You are on page 1of 20

Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao

Departamento ng Senior High


Osmeña Drive, Lungsod ng Kidapawan

Antas ng Kakayahang Komunikatibo sa Wikang Filipino ng mga


Mag-aaral sa Senior High School sa Dalubhasaan sa Gitnang
Mindanao

Isang Panukalang Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Senior High School


sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao
Bilang Bahagyang Pagtupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang
Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Familgan, Joseph L.
Lariosa, Christine Joy B.
Oberio, Rolando Jr. A.
Paligutan, Lady Lyka B.
Sumale, Camille F.

Marso 2018
Panimula

Mabilis na nagbabago ang panahon. Patuloy na umuunlad ang

teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong ito, nagbabago

rin ang wika at ang lipunan. Ang wikang Filipino at ang lipunang Pilipino ay

kaagapay ng penomenong ito. Bilang isang wikang buhay, patuloy ang mga

mauunlad na pagbabago ng Filipino. Ilan sa mga wikang banyaga na

nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan at ang pag-aambag mula sa ating

wikang katutubo. Bukod dito, ang wika natin ay umaagapay rin sa mga

pagbabago sa lipunan. Kailangan nitong magbago upang umangkop sa mga

intelekwalisadong disiplina (Barnales et. al., 2016)

Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at pakikipag-

unawaan sa kapwa. Napakahalaga ng pakikipagtalastasan sa buhay ng isang

tao. Sa lahat ng larangan ng buhay, kinakailangan ang pakikipagtalastasan.

Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkaka-unawaan at nagpapalit-palitan ng

iba’t ibang ideya, saloobin at damdamin sa ibang tao. Sa punto ng

pakikipagtalastasan, kinakailangang unawain ang mga kakayahang

komunikatibo. Parte nito ang apat (4) na komponent, ito ang gramatika,

sosyo-lingguwistik, strategic at diskorsal (Heramia, 2017). Sa komponent na

diskordal, nababatid na ang diskurso ay may kinalaman sa pagsasalita at

pagtatalumpati. Marapat lamang na sabihin na ang diskurso ay isang

pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t ibang paksa, pasulat man o pasalita. Dahil

sa diskurso, maraming nalaman ang mga tao mula sa mga taong

nagsisipagsulat ng kani-kanilang mga akda at gayundin sa mga taong

nakikipagpalitan-tugon sa pamamagitan ng pagsasalita sa kanilang kausap


(English, 2007). Samantala, ang kakayahang strategic naman ay ang paraan

ng paggamit ng mga “coping” o “survival strategies” upang punan ang

limitado o imperpektong kaalaman sa tuntunin sa wika at kontekstong saso-

kultural para sa maayos na komunikayon at binibigyang kakayahan ang

nagsasalita na gumamit ng mga senyas o di berbal na hudyat upang

maipahiwatig ng maayos ang mensahe. Ang sosyo-lingguwistik naman ang

tawag kung pinapakita ang ugnayan ng wika at lipunan ang kaangkupan ng

gmait ng isang wika batay sa iba’t ibang konteksto. Lahat ng nabanggit na

komponent ay nakabatay sa wika bilang kasangkapan sa sosyalisasyon. Sa

madaling sabi, ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa

maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon,

pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan (Agbones

et. al., 2016).

Dulot nito, tungkulin ng pananaliksik na ito ang sukatin ang antas ng

kakayahang komunikatibo sa wikang Filipino ng mga ilang mag-aaral.

Kabahagi rin nito ay alamin din kung buhay at ginagamit pa ba ng mga mag-

aaral ang wikang Filipino sa pakikipag-usap o sa pakikipagtalastasan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang

antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na tatayong

respondente gamit ang ating sariling wika.


Bilang pagtitiyak, inaasahang matutugunan ang sumusunod na mga

layunin:

1. Matukoy ang demograpikong propayl ng mga respondente ayon

sa;

1.1Edad

1.2Kasarian

2. Matukoy ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-

aaral gamit ang Wikang Filipino ayon sa apat na komponent:

1.1 Gramatikal

1.2 Sosyo-lingguwistik

1.3 Istratedyik

1.4 Diskorsal

Kahalagahan ng Pag-aaral

Hinahangad ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kakayahang

komunikatibo ng mga mag-aaral sa SHS sa paggamit ng wikang Filipino sa

Dalubhasaan sa Gitnang Mindanano. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na

ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, sa mga guro, sa

mga magulang, sa administrasyon ng paaralan, sa mga mananaliksik at iba

pa.

Sa mga mag-aaral, makatutulong ang pag-aaral upang sila ay

magkaroon ng kamalayan tungkol sa kung gaano sila kasanay sa

paggamit ng wikang Filipino bilang gamit sa pakikipagkomunikasyon at

bilang gamit rin upang magka-intindihan.


Sa mga guro, nakatutulong ang pag-aaral na ito, upang matulungan

ang mga mag-aaral na maipalago ang kanilang kakayahan sa

pakikipagkumunikatibo gamit ang Wikang Filipino.

Sa mga magulang naman, makatutulong ang pag-aaral na ito upang

maimpluwensiyahan rin sila na gamitin ang ating sariling wika sa

kanilang pakikipagkomunikasyon.

Sa administrasyon ng paaralan, makatutulong ang pag-aaral na ito

upang malaman rin nila na ang wikang Filipino ay hindi lang ginagamit

sa pakikipagkomunikasyon kundi ito rin ay ginagamit bilang

pagkikilanlan sa pagiging maka-Pilipino.

At sa mga mananaliksik, sa susunod na henerasyon ay pwede itong

gamitin upang maging gabay at batayan tungkol sa pag-aaral sa antas

ng kakayang komunikatibo ng mga mag-aaral gamit ang wikang

Filipino.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagtukoy sa antas ng kakayahang

komunikatibo gamit ang wikang Filipino. Saklaw nito ang pagsusuri sa apat

(4) na komponent; ang Gramatikal, Sosyo-lingguwistik, Diskorsal at

Istratedyik.

Limitado lamang ang pag-aaral na ito sa mag-aaral sa Senior High

School sa Dalubhasaaan sa Gitnang Mindanao sa Lungsod ng Kidapawan

bilang tatayong respondente. Gamit ang “Yamane’s Formula”, matutukoy ng


mga mananaliksik kung ilang respondente ang kailangang kunin para sa pag-

aaral na ito.

Konseptual na Balangkas

Ito ay isang ilustrasyon na kung saan ay naglalarawan sa ugnayan ng

dalawang baryabol.

Malayang Baryabol Di- malayang Baryabol


Antas ng kakayahang
komunikatibo
Mag-aaral
 Gramatikal
 Sosyo-lingguwistik
 Istratedyik
 Diskorsal

Kahulugan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod na mga terminong ginamit sa pag-aaral ay

binigyang kahulugan upang ganap na malinaw at madaling maunawaan ng

sinumang babasa.

Wika- masistemang balangkas ng sinalitang tunog na pinipili at isinasaayos

sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang

kultura. (Henry Gleason, 2000)

Kakayahang Komunikatibo- tumutukoy sa abilidad ng pagpapahayag ng

ideya sa pamamagitan ng pasulat, pasalita, o pagkilos.

Kakayahang Gramatikal- tumutukoy sa komponent na kung saan

binibigyang kakayahan ang nagsasalita upang epektibong maibatid


ang dapat na ipabatid gamit ang angkop na mga salita ayon sa tamang

balarila.

Kakayahang Sosyo-lingguwistik- tumutukoy sa komponent na nagbibigay

kakayahan sa nagsasalita na gamitin ang mga angkop na salita ayon

sa sitwasyon at lugar kung saan ginagamit ang wika.

Kakayahang Diskorsal- tumutukoy sa komponent na kung saan ay

nagbibigay kakayahan na pagsasasamahin ang mga salita, parirala, at

mga pangungusap upang makabuo ng isang makabuluhang teksto.

Kakayahang Istratedyik- tumutukoy sa komponent na nagbibigay

kakayahan na gamitin ang di-berbal at berbal na paraan upang maibait

ng maayos ang mensaheng nais na ipabatid.


MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa

pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t

ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan

ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at

pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o

uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan (Baldon,

et. al., 2014).

Ang wika ay maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin

at gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o sa

ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang

pangkomunikasyon (Bernales, et. al., 2016). Bilang isang ispesipikong

lingguwisktik na konsepto, ang wika ay tumutukoy sa mga tiyak na

lingguwistik na sistema ang kabuuan ay pinangalanan ng tiyak na katawagan

tulad ng Ingles, Prances, Aleman, Nighonggo, Mandarin, Filipino at iba pa. Ang

salitang Ingles na “Language” ay mula sa salitang Latin na “lingua” na ang

ibig sabihin ay dila.

Sa kabilang banda, ang mga eksperto sa wika ay may kanya-kanyang

deskripto at paliwanag. Ang wika ay masisitemang balangkas ng sinalitang

tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga

taong kabilang sa isang kultura, ito ay ayon kay Henry Gleason (sa

Tumangan, et. al., 2000). Ayon naman kay Archibald Hill, sa kanyang akda na

What is Language?, ayon sa kanya na ang wika ang pangunahin at


pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao (Tumangan, et.al,

2000).

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan

ng kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at

magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay

mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang

ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-

talastasan ng bawat mamamayan (Agbones et. al., 2016).

Ang wika sa makabagong panahon ay nagbabago at umuunlad, ang

mga kabataan ngayon ay madami ng diyalekto ang alam at ginagamit upang

magkakaintindihan at isa na dito ang paggamit ng wikang Filipino. Wika ang

dahilan kung bakit tayo ay nagkakaintindihan at nagkakaisa. Gumagamit na

din tayo ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o

paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo

ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na

nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod

na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan

nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit

noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas magandang

bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang

paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na

karaniwang ginagamit ng mga kabataan (Baldon, et. al., 2014).

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbabago sa ating

ekonomiya lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas


maraming barayti ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga

panibagong lenggwahe katulad nalang ng mga ginagamit ng bakla na

kadalasang tinatawag na “beki language”. Marami nang nadulot na

impluwensiya ang mga pagbabagong ito lalong-lalo na sa mga kabataan.

Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligod sa ating kabataan ngayon, nalipat

na ang kanilang atensiyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o

mahalaga, nakakalimutan na nila ang pangunahing kaalam kagaya ng

wastong paggamit na mga salita at kahalagahan ng bagbibigay importansiya

at pagtangkilik sa ating sariling wika, ang wikang Filipino (Agbones, et. al.,

2016).

Marami ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na

pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa

Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang

nasususlat dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang

pangigibabaw ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglsih

o paghalo ng Filipino at Ingles (Santos, 2008).

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng

mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin

sa pamamagitan ng pagsasalita. Isa rin itong likas na makataong pamaraan

ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan

ng isang paraan na lumilikha ng tunog at kabuuan din ito ng mga sagisag sa

paraang binibigkas. Isang mahalagang instrumento ang wika sa

komunikasyon. Nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng

kaalaman, mithiin at nararamdaman sa lahat ng aspeto ng pag-iiral sa ating


pang-araw-araw na pamumuhay. Ang wika ay nalilinang ang kakayahang

komunikatibo ng isang mag-aaral (Porter, 2009). Sa pasalitang diskurso,

mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay

naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang

sosyal habang nagaganap ang diskurso kaya’t mahalaga rin ang kakayahang

komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at sa

taong kausap upang makamit ang layunin. Nagbabago ang anyo at

pamamaraan ng diskurso maging ang daloy nito depende sa konteksto ng

diskurso. Ang konteksto ay tumutukoy sa oras, espasyo at maging ang taong

kasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng diskurso ay nararapat na

pagtuonan din ng pansin dahil maaaring makaapekto ito hindi lamang sa

daloy ng komunikasyon kundi maging ng kalalabasan nito (Peralta, 2015).

Ang soso-lingguwistong kakayahan ay pinapakita ang ugnayan ng wika at

lipunan ang kaangkupan ng gamit ng isang wika batay sa iba’t ibang

konteksto at ang wika rin ay maituturing na gamit o kasangkapan sa

sosalisasyon. Ukol sa kakayahang komunikatibo, mahalagang malaman kung

kalian tayo magsasalita, ano ang pag-uusapan, sino ang kakausapin, saan at

sa paanong paraan. Kakayahang istratedyik naman ang tawag kung ito ay

ang paraan na kung saan ay gumagamit ng mga “coping” o “survival

strategies” upang punan ang limitado o imperpektong kaalaman sa tuntunin

sa wika at kontekstong sosyo-kultural para sa maayos na komunikasyon. Ito

rin ay nagsasabi na walang perpektong kaalaman ang nagsasalita sa

kanyang wika at nagkakamali minsan nang hindi namamalayan. Wika ang

ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at pakikipag-unawaan sa kapwa.

Napakahalaga ng pakikipagtalastasan sa buhay ng isang tao. Sa lahat ng


larangan ng buhay, kinakailangan ang pakikipagtalastasan. Ito ang dahilan

kung bakit tayo nagkaka-unawaan at nagpapalit-palitan ng iba’t ibang ideya,

saloobin at damdamin sa ibang tao. Simula ng tayo ay nasa mababang

baitang pa lamang ay itinuturo na sa paaralan ang iba’t ibang gramatika at

bokabularyo ng wikang Filipino. Bagama’t ginagamit natin ito sa pang-araw-

araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan, maraming Pilipino pa rin ang

hindi alam ang wastong paraan sa paggamit nito (Heramia, 2017).

Ayon kina Michael Canale at Merril Swain, ang kasanayan sa

pakikipagkomunikasyon ay mayrooon ding mga komponent, ito ang

gramatikal, sosyo-lingguwistik, diskorsal at ang istratedyik na kung saan ay

nabibigay ng kakayahan sa tagapagsalita na maging sanay sa pagsasalita,

Gramatikal, ito ay ang komponent na kung saan ay nagbibigay kakayahan sa

nagsasalita upang maging epektibo sa pakikipagtalastasan gamit ang angkop

na mga tuntuning pang-gramatika. Mahalaga ang komponent na to sapagkat

ang nagsasalita ay batid niya ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit

ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang

pagbigkas pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang

komponent na ito ay nagsasaad kung ano ang angkop na salita ang gamitin

sa pagsasalita o sa pakikipagusap. Sosyo-lingguwistik ang tawag naman sa

komponent na kung saan ay nagbibigay kakayahan sa nagsasalita na gamitin

ang angkop at tamang salita na naaayon sa okasyon, sitwasyon ay sa

kontekstong sosyal. Susunod na komponent ay ang diskorsal na kung saan

nagbibigay kakayahang sa nagsasalita na gumamit ng mga salita upang

pagsamasamahin ang mga salita, pariral at mga pangungusap upang ang

kanyang pakikipagkomunikasyon sa ibang tao ay maging epektibo at


makabuluhan. Ang panghuling komponent ay ang strategic, ito ang

komponent na kung saan ay nagbibigay kakayahan na magamit ang berbal at

di-berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at

maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang sa

komunikasyon. Sa pamamagitan ng mga komponent na ito ay maging mas

epektibo, makabuluhan, at mataas ang posibilidad na magkakaunawaan ang

mga tao na ginagamit ang wika para sa pakikipagkomunikatibo.

Pangunahing Palagay

Sa pag-aaral na ito, ipinapalagay ng mga mananaliksik na sa paggamit

ng ating sariling wikang Filipino, ang mga mag-aaral sa departamento ng

Senior High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao ay may mataas na

antas ng kakayahang komunikatibo ayon sa apat (4) na komponent.

METODOLOHIYA
Sa kabanatang ito, dito malalaman kung ano ang mga ibat-ibang

paraan na ginamit upang maisagawa ang pag-aaral na ito. Sinasakalaw ng

kabanatang ito ang disenyo ng pag-aaral, lokal na pag-aaral o saan gaawin

ang pag-aaral, pamamaraan as pagpili ng sampol, mga respodente,

instrumentong ginamit sa pag-aaral, mga paraan sa pagtipon ng mga datos

at pag-aanalisa ng mga datos na nakuha.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay diskriptibong pag-susuri upang

malaman ng mga mananaliksik ang antas ng kakayahang komunikatibo ng

mga mag-aaral sa Senior High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Dalubhasaan sa Gitnang

Mindanao sa Lungsod ng Kidapawan. Ang pag-aaral na ito ay nagsimula sa

ikalawang semestre ng taong pampaaralan 2017-2018.

Pamamaraan sa Pagpili ng Sampol

Pagkatapos malaman ang bilang ng mga respondente, gagawa ng

talaan ng mag-aaral ang mga mananaliksik na naglalaman ng mga pangalan

at bilang na itinalaga sa bawat respondent sa layon ng loteryang pagpipili.

Ang mga Respondente


Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa Senior

High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao. Sila ay kikilalanin sa

pamamagitan ng paggamit ng pormula ni Slovin (1960).

Base sa resulta ng kompyutasyon, ang pananaliksik ay

nangangailangan ng 296 na mga respondente mula sa tinatayang 1,138 na

bilang ng populasyon.

Instrumentong Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey-kwestyuner. Ang

talatanungang ito ay susuriin at iniinterpret ang mga pananaw ng mga

respondente hinggil sa isang paksang usapin.

Paraan ng Pagtitipon ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gagawa ng liham upang humingi ng

pahintulot sa Punong Guro ng Senior High School sa Dalubhasaan sa Gitnang

Mindanao na kung saan inaasahan pagsasagawaan ng pag-aaral. Ang

pagbibigay ng sarbey-kwestyuner sa mga respondente ay gaganapin tuwing

bakanteng oras na mga mananaliksik. Pagkatapos, ang sarbey-kwestyoner ay

kokolektahin ng mga mananaliksik at ang mga nakulektang mga datos o mga

impormasyon ay ia-analisa at iinterpretahin ng mga mananaliksik.

Tritment ng mga Datos

Ang mga datos o impormasyong nalikom o nakuha ay i-aanalisa at

bibigyang interpretasyon ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik sa

pag-aaral na ito ay gagamit ng mga grapiko at mga istatistikal na

pamamaraan upang maging maayos na maipaliwanag ang magiging resulta


ng pag-aaral na ito. Ang unang layunin ay gagamit ng “mean” at “frequency”

habang ang ikalawa naman ay gagamit ng “percentage”.

Antas ng Kakayahang Komunikatibo sa Wikang Filipino ng mga Mag-


aaral sa Senior High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao
Talatanungan:
Pangalan: (optional): ____________________________________________
Edad: __________ Kasarian: ___________
Tandaan: Ang pag-aaral na ito ay may layuning sukatin ang antas ng
kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa Senior High School sa
Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao sa paggamit ng Wikang Filipino. Ang
anumang sagot sa talatungang ito ay mananatiling kompedinsyal at tanging
gagamitin lamang layon sa pag-aaral na ito.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) para malaman namin ang iyong mga sagot.

Pananda:
4- lubos na sumasang-ayon 2- hindi sang-ayon
3- sang-ayon 1- lubos na hindi
sumasang-ayon

4 3 2 1
A. Gramatikal
1. Bago ako magsasalita, sinisiguro ko muna na tama
at angkop ang mga sinasabi kong mga salita upang
maintindihan nang maayos ng aking kausap ang
aking mga sinasabi sa kanya.
2. Ako ay nakikipag-usap na may wastong diin at may
tamang pagbigkas upang hindi mabigyan ng ibang
kahulugan ang aking mga sinasabi.

3. Pinag-uugnay ko ang mga salita nang tama at


wasto upang maging malinaw ang aking
pagpapahayag.

B. Istratedyik 4 3 2 1
1. Upang buksan ang usapan, ako ay kakaway na
siyang nangangahulugan na ako ay nagsabi sa
kanya ng “hi”.
2. Upang punan ang salitang hindi maipahayag ng
aking dila at upang mas maintindihan ng aking
kausap ang aking sinasabi, gumagamit ako ng mga
hiram na salita.
3. Para malaman na hindi ko nauunawaan ang
sinasabi ng aking kausap, ako ay umiiling-iling.

C. Diskorsal 4 3 2 1
1. Kapag ako ay naiintriga sa isang isyu, ako ay
nakikipagdebate at nangangatwiran upang mas
maipahayag ko nang maayos ang mga nais kong
sabihin.
2. Upang mas maipaliwanag ko nang maayos ang
aking sinasabi, inilalahad ko ang ideya, kaisipan at
impormasyon sa epektibong paraan na kung saan
ay; una binibigyan kong kahulugan ang ideya nais
kong ipahayag, ikalawa, pinag-iisa-isa ko ang mga
impormasyon at panghuli ay isinasaayos ko ito
batay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
3. Kapag ako ay nakikipagdiskurso, itinutuon ko sa
iisang paksa lamang at hindi na nalilipat pa sa
ibang usapin.

D. Sosyo-Lingguwistik 4 3 2 1
1. Bago ako magsasalita, binibigyan kong
konsiderasyon kung sino ang aking kinakausap
upang malaman ko rin kung ano ang tono ng
pagsasalita na aking gagamitin. Halimbawa:
pormal na tono ng pagsasalita ang aking
ginagamit kapag kausap ko ang aking guro.
2. Kapag ako ay nagsasalita, ang ginagamit kong
wika ay ang wika na kung saan ay maiintindihan ng
aking kinakausap.
3. Mas naipapahayag ko ang lahat ng aking gustong
sabihin, saloobin at mga opinyon kung ang gamit
ko na wika ay ang wikang aking nakasanayan.

Talasanggunian

Galing sa aklat:
 Bernales, R. et. al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino.

 Salvaña, H. (2009). Wikang Pilipino: Instrumento sa Mabisang

Komunikasyon at Panturo sa Wika at Panitikan.

Mga kaugnay na pag-aaral:

 Agbones, V. et. al. (2016). Ang Wikang Pilipino sa Makabagong

Panahon.

 Basa, R. (2015). Kahalagahan ng Wika sa Makabagong Panahon. Sa

https://www.scribd.com/doc/283519064/Kahalagahan-ng-Wika-sa-

Makabagong-Panahon

 Cortes, J. et. al. (2016). Sitawasyong Pangwika sa Kabataan sa

Kasalukuyang Panahon. Sa

https://www.scribd.com/document/328528881/Thesis-Sitwasyong-

Pangwika-Sa-Kabataan-Sa-Kasalukuyang-Panahon

Internet:

 http://alikadtalastaswika.blogspot.com. Naibalik noong ika-16 ng

Pebrero taong 2018.

 http://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatut

ulong_sa_ekonomiya. Naibalik noong ika-16 ng Pebrero taong 2018.

 http://varsitarian.net/filipino/20140821/pagpapalawig_sa_kaalaman_sa_

wika. Naibalik noong ika-16 ng Pebrero 2018.

 http://varsitarian.net/filipino/20170808/pagbabago-at-pagkakaisa-abot-

kamay-sa-tulong-ng-wika. Naibalik noong ika-16 ng Pebrero taong

2018.
 http://www.scribd.com/doc/283519064/Kahalagahan-ng-Wika. Naibalik

noong ika-16 ng Pebrero taong 2018.

 https://prezi.com/svk0gygrxse/kakayahang-sosyolinggwitiko/

 https://prezi.com/wnk3rfhlolwq/ang-kakayahang-estrategik/

 https://www.scribd.com/doc/22462360/Ang-Wika-Ay-Isang-Bahagi-Ng-

Pakikipagtalastasan. Naibalik noong ika-25 ng Pebrero taong 2018.

 Irenepearltperalta.blogspot.com. Naibalik noong ika-26 ng Pebrero

taong 2018

 thelance.letran.edu.ph/Home/ReadMore/70. Naibalik noong ika-25 ng

Pebrero taong 2018.

You might also like