Professional Documents
Culture Documents
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
NG MGA PILIPINO
MAHALAGANG
TANONG
Bakit mahalagang hindi
lang basta makapagsalita
kundi makagamit ng
tamang salita at tama
ring gramatika kapag
nakikipag-usap tayo sa
iba?
ALAM MO BA?
Isinilang siya sa
Portland, Oregon,
United States, noong
Hunyo 7,1927.
ALAM MO BA?
Bachelor’s Degree in
Literature and
Anthropology sa Reed
College noong 1950
Ph.D in Linguistics
noong 1955
ALAM MO BA?
Naging propesor sa
University of Virginia
mula 1987 hanggang
magretiro siya noong
1998
Bago siya nagturo roon
siya ay nagturo rin sa
malalaking paaralan sa
Amerika;
ALAM MO BA?
HARVARD UNIVERSITY
UNIVERSITY OF
CALIFORNIA, BERKELEY
UNIVERSITY OF
PENNSYLVANIA KUNG
SAAN SIYA NAGING
DEKANO NG
GRADUATE SCHOOL OF
EDUCATION
ALAM MO BA?
Siya ay yumano noong
Nobyembre 13, 2009 sa
edad na 82 dahil sa
komplikasyong dala ng
sakit na Alzheimer’s
ALAM MO BA?
Di tulad ng ibang
lingguwistang si
Noah Chomsky na
ang interes sa pag
aaral ay abstrakto
ALAM MO BA?
pagsasalita ng wika
kakayahang umunawa
makagamit ng tamang salita o
wika sa angkop na
pagkakataon lalo na sa mga
awtentikong sitwasyong hindi
sila sinanay.
Nararapat kung gayon na ang
pagkatuto ng wika sa mga silid-
aralan ay maiangat mula sa
pagkilala lang sa gramatika
upang mapalawig, maiugnay, at
magamit sa mga aktuwal na
sitwashon sa totoong mundo o
sa tunay na buhay, pasalita man
o pasulat.
Dito lamang
magkakaroon ng
kahulugan at
kabuluhan ang mga
araling pangwika
dahil nakita at
nagamit ng mga mag-
aaral sa awtentikong
sitwasyon.
Mula rito’y matatanim sa
kanilang isipan ang kahalagahan
ng mga ito hindi lang para sa
darating na pagsusulit kundi
para sa pangangailangan sa
pakikipagtalastasan maging sa
mga panahong wala na sila sa
loob ng silid-aralan.
Upang umabot sa ganitong uri ng
pagkatuto ay mangangailangan
nang higit na partisipasyon ng
mga mag-aaral sa mga gawaing
lilinang ng makrong kasanayan
tulad ng pagsasalita, pagbasa,
pakikinig, at pagsulat.
Ang mahusay na klasrum
pangwika ay yaong may
aktibong inter-aksiyon sa
pagitan ng guro at ng
estudyante, at estudyante sa
kanyang kapwa estudyante.
-Cantal-Pagkalinawan (2010)
isang propesor sa Hawaii
Ang guro ang nagsisilbing
tagapatnubay/facilitator lamang
sa iba’t ibang gawaing
pangkomunikasyon.
Sa inter-aksiyon ng mga
estudyante sa kapwa
estudyante, kailangang
bigyan sila ng pantay na
pagkakataong makilahok
sa iba’t ibang gawain
upang malinang ang kani-
kanilang kakayahan.
Makatutulong nang malaki ang
pagsasagawa ng mga
awtentikong pagtataya tulad ng
pagsasagawa ng mga gawaing
pangkomunikatibong aktuwal na
nangyayari sa totoong mundo o
buhay,
pagbuo ng malikhain at
makabuluhang pagpapahayag
gamit ang wika sa tula, maikling
kuwento, pagtatanghal, FlipTop,
Pick-up lines, at iba pang gawaing
lilinang sa kakayahan nilang
makipagtalastasan.
Komponent ng
Kakayahang
Pangkomunikatibo
(Kakayahang Lingguwistiko o
Gramatikal)
Isang bahagi ng
kakayahang
pangkomunikatibo ang
kakayahang lingguwistiko o
kakayahang gramatikal.
Sa mga naunang framework o
modelo ng mga lingguwistang
sina Canale at Swain (1980-
1981) may tatlong komponent
silang iminungkahi.
Ang mga ito’y ang:
kaalaman at kakayahang
gramatikal
sosyolingguwistiko
istratedyik
Sa sumusunod na bersyon
ng nasabing modelo, si
Canale (1983, 1984) ay
nagsalin ng ilang elemento
mula sa kakayahang
sosyolingguwistiko para
mabuo ang ikaapat na
komponent, ang
kakayahang diskorsal.
Sa aralaing ito ay
tatalakayin muna natin ang
unang komponent;
ang kakayahang
lingguwistiko o gramatikal
Sinabi nina Canale at Swain
(1980, 1981) na ang
kakayahang lingguwistiko
ni Chomsky (1965) ay
kapareho lang ng
kakayahang gramatikal.
Kaya naman, ang iba
pang mga dalubwikang
gumamitng modelo nina
Canale at Swain tulad ni
Savignon (1983) ay
tumukoy na rin sa
kakayahang
lingguwistiko bilang
kakayahang gramatikal.
Ayon kina Canale at Swain, ang
kakayahang gramatikal ay pag-
unawa at paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaks,
semantika, gayundin ang mga
tuntuning pang-ortograpiya.
Ang komponent na ito ay
magbibigay kakayahan sa
taong nagsasalita upang
magamit ang kaalaman at
kasanayan sa pag-unawa at
pagpapahayag sa literal na
kahulugan ng mga salita.
Mungkahing Komponent ng
Kakayahang Lingguwistiko o
Kakayahang Gramatikal
(Celce-Murcia, Dörnyei, at
Thurell (1995))
Sintaks
-pagsasama ng mga salita upang
makabuo ng pangungusap na may
kahulugan
>Pagkilala sa mga:
-Content words (pangalan,
pandiwa, pang-uri, pang-abay)
-Function words (panghalip, mga
pang-ugnay tulad ng pangatnig,
pang-ukol, pang-angkop)
> Konotasyon at denotasyon
> Segmental
-Katinig, patinig, tunog
> Suprasegmental
-Diin, intonasyon, hinto
Ortograpiya
Narinig at naunawaan
Gayumpaman, kahit parehong
may kontribusyon ang
nagsasalita at tagapakinig
sa hindi pagkakaunawaan,
madalas na mas matindi ang
nagawa ng isa sa kanila.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ni
Sannoniya (1987), ang
tagapagpakinig ay nakapagbibigay
ng maling interpretasyon sa
narinig kahit hindi naman ito ang
ibig sabihin ng kanyang kausap
base sa kanyang inaasam,
inaakala, kalagayang emosyonal,
at personal na relasyon sa
nagsasalita.
Dito makikita ang higit na
pangangailangan sa pagkakaroon
ng kakayahang pangkomunikatibo
partikular ang kakayahang
sosyolingguwistiko upang
maiwasan ang mga hindi
pagkakaunawaang nag-uugat sa
pagbibigay ng maling pakahulugan
sa sinabi o sa narinig.
Mga Dapat Isaalang-
alang sa Epektibong
Komunikasyon
Ayon sa lingguwistang si Dell
Hymes, magiging mabisa lamang
ang komunikasyon kung ito ay
isasaayos, at sa pagsasaayos ng
komunikasyon, may mga bagay
na dapat isaalang-alang.
Ginamit ni Dell Hymes
ang SPEAKING bilang
acronym upang isa-
isahin ang mga dapat
isaalang-alang upang
magkaroon ng
mabisang
pakikipagtalastasan.
Binuo niya ang modelo
upang makatulong sa
pagsusuri ng diskurso.
SPEAKING
I (INSTRUMENTALITIES)- Tsanel o
midyum na ginamit, pasalita o
pasulat. Dapat isaisip ang midyum
ng pakikipagtalastasan. Iniaangkop
natin ang tsanel na gagamitin sa
kung ano ang sasabihin natin at
kung saan natin ito sasabihin.
SPEAKING