You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
ARALING
PANLIPUNAN 10
PANLIPUNAN 10
Migrasyon Dulot ng Globalisasyon:
Banta o Solusyon?
Migrasyon: Solusyon o
“Ako’y Mamamayan
Konsomisyon?ng Daigdig”

Ikalawang Markahan
Modyul 6

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng
globalisasyon.

0
PAANO GAMITIN ANG
MODYUL
Larawan mula sa: https://www.nicepng.com/maxp/u2e6y3r5e6q8y3q8

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na
gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik – tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag – alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

1
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://www.pinclipart.com/maxpin/hohRJ/

Napakahalagang bahagi ng pag-aral ng Kontemporaryong Isyu na maunawaan ang


tungkol sa migrasyon bilang esenyal na paksa sa pagsusuri ng mga napapanahong
Isyung Pang-ekonomiya. Naipaliwanag na ang mga konsepto ng globalisasyon at
migrasyon, sa pagtatapos ng pagtatalakay ng migrasyon, nararapat lang na
matukoy at maunawaang mabuti ang mga epekto at kaugnayan nito sa
globalisasyon. Iinog ang modyul na ito sa epekto ng migrasyon dulot ng
globalisasyon. Huwag nating kalimutan ang mga naunang paksa, ang (1)
globalisasyon at ang (2) migrasyon, dahil mahalaga ang mga natalakay dito sa
pagtukoy ng mga nasabing “epekto”.

Isaisip at isapuso ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto sa modyul na


ito ay:
Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot sa globalisasyon.

Ang modyul na ito ay naglalaman lamang ng isang pangunahing paksa, ang iba’t
ibang epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon. Sa pagtatapos ng modyul,
ikaw ay inaasahang:

 Natatalakay ang iba’t ibang epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon


 Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon
 Naisasaloob ang kahalagahan ng paggalang sa karapatan ng mga
migranteng dumaranas ng persekusyon
 Nakabubuo ng social media campaign na nagpapakita ng suporta sa mga
migranteng dumaranas ng persekusyon

Simulan na natin ang pagsusuri ng mga epekto ng migrasyon


dulot ng globalisasyon, tara, ‘tena!
UNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot, titik lamang ang isulat.

1. Pangunahing tanggapan ng United Nations na naitatag noong 1951 na


nangunguna sa pangangalaga sa kapakanan ng mga migrante.
A. World Health Organization (WHO)
B. United Nations International Children’s Emergency Fun (UNICEF)
C. Inited Nation’s International Organization for Migration (UNIOM)
D. United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR)

2. Suliraning pang-ekonomiya na kinakaharap ng isang bansa kapag ang mga


mahuhusay na propesyunal na manggagawa ay nangingibang bayan upang
magtrabaho.
A. Migrant workers
B. Professional workers drain
C. Workers deficit
D. Brain drain

3. Tumutukoy sa mga Pilipinong piniling mangibang bayan upang magtrabaho


A. Overseas Filipino Workers
B. Filipino Dual Citezenship
C. Pinoy Abroad
D. Migranteng Manggagawang Pilipino

4. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng hindi


makatotohanang pahayag.
A. Pinahihina ng pandarayuhan ang pamayanang iniwan
B. Nagdudulot ng paghahalo ng lahi kapag may pandarayuhan
C. Nakakaroon ng paghahalo ng kultura sa pamayanang tinirahan ng
mga nandarayuhan
D. Nanatiling puro ang kultura ng mga pamayanang pinuntahan ng mga
nandarayuhan

5. Ang penomenang naganap noong 1970’s na kung saan ang ang dating mga
kalalakihang nangingibang bayan upang maghanap-buhay ay napalitan ng
mga kababaihan.
A. Migration wave theory
B. Peminisasyon ng migrasyon
C. Economic depression
D. Globalization
Huwag masyadong mag-alala, ang naunang pagsusulit ay para
tayahin lang ang inyong mga kaalamang-iral (stock knowledge) hinggil
sa paksa, mapagyayaman pa ‘yan sa ating pagpapatuloy ng modyul.
Level-up na!
BALIK - TANAW
Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/box-question-mark-image-vector-13735934

Gawain 1: Larawan-Suri
Panuto: Unawaing mabuti ang mensaheng ipinapakita ng larawan, suriin
ito at sagutin ang pangprosesong tanong.

https://pulitzercenter.org/reporting/getting-know-overseas-filipino-worker-ofw

https://verafiles.org/articles/ofw-guide-how-make-every-remittance-count

https://ofwakoph2019.wordpress.com/

https://txausdeuxepektongmigrasyon.wordpress.com/

Pamprosesong Tanong:

1. Anong damdamin ang ipinapahayag ng mga larawan sa itaas?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Bakit tinatawag na mga “bagong bayani” ang mga Overseas Filipino Workers?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Bakit kailangang mangibang bayan ng ilan nating mga kababayang Pilipino?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-mrwef

Padala (remittance), pandaigdigang lungsod (global cities), pagbabago sa


antas ng densidad ng populasyon at mga pamayanang may iba’t ibang
oryentasyong kultural ay ilan lamang sa mga malinaw na epekto ng migrasyon
dulot ng globalisasyon.

Nauna na nating tinalakay ang konsepto at dahilan ng migrasyon, sa


bahaging ito susuriin natin kung paano nakakaapekto ang migrasyon dulot ng
globalisasyon, kung ang migrasyon ba ay higit na nakakabuti o nakakasama, ito
ba ay suliraning dapat bigyan ng solusyon, o oportunidad na dapat pagyamanin?

Simulan na natin!
Aralin Epekto ng Migrasyon Dulot ng
6 Globalisasyon

Sa naunang modyul ay inyong naunawaan ang konsepto, mga salik at


pangunahing dahilan ng pandarayuhan. Sa bahaging ito, suriin natin ang mga
epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

Paksa: Ang Epekto ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon


Ayon sa mga eksperto, ang konsepto ng “globalisasyon” ay halos 500 taon
nang patuloy na dumadaan sa proseso ng pagbabago. Mula sa kapitalismo sa
Europa noong ika-16 na dantaon hanggang sa hindi mapigilang paglago nito sa
pandaigdigang sistemang kapitalista sa buong mundo. Umigting ang globalisasyon
nang matapos ang Cold War higit 25 taon na ang nakakalipas.
Batay sa ating Learners Module (LM) ang kahulugan ng globalisasyon ay,
“ito ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang
higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa.” Samakatuwid, ang
globalisasyon ay may direktang ugnayan sa migrasyon dahil sa pandarayuhang
ginagawa ng tao, nagaganap ang pagbabagong panlipunan, kultural, ekonomiko
maging teknolohikal sa bagong lokasyong kanyang pinunthan.
Brain drain ang isa sa mga pinakamasakit na epekto ng pandarayuhan, ang
mga dalubhasa at mahuhusay na manggagawa ay nagpupunta sa ibang lugar
upang doon ay magtrabaho na kung saan ang naiiwang pamayanan ay
nagkukulang ng mga propesyunal. Sa pagtagal ng panahon, hindi lang mga
propesyunal ang nangingibang bayan, sumunod na rin ang mga skilled workers
kaya malaking hanay sa paggawa ang nawala na nagdulot ng pagkapilay ng
ekonomiya.
Pinahihina rin ng pandarayuhan ang kultura ng pamayanang iniwanan
(cultural degeneration) at maging ng nililipatan, nagdudulot ito ng (1) paghahalo ng
iba’t ibang kultura, (2) paghahalo ng mga lahi at (3) pagunlad at pagpapayaman ng
kultura at (4) pagsabay nito sa makabagong hamon ng panahon. Ang matandang
kultura na nakaugat sa sinaunag tradisyon, lahi at paniniwala ay unti-unting
natutunaw at umuusbong ang bagong kalinangan. Mas nagiging adoptable sa mas
makabago, mas malawak at pangglobal ang bagong kulturang nabuo.
Ayon naman sa UNIOM, iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatang pantao
ang nagiging epekto ng migrasyon, hindi nabibigyan ng sapat na proteksyon ang
mga taong nandarayuhan, hindi nabibigyan ng pantay na pagtingin sa lipunan at
higit sa lahat ay hindi naibibigay ang pundamental na karapatang dapat
tamasahin. Ito ay dahil sa ang bansang kanilang pinuntahan ay mayroon lamang
polisiya para sa kanilang mga mamamayan, may lumabis man, ito ay hindi sasapat
sa lahat ng mga migrante dahil ang pangunahing layunin ng estado ay maibigay
ang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.
Natatangi ang inilahad sa ating LM hinggil sa peminisasyon ng migrasyon,
sa pagpasok ng dekada 70. Unti-unting nagbagong anyo ang migrasyon, dahil sa
dating karamihan ay kalalakihan ang nangingibang-bayan upang magtrabaho,
naging kapansin-pandin din ang paglaki ng bilang ng mga kababaihang nagpunta
sa ibang bansa upang maghanap-buhay. Nagbukas ng mga bagong oportunidad
para sa mga kababaihan, may mga dating trabaho na panglalaki na inalok din sa
kababaihan. Hindi na naging limitado sa mga kalalakihan ang mga trabahong
industriyal. Karamihan sa mga trabahong pinasukan ng mga kababaihan ay mga
domestikado at klerikal.
Napakaraming naging epekto ng globalisasyon sa migrasyon, gaya ng
demograpikal, politikal, ekonomiko, kultural, pangkalikasan at teknolohikal ay ilan
lamang. Dahil sa globalisasyon kasabay ng migrasyon, milyun-milyong tao ang
napadpad sa iba’t ibang panig ng mundo na nagdulot ng hindi mapigilang pagtaas
ng populasyon, nabawasan ang lugar na pinanggalingan subalit lumipat lamang ito
at tumaas naman sa lugar na pinuntahan.
Gayundin, dahil sa paggalaw ng tao, naging hamon sa mga pinuno ng
estado na pag -ibayuhin ang mga polisiyang politikal hinggil sa mga hangganan at
ugnayang pandiplomatiko sa mga karatig na bansa. Kasabay nito, kailangang
mapatatag ang katayuang sosyo-ekonomiko ng mga mamamayan nang sa gayo’y
makasabay sa hamon ng makabagong ekonomiya.
Dahil na rin sa mabilis na pagdami ng tao at ang labis na pagtaas sa
demand ng mga pangangailangan ng mga tao, naging hamon ang panustos at
hindi na naisa-alang-alang ang kalagayan ng kalikasan. Nalapastangan ang
kalikasan dahil sa hindi tamang paggamit nito kaya nagdulot ito ng mga sakuna at
mga hamon gaya ng climate change. Naglipatan ang mga tao at naghanap ng mas
ligtas na lugar kung saan makakapamuhay ng mapayapa.
Sa nakalipas na dekada, ekonomiya ang panguhing dahilan ng
pandarayuhan, subalit nagbago ito sa pagpasok ng bagong dantaon. Ang
teknolohiya na ang naging pang-akit sa mga tao upang mangibang bayan. Naging
mas mabilis, mura, ligtas at makabago na ang paglalakbay. Pinabilis ng mga online
services ang kalakalan, palitan ng karunungan, komunikasyon at kabuhayan.
Sa naunang modyul, natukoy ang iba’t ibang uri ng mga migrante.
Pandaigdigang suliranin ang hindi mapigilang pagdami ng mga migrante sa iba’t
ibang panig ng daigdig lalo na ang mga migranteng galing sa Aprika na nagtungo
sa ilang bansa sa Europa. Kasabay ng pagdaming ito, nagsulputan ang mga
kaakibat na suliranin na kinakakaharap ng mga bansang pinuntahan ng mga
migrante. Limitado ang pambansang polisiya para mga migrante, hindi sakop ng
kanilang batas ang kapakanan at lingkuran para sa mga migrante. Sapat lang ang
mga trabaho para mga mamamayan, kung sakaling may mga darating na
migrante, hindi lahat ay magkakaroon ng trabaho, tataas ang bilang mga walang
trabaho. Dahil hindi legal ang pagpasok ng ilang migrante, hindi sila
makatatanggap ng sapat na panlipunan at pangkalusugang serbisyo. Dahil sa
pagbugso, maramihan at sunod-sunod na pagpasok ng mga migrante, lumiliit ang
espasyo para sa mga matitirahan, nagiging limitado o numinipis ang resources
dahil sa pagdami ng mga consumer. Dahil sa pagpasok ng mga dayuhang migrante,
hindi sapat ang bilang ng mga tagapagpanatili ng kapayapaan at seguridad,
tumaas ang bilang ng krimen gawa ng mga dayuhang migrante. Higit sa lahat,
naging malawakan ang paglabag sa karapatang pantao ng mga migrante, dahil sa
karamihan sa kanila ay iligal ang pagpasok, napipilitan silang tumanggap ng
trabaho na labis ang baba sa pamantayan ng estado, higit na mas mababa ang
sweldo, higit na mas mahaba ang oras ng trabaho, higit na mas mabigat, mahirap
at delikadong trabaho, minsan nakakaranas pa ng mga pisikal at sekwal na
pangaabuso at higit sa lahat, maraming migranteng namamatay ng hindi
nabibigyan ng hustisya. Ang pangangalaga sa karapatang pantao ay tungkulin at
nararapat na gawin ng ESTADO, ang pagpoprotekta sa tao ay para sa lahat ng TAO
na nasa bansa, maging ilegal o legal man ang pagpasok nito. Sapat na ang pagiging
tao ng isang migrante upang mapangalagaan at mapagyaman ang kanyang
karapatan. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga migrante ay dapat tignan bilang
isang “asset” hindi bilang “liability”.
Sa pangmalawakang pagsusuri, ang migrasyon ay may mabuti at hindi
mabuting dulot sa lipunan. Nakabubuti ito dahil; nalulutas nito ang suliranin sa
kawalan ng trabaho, napauunlad ang ekonomiya, napapaganda ang antas ng
pamumuhay ng tao, pinagyayaman katayuang panlipunan ng tao sa pamamagitan
ng pagkatuto ng bagong kultura, gawi at wika na nakatutulong sa pagbuo ng
magandang ugnayan sa kapwa, nabibigyan ng mas magandang edukasyon ang
anak ng mga migrante at pinababa ang population density at bilang ng mga
ipinapanganak.
Samantalang, ilan sa mga hindi magandang epekto nito ay; hindi pantay na
population distribution; pagliit ng bilang ng mga tao sa kanayunan na nagdudulot
ng pagbagal ng pag-unlad, pagdami ng bilang ng tao sa mga lungsod na
nagdudulot ng pag-uunahan sa trabaho, tirahan at paaralan, dahil sa malaking
populasyon nagkakaroon ng kakapusan sa mga likas na yaman at nagiging
limitado ang pagkakaloob ng lingkurang panlipunan, ang mga galing sa
kanayunan ay nahihirapan makisabay sa pamumuhay sa lungsod dahil sa
kanilang nakasanayan, karamihan sa mga galing sa kanayunan ay hindi sapat ang
tinapos na kurso at kulang sa kasanayan kaya nahihirapang maghanap ng
trabaho, binabago nito ang nakagawiang katangian ng pamilya at minsan ang mga
migrante ay naabuso.

Nailahad na ang pangunahing nilalaman ng aralin, sa


bahaging ito ay inaasahang may sapat ka ng kaalaman upang
maipapatuloy pa ang pag-aaral sa paksa, tara, level-up na ulit!
MGA GAWAIN
Larawan mula sa:
https://www.pinterest.ph/pin/392024342552301210

Gawain 1: Concept Map


Panuto: Para sa pagpapayaman ng kasanayan sa mapanuring pagiisip (critical
thinking), gamit ang thinking tool na ray map, tukuyin ang mga epekto ng
migrasyon dulot ng globalisasyon.

Epekto ng Migrasyon
Dulot ng
Globalisasyon

Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga epekto ng migrasyon ang maituturing mong pangunahing suliranin


ng ating bansa sa kasalukuyan? Magbigay ng ilang sitwasyon na magpapatunay.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paano nakaka-apekto ang migrasyon sa globalisasyon?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 2: Weighing Scale Map


Panuto: Para sa pagpapayaman ng kasanayan sa mapanuring pagiisip (critical
thinking), gamit ang thinking tool na weighing scale map, timbangin ang mabuti at
hindi mabuting epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

Mabuting epekto ng migrasyon Hindi mabuting epekto ng


dulot ng globalisasyon migrasyon dulot ng globalisasyon

https://www.vhv.rs/viewpic/hTxxxhhh_justice-weighing-scale-law-clip-art-weighing/

Pamprosesong Tanong:

3. Bilang pagsusuri, batay sa iyong pagtitimbang, alin ang mas higit na epekto ng
migrasyon? Ilahad ang iyong reaksyon tungkol dito.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
TANDAAN
Larawan mula sa:
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7H7
G6d3d3m2G6_freephotos-vector-images-
thinking-brain-machine-brain-clipart//
Huwag iwaglit sa isipan!

 Ang migrasyon ay direktang naapektuhan ng globalisasyon sa aspeto


ng ekonomiya, politika, kultura, pangkalikasan at teknolohiya.
 Ilan lamang sa mga epekto ng globalisasyon sa migrasyon ay brain
drain, cultural degeneration, paglabag sa karapatang pantao,
peminisasyon ng migrasyon at iba pa.
 Nakabubuti ang globalisasyon sa migrasyon dahil napapabuti nito
ang iba’t ibang suliranin sa ekonomiya, kabuhayan ng tao at
pinauunlad nito ang magandang ugnayan sa mga tao sa buong
mundo.
 Ilan naman sa mga hindi magandang dulot ng globalisasyon sa
migrasyon ay pagliit ng bilang ng mga tao sa kanayunan at paglaki ng
populasyon sa mga lungsod.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Gawain 3:
Maghanap ng isang balita online/ gumupit sa dyaryo na nagpapakita ng
epekto ng globalisasyon sa migrasyon. Sumulat ng talata bilang reaksyon
tungkol dito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https://www.hiclipart.com/free-
transparent-background-png-clipart-ogrow

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang pinakatamang


sagot, titik lamang ang isulat.

1. Tukuyin ang hindi mabuting epekto ng migrasyon.


A. Nilulutas ang kawalan ng trabaho
B. Itinataas ang antas ng pamumuhay
C. Hindi pantay ang population distribution
D. Pinagyayaman ang katayuang panlipunan.

2. Bakit higit na tumataas ang bilang ng mga kababaihang nangingibang


bayan.
A. Mas magaling magtrabaho ang mga kababaihan.
B. Mas maraming alam na gawain ang mga kababaihan.
C. Mas malinaw ang disposisyon at layunin ng mga kababaihan sa
pangingibang bayan.
D. Lahat ng nabanggit.

3. Ang mga iligal na nangingibang bayan ay nagbabakasakali na


makapagtrabaho kahit na ito ay pinagbabawal sa bansang kanilang
pupuntahan, alin sa mga sumusunod ang hindi nila nararanasan sa
trabaho?
A. Nakakaranas ng pisikal na pang -aabuso
B. Nakukuha ang trabaho ayon sa kursong tinapos.
C. Hindi nila natatanggap ang sweldong dapat nilang matanggap.
D. Nakakatanggap sila ng social security services mula sa bansang
pinuntahan.

4. Ang lahat ay hindi mabuting epekto ng migrasyon maliban sa isa.


A. Binabago nito ang nakagawiang katangian ng pamilya
B. Pinababa ang population density at bilang ng mga ipinapanganak
C. . Nahihirapan makapamuhay sa lungsod dahil hindi sanay sa kalidad
ng pamumuhay dito.
D. Pinaliliit ang bilang ng mga tao sa kanayunan na nagdudulot ng
pagbagal ng pag -unlad.
5. Bakit kailangang pangalagaan ang karapatan ng mga migrante na
naninirahan sa ibang bansa.
A. Lahat ng tao ay may karapatan.
B. Maaaring bumaba ang kalidad ng produksyon o serbisyo kung hndi
mapapangalagaan ng tama ang mga migrante.
C. Ang mga migrante ay hindi lang nakakatulong sa bansang
pinanggalingan, gayundin sa bansang pinagtatrabahuhan.
D. Lahat ng nabanggit.

SANGGUNIAN
Larawan mula sa
https://www.pngkit.com/view/u2q8w7y3e6y3a9r5_
books-clip-art-4-books-clipart/
Mga Aklat:
Antonio, Elanor D., et. al. (2017). Kayamanan Mga Kontemporaryong Isyu Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Lungsod ng Maynila: Rex Bookstore.
Department of Education (2016). Learner’s Module sa Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu.
Palispis, Epitacio S. (2008). Sociology and Athropology. Lungsod ng Maynila: Rex Bookstore.
Panopio, Isabel S., et. al. (19994). General Sociology Focus on the Philippnes. Lungsod
Quezo: Kent Incorporated.
San Juan, David Michael. (2018). Journeys Through Our Contemporary World. Lungsod
Quezon: Vibal Group, Inc.
Sanchez, Custodiosa A. at Agpaoa, Fe B. (2009). Contemporary Social Problems and Issues.
Lungsod ng Mandaluyong: National Bookstore.

Online Sources:
Mga Larawang Ginamit
1. https://pulitzercenter.org/reporting/getting-know-overseas-filipino-worker-ofw
2. https://www.randelltiongson.com/ofws-make-your-sacrifices-count/
3. https://verafiles.org/articles/ofw-guide-how-make-every-remittance-count
4. http://www.bayanmall.org/blog/overseas-filipino-worker-ofw-as-a-hero
5. https://ofwakoph2019.wordpress.com/
6. https://txausdeuxepektongmigrasyon.wordpress.com/

Mga Artikulong Pinaghalawan


1. United Nation – Migration: https://www.un.org/en/sections/issues-
depth/migration/index.html
2. UN IOM Key Migration Terms: https://www.iom.int/key-migration-terms#Environmental-
migrant
3. UN HR Migration and Human Rights:
https://www.ohchr.org/en/issues/migration/pages/migrationandhumanrightsindex.aspx
4. UN Population Fund Migration: https://www.unfpa.org/migration
5. Globalization 101 Economic Effects of Migration:
https://www.globalization101.org/economic-effects-of-migration/
6. Migration and Its Effects: https://www.toppr.com/guides/evs/no-place-for-us/migration-
and-its-effects/
7. Migration and Globalization – Forms, Patterns and Effects Thanos Dokos, Page 102 | Trilogue
Salzburg 2017: https://www.bertelsmann-
stiftung.de/fileadmin/files/Faktencheck/Leaders__Dialogues/Salzburger_Trilog_2017/7_Mig
ration_and_Globalization.pdf

Mga Youtube Links na Pinaghalawan:


1. Global Migration: https://www.youtube.com/watch?v=952A6ZNtRrs
2. Canging Word of Migrationhttps://www.youtube.com/watch?v=RMtI6UTWdi0
3. Tracking World Migration The Economist: https://www.youtube.com/watch?v=hcoOENLfpUI
4. World Migration Report: https://www.youtube.com/watch?v=2xcJ8zonWGg
5. Migrating to Oportunity: How to Improve Labor Migration in ASEAN:
https://www.youtube.com/watch?v=KeuNH0ovvtg

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor: Imee A. Mutia – Head Teacher III

Writer: Redentor A. Salonga, MT I


REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: _____________


Paaralan: _________________ Petsa:____________ Guro sa AP: ________________
Kwarter Blg: __________ Modyul Blg.: __________ Linggo Blg.: _________

Enhancement Activity Sheet


Gawain: Sanay-share: “I am Citizen of the World”
Magsulat ng maikling sanay na tema hinggil sa paksa: “Ako’y Mamamayan ng
Mundo” at sundin ang mga sumusunod na pamatayan.
1. Ang sanaysay ay nasa 200 hanggang 400 salita.
2. Susundin ang pagpupuntos na ito:
20 puntos kaugnayan sa paksa
5 puntos paraan ng paglalahad ng sanaysay
5 puntos teknikal istruktura ng sanaysay
30 puntos kabuuan
Gawain: Challenge Accepted
Para sa pagpapayaman ng kasanayan sa pagbuo ng pagkatao (character building),
gumawa ng isang social media campaign na nagpapakita ng suporta sa mga
migranteng dumaranas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso. Maaaring maging
kapareha ang naging kasama sa parehong gawain sa naunang modyul. Sundin ang
mga sumusund na panuntunan.
1. Maaaring ang social media campain ay sa anyo ng digital poster, power share ng
# hastag, position statement, maikling infomercial, maikling video, tik tok at mga
katulad nito.
2. Maaaring gawin ang campaign sa kahit anong social media platform.
. Susundin ang pagpupuntos na ito:
20 puntos linaw ng ipinahayag na suporta
10 puntos masining na paglalahad
Gawain: Wait lang! (Journal Reflection)
Pagnilayan natin ang kabuuan ng modyul na ito sa pamamagitan ng mga
mahahalagang katanungan sa ibaba, gamitin natin ang ating mga pandama upang
maibigay ang ating repleksyon sa gawain.

Natutunan ko na ________________________________________________________________
Ngayong nalaman ko, nais kong __________________________________________________
Naniniwala ako na _______________________________________________________________
Gusto kong ibahagi sa iba na ang _______________________________________________
Ang aking saloobin habang isinasagawa ang gawaing ito, salungguhitan ang sagot.
sa napiling emoticon sa ibaba.


You might also like