You are on page 1of 13

Aralin 1 and 2 Isip at Kilos

Natutunan mo noong ikaw ay nasa Baitang 7 at naging malinaw sa iyo na ang tao
ay natatanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Ano ba ang nagpapabukodtangi sa
tao sa ibang nilikhang may buhay upang makamit niya ang layunin ng
pagkakalikha sa kaniya bilang tao? Sa kaniyang pagiisip,pagpapasiya, at pagkilos,
nagiging bukod-tangi ang tao.
Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang
obra maestro. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na
ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng
Diyosang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.Ang tao ay nilalang na
may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. Ang kaniyang konsensiya
ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito.
KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO
I. PANGKALAMANG PAKULTAD (Knowing Faculty)
Dahil sa panlabas na pandama at dahil sa isip kaya’t ang tao ay nakauunawa,
naghuhusga at
nangangatuwiran.
DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO
a. Panlabas na pandama- ito ay ang paningin, pandinig, pang- amoy, at panlasa.
Ang mga ito ay nagiging
dahilan upang ang tao ay magkaroon ng direktang ugnayan sa reyalidad.
Mga halimbawa:
a. paningin- mata na ginagamit upang makita ang mga bagay sa ating paligid
b. pang-amoy- ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng amoy ng pabango
o iba pang amoy sa
ating paligid
c. panlasa- dila na ginagamit upang makalasa ng mga pagkain
d. pandinig- tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t-ibang
klaseng tunog sa paligid
b. Panloob na pandama- ito ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon at
instinct.
Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-
uunawa.
Halimbawa: Mag-aaral ka ng mabuti dahil alam mo na malapit na ang
final exam, may kamalayan ka sa iyong sarili na kailangan mong mag-aral dahil
gusto mong makapasa sa
pagsusulit.
Memorya- kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o
karanasan
Halimbawa: Naaalala mo na may takdang aralin kayo sa Edukasyon sa
Pagpapakatao na ipapasa bukas.
Imahinasyon- kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito.
Halimbawa: Nakabubuo ka ng pangyayari sa iyong isip na ikaw ay nakarating
ibang bansa at nagpatayo
ng sarili mong negosyo.
Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi
dumadaan sa katwiran.
Halimbawa: Naramdaman mong parang may sumusunod sa iyo habang naglalakad
pauwi, dahil sa iyong
instinct mabilis kang tumakbo.
Ipinakita ni Esteban ang ispiritwal at materyal na kalikasan ng tao gamit ang tsart
na:
Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao
Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultad
Materyal (Katawan) Panlabas na Pandama Emosyon
Panloob na Pandama
Ispiritwal Isip Kilos-loob
(Kaluluwa, Rasyonal)
Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang
pandama. Sa
pamamagitan ng mga panlabas na pandama, nagkakaroon ang tao ng direktang
ugnayan sa reyalidad.
Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.
Isip Kilos loob
Kakayahan a. may kakayahang magnilay a. Pumili, magpasiya at
o magmuni-muni isakatuparan
b. nakauunawa ang pinili
c.maykakayahang Mag b. Naaakit sa mabuti at
abstraksiyon lumalayo sa
d. makabubuo ng kahulugan masama
at kabuluhan ang bagay
Gamit at a. humanap ng a. Malayang pumili ng
Tunguhin impormasiyon gustong isipin o
b. umisip at magnilay sa mga gawin
layunin at kahulugan b. Umasam maghanap.
ng impormasiyon Mawili, humilig
c. sumuri at alamin ang sa anumang nauunawaan ng
dahilan ng isip
pangyayari alamin ang c. Maging mapanagutan sa
mabuti at masama, tama at pagpili ng
mali, at ang katotohanan aksiyong makabubuti sa lahat

May pagkakatulad ang hayop at tao. Una, sila ay parehong mga nilalang na may
buhay. Ikalawa, may natatanging pangangailangan ang tao at hayop – ito ay ang
pagmamahalan sa isa’t-isa. Ang pangatlo ay may kakayahan silang magparami.
Ang tao ay may isip upang alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Tayo rin ay
may puso upang makaramdam ng emosyon at kilos-loob na magpasiya at
isakatuparan ang ating pinili. Ito ang dahilan kung bakit tayo natatangi at naiiba sa
iba pang nilikhang may buhay.
Ayon sa aklat, “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may ispiritwal
na kakayahan, ang “intellect at will”
Makikita ang pagkakaiba ng intellect at will ayon sa tunguhin nito.
TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-
LOOB)
Tungkulin (function) Mag-isip (to think) Isa kilos (to act)
Hangarin/Layunin(Purpose) Malaman (to know) Pumili (to choose)
Kaganapan ng tao Kabutihan Ang katotohanan (truth) Kabutihan
(goodness)
Highest Human Fulfillment Karunungan(wisdom) Kabutihan bilang
upang umunawa birtud (virtue)
Pag-ibig (love)

Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa mundo. Ang
kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa
katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang
kilos-loob.
ARALIN 3-4: Paghubog ng Konsiyensiya Tungo sa Angkop na Kilos
LIKAS NA BATAS MORAL: Batayan ng Moralidad

“All I Really need to Know I learned in Kindergarten” – Robert Fulghum


“Huwag mandaya” “Huwag manakit ng kapwa” – Robert Fulghum
“Maghugas ng kamay bago kumain” - Robert Fulghum
“Matulog nang maaga!” – Robert Fulghum
“Mag-ingat sa pagtawid!” – Robert Fulghum

Batas Moral
 Likas na batas o natural law
 Kagandahang asal
 Batas ng Diyos

Dalawang (2) Uri ng Batas


 Batas ng Diyos (Batas moral/mula sa Diyos/Natural Law or Moral Law)
 Batas ng Tao (Gawa ng tao/Legal Law)

Ang Likas na Batas Moral


-ay tumutukoy sa mga batas na ipinagkaloob sa tao bilang tugon sa kanyang
pakikibahagi sa kabutihan at karunungan ng Diyos. Dahil sa batas na ito nagkaroon
ang tao ng kakayahang kilalanin ang Mabuti at masama.

Likas na Batas Moral


-naaayon sa Sampung Utos na nahahati sa dalawang katuruan:
1. Ang mahalin ang Diyos nang higit kanino man o ano
mang bagay
2. Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili

Ilang Prinsipyo na sinusunod ng tao sa pagpapatupad ng kaayusan sa lipunan


1. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama
2. Pangangalaga sa buhay
3. Pagiging responsible sa pagpaparami at pagpapaaral ng mga anak
4. Pagiging rasiyonal na nilalang sa pag-alam ng katotohanan at mabuhay sa
lipunan

APAT (4) NA KATANGIAN NG LIKAS NA BATAS MORAL


1. OBHEKTIBO – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa
katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan-ang Diyos. Naaayon
sa realidad at hindi nakabatay sa tao. Palagi itong umiiral dahil hindi
naapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.
2. Pangkalahatan(Universal) – sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon.
3. Walang Hanggan (Eternal) - Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas
na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito
ay permanente.
4. Hindi Nagbabago (Immutable) - Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura,
ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Hindi ito
mawawala hangga’t ang tao ay tao.
GUMAWA NG MABUTI AT TUMULONG SA KAPWA
Huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at
ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na
kinalulugdan ng Diyos.
(Mga Hebreo 13:16)
ARALIN 4: Paghubog ng Konsiyensiya Tungo sa Angkop na Kilos
Ano ang Konsensiya?
Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at
nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa
isang konkretong sitwasyon.
Ayon kay Agapay ang konsiyensiya ang pinakamalapit na batayan ng moralidad .
Ito ang bukod-tanging nagbibigay sa atin ng agarang hatol kung ang ating kilos at
ikikilos ay tama o mali. Angkop ang tungkulin ito sa pinagmulang salita sa Latin
na ang ibig sabihin ay “paglilitis ng sarili “.
Mga Uri ng konsiyensiya ayon kay Agapay
1. Tama o Totoong konsyensiya (Correct or True Conscience)
- Humusga sa mabuti at masama
2. Mali o Hindi Totoong Konsiyensiya (Erroneous or False Conscience)
- Humusga na ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti
3. Konsiyensiya Sigurado ( Certain Conscience)
- Base lamang sa sariling paniniwala
4. Konsiyensiya na hindi Sigurado ( Doubtful Conscience)
- Kalituhan sa pagpapasya kaya hindi agad makakilos.
5. Konsiyensiya Metikuloso ( Scrupulos Conscience)
- Sobrang takot makagawa ng masama kaya hindi na lang kumikilos
6. Konsiyensiya Insensitibo (Lax Conscience )
- Kawalang pakialam na alamin ang mabuti at masama
Ang pagkilala sa paghuhusga ng tama at mali ay dumaraan sa proseso o yugto
1. Alamin at naisin ang Mabuti
2. Kilatisin ang partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
3. Paghatol para sa mabuting pasya at kilos
4. Suriin ang sarili at magnilay
Pamamaraan upang mahubog ang ating konsiyensiya
1. Pagpapatalas ng kaisipan at pagsusuri ng tamang katwiran
2. Pagtanggap sa katotohanan ng buhay
3. Sikaping gumawa ng kabutihan at umiwas sa masama.
4. Sanayin at patatagin ang emotion.
5. Pumili ng taong makakatulong na malinang ang iyong mabuting katangian
6. Panatilihin ang matatag na pananalig sa Diyos.
Nilikha ka ng Diyos na likas na Mabuti. May kakayahang kang magisip at sundin
ang tama gamit ang konsiyensiya. Ang munting tinig na ito ang gagabay sa iyo
upang maisip ang Mabuti at masama tama o mali. Gamitin mo ito upang masuri
ang mga pasyang kinakailangang gawin.
ARALIN 5 at 6: Pagpapasya at pagkilos tungo sa Pagsasabuhay ng kalayaan
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino
Ang Kalayaan ay ang katangian ng kilos-loob na itinakda ng tao ang kanyang kilos
tungo sa kanyang maaring hantungan at itinakda ang paraan upang makamit ito.
Ayon kay E. Esteban
“ Ang Kalayaan ay paggawa ng mga gawaing nararapat upang makamit ang
pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kaniyang pagkatao”.
Sa Aklat na Mula ang Tao sa kanyang Moral at Espiritwal na Dimensyon
Ang tunay na Kalayaan ay maypananagutan kaya’t inaasahang ang bawat isa ay
nararapat na kumilos at mag isip nang may kabutihan.
Ayon sa Saligang Batas 1987 Artikulo 3
Ang Kalayaan bilang bahagi ng Katipunan ng mga Karapatan. Isinasaad dito na
hindi dapat alisan ng Kalayaan ang tao tulad ng sa pananalita o pagpapahayag,
paninirahan at iba pa.
Ang Kalayaan ay isang karapatan
Bagamat sinasabing ikaw at ang bawat isa ay Malaya o may karapatang gawin ang
gusto. Hindi dapat ito nakakalabag o makakaapekto sa Karapatan. Dahil dito ang
Kalayaan ay isang responsabilidad at pananagutan.
Mayroong dalawang uri ng kalayaan:
1. Panloob na Kalayaan.
- Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-
loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng
kilos-loob ang: a) kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang
kalayaang magnais o hindi magnais b) kalayaang tumukoy (freedom of
specification) – ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung alin ang
nanaisin
2. Panlabas na Kalayaan
- Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob.
Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito.
Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng
puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang
kanyang panlabas na kalayaan.
Paano ka nga ba nagkaroon ng Kalayaan? Kailan mo ito nakamtaan?
Sinasabing sa pagkasilang pa lamang sa iyo ay taglay mo na ang biyaya ng Diyos
ng kalayaan. Sinasabing sa aklat ng Genesis na Malaya ang tao na kainin ang lahat
ng bunga sa hardin ng Eden, maliban sa bunga ng punong-kahoy sa gitna ng
hardin.
Sa mga katagang ito, mababatid mo na nagtataglay ka ng Kalayaan, subalit huwag
mong kaligtaan ang bahagi na nagpapaalala,”… maliban sa – isang responsabilidad
o tungkulin.
Mga kalayaang dapat mong gamitin upang marating ang kaganapan sa pagkatao
1. Kalayaan ng Isip
- Ayon kay Clinton Lee Scott ang Kalayaan sa pagiisip ang simula ng lahat
ng Kalayaan.” sa malayang kaisipan nagsisimula ang paglikha sa mga
napakaraming bagay
2. Kalayaan ng Damdamin
- Walang sinuman ang maaring magdikta kung ano ang pwede at hindi
pwedeng maramdaman ng isang tao. Nakararamdam ka ng saya, lungkot,
takot, at pangamba. Kasama pa ang pagunawa at damdamin ng pagkaawa
sa ating kapuwa. Kasama na dito ang paghangad ng mga bagay at
pangangailangan na maaring Mabuti para sa sarili at sa iba.
3. Kalayaan ng mga Kilos o Asal
- Malaya man ang iyong isip, damdamin at kilos o asal hindi ito dapat
maging dahilan upang umabuso o lumabis sa paggamit ng espesyal na
kakayahan at Karapatan ito.
Mga Palatandaan upang malaman ang kung naging mapanagutan ka sa
paggamit ng kalayaan – Ayon kay Esteban
1. Kung naisaalangalang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang
kabutihang panlahat (common good).
2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya.
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral.
Ang tunay na Kalayaan ay may pananagutan kaya’t inaasahang ang bawat
isa ay nararapat na kumilos at mag isip nang may kabutihan.
ARALIN 7 at 8: Pagpapahalaga sa dignidad ng tao
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.‖ Kung ano ang
makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang
makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya. Bakit nga ba kaibigan? Sapagkat
siya ay iyong kapwa tao.
Dignidad o dangal
Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin
― karapat-dapat‖. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng
tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anuman
ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan,ay may dignidad.
May katumbas ito sa French na dignite. Nangangahulugan ito ng likas at hindi
kailangang paghirapang halaga ng tao.
Nagmula sa Diyos ang pagkakaroon mo at ng ibang tao ng dignidad.
Ito ay espesyal na handog na naayon sa pilosopiya ni Sto. Tomas de Aquino ay ang
pagkalikha sa tao ayon sa wangis ng panginoon. Bukod tanging mga tao lamang
ang binayayaan ng kakayahang mag isip at kumilos na may Kalayaan. Nauugat din
sa dignidad na ito ang maliwanag na katotohanan na ikaw ay natatangi, naiiba o
pambihira o unique sa Ingles.
May dalawang katotohanan kung bakit maaring ikaw ay natatangi o
pambihira
1. Unrepeatable o hindi na mauulit
2. Irreplaceable o hindi kayang palitan
Ang dignidad ay hindi katulad ng reputasyon

Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit
obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:
1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
- Halimbawa, sakabila ng kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao
ang magbenta ng sariling laman o magnakaw na nagpapababa ng
sarilingpagkatao. Sa kabilang dako, kailangan mong tandaan na ang
iyong kapwa ay hindi dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
- Karaniwang naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawinang
isang bagay ay makasampu mo muna itong isipin. Ano angmagiging
epekto sa iba ng iyong gagawin? Nararapat pa ba itong gawino hindi na?
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang
pakikitungo sa iyo.
- Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay na anumanggawin mo sa iyong
kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalangsa karapatan ng
iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan,
katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalagatungo sa mabuting pakikipag-
ugnayan.Ang mga ito rin ang nararapat na ipakita mo sa iyong kapwa.

You might also like