You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 4A- CALABARZON
Division of Laguna
LICEO DE PAETE
Paete, Laguna
AY 2019-2020

Pagsusulit sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Pangalan:______________________ Petsa_____________

I. Maraming pagpipilian (Multiple Choice)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Ito ang pare-parehong magsalita ang lahat na gumagamit ng wika.

a.homogeneous b.heterogeneous c.momogeneous d.geneous

2. Ito ang pagkaka iba iba ng wika.

a.homogeneous b.heterogeneous c.momogeneous d.geneous

3.Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng particular na pangkat ng mga tao mula sa isang particular
na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.

a.idyolek b.dayalek c.etnolek d.sosyolek

4.Barayti ng wika na sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroon pa ring pansariling paraan ng
pagsasalita ang bawat isa

a.idyolek b.dayalek c.etnolek d.sosyolek

5.Uri ng barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga
taong gumagamit ng wika.
a.idyolek b.dayalek c.etnolek d.sosyolek

6.Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito.

a.idyolek b.dayalek c.etnolek d.sosyolek

7.Ito ay barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya
sa sitwasyon at sa kausap.
a.pidgin b.register c.creole d.dayalek

8.Tawag sa umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na nobody’s native language o katutubong
wikang di pag-aari ninuman.

a.pidgin b.register c.creole d.dayalek

9.Tawag sa wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.

a.pidgin b.register c.creole d.dayalek

10.Natatanging bokabularyo ng particular na pangkat na may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain.

a.jejemon b.conoc c.gay lingo d.jargon

11.Ito’y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang knilang pagkakakilanlan kaya nman binago
nila ang tunog o kahulugan ng salita.

a.jejemo b.conoc c.gay lingo d.jargon


12.Ito ay isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihalo sa Filipino kaya’t masasabing code
switching ang nangyayari.

a.jejemon b.conoc c.gay lingo d.jargon

13.Ito ay nagsimula sa salitang “jeje”

a.jejemon b.conoc c.gay lingo d.jargon

14.Halimbawa ng kilalang tao na gumagamit ng idyolek.

a.Marc Logan b.Manny Pacquio c.Joshua Garcia d.Nadine Lustre

15.Buong pangalan ng inyong guro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


a.Maria Karen Madridejos b.Mary Karen Madrigal c.Marion Kaye Madrigal

II.Tama o Mali

Panuto:Isulat ang letrang T kung tama at letrang M kung Mali.

_____1.Ang pinaka diwa ng wika ay panlipunan.

_____2.Ang isang taong hindi nakikipag ugnayan o nakikisalamuha sa isang komunidad ay maaari
pading matutong magsalita.

_____3.Si M.A.K Halliday ang nag isa isa ng tung tungkulin ng wika.

_____4.Regulatoryo ang tungkulin ng wika kapag ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag ugnayan sa iba.

_____5.Instrumental ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pag control sa ugali o asal ng ibang tao.

_____6.Inter-aksional ay nakikita sa paraan ng pakikipag ugnayan sa tao sa kanyang kapwa.

_____7.Saklaw ng personal na tungkulin ng wika ang pagpapahayag ng opinion o kuro kuro ng iba
sa paksang pinag-uusapan

_____8.Ang tungkulin ng heuristikoay ang pag gamit sa pagkuha ng impormasyong may kinalaman
sa paksang pinag aaralan.

_____9.Kabaligtaran ng heuristiko ang impormatibong tungkulin ng wika.

_____10.Ang pagpapahayag ng damdamin ay gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya


sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

_____11.Saklaw ng panghihikayat naparaan ang pagpapahayag ng mga saloobin at damdamin.

_____12.Sa pamamaraang Phatic ginagamit ang wika upang makipag ugnayan sa kapwa at
makapag simula ng usapan.

_____13.Sa pag gamit ng kuro kuro pinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba
pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maparating ang mensahe at
impormasyon.

_____14.Sa pag gamit bilang sanggunian lumilinaw ang mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.

_____15.Saklaw ng patalinghaga ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng


panulaan prosa at sanaysay.

III.Sanaysay(Essay)

1.Bakit namamatay o nawawala ang isang wika?(10 puntos)

2.Ano ang pagkakaiba ng unang wika,pangalawang wika at ikatlong wika?(10 puntos)


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 4A- CALABARZON
Division of Laguna
LICEO DE PAETE
Paete, Laguna
AY 2019-2020

You might also like