You are on page 1of 7

Araling

Panlipunan 10
Kagamitan ng Mag-aaral

Unang Linggo
Kahulugan at Kahalagahan ng
Pag-aaral ng mga
Kontemporaryong Isyu
Prepared by: Mrs. Maria Karen J. Madridejos

Checked by: Mrs.Minerva C. Agaran Approved by: Mr.Joselito B. Paelmo


Araling Panlipunan Baitang 10
MODYUL 1 UNANG MARKAHAN - Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya
Unang Linggo

Kahulugan at Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong


Isyu
Mga Kasananayang Pampagkatuto

 Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng
tao.
 Naipaliliwanag ang konsepto ng Konteporaryong Isyu
 Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at
daigdig

Overview

Kaliwa’t kanan ang mga isyu na nahaharap ng ating lipunan ngayon kaya dulot nito ay
nahihirapan ang mga iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa pagsolusyon sa bawat isa. At bilang isang
mamamayan ng ating bansa, naapektuhan tayo sa mga isyung ito gustuhin man natin o hindi. Sa
pang araw-araw nating pamumuhay, hindi maiiwasang malaman natin ang mga pangyayari sa
mundo kung kaya’t kailangan rin nating maging isang aktibong mamamayan na may pakinabang sa
ating inang bayan.

Huwag sana tayong magbingi-bingihan at bulag-bulagan. Alamin natin ang kontemporaryong


isyu upang makatulong sa kung ano man ang dapat paunlarin t maunawaang ipaliwanag ang ating
hamong kinakaharap sa kasalukuyan.

Unawain Natin

Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu

Maaaring mahalaw ang kahulugan ng konseptong konteporaryong isyu sa pag- ugat mismo sa
pinagmulang kahulugan ng dalawang salitang bumubuo nito: kontemporaryo at isyu.

Ang salitang kontemporaryo ay nangangahulugang “current o napapanahon. Kaakibat di ng


salitang kontemporaryo ang salitang kasalukuyan at uso. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino at UP
Diksiyonaryong Filipino ang kahulugan ng kasalukuyan ay “ ang panahon ngayon”.

Ang isyu ay anumang paksang pinag- uusapan at nakaaapekto sa mga tao. Ito ay bagay na
kadalasang tinatalakay at pinag dedebatehan.Sa madaling salita ang kontemporaryong isyu ay
tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion o paksa na tinatalakay sa kasalukuyang panahon.
Kaya meron tayong tinatawag na current issues. Ito ay kadalasang binabasa natin sa mga
pahayagan, napapanood sa telebisyon, napakikinggan sa radio at nakikita sa social media na
nkakaapekto sa buhay ng mga tao.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang pandemyang naging dahilan ng pagkamatay ng madaming
tao sa buong mundo, ang Corona Virus-2019 o mas kilala sa tawag na CoVid19.Halimbawa din ang
pagsasara ng ABSCBN na labis na nakaapekto sa buhay ng mga tao hindi lang sa mga manggagwa
nito kundi maging sa milyong milyong Filipino na nakatutok dito.Kasama din ang usapin patungkol sa
over population na nagdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan tulad ng kahirapan, kawalan ng
hanapbuhay at mga suliraning pang kapaligiran.

Kahalagahan ng Pag- aaral ng Kontemporaryong Isyu

Kasanayan sa Pag-aaral Kontemporaryong Isyu

Sa pag- aaral ng kontemporaryong isyu marami ang isinasaalang alang. Ito ay kung gaano ito
kahalaga, paano makaaapekto, sino-sino ang maapektuhan at kung paano maaaring tingnan ng mga
tao. Kaya meron tayong kasanayan sa pag- aaral ng kontemporaryong isyu:
Mga Kahalagahan ng Pagiging Mulat sa mga Kontemporaryong Isyu

1. Upang makaiwas sa masama o sa kapahamakan.

Ag pag- aaral ng kontemporaryong isyu ay makatutulong upang malaman at maunawaan ng


mga mamamayan ang ukol sa mahahalagang isyu, at kung kinakailangan ay umiwas o makabalikwas
sa ilang mga ipinagbabawal na gawain.

2.Upang makatulong.

Dahil mulat sa mga kontemporaryong isyu, ang isang indibidwal ay maaaring makatulong sa
kaniyang kapwa o sa lipunan. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng suhestiyon upang
masolusyunan ang isang kontemporaryong isyu o sa pamamagitan ng pagkilos, bunsod ng
pagkaunawa ng isang isyu.

3.Upang maaksiyunan ang dapat aksiyunan

Kung mulat ang mga tao sa, lalo na ang mga awtoridad sa mga isyu, maaaksiyunan ito ng
maaga upang ang epekto ay mabawaan, o mas mabuti kung ito ay tuluyang masusupil.

4.Upang mapahusay ang mga pagkakataon sa trabaho (employment opportunities)

Ang kompetisyon sa mga propeston sa local at global na pamilihan ay umiigting at lumalaki.


Napakahalaga kung gayon na magkaroon ng kahigitan sa ibang kakompitensiya sa pamamagitan ng
pagpapakita ng isang malawak na pang- unawa, halimabawa sa mga international affairs at current
events.

5.Upang makapagsimula o makabahagi sa makabuluhang diskusyon.

Ang mga mulat sa kontemporaryong isyu ay maaaring magsimula o makilahok sa mga


diskusyon, maging ito ay sa pagitan ng mga magkakaibigan, magkakatrabaho, o magkakasama sa
isang komunidad.

6.Upang makabuo ng matalinong opinion

Ang pagkakaroon ng sapat at wastong kaalaman sa mga kasalukuyang pangyayari ay


nagbibigay- daan upang makapagpasiya ang isang tao kung saan siya papanig hinggil sa mga
pangunahing isyu na nakaaapekto sa kanyang lungsod, rehiyon o bansa.

7.Upang maging bahagi ng pandaigdigang komunidad (global community)


Napapanahon nang maging mulat sa mga isyung may kinalaman sa globalisasyon.
Napakahalaga lalo na sa panahon ngayon na ikonekta ng tao ang mga tuldok sa mundong tila baga
nagiging napakaliit.

8.Upang maging maalam tungkol sa sa ibang kultura

Sa pamamagitan ng pagsubabay sa mga kasalukuyang kaganapan at kontemporaryong isyu,


magkakaroon ang tao ng pagkakataong baguhin ang kaniyang mga mapanghusgang pananaw at
alamin ang tungkol sa kung ano ang nangyayari sa mga internasyonal na komunidad

9.Upang nakapaghanda para sa paglalakbay

Mahalaga ang pag- aaral ng kontemporaryong isyu bilang bahagi ng tinatawag na basic safety
procedure. Bilang karagdagan, ang pagsubaybay sa mga balita at napapanahong isyu ay
nagkakaloob din ng mahalagang kaalaman ukol sa bansang pupuntahan, sa mga batas at tradisyon
nito, at sa mga tao rito na makasasalamuha ng mga bibisita roon.

10.Upang maingatan ang buhay at kapakanan

Ang pagiging mulat sa kontemporaryong isyu ay makapagliligtas sa tao sa tiyak na


kapahamakan.
PANGALAN:______________________________ SECTION____________

UNANG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10

Unang Linggo
Kahulugan at Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

Unang Gawain

Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1.Ano ang kahulugan ng kontemporaryong isyu?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2.Bakit mahalaga ang pag- aaral ng kontemporaryong isyu?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3.Ano ano ang mga kinaharap at kinakaharap na isyu ng ating bansa ngayong taon.Magbigay ng 2
na isyu.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Ikalawang Gawain

Ibigay ang iyong opinyon sa mga isyung kinahaharap ng ating bansa ngayon.

1.Patuloy na pagtaas ng kaso ng CoVid19 sa ating bansa.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2.Isyu patungkol sa mga bakunang panlaban sa COVID-19.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Ikatlong Gawain

Pabor o Hindi. Sagutin kung pabor ka o hindi sa isyung ibibigay.Ipaliwanag at magbigay ng opinyon
kung bakit ka pabor o hondi pabor sa isyu.

Isyu: Hindi pagkakaroon ng face to face class ngayong school year.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

_____________________ __________________
Lagda ng Magulang Petsa

You might also like