moral

a.) Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kanyang buhay. 

b.) Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa tao (nilikhang may
kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak

c.) Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa
lipunan. 

PAGHUBOG NG KONSENSIYA- Ayon kay Sr. Felicidad Lipio

1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan. 

2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin

ANG MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN

Kalayaan-
katangian ng kilos-loob na itinakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kaniyang maaring hatungan - Santo
Tomas Aquinas

- ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili.


Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaring magtakda nito
-Kalayaan ay nangangahulugang paggawa ng isang bagay nan ais niyang gawin o karpat-dapat niyang
sabihin anumang bagay nan ais niyang sabihin

Kalayaan= PANANAGUTAN- kakambal na responsibilidad

DALAWANG PAKAHULUGAN NA NAKAAPEKTO SA IDEYA NG KALAYAAN

1. Malayang Kilos ay KILOS NA “MANANAGOT AKO”- ang kalayaan ay nakakabit sa aking sarili, sa
aking kakayahang kumilos, sa aking sariling kagustuhan, sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa
akin, sa pagpapasya ko kung ano ang gagawin

2. Kakayahang Tumugon sa Obhektibong Tawag ng Sitwasyon- kakayahan o abilidad na magbigay


paliwanag. Kakayahan akong bigyang dahilan kung bakit kailangan kong gawin ang aking kilos.

DALAWANG ASPEKTO NG KALAYAAN

 KALAYAAN MULA sa (FREEDOM FROM)- gantong pag-unawa ng kalayaan, masasabing malaya


ang tao kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay

 KALAYAAN MULA sa (FREEDOM FOR)- Ang tunay na kalayaan ay ang makita ang kapuwa at
mailagay siyang una bago ang sarili

Kailangan maging malaya ang tao mula sa pansariling interes na nagiging hadlang upang maging malaya siya
para sa pagtugon sa pangangailanagn ng kaniyang kapwa
-Ang magmahal at maglingkod

DALAWANG URI NG KALAYAAN

MALAYANG PAGPILI (Horizontal Freedom)

Tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makakabuti sa kaniya (Cruz, 2012)

FUNDAMENTAL OPTION (Vertical Freedom)

Nakabatay naman sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang tao na siya mismo ang pumili. 

Johann- isang panloob na Kalayaan (Inner freedom)

DIGNIDAD

Latin= “dignas”- ibig sabigin ay karapat-dapat

 Dignidad- nangangahulugang pagiging karapat dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa


kanilang kapwa.
“ano man ang kaniyang gulang, anyo antas ng kainangan at kakayahan ay may dignidad”

Dignidad batay ng Pagkakabukod-Tangi ng tao


-Ang tao ay may likas na dignidad
-Ang tao ay naiiba at natatanging nilikha ng Diyos
- hindi ito nalalabag-invoilable, nakukuha, maaagaw o maipagkakait-inalienable

-Patrick Lee- ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod;

1. Igalang ang sariling buhay


2. Isaalang-alang ang kapakanan-
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin

Ang pagkilala at pagpapahalaga sa Dignidad ng Isang Tao

Pahalagahan mo ang tao bilang tao.


-hindi siya isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig manyari. Lalong hindi dahil siya ay
nagtataglay ng mga katangian makikinabang . HIndi nawawala ang pagiging tao at ang kanyang dangal dahil sa
pagtanda 

Ang pagalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay,


Dapat ay patuloy patuloy mong isinasaalang-alang at hinhangad ang lahat ng makabubuti sa kapwa

Ang Proseso ng Pagpapanibagong Anyo Para sa Pagtataas ng Dignidad ng tao

 Ang pagiging tagapag-alaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenteng bahagi ng ating
pakikipagkapwa-tao. Ito rin ay isnag ultimong kabutihan ito ay may tatlong hakbangin 

1. Pagtanggap sa Sariling Limitasyon- ito ang pinakabatayan ng anumang proseso ng pagbabagong anyo at
pagpapatibay ng katagang moral.  Pagnatangap mo na ang katiwalian at limitasyon, ikaw ay
nakapgsisimulang makapagbalangkas ng mga plano para sa pagpapatibay ng inyong katatagang moral.
2. Pagtawag sa Isang Moral na Tagapayo- Ang Diyos ang ating pastol at siya ang tagapagpagling sa mga
pansali nating katiwalian at kasalanan
3. Pagsasabuhay at pagkakaroon ng Panghabambuhay na Paninindigan sa Kabutihan. -
Pinakamahalagang hakbangin na dapat isagawa. Ang kailangan lamang natin ay tibay ng loob at tatag ng
kalooban sa kabutihan, kapag matatag ang paninindigan sa kabutihan at pananampalatayasa diyos,
magkakaroon tayo ng matibay na sandata laban sa anumang masasamamg epekto.

You might also like