You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Province of Misamis Oriental

Municipality of Tagoloan
TAGOLOAN COMMUNITY COLLEGE
Baluarte, Tagoloan, Misamis Oriental
Tel. No. (08822)740-835
Member: Association of Local Colleges and Universities (ALCU)
Member: Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation
(ALCU-COA)

Pangalan: _Jelyn P. Eduave_ Petsa: ___Oktobre 15, 2022___________________________

Kurso at Taon: _BEED 2A Student ID Number: ___20203298______________
Guro: LEONIESES J. KILATON, LPT.

MIDTERM EXAM 1st SEMESTER

KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG-AARAL NG WIKA
GAWAIN 1.1 Basahin at intindihin ng Mabuti ang bawat katanungan. KAHUNAN ang LETRA ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa pagsasama ng higit pa isang disiplina na nagmula sa iba’t-ibang larangan upang makabuo ng bagong pag-
aaral mula sa ibang displinang sinasaklaw.
a. Pragmatika b. Semiyotika
c. Semantika c. Interdisiplinaryong-lapit
2. Ito ay ang kakayahan ng isang tao na makapagsalita ng isa o higit pa sa dalawang lengguwahe.
a. Bilingguwalismo b. Multilingguwalismo
c. Monolingguwal d. Wala sa nabanggit
3. Ayon sa kanya , ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika na opisyal sa pakikipagtalastasan sa pamahalaan.
Ibig sabihin na ang wikang Pambansa o opisyal ang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon.
a. Virgilio Almario b. Manuel L. Quezon
c. Rafael Salas d. Ramon Magsaysay
4. Ito ay isang uri ng diyalekto na ginagamit ng mga indibidwal na mayroong mga wikang pangunahin na nagkakaiba-iba.
Tumutukoy ito sa medium na wika na ginagamit ng mga tao na may iba’t-ibang wika o first language.
a. Lingua Franca c. Creole
b. Pidgin d. Diyalekto
5. Anong wikang opisyal na dapat itinuturo sa sekondarya.
a. Ingles at Bisaya c. Tagalog
b. Ingles at Filipino d. Ingles at Tagalog
6. Ang lahat ay layunin ng multilingguwalismo maliban sa;
a. Tumatayong paraan ng pagtataguyod, pagpapanatili, at pangangalaga sa dibersidad ng kultura at wika sa buong mundo.
b. Makilala ang kahalagahan ng unang wika
c. Makapagbahagi ng personal na karanasan sa gamit ng unang wika sa kanilang pag-aaral.
d. Matukoy ang mga pag-aaral na tumatalakay sa kahalagahan ng unang at pangalawang wika.
7. Bakit gagamitin ang Mother-Tongue Based sa Paaralang Elementarya?
a. Upang hindi magkamali sa kanilang sagot sa lahat ng gawain.
b. Mas mapapadali ang proseso ng pakikipagkomunikasyon
c. Nagbibigay-daan sa isang bata na mas maipahayag ang kanyang sarili dahil sa walang takot na magkamali
d. Mas Madali ang kanilang interaksyon sa taong nakapaligid sa kanila.
8. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “semaino” na ibig sabihin ay _________.
a. Pagbibigay-diin c. Pagpapakahulugan
c. Nangangahulugan d. Pagbibigkas ng salita
9. Ayon sa kanya na ang semantika ay isang pag-aaral kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit
nito sa pangungusap o pahayag. Dagdag pa niya, ito ay ang proseso ng pag-iisip, kognisyon at konseptuwalisasyon.
a. Gonzales (1999) c. Tayag (2016)
b. Lydia Fer Gonzales d. Linako (2015)
10. Ito ay paraan ng pagpapakahulugan kapag ito ay nagtataglay ng mga emosyon o pansaloobing pahiwatig.
a. Denotasyon c. Konotasyon
b. Pagbibigay-diin sa mga Salita d. wala sa pagpipilian
Gawain 1.2 Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang.
____________11. Sangay ng lingguwistika na iinilalarawan bilang pag-aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga
gumagamit nito.
____________12. Ayon sa kanya ang semantika ay tinuturing na sentrong daluyan ngiba ’t-ibang larangan ng isipan at disiplina ng
pag-aaral tulad ng linggwistika, pilosopiya at sikolohiya.
____________13. Batay sa pagpapakahulugan ni __________, sa tuwing iba ang tono at antala ng sinasabi natin ay nagbibigay ito ng
ibang kahulugan para sa mga taong kausap natin.
____________14. ang semantika ay isang pag-aaral kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa
pangungusap o pahayag. Dagdag pa niya, ito ay ang proseso ng pag-iisip, kognisyon at konseptuwalisasyon. Ang semantika rin ay ang
sentro ng pag-aaral sa komunikasyon.
____________15. Ito ay ang pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita.
____________16. Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhektibung kahulugan ng mga termino. Tumutukoy din ito sa
literal napag papakahulugan sa mga salita. Madalas itong tinatawag na “dictionary meaning ” na ang ibig sabihin ay tahas, aktwal,
tiyak o tuwirang kahulugan.
____________17. isang dalubwika, tinatawag niya ang denotasyon ng “core meaning”, sapagkat ito ay may paniniyak at walang
pasubali: kinikilala, tinatanggap at sinasang-ayunan ng mga tao.
____________18. Ito ay patungkol sa kombinasyon ng isang disiplina sa isang disiplina.
____________19. Nagmula sa salitang latin na"lenggwahe" na ang ibig sabihin ay dila.
____________20. Wikang Pambansa ng Pilipinas.

GAWAIN 1.3 Ibigay ang mga sumusunod na hinihingi.

1-3 Tatlong Prinsipyo ng Edukasyon ng UNESCO sa Multilingguwal na mundo.
4-5 Dalawang (2) dimension sa pagpapakahulugan sa isang salita
6-10 Magbigay ng limang (5) lugar at wikang katutubong ginagamit nito.

GAWAIN 1.4 Bigyang ng sariling pagpapakahulugan ang mga sumusunod na mga pahayag.

1. Ayon kay Gonzales (1999), ang semantika ay isang pag-aaral kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit
nito sa pangungusap pahayag.
____________________________________________________________________________________________________________

2. Ayon naman kay Tayag (2016), ang semantika ay isang pag-aaral kung paano ang isang salita ay masusuri at mabibigyan ng
pagpapakahulugan. Saklaw nito ang pag-aaral na may kaugnayan sa relasyon o ugnayan ng mga salita sa isang pangungusap.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

3. Ang konotatibo ay ang pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
4. Batay kay Porter G. Perrin, isang dalubwika, tinatawag niya ang denotasyon ng “core meaning”.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
GAWAIN 1.5 Ibigay ang konotasyon at denotasyon ng mga salita . Isulat sa kahon.

Salita Konotasyon Denotasyon

1. butas ang bulsa

2. bukas ang palad

3. Ilaw ng tahanan

4. Haligi ng tahanan

5. Nagbibilang ng Poste

GAWAIN 1.6 Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Bakit gagamitin at ituturo ang mother-tongue sa Paaralan?

2. Maituturing ba na Mother Tongue ang wikang Ingles?

“Magsimula kung nasaan ka.

Gamitin mo kung anong meron ka.
Gawin mo ang kaya mo.”
- Arthur Ashe
Mga Sagot:
GAWAIN 1
1. D Interdisiplinaryong-lapit
2. A
3. B
4. A
5. B
6. B
7. C
8. C
9. A
10. C

GAWAIN 1.2
11. Pragmatiks
12. Lydia Fer Gonzales-Garcia
13. Linako (2015)
14. Gonzales (1999)
15. Denotasyon
17. Porter G. Perrin
18. Interdisiplinaryong-lapit
19. Wika
20. Filipino
GAWAIN 1.3
1-3. Tatlong Prinsipyo ng Edukasyon ng UNESCO sa Multilingguwal na mundo.
 Sinusuportahan ng UNESCO ang pagtuturo ng katutubong wika bilang isang paraan ng pagpapabuti ng kalidad ng
edukasyon sa pamamgitan ng pagbuo sa kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral at guro.
 Sinusuportahan ng UNESCO ang bilingual/multilinggual na edukasyon sa lahat ng antas ng eduksyon bilang isang paraan ng
pagtatataguyod ng parehong panlipunan at pagkakapantay-pantay ng kasarian at bilang isang pangunahing elemento sa
magkakaibang lingguwistika na lipunan.
 Sinusuportahan ng UNESCO ang wika bilang mahalagang bahagi ng intercultural na edukasyon upang mahikayat ang
oagkakaunawaan sa pagitan ng iba't ibang pangkat ng populasyon at matiyak ang paggalang sa mga karapatan.

4-5 Dalawang (2) dimension sa pagpapakahulugan sa isang salita

 konotasyon/konotatibo
 denotasyon/denonatibo.

6-10 Magbigay ng limang (5) lugar at wikang katutubong ginagamit nito.

 Pampanga - Kapampangan
 Iloilo - Hiligaynon
 Ilocos- Ilokano
 Pangasinan- Pangasinense
 Samar - Waray
 Cebu- Cebuano

GAWAIN 1.4
1. Ang semantika ay kung paano natin nabibigay ng kahulugan o interpretasyon ang isang salita o konteskto sa ginagamit nito na
pahayag. Nabibigyan natin ng kahulugan ang salita iung iuugnay natin ang ibat't ibang pangyayari, karanasan, at kaalaman na tungkol
sa ipinahahayag na salita.
2. Pagsusuri sa kahulugan ng isang salita o sa matalinghagang salita, masusing pag-aaralan ang lubusab na kahulugan nito gayundin
ang paggamit nito sa pangungusap.
3. Ito ay nababatay sa kahulugan ng pahayag at sa nagpapahayag at tagapakinig. Ito rin qy tumutukoy sa ekstrang kahuougan na
ikinakabit sa isang salita depende sa intentsyon ng nagsasalita o sumusulat.
6. Ito ay literal na kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo at salitang ginagamit sa pangkaraniwan o simpleng pahayag.

GAWAIN 1.5

1. butas ang bulsa Walang pera May butas ang bulsa

2. Bukas ang palad Matulungin Nakabukas ang kamay

3. Ilaw ng tahanan Ina Ilaw na nasa kisame

4. Haligi ng tahanan Ama Pundasyon ng bahay

5. Nagbibilang ng poste Walang trabaho Nagbinilang ng poste

GAWAIN 1.6
1. Bakit gagamitin at ituturo ang mother-tongue sa Paaralan?
Ang sariling wika ay nagbibigay daan sa isang bata na madaling maipahayag ang kanyang sarili dahil walang takot na magkamali.
Hinihikayat ng MLE ang aktibong pakikilahok ng mga bata sa proseso ng pag-aaral dahil naiintindihan nila kung ano ang tinatalakay at
kung ano ang tinatanong sa kanila. Sa paggamit ng Mother Tongue at pagkatuto ng isang mag-aaral, dahil nauunawaan na niyang
mabuti ang wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo, maiisip na magiging madali sa kanila ang paggamit ng mataas na lebel ng
kasanayang pangkaisipan sa mga gawaing pasalia at pasulat. Nakapag-iisip siya ng malalim sa wikang kaniyang nauunawaan at higit
siyang nakapagsusuri at nakapagpapahayag.
2. Maituturing ba na Mother Tongue ang wikang Ingles?
Oo, kung ikaw ay naninirahan sa Amerika o sa isang bansa na ingles ang kinalakihan o unang wikang ginagamit. Subalit hindi
matatawag ang ingles na mother tongue kung ikaw ay naninirahan sa bansa na may sariling wika kinalakihan. Kayaga ng Pilipinas na
may iba't ibang wikang nakapaloob.

You might also like